PROLOGUE
"It was a mistake," you said. But the cruel thing was, it felt like the mistake was mine, for trusting you."
― David Levithan, The Lover's Dictionary
♣
P R O L O G U E
"Bakit ba ganoon na lamang ang galit mo sa kanila Lauren?" tanong ni Mr. Frey kay Lauren.
Taimtim na nanonood si Lauren hindi kalayuan sa mga taong nanakit sa kanya. Nakatayo sila sa itaas ng isang mataas na gusali. Mula sa kanilang puwesto ay kitang-kita nila ang mga taong nagsasaya sa loob ng isang kuwarto. Tahimik lamang ang dalaga at hindi mo rin malalaman ang iniisip nito dahil sa seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.
Habang pinagmamasdan niya ang mga taong iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili mangating sugurin at pagpapatayin ang mga ito. Hindi niya kayang makitang nagsasaya ang taong 'yon. Gustong-gusto na niyang pahirapan ang taong sumira ng buhay niya. Gusto na niyang gumanti sa pananakit na ginawa nito sa kanya.
Bakit nga ba ganoon na lamang ang galit niya sa mga taong iyon? Umiwas ng tingin si Lauren. Hindi na niya kaya pang pagmasdan ang mga ito. Gustong-gusto na niyang tirisin at pagpapatayin ang mga nagsasayang taong iyon. Pero hindi muna ngayon dahil sisiguraduhin niyang magiging maayos ang paghahanda niya para dito, para sa kanyang paghihiganti.
"Lauren, we're worried about you. Pati na rin ang mga miyembro ng angkan natin. Nang malaman nilang buhay ka, hinahanap ka nila. Gusto ka nilang patayin. Bakit? May atraso ka ba sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Mr. Frey ngunit nagpanting ang tainga ni Lauren sa sinabi nito.
"Wala akong atraso sa kanila! Sila ang may atraso sa akin! Sila ang dapat na magbayad! Sila ang dapat na mamatay at hindi ako!" galit na galit na sigaw ni Lauren kaya naman nagulat si Mr. Frey sa naging reaksyon nito. Sa tagal nitong nakasama ang dalaga, ngayon niya lamang makitang nanggagalaiti ito sa galit.
"Lauren, sabihin mo, bakit? Ano bang nangyari sa 'yo noon?" tanong pa ni Mr. Frey.
Matagal na niyang inaalagaan ang dalaga ngunit wala pa rin siyang nalalaman sa nakaraan nito. Itinuturing na niyang anak si Lauren kaya ganito na lamang siya mag-alala para dito.
Ngunit ang tanong, handa na nga ba si Lauren sabihin ang totoong nangyari sa kaniya?
Umiwas muli ng tingin sa Lauren. Ngayong binubuksan na naman ang usapan tungkol dito ay naaalala na naman niya ang mga nangyari sa kanya. Parang isang flashback na bumalik sa kanyang isipan ang mga ala-alang pilit at gusto na niyang kalimutan. Pero kahit anong gawin niya, dadating at dadating ang panahon na kailangan niyang sabihin sa iba ang totoong nangyari, para siya ay maunawaan at siya'y matulungan sa sakit na kanyang nararamdaman.
Napangisi na lang siya ng maalala ang sakit na dinanas niya sa taong iyon. "Gusto mo ba talaga malaman?" tanong ni Lauren.
Tumango sa kanya si Mr. Frey na talaga namang nag-aalala na sa kanya. Kailangan niya ng sagot, wala siyang nalalaman sa nangyayari. Paano niya mauunawaan si Lauren kung hindi niya malalaman ang tunay na dahilan nito?
"Nasabi ko na ba? Na isa akong tao noon?" pag-uumpisa ni Lauren.
Tumango si Mr. Frey, naalala niyang nabanggit iyon ni Lauren ng una silang magkita.
"Kung ganoon, may idea ka na ba kung bakit ganito na ako ngayon?" tanong muli ni Lauren.
Napaisip si Mr. Frey. Maaring nakagat si Lauren ng isang nilalang na katulad niya o kaya naman sinadya siyang gawing isang bampira.
"Paano? Paano ka naging isang tulad namin?" tanong ni Mr. Frey na tila ngayon lamang nakilala ang dalaga.
"Simple lang Mr. Frey, isinumpa ako," sagot ni Lauren.
Nanlaki ang mata ni Mr. Frey sa gulat sa naging sagot sa kanya ng dalaga. Hindi niya akalain na ito ang totoong aniyo ni Lauren, akala niya ay isang ordinaryong tao lamang ito na nakagat ng isang bampira. Hindi niya akalain na naisumpa ang dalaga.
"You mean, you're a--"
"Don't you even dare to say it, I don't care about your clan's royalty. Ang gusto ko lang ay maipagpatuloy ang dapat kong gawin dito sa mundong 'to. That's the reason why I came back. That's the only reason why I'm alive," pagpuputol ni Lauren sa sasabihin ni Mr. Frey.
Ayaw niyang marinig ang katagang iyon sa kaniya. Wala siyang paki doon at ang tanging rason niya lang kung bakit siya'y patuloy na nabubuhay sa mundong ito ay para sa paghihiganti niya sa mga taong nanakit sa kaniya.
"Ren..."
"I was once a human. Masaya akong nabuhay kasama ang mga kaibigan ko. Walang problema, lahat napakapayapa. Hindi ko naisip na ang maala fantasy na buhay na ganito ay magkakatotoo. Hindi ko inakala na mangyayari sa akin 'to. Lahat naging posible, lahat nagkatotoo, lahat nalaman ko ng masangkot ako sa kanila..."
Tahimik lamang na nakikinig si Mr. Frey sa dalaga. Habang si Lauren ay napakalayo ng tingin sa buong siyudad habang nagku-kuwento.
"Lahat nag simula noong araw na 'yon, ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan. Ang araw kung saan nakilala ko sila..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro