Chapter 5- Big Deal?
Lauren Rius (POV)
Nagtaka naman ako sa lamesang nakalagay sa gitna ng entrance hall. Nakapila ang mga estudyante dito, may binibigay naman 'yung mga taong nakaupo doon. Isang slip ng papel. Nang tinanong ko si Francis kung ano 'yun, hindi niya din alam dahil first time daw mangyari iyon.
Papalapit na ako ng papalapit hanggang sa ako na ang nasa harapan. Napatingin sa akin ang babaeng nagbibigay ng slip. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, ang sama pa ng tingin niya sa akin.
"Name?" masungit pa niyang tanong sa akin.
"Lauren Rius" sagot ko naman.
"Nakikita mo 'tong patch na 'to?" tanong niya sabay turo sa patch na kulay black sa coat niya.
"Patch ito ng Student Council, black symbolizes the council. Iba-iba ang kulay ng patch depende sa year, katulad sa 'yo dilaw it means you're in second year. Gets?" paliwang pa niya kaya tumango na lang ako.
"I'm Valerie by the way, here's your slip. D'yan nakalagay ang room number mo. Thank you, next please!" dire-diretso niyang paliwanag sa akin. Tumabi na lang ako saka hinintay si Francis. Ang sungit naman ng babaeng 'yun, tss.
"Anong room mo Lauren?" tanong sa akin ni Francis kaya naman tinignan ko 'yung slip. Nakalagay dito room 101 ako. Pinakita ko sa kanya yung slip ko. Napangiti naman siya saka ipinakita ang slip sa akin.
"Magkaklase tayo" wika niya kaya napangiti ako. Whoo! Ayos! May taga-pagtanggol ako. Nag lakad na kami patungo sa room namin. Kinakabahan na ewan ang nararamdaman ko. Umiikot din ang sikmura ko, feeling ko masusuka na matatae ako. Aish.
Pumasok na sa loob si Francis, sumilip ako. Nakita ko agad si Bob at Mary sa gilid na nag-uusap. Napangiti ako. Pumasok ako sa loob pero napahinto ako nang may maramdaman ako. Parang may nag-examine sa katawan ko nang dumaan ako sa pinto.
Nagulat naman ako ng makita kong pumula ang mga mata ni Francis pati ng iba kong kaklase. Iba-iba ang nakikita kong mata, may pula, may kulay ginto, may blue. Walanjo, anong klaseng mga mata 'yan? Pero wait, ang sama ng tingin nila sa akin. Wala po akong ginagawa!
"Lauren!" sigaw ni Mary at madaling tumakbo papunta sa akin. "Ah, Mary" awkward kong bati naman. Bakit ganoon sila makatingin? Saka bakit biglang nagbago kulay ng mga mata nila? Mabilis akong hinatak ni Mary sa pwesto nila. Naupo na lang ako sa isang bakanteng upuan malapit kina Mary at Bob saka nagsimulang makipagkwentuhan sa kanila. Hindi ko na pinansin pa 'yung nangyari kanina.
Habang si Francis sumama na sa mga kaibigan niya, kaklase ko pala 'yung Luis. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ng pinto. 'Yung babaeng kanina na nagbigay sa akin ng slip ay dire-diretsong pumasok sa room namin. Ibig sabihin, kaklase ko din siya.
Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang babae. Naglakad ito sa harap. Mukha siyang 12 years old, bakit may bata dito?
"Manahimik lahat"
Nagulat pa ako sa tono ng boses niya. May otoridad dito at napakalalim pa. Para sa isang batang katulad niya, hindi appropriate ang boses niya! Nakakakakot! Pati ang tingin niya. Jusko, bata ba talaga 'to?!
Mukha naman hindi nakinig ang mga kaklase ko kaya mas lalong napataas ang kaliwang kilay niya. "Ang sabi ko, manahimik lahat!" sigaw nito kaya napapikit ako. Promise, nakakatakot ang batang ito.
"Mga pasaway kayo, gusto niyo bang maparusahan kayo unang araw pa lang ng pasukan?!" sigaw pa nito kaya naman natahimik na ang mga kaklase ko. Lahat sila nagtataka sa batang nasa harapan namin ngayon. Kahit ako, nagtataka.
"Ako si Kiara Brecket, ako ang magiging guro niyo sa Filipino"
Napanganga ako, kahit si Bob at Mary. No, lahat pala kami nagulat sa sinabi niya. Teacher namin? Ang mukha 12 years old na batang babae na 'to? Seryoso?
"Hindi kayo naniniwala? O gusto niyong paliparin ko ang mga pwet niyo palabas ng kwartong 'to?" pagsusungit pa niya. Speechless ako, I mean. Wait talaga, totoo ba 'to?
"Seryoso ka 'Ne? Baka mali ka ng room na napuntahan" sita naman ng isa kong kaklaseng lalaki sa dulo. Umismid ang mukha ni Kiara kaya naman napalunok ako. May iba sa kanya, nakakatakot ang presensya niya. Yung aura niya, nakakakot sobra. Parang may black na usok ang nakapalibot sa kanya, ano bang meron sa batang 'to? Pero seryoso ba talaga siya?
Nagtaka naman ako nang may ilabas siyang wand. Nanlaki ang mata ko ng itinapat niya ang wand na 'yun sa lalaking nagsalita. Mabilis na lumipad palabas ng room 'yung lalaki. Nasabag yung bintana dahil doon niya itinapon palabas yung lalaki. Napanganga na ako lang, magic ba ;yung nakita ko? What the f-ck?!
"Ano? May iba pa bang a-angal at hindi naniniwala na ako ang teacher niyo?!" sigaw pa nito sabay turo ng wand sa may blackboard kaya nagulat ako ng masira 'to. Waaaaaah! Sasabog utak ko! Ano siya?! Hindi siya tao! Ano siya?!
Wala ng sumagot sa kanya at nanahimik na ang mga kaklase ko kaya naman napangisi siya.
"Good, ngayon umpisahan na natin ang klase" anunsyo niya at nagsimulang mag turo about sa subject niyang Filipino. Napanganga naman ako sa galing magturo ni Ma'am Kiara. Yes, may Ma'am na talaga.
Nakahinga na ako ng maluwag ng matapos ang klase ni Ma'am Kiara, pero hindi pa pala natatapos ang ka-weirduhan ng paaralan na ito. Sunod kay Ma'am Kiara, pumasok naman ang teacher namin sa Math. Si Sir Warren. Gwapo si Sir, super. Pero hindi ko inaasahan na taong-lobo pala si Sir. Nagulat na lang ako nang may isang estusyante na nambastos sa kanya na palagay ko ay kalahi din niya.
Biglang naging kulay ginto ang mga mata ni Sir at humaba ang mga kuko niya sa inis sa lalaking gumagago sa kanya.
Sunod namang pumasok ang teacher namin sa Music. Si Sir Erik, pero hindi daw dapat Sir Erick ang tawag sa kanya. Dahil sa gabi, Ma'am Ericka daw siya. Nagulat na lang ako na lalaki pala siya dahil pucha mukha talaga siyang babae. As in! Pati boses! Jusko, ang ganda niya mukha siyang dyosa tapos lalaki pala? Aish.
Napasalampak na lang ako sa lamesa ko. Nanghihina ako sa nalalaman ko sa paaralan na 'to. Nagbell na. Hindi ko naman alam ibig sabihin no'n. Nagtaka naman ako nang magsingitian ang mga kaklase ko.
"Okay! Snack time!" sigaw nang isa ko sa mga kaklase at mabilis na nagbago ang kulay ng mata. Kinilabutan ako sa sinabi niya at mabilis na sinlampak uli ang mukha ko sa lamesa. Hindi ko naman makausap sina Bob at Mary dahil may kausap silang lalaki na galing sa ibang room.
Napabuntong hininga na lang ako, wala akong ganang kumain ngayon. Kaso gusto ko makita canteen nila. Kaso uli, natatakot naman ako at baka iba ang madatnan ko sa canteen nila!
Narinig kong may kumatok sa pinto namin. Nagtaka naman ako nang manahimik ang mga kaklase ko. Kung kanina sobrang ingay, ngayon naman sobrang tahimik. Kaya naman napatingin ako sa may pinto, nanlaki naman ang mata ko nang makita si Yohan.
"Found ya" wika niya habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa mga kaklase ko, lahat sila nakatingin sa akin. Lalo na ang mga babae, ang sasama ng tingin sa akin. Nanlilisik talaga as in. Lalo na si Valerie, nakita ko pang naputol na niya ang ballpen na hawak-hawak niya. Napalunok na lang ako.
"Lauren!" tawag pa sa akin ni Yohan. Pinaling niya ang ulo niya, nagsasabing 'Oy ikaw! Sumunod ka sa akin'
Napabuntong hininga na lang ako saka tumayo, nagulat pa ako nang hawakan ni Bob ang braso ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Bob sa akin.
"May kakausapin lang ako labas" sagot ko. Tumango siya sa akin, "Sige mag-iingat ka" ngumiti na lang ako saka lumabas na ng room. Nakita ko naman si Yohan na nakasandal lang sa may bintana at nakatingin sa labas.
"Anong kailangan mo?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin, "Meal time" sagot niya kaya napa-irap na lang ako sa kawalan.
Mabilis niya akong hinatak papunta sa isang kwarto. Nang tinignan ko kung anong kwarto 'to, kwarto pa ng homeroom namin. Na-impress naman ako sa kompletong kitchen utensils na nakalagay sa mga cabinet.
"Tara dito" wika ni Yohan sabay hatak sa akin. Mabilis niya akong itinulak sa pader. Agad niyang tinanggal ang ribbon ko. Ibinaba niya ng kaunti ang coat ko at binuksan ang butones ng blouse ko.
"Teka Yohan, baka maamoy ng iba 'yung dugo ko" sabi ko sa kanya. Pero tila wala siyang narinig at mabilis na kumagat sa leeg ko. Napahawak ako sa polo niya at napapikit sa sakit. Ang init, sobrang init. Ramdam na ramdam ko ang pagsipsip ni Yohan ng dugo ko.
Mas lalo akong kumapit sa kanya nang buhatin niya ako dahil sa sobrang gigil sa dugo ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, sabayan pa ng init na nararamdam ko, feeling ko bibigay katawan ko.
Maya maya pa't bumitaw na din sa wakas si Yohan. Dinilaan niya ang leeg ko na punong-puno ng dugo. Nag labas siya ng panyo at inilagay yun sa kinagatan niya.
Ngumisi siya sa akin, "Nanghihina ka na" bulong pa niya kaya naman napa-ismid ako. Nakakaasar 'yung sinabi niya. Malamang manghihina talaga ako. Ikaw ba naman kuhanan ng dugo, sino ba naman hindi manghihina do'n? Letse.
Madali kong binutones ang blouse ko at isinuot uli ang coat ko. Inayos ko naman ang ribbon ko saka pinunasan yung dugo na nasa leeg ko.
"May madaling paraan para manumbalik lakas mo" napatingin ako sa kanya. Inaayos niya ngayon ang polo niyang gulo-gulo kanina.
"Ano naman?" pagsusungit ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at lumapit, "Wag mo akong bubugbugin ah" bulong pa niya ulit.
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang pisngi ko at mabilis na inilapit ang mukha niya sa akin. Next thing I knew, hinahalikan na niya ako.
Holy crap!
Ang lambot ng labi niya, damang-dama ko ang halik niya. He's very gentle. This kiss, may kakaiba sa halik na 'to. Para bang isang charger ko ang halik na 'to dahil gumagaan na pakiramdam ko. Hindi katulad kanina na sobrang bigat.
Minutes, tumagal ang halik ng minuto. Hingal na hingal siyang bumitaw sa halik. Napangisi siya saka ginulo uli ang buhok ko.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya. Habang ako na hahabol pa din ng hininga.
Tumango ako at napaiwas ng tingin sa kanya, "Okay na" sagot ko at madaling naglakad palabas. Bigla naman niya ako hinigit saka madaling umakbay sa akin. Hindi na ako nakapalag dahil kahit anong gawin kong tanggal, binabalik niya lang din.
Sabay kaming naglakad palabas, ang nakakabwisit pa, lahat ng babae nakatingin sa akin ng masama. Kulang na lang eh sumugod sila sa akin at patayin ako. Nagtaka naman ako nang makita ko si Valerie na nakatingin sa akin ng masama.
Pagdating sa tapat ng pinto, lumapit uli sa akin si Yohan at bumulong.
"Sabay na tayo umuwi mamaya" tumango na lang ako saka tinignan siyang maglakad palayo. Papasok na sana ako nang hawakan naman ako ng mahigpit ni Valerie sa braso kaya napa-aray na ako.
"T-teka ano ba Valerie!" sigaw ko at madaling hinatak ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Anong relasyon mo kay Yohan?!" galit na galit niyang sigaw sa akin kaya naman nagulat ako.
"W-wala..." sagot ko.
"Anong wala?! Bakit sobrang close mo sa kanya?! Inakbayan ka pa! Ang landi mo din 'no?!" napataas na ang kilay ko sa sinabi niya.
"Teka-teka-teka. Bago tayo magkalabuan dito, anong big deal kung close ko si Yohan? Masama ba? Bawal ba?" bwisit kong tanong sa kanya.
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin, "You're just new here. Pero kung lumandi ka sagad-sagad! At si Yohan pa talaga pinatos mo!" galit na galit niyang sigaw sa akin kaya napanganga ako.
"Pucha? Nagseselos ka ba?" tanong ko kaya naman napahinto siya. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko. I knew it! May gusto siya kay Yohan!
"Ano ka ba niya at kung makatalak ka d'yan akala mo ikaw ang girlfriend?" dugtong ko pa saka napangisi.
"Wag ako gaguhin mo, iba na lang. Kasi ang relasyon ko kay Yohan, hindi mo na dapat pakialaman pa" last words ko saka pumasok na ng room at iniwan siyang nanggagalaiti sa labas.
Napa-iling na lang ako nang makita pa ang ibang babae kong kaklase na ang sama ng tingin sa akin. Tch, ano bang big deal? Vas lang ako ni Yohan, kung maka-react naman 'tong mga 'to, parang asawa ni Yohan. F-ck fan girls. Isumpa na din ang kagwapuhan ni Yohan. Mapapahamak ako nito eh. Asar talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro