Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE

CINDY’S P.O.V.

"Zach Carlin Smith, nice to meet you,"

Halos buong gabi tumatakbo sa isip ko ang mga salitang iyon, kasama ang mga ala-ala ng kakaiba naming pagkakakilala. Ilang minuto akong nagpagulong-gulong at tinorture ang mga unan sa kakasuntok bago maisipang matulog.

Sobrang tahimik ng gabi. Walang maririnig sa paligid kun'di ang huni ng mga insekto sa labas. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi ako makahanap ng komportableng posisyon. Nang mapansing hindi ko naisara ang bintana ay bumangon ako't lumapit doon. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at nakita kong bumubuhos ang ulan sa labas.

Matapos isara ang bintana ay bumalik na ako sa kama at humiga. May kung anong kakaiba at hindi ako komportable. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako nang humangin nang sobrang lakas. Bahagyang umuuga ang bintana at ang mga kurtina ay isinayaw ng malamig na simoy. Nang mahawi ang mahahabang tela ay napasilip ako sa bintana at nakitang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Napa-buntong hininga ako at mahinang napangiti nang makitang umusok ito. Indikasyong napakalamig sa mga pagkakataong iyon.

Dali-daling lumundag ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa mga cabinet. Naghanap ako ng maisusuot na sweater, pares ng medyas at gloves. Nang maisuot ang mga iyon ay bumaba ako para magtimpla ng gatas.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan nang makarinig ako ng kakaibang mga tunog mula sa kusina. Natigilan ako sandali at patingkayad na lumakad.

Huminga ako nang malalim at marahang naglakad papuntang kusina. Mukhang magagamit ko na ang skills ko as an aspiring sundalo. Ipinikit kong mariin ang mata ko at nakahandang humampas sinomang magnanakaw ang makita ko.

"Sino ka?!" Sigaw ko.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko.

Walang tumugon. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Halos mapatalon ako nang may tumawa. Isang lalaki na may malaking boses.

"H-hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko ulit.

Mas lalo akong kinabahan nang isang babae ang tumawa.

"Armado ako!" Sigaw ko pa. Pilit kong nilalabanan ang takot ko. Bahagyang naluluha na ako ng mga pagkakataong iyon.

Ilang sandali pa ay narinig kong may mga tumutunog na bakal. Halatang daha-dahan ito iginagalaw.

"Kung sino ka man! ‘Wag mo nakawin iyang kutsara namin!" Nanginginig na sigaw ko.

Mas lumakas ang tawanan. Nang hindi ko na mapigilan ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"Walang gagal--" sigaw ko. Pero hindi ko na ko naiuloy nang makita kung sino ang tumambad sa harapan ko.

Si papa at ate Eva, hindi magkamayaw sa pagtawa.

"Ano bang ginagawa mo, Cindy?" hindi matigil sa pagtawa si papa. "Para san 'yang walis? Bawal magwalis 'pag gabi," pang-aasar pa nito.

"Pa, naman e...." angil ko. "Emergency weapon ko 'to," patuloy ko pa habang nagdadabog.

Tawa lang nang tawa si papa.

"Nakakainis ka, Pa..." inis kong sabi at kumamot sa ulo.

Hindi pa rin sila matigil sa pagtawa.

"Isa ka pa, ate Eva. Akala ko may nagnanakaw na sa kutsara!" Sigaw ko.

Natigil naman sa pagtawa si ate Eva.

"Oh? Bakit ako? Nakitawa lang ako ha," sambit ni ate Eva with matching hawak sa dibdib.

"'Wag ka nga pa-best actress ate Eva, ako bida rito," sagot ko dahilan para tumawa pa sila lalo nang malakas.

Lumakad ako palapit sa lababo at kumuha ng tasa at kutsara.

"Hindi ka rin makatulog?" Tanong ni papa.

"Sa lakas ba naman ng ulan at hangin na iyan?! Sinong makakatulog? Baka mamaya magising ako wala na palang bubong yung kwarto ko," sambit ko.

Napatawa si papa nang mahina.

"Ikaw, Pa? 'Di ka rin makatulog?" Tanong ko.

"Kung nakatulog ako sa tingin mo bababa ako?" Pilosopong sagot niya.

"Ikaw, ate Eva? 'Wag mo sabihing di ka rin makatulog. 'Wag kang gaya-gaya," saad ko at napatawa kaming tatlo.

"Nakakatulog naman ako," sambit ni ate Eva na lalo naming ikinatawa, "Ang sarap nga ng tulog ko e. Ang ganda ng panaginip ko, magki-kiss na kami nung prince charming ko tapos tumawag si kuya Adam," patuloy ni ate Eva.

"Ang corny mo naman, ate Eva. Prince charming mo palaka," wika ko at mahinang hinampas siya.

"E’di hindi natuloy ang kiss niyo?" Pakisali ni papa at nawawala na ang mata sa sobrang tawa.

Umiling si ate Eva.

Nagsimula akong magtimpla pero hindi ko mahanap ang gatas.

"Pa? Asan na yung gatas?" Tanong ko.

"Ah, wala na. Kakaubos lang," sagot ni ate Eva.

"Mag-kape ka na lang para mainitan ang sikmura mo," saad naman ni papa.

Maya-maya pa ay nasa sala na kami. Dala-dala ko ang kape ko samantalang sila papa naman ay umiinom ng gatas. Since hindi kami lahat makatulog ay nanood kami ng tv. Ang tv ay nabalot ng mga balita tungkol sa bagyo. Nalaman naming may dalawang bagyo pala ang malapit sa lugar namin at kapwa masyadong mapaminsala. Pinatay rin naman ni papa ang tv kalaunan.

Ang mga residente po ay tinatawagan na po namin. Hindi na po ligtas ang manatili sa inyong mga bahay. Mas mabuti na po ang sumama na lamang sa inilaang evacuation area. Huwag na po tayong magmatigas, hindi po kayo sasagutin ng pamahalaan kung kayo ay magpapaiwan. Mayroon na lamang po kayong ilang minuto bago dumating ang sasakyang maghahatid sa inyo sa evacuation area. Maraming salamat po.

Rinig kong anunsyo ng taga-baranggay. Dali-dali akong tumakbo pataas ng hagdan nang magsalita si papa.

"Oh, anong gagawin mo?"

Halos masubsob ako sa biglaang pagtigil. Lumingon ako kay papa.

"Mag-aayos ng gamit," sagot ko.

Bahagyang natawa si papa.

"Mag-eevacuate?" Tanong niya.

"Kakarinig niyo lang ng announcement pa. Besides, ayoko malunod sa baha. Yuck, ang dumi kaya no'n," sagot ko.

Natawa ulit si papa.

"Para lang iyon sa mga nasa low lying areas. Saka bakit ka mag-e-evacuate e matibay ang bahay natin?" Paliwanag ni papa.

"Pero, Pa..."

Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin nang ngumiti si papa at tiningnan ako ng may nais ipahiwatig.

"Pa... parapa... parapa... rapapa... showtime," tuloy ko na lang dahil dakilang mema ako.

Ilang beses hinampas ng malalakas na hangin ang bintana at kita sa labas ang lakas ng bagyo. May ilang natumbang poste at ang mga puno ay sumasayaw sa sobrang lakas ng hangin. Ilang sandali pa ay tumaas na muli kami at nagsibalik sa kani-kaniyang kwarto. Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog. Kung dahil ba sa nakakaalarmang lakas ng bagyo o dahil sa kapeng ipinainom ni papa ay hindi ko na alam.

Tila binantayan ko ang buong gabi kasama ng mga ulap na patuloy sa pagluha. Nang bahagyang tumigil ang pag ulan ay nag umpisa na ring namayapa ang aking kalooban. Ilang saglit pa ay nakaramdam na rin ako ng antok.

Akmang matutulog na ako ay biglang may kumatok.

"Cindy! Hinihintay ka na ni kuya Adam sa baba. Kakain na!" Saad ni ate Eva at dinig kong bumaba na siya ng hagdan.

What the sumang malagkit? Almusal? Napakamot ako ng ulo at ginulo ang buhok ko. Halos sumigaw ako sa sobrang inis. Literal na wala akong tulog.

Nang makababa ay narinig ko ang tawanan nina ate Eva at papa.

"Ang sarap ng tulog ko. Ang lamig," dinig kong saad ni papa.

"Mas masarap sana kung may kayakap e," sagot naman ni ate Eva at nagtawanan sila.

Hay… Ate Eva, bakit hindi mo yakapin ang pader? Nang makalapit ako sa kanila ay tumigil sila at nakatitig lamang sa akin.

"Oh, tingin tingin niyo r'yan?" pagtataray ko. Pagkasabi ko noon ay dumiretso na ako sa cr.

Matapos magmakaawa sa tubig na ‘wag siya masyadong cold ay isang malalim na pag-hinga ang pinakawalan ko. At sa unang buhos, binalot ng sigaw ang buong bahay. Isang sigaw mula sa isang dalagang api. Nakalulungkot isipin na cold pa rin siya kahit anong gawin kong pakiusap.

Nang matapos maligo ay halos manigas ako sa sobrang lamig. Todong panginginig ang bumalot sa akin at para akong hotdog na inilabas sa freezer.

Matapos ang ilang oras na pag-aayos ay handa na akong umalis. Nagpaalam ako kina papa at nag-abang ng biyahe. Mahigit kalahating oras na ako nilangaw sa kakakahintay ay walang sumulpot na jeep. Sinimulan ko nang maglakad dahil baka mamuti na ang apdo ko ay wala pa ring biyahe.

Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong naglilinis si kuya janitor. Medyo maputik sa bandang lobby dahil na rin siguro sa baha. Dumiretso naman ako sa room ng mga interns at naabutan si Dhaeny na nagsusuklay at nakaharap sa salamin.

"Seriously gurl? Nagsusuklay ka?" Tanong ko at tumawa.

Lumingon siya sakin at umirap. Aba, attitude ka ha. Hanggang sa bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.

"Mukhang puyat ka ah," saad niya at ngumisi.

Lumakad ako papalapit sa kaniya at kinurot sa braso.

"Mukha kang bangkay gurl," asar niya pa at iniayos ang mga gamit niya.

Nagulat kami at ang lahat ng mga interns sa room ng biglang marinig namin si Sir Lester through the speaker na nakalagay sa gilid ng room ng interns.

Attention interns, be prepared for this day. Probably, this will be a challenging day. Your assistance will be a great help. Since this will be your last week, may you all exert more effort. Be considerate. Thanks.

Matapos ang walang ka-emo emosyon na announcement ni Sir Lester ay nagpalitan kaming lahat ng tingin. At sa isang hudyat mula kay Sir Lapaz na pumunta sa aming room ay nagsikilos na kaming lahat.

Tama nga si Sir Lester. Matapos ang ilang linggo ng training ay nagamit na namin lahat ng natutunan namin at nagbuhos ng napakalaking effort ang lahat. Mula sa paglabas namin ng kwartong iyon ay hindi na muli kami nagkita-kita. Halos mag-ikot trumpo kaming lahat. Kulang na lamang ay mag-teleport para makataas at makababa nang mabilis. Takbo rito, takbo roon ang naging sitwasyon namin sa sobrang gulo. Napakaraming pasyente, marahil ay dahil sa bagyo. Ang ilan ay may matataas na lagnat, ang karamihan ay nagka-diarrhea at ilan din ang napinsala ng mga bumagsak na puno.

Napakagulo ng paligid, hindi na rin namin nagawang makapagtanghalian dahil sa sobrang busy. Ang mga doktor at nurse na naninirahan sa low lying areas ay hindi nakapasok at nasa evacuation area dahilan para kami ang mag-takeover. Sa sobrang pagod ay hindi na namin magawang ngumiti. May mga pagkakataon na inilalabas na lamang namin lahat sa mga malalim na buntong hininga.

Alas tres ng hapon, bahagyang humupa ang dagsa ng pasyente. Nagkaroon ako ng time para kumain pero pinili ko na lang magpahinga. Si Dhaeny naman ay dinalaw muna si Zach at susunod sa akin sa room. Maayos naman ang kalagayan ni Zach maghapon kaya okay lang sa kaniya na bihira na siya mapuntahan ni Dhaeny.

Sinubsob ko ang sarili ko sa lamesa at nag buntong hininga. Ramdam ko ang pananakit ng likod at binti ko.

"Puyat, pagod at gutom. Ayos Cindy, bukas makalawa ikaw na ang pasyente," bulong ko sa sarili ko.

Nakasubsob lang ako mag-isa sa room nang biglang halos mapatalon ako sa gulat.

"Aaaahhhhh!!!" Rinig kong tili ni Dhaeny. "Pagod na ko!!" Sigaw pa niya.

Natawa ako.

"Gaga, ikaw lang ba?" Tanong ko at nakanguso siyang lumapit sakin.

"Grabe gurl, akala ko nagpaka-exagg lang si Sir Lester sa pa-probably this will be a challenging achuchuchu," saad niya.

Tawa lang ang naisagot ko.

"Look at yourself Dhaeny," saad niya sa sarili niya at nakatingin sa salamin. "You look dreadful young lady. Yet you still look gorgeous," kausap niya sa sarili niya habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Nakakasuka," bulong ko sa sarili ko dahilan para mapatingin siya. Ngumiti lang ako at pinanliitan niya ako ng mata.

"Stress na stress ka na beautiful Dhaeny. Sabog ka na," sambit pa ni Dhaeny sa sarili niya.

"Sabog na talaga! Buhok pa lang sabog na!" Sambit ng isang boses na nag-echo sa buong room na sinundan ng tawanan.

Lumingon si Dhaeny at kita ang inis sa mukha niya.

"p'wede manahimik ka, Carlota? Ang baho ng hininga mo, dagdag polusyon," inis pero mataray na sambit ni Dhaeny at naghalukipkip.

"Tss. Damn that name," sagot ng babae na ngumunguya ng bubblegum. Nakasuot ito ng malinis na uniform, ang ipinagkaiba lang nito ay mas maiksi ang palda niya kumpara sa karaniwan.

"Damn mo mukha mo," sagot naman ni Dhaeny.

Umirap ang babae at naglakad palapit kay Dhaeny. Ipinakita nito ang name plate niya kay Dhaeny at nag smirk.

"Charlotte Levanie Wilson, that's my name, bitch," wika pa nito at lumakad na palayo.

"Pake ko sa pangalan mo, Carlota? Share mo lang?" Mataray na sagot ni Dhaeny.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. I won't help her with that ass. Alam kong kaya niya 'yan. Besides, hanggang trash talk lang naman yon si Charlotte. Pero kung pisikalan? Don't bother asking who'll win.

Lumingon si Charlotte at itinaas ang kilay nito. Pinaputok ang bubblegum at nag-pamewang.

"Stop calling me with that name or else..." saad nito at nag kagat labi.

"Stop calling achuchuchu, imong mama stop," sagot ni Dhaeny at halatang naasar si Charlotte.

"A girl without manner. Oh wait, are you a girl? Or a mere bird nest?" Pagtataray ni Charlotte at nag-smirk ulit.

Tumayo ako at itinaas din ang kilay ko.

"You have something to say little miss kargador?" Tanong nito at nang-iinis ang mga tingin niya.

"Atleast I throw a bubble gum after chewing it for a minute. How long does that bubblegum stay in your dirty mouth?" Sagot ko at halatang na-offend siya.

"A trash talker," wika niya at ngumiti.

"Trash talker ka lang, I'm a bitch. You'll never win," patuloy niya pa at nag-smirk.

"Oky pi, kaso bitch ka lang, ocean ako," sagot ko at lumakad na paalis. Nilingon ko si Dhaeny at inaasar si Charlotte sa mga tingin niya.

"You'll never win. Anyway, 'wag ka lagi magsmirk, mukha kang nangangasim na lamok," saad ni Dhaeny at lumakad na rin paalis.

Bumaba na kami ni Dhaeny sa lobby at nakita namin si Sir Lapaz.

"Wright, Scrimgeour, how's your patients?" Tanong nito.

Ngumiti kaming pilit at si Dhaeny ay kumamot sa ulo.

"O-ok naman po kanina," sagot ni Dhaeny.

"Kanina? How about at this moment?" Tanong muli ni Sir Lapaz.

"We'll be checking it, Sir," sagot ko na lamang at hinila si Dhaeny papunta sa elevator.

Nang naghihintay kami bumukas ang elevator ay nagsalita Dhaeny.

"Gurl, mag-e elevator ka pa? 2nd floor lang patient natin,"

"Kaya nga ginawa ang elevator 'di ba? Para mas mapadali kaysa umakyat ng hagdan," sagot ko.

"Ay oo nga 'no? May utak ka pala?"

Nang makapasok kami sa elevator ay kami lang ang nasa loob. Nang magsasara na ang pinto ng elevator ay nakita ko si Sir Lester na tumatakbo. Akmang hahabol sana sa pagsara ng elevator ay biglang nagsara ang elevator. Nang pataas na ang elevator ay biglang umalog ito at namatay ang ilaw. Napakadilim.

"Gurl..." saad ni Dhaeny at nanginginig ang boses niya. "Don't tell me.... na-stuck tayo sa elevator," patuloy niya pa at rinig kong humakbang siya papalapit.

"Ang malas naman," sambit ko at hinampas ang gilid ng elevator buttons.

"Kaya nga gumawa ang elevator diba? Para mas mapadali anyenyenye," saad ni Dhaeny at pilit ginaya ang boses ko. "Ang galing mo talaga Cindy the great,"

"Huy gaga, alam mo pangarap ko 'to. Sasakay sa elevator, tapos mai-stuck. Tapos dito ko na makikilala ang love of my life,"

"Ay talaga? Ako rin," sagot niya at dinig ang gigil sa boses niya.

"Kaso yung kasama ko mukhang nanay ng love of my life," sambit ko at tumawa.

"Masyado ka," sagot niya.

"Kung si Sir Lester lang sana," saad ko at kinilig.

"Kung si baby Zach lang sana," sagot naman ni Dhaeny at nagtawanan kami.

Ilang minuto rin kami nastuck sa madilim na elevator na yun at nalaman namin na nagkaroon ng brownout dahil sa isang natumbang electrical post.

Nang makaakyat sa 2nd floor ay nakita naming nagkakagulo ang mga tao. Dali-daling lumakad si Dhaeny sa room ni Zach at ako naman ay naglakad na papunta sa room ng epileptic patient ko. Pagdating ko sa pintuan ay napatigil ako nang may marinig.

"Time of death, 3:46 pm,"

Parang nanghina ang tuhod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at kusang namuo ang luha sa mga mata ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ay may naunang buksan ito mula sa loob, si Sir Lester.

Nanginginig ako nang tingnan niya ako nang walang emosyon. Pilitin ko mang ngumiti ay hindi ko magawa. Binuka ko ang bibig ko ngunit hangin lang ang lumabas. Tiningnan niya ako sa huling pagkakataon at tumulo ang luha ko nang magwika siya at umalis,

"Too late. Your patient just died,"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro