Chapter 3- Your blood is mine
Lauren Rius
Kahit anong gawin kong palag wala akong magawa. Sobrang lakas niya at nanghihina na rin ako. Sobrang init sa pakiramdam ng ginagawa niya. Kahit na alam kong takot na takot na ako ngayon, may kung anong bagay ang nakakapang adik sa ginagawa niya. Na kahit anong gawin kong laban, dahan-dahan akong nahuhulog sa mapangakit na sensasyon na iyon.
Dahil sa hindi ko na kaya at nahihilo na rin ako, dahan-dahan na akong napaupo sa lapag. Habang siya wala pa ding tigil sa pagsipsip ng dugos sa leeg ko. Nang marealize ko na baka papatayin na niya talaga ako ay agad kong hinawakan ang braso niya at tinulak siya gamit ang natitira kong lakas.
"Tumigil ka na," mahinang bulong ko sa kanya. Kusa naman siyang tumigil. Kahit wala na ako sa sarili alam ko pa rin naman ang nangyayari sa paligid ko. Kaya naman mas lalo akong na-praning sa ginawa niya, dinilaan pa niya ang leeg ko saka niya hinawakan ang magkabilang braso ko at inalalayan na isandal sa pader.
"I'm sorry..." bulong niya. Tumango na lang ako dahil wala na akong lakas na magsalita pa. Nagulat ako nang binuhat niya ako at dinala sa magiging kuwarto ko. Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama habang siya ay naupo naman sa tabi ko.
"I've drink too much blood. You should rest," bulong pa niya sa akin.
"But remember this, magiging mabait lang ako sayo dahil sa dugo mo. Don't expect more." Napa-ismid na lang ako. Hindi ako assumera gago!
Hindi na lang ako umimik at napapikit na lang. Sobra talaga akong nanghina. Sa lahat pa ng mapupuntahan ko sa bampira pang 'to. Pero laking pasasalamat ko na rin at hindi sa isang incubus o kaya sa isang witch ako na punta. Sex araw-araw sa incubus, kapagod 'yun. Saka ibibigay ko lang ang perlas ng silanganan ko sa taong mahal ko. Ayoko naman sa isang mangkukulam, ayoko mamatay ng maaga. Ubos life force ko panigurado kaya laking pasasalamat ko pa din at dito ako napunta.
Laking pasasalamat pa ring bang sa bampira ako napunta at ngayon dugo ko ang puntirya niya? Kung ganoon, sirang-sira na talaga ang buhay ko.
Pero teka nga! Ito ba 'yung letseng parusa na 'yan? Ang maging meal ng bampirang to araw-araw?
"So I made a deal, your blood is mine now. You are mine. Naintindihan mo ba?" Dahil sa sinabi niyang 'yan agad ako napaupo kahit pa nahihilo na ako.
"Wait, teka, hindi pa ako uma-agree dito. Bigla-bigla ka na lang nangangagat d'yan! Wala akong alam dito! Basta ang alam ko parusa kong mag-aral dito sa sa inyo pero itong—"
"The moment you stepped inside this room I felt your presence and that moment I decided to make you my Vas." Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.
"So nagde-decide ka nang hindi man lang inaalam kung papayag ba ako? Baliw ka ba?" iiling-iling ko pang sagot sa kanya.
"Pagsinabi ko ng akin ka na, akin ka na," sagot pa niya kaya napakunotnoo ako. Tang-na, hindi ako nabibili. Parang binenta ko na rin katawan ko sa kanya! Ayoko nitong nangyayari! Ayoko madamay sa magulo nilang mundo!
"Not for sale po ako. Lalong lalo na ang dugo ko please 'wag ako iba na lang." Hopeless ko pang sabi sa kanya pero ayon sa mukha niya, mukhang hindi siya papayag at ayaw niya talaga.
"Hindi lang ako ang makakakuha ng benefit sa deal natin Lauren, kahit ikaw. Anything you wish, tutuparin ko," sabi pa niya kaya medyo nagbago ang takbo ng isip ko. Anong benefits 'yan?
"Katulad ng alin?" tanong ko.
"I'll protect you. Lalo na't dito ka pa nag-aaral sa amin. Madaming magtatangka sa buhay mo. Pero dahil sa akin ka na, pro-protektahan kita kahit anong mangyari," sagot niya kaya napahawak ako sa baba ko saka nag isip-isip. Magandang deal 'yan. Hindi ako mamamatay ng maaga agad.
"Ayaw mo pa namang mamatay 'di ba?" nakangising wika pa niya. Kaya napabuntong-hininga ako.
"Hindi mo naman ako papatayin 'di ba?" tanong ko. Umiling siya at tiningnan ako diretso sa mga mata.
"Once a vampire chose their Vas, it will be their Vas forever." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tama ba 'tong pinapasok ko?
"Teka ano ba ang Vas?" tanong ko pa.
"Blood Vessel, tao lamang ang pwede namin maging Vas. Kailangan din babae ang makuha namin, hindi kami pwede uminom sa kapwa namin. At ang pinaka-importante sa lahat, kaiangan virgin pa ang babaeng magiging Vas namin. Lucky..." he smirked. I blushed.
"Virgin ka pa," dugtong pa niya.
"Of course! Ibibigay ko lang 'to sa taong mamahalin ko at mamahalin ako ng lubos!" sigaw ko sa kanya.
"Put that aside, let's do the contract." Napakunotnoo ako. Contract? As in kontrata?
"Para saan naman 'yan?" tanong ko.
"For the dos and don'ts. I have my own rule," sagot naman niya.
"Teka paano ako? Unfair 'yan!"
"Edi gumawa ka din ng sa 'yo," sagot niya kaya napaisip ako. Ah! Alam ko na!
"Every night ka lang iinom sa akin!" umismid ang mukha niya at parang hindi pa papayag.
"Fine, pero kapag emergency—"
"Oo na oo na! Tsk!" pagpuputol ko sa kanya. "Pangalawa, no touchy naiintidihan mo ba? Vas mo lang ako hindi sex slave!" sigaw ko sa kanya kaya napangiti siya.
"Don't worry. Hindi ka naman attractive so wag ka mag-assume na hahalayin kita"
Fvck. Tama ba rinig ko? Hindi ako attractive? FYI! Ako ang crush ng bayan sa school ko dati! Noong elem pa nga lang ako, pero at least madami pa ding nagkakagusto sa akin. Tignan niyo! Papatunayan ko!
"Meron ka pang rule?" tanong niya. Wala na akong maisip. Blocked na ang utak ko. Umiling na lang ako.
"Just protect me.." bulong ko. Nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko at ngumiti sa akin. This is the first time na may halimaw na nakagaanan ko agad ng loob. Take note sa kanya pa talaga. Tsaka ngumiti siya sa akin, isn't that so nice?
"Don't worry, I will protect you.. no matter what happens.." sagot niya kaya napangiti ako.
"You're my Vas after all, I can't afford to lose you" dugtong niya kaya napa ismid ako. Okay na sana eh. Okay na sana.
"Rules ko naman" anunsyo niya kaya tumango ako.
"Iisa lang ang rule ko Lauren, don't you ever fall in love with me" wika niya kaya nanlaki ang mata ko. Ilang blink pa ng mata hanggang sa nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.
"Pfft- Hahahahahahaha!" naglabas na ako ng isang napakatindi at napakalakas na tawa. Halakhak super! The fvck?! Totoo ba 'to?! Hahahaha! Ako ma i-inlove sa kanya?! Is he serious?! hahaha! Napakadali! No problemo! Hahahaha!
"What's so funny?" kunotnoo pa niyang tanong sa akin. Nap hawak ako sa tiyan ko sa sobrang sakit kakatawa.
"W-wala.. Hahaha! Napaka dali naman niyan! Wag kang mag-alala! Hindi ako maiinlove sa 'yo" paniniguro ko sa kanya.
Napangisi siya saka itinigalid ang ulo niya. Wait, ang cute niya. Wait, did I just said cute? Lol.
"Siguraduhin mo lang Miss Lauren, dahil kapag na inlove ka sa akin panigurado ikaw ang talo" sagot niya kaya ako naman ang napangisi. Wag niya akong hinahamon hamon ng ganyan.
"Wag ka din mag paniguro Mr. Vampire, baka ikaw ang ma-inlove sa akin" hamon ko pa sa kanya.
"Don't worry darling, hindi mangyayari 'yun" sagot naman niya. Aba gusto ko 'to, tignan natin ang lakas mo sa ngalan ng pag ibig Mr. Vampy!
"Ows? O sige mag laro tayo gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Ano namang laro 'yan?" tanong niya.
"Simpleng love game. You know the rules since you started it Mr. Vampy" sagot ko. Hindi na nawala ang ngisi sa mga labi niya. Nag-eenjoy ang loko.
"Sure" pangsangayon niya kaya napangiti ako. Ayos, magandang laro 'to.
"But before that let's do the contract" sabi pa niya kaya napakunotnoo na naman ako.
"Paano ba 'yang contract na 'yan? Mag sa-sign sa mga papel?" tanong ko pero umiling siya. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.
"What part of your body do you like the most?" tanong niya kaya napatingin naman ako sa katawan ko.
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
"Sagutin mo na lang pwede?" wow nagsungit agad! Napatingin ako sa katawan ko saka nag-isip. Ano nga ba pinaka gusto kong parte ng katawan ko?
"Paa?" sagot ko kaya napa-ismid siya.
"Wag namang paa!" sigaw niya kaya nagulat ako.
"Sorry na! Highblood. Tss" teka ano nga ba?
"Ayoko ng leeg, kinagat mo na eh. Ayoko lalo ng labi ko, ang panget" bulong ko. Ah alam ko na!
"Likod ko!" ngiti ko pang sagot.
"Bakit 'yun?" tanong niya.
"May S curve kasi ako. Sexy ko no? Hahaha!" sagot ko pero napa-ismid lang siya.
"Taas o baba?" tanong pa niya. Ano nga ba?
"Buo" sagot ko.
"Sigurado ka?" tanong pa niya kaya tumango ako.
"Then chose a symbol" nakunotnoo na ako. Kanina parte ng katawan? Ngayon symbol naman?
"Symbol ng alin naman?" tanong ko.
"Simbolo ng kontrata natin" sagot niya. Kaya napa 'ahh' na lang ako. Ano nga ba ang magandang symbol? Gusto ko simple lang eh. Ano nga ba talagang maganda?
"Ah! Moon! Gusto ko moon! Half moon, tapos sa sayo half din. Para kapag pinag combine magiging whole moon! O 'di ba may partner symbol na tayo astig!"
"Part—" agad ko siyang pinutol sa sasabihin pa niya.
"Wag ka mag-assume, partner symbol lang as in mag partners not in romantic way Mr. Vampy!" sigaw ko agad. Tumingin naman siya sa akin na malisyosong tingin, sarap turukin ng mata eh.
"Anyway tapusin na natin 'to ng makapagpahinga ka na" wika niya.
Pero nagulat ako ng hinawakan niya ako sa kamay saka sapilitang idinapa sa kama. Nanlaki lalo ang mata ko ng itinaas niya ang damit ko. Agad akong nagpanic at nagsisigaw sa kwarto.
"Anong ginagawa mo?! Sabi ko walang touchy touchy 'di ba?!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya nakikinig. Mas lalo akong na-praning nang lumapit siya para mailapit ang mukha niya sa likod ko.
"Ahhh! Wag! Bata pa ako!!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas.
"This will hurt a little Lauren" bulong niya kaya napahinto ako sa pagpapanic at napatingin sa gagawin niya.
Nagulat ako ng halikan niya ang bandang ibaba ng likod ko, saka ko nakita ang matatalim niyang pangil na unti-unti nang bumabaon sa likod ko. Pagkatapos nang isang kagat ay nagtaka ako ng hindi na siya nagtagal para sumipsip ng dugo. Namangha naman ako nang makitang kusang gumapang ang dugo ko sa likod saka nag iwan ng marka sa likod ko. Tattoo na ngayon ng isang buwan. Wow.
"P-paano mo nagawa 'yan?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saka pinunsan ang dugong nasa labi niya.
"Secret" sagot niya kaya napa0ismid ako. Teka bago mahuli ang lahat, kinagat niya ako 'di ba?!
"T-teka! Hindi naman ako magiging bampira 'di ba?!" pagpapanic kong tanong sa kanya. 'Di ba magiging bampira ka rin kapag kinagat ka ng isang bampira? Magiging bampira na rin ba ako? No way!
"Hindi ka magiging bampira unless iniwan ko ang venom ko sayo" sagot niya kaya napatango ako. Good.
"Hindi mo naman gagawin 'yun diba?"
"Of course not, mas mahal ko ang dugo mo Lauren" sagot niya kaya napa-ismid na lang uli ako.
Nahiga na ako saka napabuntong hininga. Nakakapagod naman 'tong araw na 'to.
"Bukas ka na ng gabi pumasok. Nanghihina ka pa" wika niya kaya napatingin ako kay Mr. Vampy.
"Salamat Mr. Vampy, ikaw na po ang bahala sa akin" sagot ko saka napapikit. Gusto ko na talagang matulog.
"It's Yohan you idiot" wika niya kaya napadilat ako. May narinig akong idiot.
"Yohan? Idiot?" tanong ko.
"Tanga, ikaw ang idiot at Yohan ang pangalan ko" napatitig ako sa kanya.
"Yohan? Ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Bakit may problema ba sa pangalan ko?"
"Ah wala naman"
"Aalis na ako. Wag na wag kang lalabas ng kwartong to Lauren habang wala ako. Kung gusto mo pa mabuhay manatili ka sa kwarto" bilin pa niya kaya napatango na lang ako. Tumayo na siya saka nag lakad palabas ng kwarto ko. Nakahiga lang ako habang nakatingin sa kanya kaya bago pa man siya makalabas ng kwarto ko muli akong nagpasalamat sa kanya.
"Thank you.. Yohan" bulong ko pero alam kong narinig pa din niya iyon. Tumango lang siya bilang pagsagot sa akin at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Napangiti ako saglit pero unti-unti din nawala ang ngiti ko.
Maswerte ba ako dahil si Yohan ang nakakuha sa akin?
Ano nang magiging buhay ko simula ngayon?
Sa west wing.. Kasama ang mga iba't ibang halimaw..
At kasama si Yohan.. si Mr. Vampy..
Ano na nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro