CHAPTER SIX
Ilang araw rin ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam ko. Para bang may mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Hindi rin ako nagkakakain at halata ang pagiging apektado. Maging sina papa at ate Eva ay napansin ang pagiging matamlay ko.
This is the mere fact everyone doesn't think about. When one talks about bravery, among all professions, policemen, firefighters, armies will be on the prior list. No one thinks of the doctors and nurses, when in fact, they really take too much courage to do their jobs. Each passing day, they deal with tons of patients and do their best to prolong people's lives. They take care of the citizens' health and help them survive longer, but they still can't avoid misfortune. No matter how hard they try, time will come their patients die. They'll be the first ones to be blamed by the patients' family without even asking why didn't the patient survived. Without a small consideration for their efforts through the patients' time with them. Sa tuwing isang pasyente ang mamamatay, hindi lamang ang kanilang kaanak ang nagluluksa. Apart from them, we're all affected too, because once in our lives, we spent time with them, we cared for them, we loved them. They became part of our lives afterall. We're not doing all of this because it is our job, but we want to, and we care for them.
I sighed, feeling the same emptiness for three consecutive days. Hindi ko mapigilan ang magkaroon ng emotional breakdown every once in a while. Nagpatuloy ako sa pagpasok at internship ko pero palagi akong wala sa sarili. Hindi mabilang na sermon na rin ang narinig ko mula kay Sir Lapaz saying it's all normal, that we can't stop death. He also reminded me to learn how to handle situations like this. That I have to easily move on from a patient's death. Si Sir Lester naman ay hindi ako kinakausap since that day. Nagkikita at nagkakasalubong kami pero normal strangers lang ang kilos namin. He's not talking but his looks are enough to say that he's not good about it. As for Dhaeny, she never stopped cheering me up. She even took over of some things for me. Kita ko ang effort niya para mabawasan ang mga gawain ko. Nag-lie low rin siya sa pakikipag-asaran pero 'di pa rin mawala ang kadaldalan.
6pm, naglalakad na ako pabalik sa room at mag-aayos na ng gamit para umuwi nang napadaan ako sa kwarto ni Zach. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sinilip ko kung kamusta siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita si Dhaeny at Zach na nag-uusap. Mahinang tumatawa si Dhaeny at halatang nagpa-pabebe.
"Kailan ka pa naging ganyan tumawa, gaga?" Tanong ko at naglakad papasok. Lumingon sila at napangiti si Zach.
"Ngayon lang. Hindi ba p'wede magbago ng tawa sa ngalan ng pag-ibig?" Sagot niya at binalik ang tingin kay Zach.
Napailing lang ako.
"Kamusta?" Sabay naming sambit ni Zach dahilan para matawa kami.
"Bakit mo naman ako kinakamusta? Eh ikaw nga 'tong pasyente," saad ko at umupo sa katabing upuan ni Dhaeny.
"I heard you're having sessions of emotional breakdown. Okay ka na?" Tanong ni Zach at kita ko ang concern sa mga tingin niya.
"Hmm, anong magagawa ko? Hindi naman ako makakabuhay ng patay," sagot ko at mahinang tumawa. "Just accept the fact na lahat may katapusan,”
Tumango si Zach na tila sumasang-ayon.
"Anyway, ano ginagawa niyo bago ako dumating?" Tanong ko at napatingin si Dhaeny.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya at saka nagsalita.
"Ikaw ha, love at first sight ka pala kay Zach,"
Nanlaki ang mata ko at si Zach naman ay tumawa.
"At saang bibig ng chismosa mo naman nakuha iyang impormasyon na iyan?" Tanong ko kay Dhaeny at binatukan ito.
"Aray ko naman. Kinwento ni Zach. Tumitibok pa pala at naghuhugis heart ang mata mo 'pag nakikita mo siya ha," asar pa ni Dhaeny.
"Ikaw Zach! Kung hindi ka lang pasyente, gagawin kitang isa," sambit ko.
Kita ko ang pag-improve ng kalagayan niya. Nakakatawa na rin siya at kasabay na ngumingiti ang mga mata nito.
"Sige na, Cindy. Stop denying," hirit pa ni Zach.
"Eh kung sakalin ko kayong dalawa nang sabay? Hindi naman talaga ako nagka-crush sayo," depensa ko.
"Wait nga lang, sino talaga ang nagsisinungaling?" Tanong ni Dhaeny.
"Siya!" Sabay naming sagot ni Zach dahilan para matigilan kami.
"No. Ganito kase yan Miss Kulot. When w--" paliwanag ni Zach.
"Teka. Akala ko ba alam mo na pangalan ko?" Dhaeny cut him off.
"I find it more comfortable, Miss Kulot, so hayaan mo na," tuloy ni Zach.
"Why so naughty, baby? Ehe!" Pabebeng sabi ni Dhaeny.
"When we were young, I went here and decided to transfer school kasi before, sobrang tamad ko pumasok," panimula ni Zach na parang hindi pinansin ang sinabi ni Dhaeny. " It was dad's decision but two weeks later, mom called and told dad to bring us back to Manila kase hindi raw niya kaya na malayo kami ni kuya sa kaniya,"
Nakatingin lang kami ni Dhaeny. Nakangiti at nakasalo sa baba niya ang gaga.
"I first saw her and even teased her about the pepper thing. Later that night, I met her twin na akala ko siya. Fast forward, before going back to manila, she approached me and said she has a crush on me." Zach said and winked at me. "Now, tell me who's lying? You even shouted na crush mo 'ko. I know every detail of the past," saad niya at ngumisi na parang nang-aasar.
"Sure ka?" Tanong ko.
Tumango si Zach.
"Paanong mangyayari ang so called confession ko? Eh last meet natin nung nagpakilala ka," saad ko at itinaas ang kilay ko.
"Wait, wait, wait," pagsingit ni Dhaeny at nanliit ang mata habang nag-iisip.
"D-don't tell me..." Zach stuttered.
I snapped.
"That's it!" Bulalas ko at ngumisi.
"Ahh! Kairita!" Wika ni Zach at kumakamot sa ulo.
Si Dhaeny ay tumawa lang ng tumawa.
"Why didn't I realize it? Ahhh!" Inis na sambit ni Zach.
Lumabas na kami ni Dhaeny at iniwan si Zach. Puzzled. Nakangiting naglalakad kami ni Dhaeny sa hallway at hindi namin mapigilan mapangiti.
"Gurl, spokening dollar iyan before," wika ko at napatingin naman si Dhaeny.
"Spokening dollar?" Tanong niya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa hitsura niya.
"English speaking gaga," paliwanag ko. "Mabuti nga nagtatagalog na iyan kahit papaano,"
"Dahil sa’yo," sagot ni Dhaeny at binilisan ang lakad.
Napabilis din ang lakad ko at pilit hinabol si Dhaeny.
"Sa’kin?" Tanong ko.
"Huwag nga ako, ginang Valerie," pang-aasar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam kong alam mo," sambit niya.
I was just looking at her confused.
"He had a crush on you," bulong niya at tuluyan akong iniwan.
Tumuloy kami sa room at kinuha ang gamit namin. 6:30, palabas na kami. Pinili namin mag-hagdan dahil 2nd floor lang naman. Besides, hindi na kami gumagamit ng elevator since the tragic day. Nagpasama pa si Dhaeny sa restroom bago kami tuluyang lumabas. Akmang bubuksan na namin ang glass door nang may tumawag sa amin. Nilingon namin ito at nakita ang hinihingal na si Sir Lapaz. Pawis na pawis ito at halatang pagod na.
"Miss Wright! Miss Scrimgeour!" Tumigil kami ni Dhaeny at hinintay siya makalapit. "Kanina ko pa kayo tinatawag but you weren't looking back."
"Mukha siyang hinihingal na monay," bulong ni Dhaeny.
"Anyway, since bukas ang last day ng On Job Trainees, tomorrow will be a medical mission," hingal nitong paliwanag.
"Po? Medical mission?" Tanong ni Dhaeny.
"Yes, for those typhoon victims. Madami ang nagkaka-diarrhea at kung ano-anong sakit. That'll be at the evacuation area. I'll be sending the address through e-mail. Be sure to get there at 7 am. Maraming gagawin, be prepared. Kayo ang mag-aasikaso, hindi kayo ang magpapaasikaso,"
"Ooh, cool," manghang bulong ni Dhaeny.
"Challenging though," bulong ko rin sa kaniya.
"But that challenge will be worth it. On Saturday, 7pm, you'll have graduation party. I'll be there, as well as the other doctors who guided you, and also Mr. Parkinson," sambit ni Sir Lapaz at bakas ang saya sa pananalita niya.
Nagpalitan kami ng tingin ni Dhaeny at napangiti.
"Feel excited? 'Wag masyado, baka mausog, hindi matuloy," biro ni Sir Lapaz at nagtawanan kami.
Magpapaalam na sana kami nang may magsalita mula sa likuran ni Sir Lapaz.
"Sir Lapaz!" Lumingon kaming tatlo at nakita si Sir Lester na lumalakad palapit. Nakablue itong polo at puting coat na bumalot sa kaniya.
"Mr. Parkinson?"
"Oh, you were talking? Sorry. I'll just be around," wika nito at akmang tatalikod na nang magsalita si Sir Lapaz.
"No, actually kakatapos lang. Nasabi ko na din ang about sa graduation party since wala sila kanina nang mag-announce ako,"
"Graduation party?" Sir Lester clarified.
"Yup. Better be looking for a good suit this early," biro ni Sir Lapaz.
"No, I mean, that is why I was looking for you. There are two interns who won't be able to attend the party," malamig na sambit ni Sir Lester.
Nagkatinginan kami ni Dhaeny.
"W-why so?" Tanong ni Sir Lapaz.
"Due to their violations. And those two interns stand right at your back," sambit pa ni Sir Lester at ngumuso para ituro kami.
As expected, nabingi ako sa rants ni Dhaeny hanggang sa makasakay sa jeep. Nang mapansin niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao at hindi ko sya pinakikinggan, tumigil na rin siya.
Hindi kami kasama sa party. Ang saya, shet. Mayroon pa kaming additional one week as interns. Chill na lang ang mga batchmates namin pero kami nagt-training pa din. Ang galing miss Wright. Ano na lang sasabihin ng papa mo?
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalsak ng earphones. Tinodo ko ang volume ng phone ko at sinabayan ang kanta. Ilang minuto akong nakadapa at nakasubsob nang 'di ko na namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako, alas tres ng umaga. Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Naka-uniform pa ako at nakasapatos. Magulo ang buhok ko at para ang tinderang nalugi. In-open ko ang phone ko at nakita ang flood messages mula kay Dhaeny. Nakapagtataka, hindi siya mahilig mag message maliban na lang kung may nakita siyang meme at ini-screenshot niya then sinend sakin. Isa pa, tamad mag-type ang gaga.
Inopen ko ang conversation namin at nagulat sa sunod sunod na umiiyak na emojis. Nag-scroll up ako hanggang sa makarating sa first message nya that night.
Cindyyyy huhuhu
Pinalayas ako ni dadddd
Huhuhu
Tulungan mo ako
Ayokong makain ng mga uwak. Sunduin mo ako.
Gaga ka, kung kailan ka kailangan saka hindi ka mahagilap. Pag nakita kita sasabunutan kita hanggang sa magka-poknat ka
Huy, andito ako sa labas ng bahay nyo.
Wait kita dito hanggang sa mabasa mo message ko.
Letse ka nilalamok na ako.
At napakaraming tambak ng umiiyak na emojis. Chineck ko kung anong oras siya nag-message. 9pm. Patay ako. Tumakbo ako pababa ng bahay at umaasang nanatili siya sa labas, ngunit wala. Sino ba naman ang maghihintay roon na walang kasiguraduhan. Nagbuntong hininga ako at pumasok na 'ko sa kwarto.
Nireplyan ko na siya pero sineen lang ako. Nag-open ako ng facebook at naunang bumungad ang status ni Dhaeny.
Saan po p'wede magpaampon? Yung may wifi sana.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa pero dahil anak ako ng mga dwendeng pula, nangibabaw ang tawa ko. Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon at binantayan na lamang ang buwan at mga ulap. May mga lumilipad ding mga ibon ngunit kakaunti ang mga ito.
Maaga akong nagpunta sa evacuation area at hinanap si Dhaeny. Sa kapal ng bilang ng tao ay nahirapan ako maghanap. Nang magsimula ay hindi ko pa rin siya makita. Nang mag-break ay tiningnan ko ang attendance ng mga interns at nakitang wala siyang pirma. Hindi pumunta ang gaga. Tampo mode, kunwari maganda..
Nang magsimula muli ang medical mission nang hapon ay dumating ang mayor ng bayan at namigay ng relief goods. Maayos na naman ang lagay ng panahon ngunit may ilang lugar ang may baha pa rin.
"Kagalang-galang na Yshmael Wilson," dinig kong anunsyo ng isang lalaki na sinundan ng palakpakan ng mga tao.
Nagsimula ang mayor sa pagsasalita at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Ngunit napukaw ang pandinig ko nang marinig ang sinabi ng mayor.
"Isinama ko rin po ang aking anak. Siya po ay nag-aral sa Massachusetts nang sampung taon at inilipat namin dito sa Pilipinas para saan pa ba? Kun'di maglingkod sa bayan. Isa po siyang graduating nurse. Masaya kong ipinakikilala sa inyong lahat ang aking anak, Charlotte Levanie Wilson,"
Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko. That girl na hindi marunong magluwa ng bubblegum? Trash talker? Anak ng mayor?
Ilang minuto rin nagpacute sa publiko si Charlotte at saka lumapit sa akin.
"Where's your friend trash?" Mataray na tanong nito habang ngumunguya ng bubblegum.
"Enlighten me, ilang araw na iyang bubblegum sa bibig mo?" Sagot ko at napaismid siya.
"Ooh, trying to mess with me. Be warned, you're alone, wala ang kaibigan mong pugad," sambit niya at pinaputok ang bubblegum.
"Sipain pa kita kasama ng alagad mong bugok," pag-trashralk ko pa.
"Kargador talaga!" Pag-epal ng babae sa likuran nya na nakabraces.
"Kinakausap ba kita babaeng mukhang horseshoe?" pag-asar ko at kita kong nainis siya.
"Hindi ka talaga nahihiya ano? Ayan si mayor oh?" Sabat naman ng babaeng maiksi rin ang palda at nakalugay ang mahabang buhok.
"Mayor kupit? Massachusetts pala ha. Right, babaeng alagad ni sailor moon?" Sagot ko at nag-walk out.
Hanggang maghapon ay napansin kong minamatyagan ako ni Carlota at ng mga chikiting nya. Sa tingin pa lamang ay parang nginunguya na nila ako nang buhay.
Nang matapos ang medical mission ay bumalik kami para sa ilang paalala at pag-usapan ang tungkol sa party... NILA.
Nang simulan ang usapang party ay umuwi na ako. Nang makasakay sa jeep ay nag-open ako ng phone at nakitang nagreply na si Dhaeny. May sinend siyang address at probably andoon siya. Mabilis akong pumunta roon at hindi ko na napansin na sa kabilang daan pala ang pauwi sa bahay.
Nang makababa ay sumakay naman ako sa tricycle. Ilang minuto din namin binaybay ang kalsada bago ako pumara. Matapos magbayad ay bumaba ako, nauntog pa ako sa bubong ng tricycle. Hindi pa ako nakakatawag ay natanaw ko na agad si Dhaeny. Nagsasampay, alas singko ng hapon.
Lumapit ako at walang pasubaling pumasok ng gate. Tila hindi niya namalayan ang pagpasok ko at tuloy lang siya sa pagsasampay. Ang napansin ko lamang ay hindi kaniya ang mga sinasampay niyang damit. Kun'di mga brief ng lalaki.
"Kanino yan? Sa sugar daddy mo?" Saad ko.
"Ay! Sugar daddy ka!" Sigaw ni Dhaeny at halos mapatalon sa gulat.
Tumawa lamang ako ng tumawa at pinaghahampas niya ako ng basang brief.
"Gaga ka! Kampon ka ni satanas! Papatayin mo ako sa nerbyos!" Angil niya pa.
Nakangisi lang ako at pinagmamasdan siya.
"May utang ka pa sa'kin! Hindi ka lumabas kagabi sira ka! Nilamok na ako dun!" Sambit niya pa at lumapit sakin para mahinang sampalin ako.
"Sorry na okay? Nakatulog ako." paliwanag ko.
"Anyenyenye mama mo pink. Lagi na lang ako tinutulugan, mukha ba akong kama?" Nakangusong sabi ni Dhaeny.
"Bakit 'di ka pumunta kanina?" Tanong ko. Natigilan sya.
"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong niya pabalik.
"Si Carlota, niaway nila ako huhu," paawa kong sagot.
"Batukan kita gusto mo? Ikaw magpapatalo? Malabo pa sa tinta ng pusit," sagot niya at napatawa ako. "Pumasok ka muna. Tapusin ko lang ito," saad niya at itinuro ang pintuan.
"Kanino ba 'yan? Sinong macho dancer na naman ba ang sinamahan mo?" Tanong ko at tumawa.
“Hindi siya dancer… pero macho!” Ani Dhaeny at tumawa kami.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko ito nilingon.
"Wow, automatic ha! Kusa bumubukas ‘pag may maganda," biro ko at tumawa nang mas malakas. "Bilisan mo na kasi para sabay tayo pumasok. Lintek kasing brief yan. Kanino nga kasi iyan?"
Nagulat ako nang may sumagot mula sa likuran. Boses ng isang lalaki. Malamig ang boses nito at naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko indikasyong malapit lang siya
"Akin,"
Natigil ako sa pagtawa at nawala ang ngiti sa labi ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nagulat ako nang makitang nakatapis lang ito ng tuwalya. Basa ang magandang katawan nito at nakatitig itong mariin sa mga mata ko. Bahagya akong nakatingala dahil may katangkaran siya. Napalunok ako at halos matunaw sa kahihiyan.
"S-sorry kaibigan ko siya. Gusto lang mangamusta," rinig kong paliwanag ni Dhaeny.
"Narinig kong may tumigil na tricycle, akala ko si Dexie na. Sorry," sagot naman ng lalaki sa harap ko. Halos manuyo ang lalamunan ko, pinanood kong gumalaw ang adam's apple niya habang nagsasalita. "I-I'll just dress up. Pasok ka," sambit nito at pumasok na.
Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa kinurot ako ni Dhaeny.
"Nakakita lang ng abs, napipi na?" Asar nito at nakita kong isa na lang ang isasampay niya.
"Gaga, kumain na ba siya?" Biro ko at pilit binalik ang sarili ko sa huwisyo.
"Tampalin kita ng brief?" Sagot ni Dhaeny. "I wonder, may abs kaya si baby Zach?" hirit niya pa at tumawa. "Char. Tara na sa loob,"
Ilang sandali pa ay nasa loob na kami. Napaka-warm ng ambiance at presko. Malinis din ang paligid at maayos ang mga gamit.
"After ko maghintay sa inyo ng dalawang oras kasama ng mga lamok, nag-message siya. Nabasa nya pala ang status ko," paliwanag ni Dhaeny.
"So may wifi rito? Sabi mo sa status mo, naghahanap ka ng mag-aampon na may wifi,"
"Of course, golf course," sagot ni Dhaeny.
"Anong password, connect mo 'ko bilis. Magd-download ako ng flappy bird,"
"Flappy bird ampota, mini militia na lang,"
"Www.p-o-r--"
"Hoy!" Bulyaw ko sabay tawa nang malakas.
"Ganda kaya ro'n, oumm the best," sambit pa niya at tumawa.
"Gaga, ano nga password?"
"Masarapako1234"
Mahina kaming natawa.
"Hehe agree, talap, char!"
"Pinsan ko siya sa mother side. Well, not actually, adopted kasi siya,"
"Shh, baka magalit pag nalaman nyang ikinu-kwento mo siya," pagpigil ko.
"No. Tanggap niya ever since,"
"Mukha siyang mabait," sambit ko at ngumiti.
"Yup. Hindi rin iyan marunong magalit. Pero iba iyan malungkot,"
"Bakit?" Tanong ko.
"Nag-iinom. Like kagabi, bumagsak na naman daw siya sa military school. Nag-inom. Sinamahan ko,"
"So kaya hindi ka nakapasok?"
Tumango siya at ngumiti.
Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na ang pinsan ni Dhaeny. Nakasuot ito ng black shirt at jersey shorts. Umupo ito sa harap namin at ngumiti. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Para bang may kakaibang bagay na nagtutulak sa akin na ilayo ang tingin sa mata niya. Sobrang mapang-akit ng mga ito. Parang gusto kong iabot ang kamay ko at ibigay ang lahat. Char.
"Kuya, si Cindy. Friend ko," pakilala sakin ni Dhaeny.
Tumango ito at ngumiti.
"Hulaan ko name mo?" Saad ko sinusubukang maging komportable.
"Manghuhula ka?" Tanong nito. "Kidding, sige," tuloy niya at ngumiti. Nakita ko kung paano humubog ang biloy sa mga pisngi nya.
"Harry Potter?" Tanong ko dahilan para tumawa silang dalawa.
"Harry Potter ambobo. Bakit naman Harry Potter?" Tanong ni Dhaeny at hindi matigil sa pagtawa.
"Eh kasi ayan oh," turo ko sa noo niya. "May scar kasi,malay ko ba kung angkan ka ni Harry Potter," sagot ko.
"Oh, this is because of a car accident two years ago," malamig na sambit ng pinsan ni Dhaeny at mahinang ngumiti. Natigilan ako sa pagtawa. Tila napahiya ako at na-offend siya.
"Sorry. H-hindi ko sinasadya," paghingi ko ng tawad.
"No it's fine. Ang galing mo nga manghula," sagot niya at ngumiti. "Actually tito ko si Harry Potter," biro niya at tumawa.
Ilang sandaling tawanan pa at nagpaalam na akong uuwi.
"Uuwi ka na agad 'ni hindi pa kayo magkakilala," angil ni Dhaeny.
"Kilala ko na sya. Pinsan mo. Tama?" Sagot ko.
"Wala kang sense of formality," sagot niya ulit.
"Kuya!" Tawag niya rito. "Matchmaker ako ngayon, hmp," bulong niya pa.
Lumapit ito at inayos ang damit niyang medyo nalukot sa pagkakaupo.
"Cindy Valerie Wright," saad ko at ngumiti. Iniabot ko ang kamay ko.
Iniabot nya ang kamay niya at nag-wika,
"Carl Flynt Dawson,"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro