Chapter 1- Punishment
Lauren Rius
"Excuse me ho! Excuse me naman! Nagmamadali 'yung tao!" sigaw ko at pilit na tinutulak ang mga taong nakaharang sa daan. Nagmamadali na ako ayaw pang umalis at magpadaan. Tindi na naman kasi ng enrollment ngayon sa Tensee! Bakit ba napakadaming estudyante ang gustong mag-aral dito? Sa bagay maganda naman talaga dito. Pero mamaya na 'yan! Nagmamadali na ako!
Agad akong tumakbo patungo sa guidance office dahil may nangyari raw kina Bob at Mary. Syempre ako itong mapagmahal na kaibigan ay to the rescue. Nang makarating ako sa building ay dire-diretso akong pumasok at agad na pumunta sa guidance office.
Mabilis kong binuksan ang pinto at hinahanap sina Bob at Mary.
"Bob! Mary!" sigaw ko. Tiningnan ako ng masama ng guidance counselor kaya naman agad akong tumahimik. Nakita kong nakaupo sa sulok ang dalawa habang nakayuko. Umupo naman ako agad sa harap para makausap ang guidance counselor namin.
"Ano po bang problema?" magalang kong tanong.
"Nahuli lang naman 'yang mga kaibigan mo na nagse-sex sa library."
Nanlaki ang mata ko at napanganga sa sinabi ng guidance counselor namin.
"W-What?" Napatingin ako agad sa dalawa.
"Are you— Hoy, kayo! Nabaliw na ba kayo ng tuluyan? Gumagana pa ba 'yang neurons sa utak! Bakit naman— Bakit niyo..." Pumikit na lamang ako at bumuntong-hininga. Letse talaga! Letse!
Calm down Lauren. Kausap mo pa ang guidance counselor. Pag nagkataon baka ma-guidance ka din dahil sa gagawin mo sa dalawa mong abnong kaibigan.
Nanghihina man ako sa nalaman tungkol sa dalawa, pilit ko pa rin kinalma ang sarili ko. Kausap ko pa ang guidance counselor at kailangan ko 'to gawan ng paraan dahil kung hindi mapapalayas kami sa eskuwelahan.
"Pwede po bang palipasin na lang uli natin 'to Ma'am?" pagmamakaawa ko.
"Bilangin mo nga kung pang ilang huli na ito para sa kaibigan mo Ms. Rius. For pete's sake twenty five times! Same offense! Nahuling nagse-sex! Mga sex addicts ba yan?!"
Napayuko na lang ako sa sermon. Ano bang gagawin ko sa mga 'to? Jusko, ang sakit sa ulo!
"Nagsex sa CR, sa room, sa janitor's room! Sa hagdan! Sa laboratory! Pati nga opisina ko hindi pinalagpas! At ngayon sa library naman?!" galit na galit na bulyaw sa amin sabay hampas sa lamesa kaya napayuko na lang uli ako.
"Hindi ko na uli papalagpasin 'to Ms. Rius, including you," sabi pa ng GC namin kaya mas nanlaki ang mata ko sa gulat. Bakit nasama ako?! Wala akong ginagawang masama!
"Pati ho ako?! Bakit po?!" sigaw ko pa.
"Hindi mo binabantayan mabuti 'yang mga kaibigan mo. It's your responsibility to take care of them. It was your promise Ms. Rius."
Sasagot pa sana ako kaso ang pangako ay pangako at walang sinasanto itong guidance namin kaya nanahimik na lang ako. Jusko, ma ki-kick out na ba kami ng tuluyan? Wag naman! Ginalingan ko talaga para lang makapasok sa paaralan na 'to at sa scholarship na lang ang kapit ko. Napatingin ako sa dalawa ng masama, agad umiwas ng tingin 'yung dalawa. Mga sakit sa ulo!
"I'll give you another chance." Napatingin ako agad sa GC namin.
"This will also serve as your punishment. Including you two," dugtong ni Ma'am sabay tingin ng GC namin sa dalawa kaya napangisi ako.
"I saw your grades Ms. Rius at masasabi kong matalino ka talagang bata." Napangiti ako at tumango-tango.
"So ililipat kita ng building." Teka, saglit, ililipat ng building? Hindi ko maintindihan.
"What do you mean Ma'am? Ililipat ako ng building?" tanong ko.
"Yes. Don't worry 'yun pa rin ang course mo. Maiiba lang ang building at schedule mo." Tumango ako ulit. Okay naman pala. Akala ko kung ano na.
"Saan naman ako lilipat Ma'am?" ngingiti-ngiti ko pang tanong.
"West Wing." Nabato ako sa kinauupuan ko habang sina Bob at Mary ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Ma'am.
"Ma'am ayos lang ho ba takbo ng utak niyo? Bakit niyo ililipat ng building si Lauren? Sa West Wing pa!" sigaw ni Bob.
"Ma'am! Delikado doon! Hindi kami puwede doon! Alam niyo naman siguro ang rules sa Tensee!" sigaw din ni Mary kaya mas lalo pang nag-init ang ulo ni Ma'am.
"Shut up! You both! Una sa lahat kasalanan niyo ito kaya manahimik kayo d'yan!" sigaw ni Ma'am kaya natahimik na ang dalawa. Sinenyasan ko na lang na 'wag na silang magreklamo pa. Lalala lang 'yung sitwasyon.
"Ano naman pong gagawin ko doon Ma'am? Gusto niyo na ba talaga akong makatay ng wala sa oras? Sabihin niyo lang po kung may hinanakit kayo sa akin." Pagbibiro ko pa pero seryoso talaga si Ma'am kaya nakaramdam na ako ng kaba.
"I'm serious Ms. Rius, you'll move to West Wing bukas na bukas din."
"Kahit sa dorm Ma'am?"
"Oo naman kung ayaw mo magpakahirap sa biyahe."
"Ma'am naman! Kung gusto niyo na ako mamatay, mag papakamatay na ako sa harap niyo! Wag niyo na akong pahirapan!" sigaw ko pa. Sa lahat naman ng parusang ibibigay ito pa? Bakit doon? Bakit sa lahat ng parusa ang paglapit pa sa West Wing ang ibinigay ng GC namin?
"Nakataya rin ang buhay ko dito Ms. Rius kaya 'wag ka nang magreklamo at magsimula ka ng magdasal," sagot pa niya sa akin.
"Ma'am naman! Bata pa po ako! Madaming pangarap sa buhay!"
"You also know the rules Lauren. Pang ilang offense niyo na ba ito? Binibigyan pa kita ng chance kaya this time mag-ayos ka at nitong mga kaibigan mo. Ano'ng gusto mo? Ma-kick out o sa West wing kayo lilipat?" Napabuntong-hininga na lang ako. No choice. West wing tayo.
"Okay po Ma'am, west wing na," lumong-lumo kong sagot.
"West Wing, V Building," wika pa ni Ma'am kaya hinang-hina na akong tumingin sa kanya.
"V Building?! Are you serious?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Bob. Habang si Mary hindi mo alam kung maiiyak na ba o ano.
"Bumalik ka dito bukas ng maaga para makuha ang schedules niyo at ang dorm number niyo. Naiintindihan?" tumango na lang ako at hinang-hina na lumabas ng guidance office. Feeling ko nahatak ang kaluluwa ko sa mga sinabi ni Ma'am. Lumabas ako ng building habang 'yung dalawa naman ay nakasunod lang sa akin.
Naupo ako sa bench at doon nag mukmok. Naupo naman sa magkabilang tabi ko sina Bob at Mary. Napabuntong-hininga kaming tatlo, sabay-sabay pa talaga.
"Fate really want us dead," wika ni Mary kaya napatango ako.
"Tumpak," komento ko.
"Korak," komento naman ni Bob.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Mary kaya napaisip ako.
"Bumalik na kaya tayong pinas? Okay naman buhay natin doon." Mungkahi ni Bob kaya napangiwi ako. Kung sila maayos ang buhay doon pwes ako hindi.
"Paano naman si Ren?" tanong ni Mary.
Napabuntong-hininga uli kaming tatlo. Ano nga ba ang the best na gawin? Para sa akin ay ang magtiis na lang na mag-aral sa West Wing. Bakit ba ayaw namin mapunta doon? Dahil ito ang isa sa mga iniiwasan ng mga tao sa East Wing, ang lugar na 'yon, ang West Wing.
Nandito kami ngayon sa Tensee. Nasa pinakatuktok sa mapa ng Pilipinas. Isa itong malaking private island kung saan ang gobyerno ang namamahala. Hindi na ito sakop ng pilipinas pero tagalog pa rin ang ginagamit naming salita.
Piling mga tao na galing pa sa iba't ibang bansa ang mga naninirahan dito. Isa na ako doon at ang dalawa kong kaibigan. Lahat ng mga nakatira dito ay may nalalaman na hindi nalalaman ng isang ordinaryong tao.
Kinukuha ng gobyerno ang mga taong aware na sa existence ng ibang nilalang dito sa mundo. Ang iba ay mga biktima, nakadanas nang makita sila, o kaya naman ang iba ay talagang fated ng ma-involve sa gaya nila.
Kaming tatlo ay naka-experience ng isang nakakatakot na insidente kung saan sangkot kasama ang mga halimaw na 'yon. Pinilipit ng gobyerno na hindi kumalat sa buong mundo ang pagdami ng uri nila. Kaya naman lahat ng witness sa kanila ay dito inilalagay sa Tensee.
Ano-ano ba ang mga nilalang na 'yun? Demon creatures. Lahat meron dito. Vampires, werewolves, witches, kahit siguro manananggal ay meron dito. Hindi man kapani-paniwala pero lahat ito ay totoo.
Nag-aaral kami dito sa Tensee University. Ang oh-so-great at talaga namang pinakamagandang eskuwelahan ngayon sa buong mundo. Nahahati sa dalawang parte ang TU. East Wing which is for humans, kung saan kami nag-aaral nila Mary, and West Wing, well of course, for them.
Hiniwalay ang mga tao sa mga halimaw para hindi magkagulo. Mahirap na. Alam niyo naman kung gaano kasabik ang iba sa kanila na makapangbiktima. At isa sa mga rules sa TU, kapag madami kang offense for sure ang bagsak mo ay sa West Wing. Doon ka magdudusa ng bonggang bongga.
Kaya gnoon na lang ang pangamba naming tatlo.
Kasalanan kasi lahat 'yan ng dalawa e!
Agad akong napatingin ng masama sa dalawa. "Ano na naman bang pumasok sa isip niyo at putsa! Nagsex na naman kayo! Gawin niyo pero wag kayo magpahuli!" bulyaw ko sa dalawa. Hindi ko na pinagbabawalan 'yan dahil normal na sa kanila yan. Mag-on sila kaya ayos lang. Bahala sila sa buhay nila.
"Lust can't be controlled. Engk engk," sagot ni Bob kaya agad kong binatukan ang loko. Napabuntong-hininga na lang uli ako. Pangatlo na ito.
"We will see each other in heaven," lumung-lumo kong wika.
"Sorry hindi ka tatanggapin doon," sagot agad ni Bob kaya napanguso na lang ako.
"In Hell, correction," dugtong pa ni Mary.
"So ano na ang gagawin natin?" tanong ko sa dalawa.
"No choice," sagot ni Mary.
"West Wing tayo," dugtong ni Bob.
"Goodluck," wika ko at sabay-sabay na naman kami napabuntong-hininga.
♣
Kinabukasan kahit labag sa loob kong mag-impake ay no choice na talaga. Nang matapos ako mag-ayos ay agad din akong pumunta sa guidance office saka kinuha ang dapat kuhanin sa guidance counselor namin. Kalat na din sa buong East wing na kami ang pinakabagong batch na lilipat sa West wing.
Madami na ang nagbigay ng condolence nila. Sarap pagpapatayin eh. Maraming salamat sa concern.
Ibinigay lang sa akin ang schedule, dorm name at ang room number namin. Bago pa ako umalis halata naman kay Ma'am na nag-aalala siya para sa amin. Ginagawa lang din naman niya ang trabaho niya. Isa din kasi kaming mga siraulo kaya tama lang itong parusa na 'to.
Sumakay na ako ng kotse, nandoon na din sina Bob at Mary. Mga malulungkot ang mukha at halatang kinakabahan. Habang nasa kotse kami ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Papalapit ng papalapit mas kinakabahan ako.
Hapon pa naman kaya walang masyadong tao sa campus nila. Pumasok na ang kotse sa loob at inihinto kami sa dormitory ng mga estudyante dito. Tiningnan ko uli ang pangalan ng dorm namin.
Acerbus.
Dito na nga.
Bumaba na kami ng sasakyan at kinuha na ang mga gamit namin. Napatingin ako sa paligid. Magkakalapit lang ang mga dorm dito. Building building lang, nakapaikot.
"Dito na ba?" tanong ni Mary. Tumango ako saka akmang lalakad papasok sa pinto ng napapikit ako sa lakas ng hangin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pilit akong dumilat saka tiningnan kung sino ang taong nakatayo sa may pinto.
Mayamaya ay nawala na rin ang hangin kaya malinaw na akong napatingin sa gawi ng pintuan.
Isang lalaki ang nakangiting bumungad sa amin.
"Kayo na ba ang bagong lilipat sa dorm namin?" tanong ng lalaki kaya agad akong tumango.
"Kami na nga," sagot ko.
Muli siyang ngumiti saka gumilid para ipakita ang daan sa amin.
"Kung ganoon, Welcome sa Acerbus Domicile."
Hindi mawala ang mapaglaro niyang ngiti sa amin. Nakaramdam ako ng kaba at takot ng makita ko ang papasukan naming tatlo.
Sa isang hallway na napakadilim.
Napalunok na lang ako.
Wala ng atrasan 'to.
***
Comments are, of course, highly recommended. Welcome to the West Wing of Tensee University kiddos.
L / imakemyowndestiny
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro