Chapter 6- Vas
Lauren Rius (POV)
Isa lang masasabi ko, balik high school nga ang peg ko dito. Lantang gulay na lang ako na naupo sa kama ko. Sinabi na din nila Mary sa akin ito, since hindi naman pang tao ang school na 'to no need na din daw magcollege ang mga nag-aaral dito. So stuck sila sa educational plan nila, which is high school forever.
'Yan na din daw ang parusa sa amin ng mga nakatataas sa East wing, balik high school nga. Madapaka, second year college na ako! Para saan pa 'yong mga pinag aralan ko? Tang-na!
Binato ko na lang sa pader yung sapatos ko sa sobrang bwisit. Nagulat naman ako ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Yohan na nakakunotnoo.
"Anong problema?" tanong niya. Tinuro ko lang yung sapatos na binato na kasalukuyan nang nakasalampak sa sahig.
"Anong problema mo?" pag-iiba niya ng tanong. Nagshrug lang ako saka tumayo at pumunta sa may tapat ng salamin. Tinanggal ko ang coat ko saka ang ribbon ko. Lumingon ako sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. Sira na talaga gabi ko.
"Labas, mag bibihis ako" wika ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin saka lumabas na ng kwarto ko. Napatingin ako uli sa salamin saka isa-isa nang binutones ang blouse ko. Nakita ko naman 'yung marka ng kagat sa akin ni Yohan. Napahawak ako dito saka napakunotnoo, teka bakit hindi pa natatanggal 'to?
Nagulat ako na naman ako nang bumukas ang pinto at mabilis na lumapit sa akin si Yohan. Dali-dali niyang ikinawit ang kamay niya sa bewang ko saka hinalikan ang leeg ko kung nasaan ang marka ng kagat niya. Naka-ilang kurap pa ako nang ma-realize ang itsura ko.
Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo, dinaig pa ang highblood sa sobrang pamumula. Bukas ang blouse ko at kitang-kita ang kulay blue kong bra. Mabilis kong tinakpan ang katawan ko at sinipa si Yohan.
"Aray!" sigaw niya at mabilis na lumayo sa akin.
"Umaaray na pala ang bampira ngayon? Sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok sa kwarto ko! At higit sa lahat wag kang hahalik basta-basta!!" galit na galit na sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya umimik at itinuro lang ang leeg niya. Napakutnotnoo naman ako, tumingin ako uli sa salamin at tinignan ang leeg ko. Laking gulat ko naman na wala na 'yung marka ng leeg niya.
"Kiss is the strongest and most effective medicine, I swear" wika pa niya sabay ngisi saka lumabas na ng kwarto ko. Napalunok na lang ako uli nang maalala ko yung nangyari kanina sa homeroom.
"Aish! Ahhhh!!" sigaw ko na lang at madaling nagbihis. Paglabas ko, hindi ko na nakita si Yohan sa sala. Dumiretso na lang ako sa kusina at doon ko siya nakita, napanganga pa ako nang makita ko siyang kumakain.
"Seriously? Kumakain ka?" tanong ko. Tumango naman siya habang ngumunguya pa.
"Kumakain ka naman pala eh bakit kailangan mo pang uminom ng dugo sa akin?!" sigaw ko naman sa kanya.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon, meron ka ba?" tanong niya. Nagulat naman ako ng suminghot-singhot siya.
"Wala naman malansang amoy. Anong problema mo?" tanong niya na ikinapula na naman ng mukha ko. What the hell? Pati ba naman mens?! Inaamoy niya?! Pusanggala! Magmumuara ata ako ng napakalutong ngayong gabi ah. Tang-na talaga!
Hindi ko na lang siya pinansin saka kumuha na lang ng pinggan at nagsandok ng pagkain ko. Inilapag ko yung pinggan sa mesa saka naupo at kumain ng tahimik na may kasamang sama ng loob. Masama pa din ang loob ko.
"Saan naman masama ang loob mo?" tanong niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"You can read minds?! Gad damn it! Privacy please!" sigaw ko uli sa kanya.
"Nah, I can't read your mind, I just feel it" sagot niya. Napakutnotnoo naman ako sa I just feel it na sinabi niya.
"Feel it?" nagtataka kong tanong. Tumango lang siya sa akin saka nagpatuloy sa pagkain.
"There's a bond between you and me. Everything you feel, I feel. Example, kapag nasa panganib ka mararamdaman ko" sagot niya. Tumango ako saka nag-umpisa na din kumain.
"So what's with that bond? Bakit meron tayo no'n?" tanong ko pa sabay subo at tingin sa kanya.
"You're my Vas, so that explains" sagot niya. Nagulat naman ako ng tumayo siya saka inilagay ang pinagkainan niya sa lababo. Dali-dali ko naman itinaas ang tinidor ko at itinapat sa kanya.
"Hindi ka aalis hanggat hindi mo hinuhugasan 'yang pinagkainan mo" banta ko sa kanya. Napahinto naman siya saka kunotnoong tumingin sa akin.
"Wha—"
"Wag mo ako what-whatin masasapak kita, hindi ako katulong dito ah. KKH tayo!" sigaw ko sa kanya. Napakamot na lang siya sa ulo niya saka mabilis na hinugasan ;yung pinagkainan niya. Habang ako pinanood lang siya habang naghuhugas at the same time kumakain.
So far, okay naman. First day sa school, medyo success. Except sa Valerie na ;yun, asar. Halatang patay na patay kay Yohan. Nyeta, pwede naman akong tanungin ng malumanay. Hindi 'yung ganun, naghahanap pa ng away.
Ako yung klase ng tao na tahimik lang, mahilig mag-obserba ng mga bagay bagay sa paligid. Kung may hindi ako maintindihan, hindi ko pipilitin 'yung tao na mag-explain sa akin. Kung mag-explain man, makikinig lang ako. Boring ako, sobrang boring. Pansin niyo naman siguro sa mga ginagawa ko? Puro tango, ngiti, at pakikinig lang ginagawa ko.
As much as possible, quiet lang ako. Ayoko ng maulit pa ang mga nagawa ko dati. Pero kung gusto ng away ni Valerie, I'll definitely give her one. And I swear, she'll regret it kahit na may dugong halimaw siya hindi ko siya uurungan.
"Yohan, pansin ko lang. Halos lahat ata ng babae sa school fan girl mo. Uso din pala 'yun sa inyo? Fan girls?" natawa ako. Mabilis naman na napalingon sa akin si Yohan. Dali-dali niyang binitawan ang hinuhugasan niya at lumapit sa akin.
"May nanakit ba sa 'yo?" tanong niya kaya naman nagulat ako. Woah! Hindi ko inaasahan 'to ah. Umiling ako. Wala pa namang nanakit. Pero wag ka magalala Yohan, once na may nanakit sa akin hindi na makakarating pa sa 'yo 'yun.
"Mabuti naman. Papabantayan kita kay Francis. Dahil once na malaman nila na Vas kita Lauren, magpaalam ka na sa payapa mong buhay" wika niya at biglang nagwalk out. Anong ibig sabihin niya sa magpaalam na ako sa payapa mong buhay?
Napatingin ako ng masama kay Yohan na prenteng-prente lang na nakaupo sa sala ngayon.
"Yung hinuhugasan mo kumag ka!"
"Ikaw na mag tapos" sagot pa niya. Ang sarap ibato sa kanya yung pinggan eh! Asar!
Kumain ako, naghugas ng plato at hindi na nag-abala pang samahan si Yohan sa panonood ng movie sa sala. Dumiretso na ako sa kwarto ko at doon nahiga. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Yohan sa akin.
Once na malaman nila na Vas kita Lauren, magpaalam ka na sa payapa mong buhay...
What the f-ck does that mean? Anong big deal kung Vas ako ngayon? For effin sake, ako na nga 'tong pagkain araw-araw eh. Meal lang ako! Pagkain! Wala ng lalagpas pa do'n! Napapikit na lang ako, I need to cool down my nerves, sasabog na 'to kaunti na lang.
Secong day, second night for school pala. Ang shonga ko lang sa sinabi kong day, feeler ko. Tutal gabi naman ang klase namin araw-araw, este gabi-gabi. Night na lang ang itatawag ko for school days. Naglalakad ako uli kasabay si Francis. Simula ngayon daw kasi lagi ng nakabuntot sa akin 'yan. For my own safety and other reasons pa daw kasi. Why so conyo nga pala?
Ah damn that Mary, ang conyo ngayon. Kinakausap ako ng sobrang conyo, nahawa daw siya sa babaeng katabi ng kwarto nila. Ang conyo daw magsalita. Pati ako nahahawa na.
"Lauren! Konbanwa!" sigaw sa akin ni Gerik at madaling lumapit sa amin.
"Konbanwa? Anong alien na salita 'yan?" matawa-tawa kong tanong.
"Good evening sa Japanese. Haha! Nga pala, kaklase mo pala si Luis at Francis! Kainis!" maktol niya kaya naman napakunotnoo ako.
"Bakit ka naman naiinis?" tanong ko. Bigla naman sumeryoso ang mukha niya saka hinawakan ang kamay ko, nanlaki pa ang mata ko nang hinalik niya 'yun at ngumiti sa akin.
"Naiinggit ako sa kanila kasi nakakasama ka nila gabi-gabi" sabay wink niya pa. Napanganga na lang ako sa ginawa niya. Madali naman may humablot sa uniform ni Gerik at inilayo sa akin.
"Pagpasensyahan mo na 'tong kolokoy na 'to Lauren ah. O buweno, mauna na kami. Magiingat ka magandang binibini" wika naman ni Don sabay bigay ng flying kiss sa akin na madali naman hinarangan ni Francis. Umarte pang itinapon kung saan, napatingin kami kung saan lumanding 'yung halik kuno at sakto tumama yun sa babaeng, ehem. Kayo na bahala humusga base sa ekspreyon nila.
"Ano ba Francis! Ibato mo naman sa maganda! Nyeta naman oh! Para kay Lauren 'yun eh!" sigaw ni Don.
"Umalis na nga kayo" pangtataboy naman ni Francis sa dalawa kaya natawa na lang ako. Kumaway sila sa akin bago umalis. Kumaway na lang ako pabalik. Nagpatuloy na kami uli sa paglalakad at pumasok na sa building namin.
Pagpasok namin ng room napakunotnoo ako sa naririnig kong usapan nila.
"Narinig niyo ba ba 'yung balita?"
"May Vas na daw si Yohan!"
"Teka paano nangyari 'yun?!"
"My god no way! Hindi pwedeng magka-vas si Yohan!"
"Hindi pwede! Kyaaah! No! No! No!"
Nagkatinginan kami ni Francis. Pero ngumiti lang siya sa akin at sumenyas na pumasok na kami. Dumiretso lang ako sa upuan ko at nanahimik doon. Maya maya pa't may lumapit sa akin na mga babae kong kaklase. Ano naman kailangan naman ng mga 'to?
"Narinig mo na siguro yung balita? May Vas na si Yohan, so better get off your ass with Yohan. Wala ng patutungahan pa paglalandi mo sa prinsipe namin" ngising wika sa akin ng pinaka leader nila. Sakto naman nagring na ang bell kaya bumalik na sila sa upuan nila.
Teka-teka-teka, let me clear something. Ako nga ang Vas ni Yohan eh, FYI, hindi ko siya nilalandi. May meal sessions lang kami. Seriously? Anong big deal kung may Vas ni Yohan? What the f?
Nakinig na lang ako klase at finocus ang sarili ko doon. After ng klase ni Ma'am Kiara, nanlaki na lang ang mata ko nang tumingin siya sa akin ng masama at may kasama pang...
"Go to my office Ms. Rius, now" utos niya. Ano naman ginawa ko this time? Suking-suki ako sa mga ganito ah. Letse.
Tumayo na lang ako at sumunod kay Ma'am Kiara. Nakita ko pa ang mga tingin ni Mary, Bob, at Francis sa akin. Curious siguro. Pumasok kami sa office ni Ma'am. Ni-lock niya ang pinto saka itinaas ang kamay niya at nagbanggit ng words na sa palagay ko ay spell.
"Give me thy shield"
Napatingin naman ako sa paligid ko, parang wala namang nagbago.
"That spell is to shoo the chismosas" wow, conyo din si Ma'am.
"Madaming mag e-eavesdrop sa usapan natin for sure Ms. Rius. Please have a sit" wika niya kaya naupo na lang ako sa napakalaking sofa na nandito sa opisina niya.
"So Ms. Rius, are you aware that your life might be on danger?" tanong niya sa akin. Para saan? At tsaka bakit?
"Nanganganib? Saan naman po?" tanong ko.
"Sa lahat ng taong nandito sa eskuwelahan na 'to" nagulat naman ako sa sinabi niya. Wait, ano? T-teka, bakit?
"Hindi lang dito, pati na din sa labas ng paaralan na 'to" dugtong pa niya kaya napalunok ako. Wala akong maintindihan pucha! Bakit?! Bakit nasa panganib ang buhay ko?!
"Define Vas, Ms. Rius" wika niya. V-Vas? Ano na naman bang meron d'yan sa Vas na 'yan?! Nakakaasar na ah!
"Vampire's Blood Vessel o sa madaling salita buhay na taong source ng pagkain ng isang bampira. O sa mas madaling salita, meal o pagkain kumbaga" sagot ko.
Napangiti siya sa akin, "Yes, that's the other meaning of a Vas. Pero ang iba, alam mo ba?" tanong niya kaya naman napakunotnoo ako. Mag iba pa bang meaning ang Vas?
"You know nothing, poor child" wika pa niya kaya tumalim na ang tingin ko sa kanya. Kahit pa teacher ko siya, nakakainis na 'yang tono ng pananalita niya.
"Every vampire has to find their Vas. Dapat isang virgin at malinis na dalaga ang makuha nila. Hindi sila basta-basta kumukuha na lang, nakasulat na 'yan sa palad nila. Sa madaling salita, mahahanap nila ang Vas nila, ang babaeng nakatadhana sa kanila, sa tamang panahon. Vampires waited for hundred years, some found their own Vas and some unlucky who didn't"
Anong ibig sabihin niyan, wait... Ibig sabihin—
"Ang Vas, sa mas pinaka madaling salita Ms. Rius, ay ang nakatadhang babae sa kanila. It means, it will be their lover, for a lifetime, and for forever"
Hindi ako agad nakapagreact sa sinabi ni Ma'am Kiara. Sobrang hindi kapani-paniwala 'to. Napa-iling ako, no freaking way. Ako? Lover ni Yohan? That's so impossible. For effin sake, you've got to be kidding me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro