Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part VIII

Umupo sila sa may pinakamataas na bleachers sa likod pa rin ng gym. Noo'y medyo kalmado na si Angelica.

"Twenty months ago, nagkaroon kami ng pustahan ng mga katropa ko. Ang sabi nila, ililibre daw nila ako ng set ng Lightborn skin sa ML kapag daw napasagot ko 'yung babaeng bagong lipat sa apartment sa may Malvar street. Siyempre, skin na 'yun e. Tatanggi pa ba ako? Kaya um-oo agad ako kahit hindi ko pa alam kung sinong babae 'yun."

Tiningnan muna ni Noe ang katabi. Binabasa ang emosyon nito sa mukha. Tipid siyang nginitian ng dalaga, sapat na para bigyan siya nito ng hudyat para magpatuloy.

"Nang ituro nila 'yung babae sa akin. It was you. Halos makalimutan ko ang mundo. Paano kasi e para ba akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa... sa katauhan mo."

Napatawa nang marahan ang dalaga. "Continue."

"At that moment,  nakalimutan ko 'yung pinag-usapan naming pustahan. Kasi sabi ko, may pustahan o wala, ilalapit ko talaga ang sarili ko sa iyo." Napakamot sa batok ang lalaki. "And the rest is history. We became friends at dumating sa punto na niligawan kita. And after two months, sinagot mo ako."

May kumislap sa mga mata ni Noe nang sabihin niya iyon.  "I was the happiest person that night. Na kulang na lang ipagsabi ko sa pitong bilyong tao sa buong mundo kung gaano ako kasaya kasi finally sinagot mo na ako."

Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy.  "My happiness is beyond the limit hanggang sa... isang araw, pagbukas ko ng account ko sa Mobile Legends e may na-receive akong set ng Lightborn skin. Noon ako sinampal ng katotohanan kung paano nagsimula ang lahat. Simula noon kinakain na ako ng konsensya ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang lahat. Hanggang sa sumapit ang 10th monthsary natin. Hindi ko na talaga kaya pa kaya hiniwalayan na lang kita. At sa sobrang hiya ko, hindi ako nagpakita sa 'yo kahit kailan." Tiningnan ni Noe ang dalaga. "But that's what you thought. Dahil pinagmamasdan pa rin kita sa mula sa malayo. You're so near but you're so far."

"Shhh..." Ipinatong ni Angelica ang hintuturo sa mga labi ng binata. "I've heard enough."

Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Angelica. "May aaminin din ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro