CUPIDITY [EPILOGUE]
Cupidity
EPILOGUE
Why am I doing this? Hindi ko naman mahal si Cathy but why am I composing this damn message to send it to her favorite blogger? Kanina pa ako nagbabasa ng blogs niya. Random lang naman tapos wala naman siyang pinopost na mukha. Baka mamaya ay lalaki pala siya na nagtatago sa username na LovelyC.
MonthOfAugust:
Hi! I don't usually do this pero ginagawa ko na ngayon. Tangina huwag mo akong husgahan, ah. Oo na lalaki ako pero kailangan ko lang talaga ng tulong mo. Yung nililigawan ko kasi ay idol na idol ka tapos hindi ko alam kung ano yung nagawa kong kasalanan. Galit na galit siya sa akin ngayon. Pwede bang i-mention mo siya sa next blog mo? Cathy ang pangalan niya. Pakisabi naman na sorry kung may nagawa akong mali. Huwag ka na magalit sa akin. Bati na tayo. From August. Maraming salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob 'to! Kung hindi mo siya ime-mention ay ha-huntingin kita! Pag ginawa mo 'to ililibre kita ng kahit ano.
Natawa ako sa sarili kong pinagsasabi. Try lang naman. Nagalit si Cathy sa akin kanina dahil natapunan ko ng tubig yung laptop niya. Natural magagalit kasi hindi na niya magamit yung keyboard niya. Niligawan kong totoo si Cathy but she told me to stop. Alam niyang ginagawa ko iyon dahil sa galit ko sa kaibigan niyang nang-iwan sa akin noon. Okay lang naman. Yung ego lang naman yung winasak ng kaibigan niya.
Hindi ako umaasa sa reply nito dahil sikat siya at marami siyang tagasuporta.
LovelyC:
'Kay sure! Basta ba mabait ka at hindi manloloko at 18 up na! Ayaw kong mangunsinti ng mga bata, e! :)
Agad akong napangiti sa sagot niya sa akin. Hindi ko iyon inaasahan. Virgin pa siguro 'to kaya siya ganyan? Ahh, tangina August. Umayos ka. Dapat mapatawad ka ni Cathy para kahit papaano naman makabawi ka na sa nasirang laptop niya.
P.S.
Hey Cathy! Magbati na raw kayo ng manliligaw mo na si August! Patawarin mo na raw siya. Hindi raw niya ginagawa yung ganito pero kinausap niya ako para lang manghingi nang tawad sa'yo. May pagka-user din 'tong manliligaw mo, e. Ginamit pa ko. :D
Cathy: Sira ka talaga August! Manliligaw ka dyan!
August: Napost na niya? Haha! Bakit? Niligawan naman kita kaso friendzoned hahahahaha
Cathy: Sira ka talaga! Bilhan mo na lang ako ng keyboard para sa laptop ko. Pinapatawad na kita hahaha
August: Haha! Ge.
MonthOfAugust: Ang bait naman! Salamat.Kinikilig siya dahil nabanggit mo raw ang pangalan niya. Kinakausap niya na ako ulit hahaha
Madali lang magsinungaling sa internet pero nakakatuwa rin kasi kausap 'tong isang 'to. Masyado naman yata niyang siniseryoso yung mga pinagsasabi ko? Sa dami ng nag-iiwan ng mensahe sa kanya bakit isa yata ako sa napili niyang sagutin?
LovelyC: No prob! Huwag ka na gumawa ng bagay na pwedeng makagalit sa kanya. Sana sagutin ka na niya! :)
Napailing ako sa reply niya. Nakaka-curious kung anong klaseng tao yung nasa likod ng mga blog niya. Magaganda naman kasi ang blogs niya. Enough for me to adore the person behind the screen.
MonthOfAugust: Thanks! Btw, can I add you up? Will treat you as I've promised. Saka isa pa, kapag may tanong ako sa mga babae, pwedeng sa'yo muna ako magtanong? :)
Bakit ba ako nagpapalusot? Bakit ko ba siya gusting kausapin? Umayos ka August. Wala kang time sa mga babae ngayon.
LovelyC: Suspicious ka baka mamaya masamang tao ka pala.
MonthOfAugust: No. Sa gwapo kong 'to? I'm harmless, miss Love.
LovelyC: Talaga ba? Gwapo ka talaga? Sige nga! Anong pangalan mo? Search kita.
MonthOfAugust: August Lenard Parco. Add mo lang ako kung gusto mo. Inggitin ko na rin si Cathy. ;)
LovelyC: Hindi ka naman kagwapuhan
MonthOfAugust: Ouch, hindi ako in-add. :)
LovelyC: See you around na lang, August Lenard Parco! Goodluck sa panliligaw kay Cathy! :D
Naghintay pa ako ng ilang minuto baka sakaling i-add niya ako pero wala. Mas nacu-curious tuloy ako lalo sa kanya. Hindi man lang siya natinag sa kakisigan ko.
***
Ilang beses ko pa siyang kinulit. Halos lahat ng sinasabi ko sa kanya ay sinasagot naman niya. Nakikita ko na lang yung sarili ko na nakangiti dahil sa kanya. Sino ba siya? Ano bang pangalan niya?
"Babae na naman." Hindi ko pinansin si Clark, yung dati kong kaklase. Nagpasama lang naman ako sa kanya ngayon dito sa dati kong pinapasukan dahil may mga kukunin akong requirements. "Paano na yung crush mo rito sa school?"
"Sinong crush?"
"Yung BSBA!" Saktong pagkasabi niya niyon ay dumaan yung babaeng tinutukoy niya. May kasama siyang kaibigan at tila nagmamadali ang mga 'to. "Yun sakto! Yung crush mong 'yon."
"Alam mo na ba yung pangalan niya?" Tanong ko sa kanya nang 'di inaalis ang tingin sa babaeng dumaan. Ang ganda pa rin niya.
"Lovely raw yata yung pangalan."
"Baka may boyfriend na 'yun." Sabi ko na lang dito pagkatapos ay kinuha na yung requirements na kailangan ko. Pagkauwi ko ay nagpalit na ng icon yung blogger. Mabilis akong napamura dahil kahit na hindi buo yung mukha niya alam ko na kaagad kung sino siya. Matagal ko na siyang nakikita at lagi na lang napapako yung mga mata ko sa kanya tuwing dumadaan siya. Tangina, nakikiayon pa si tadhana.
MonthOfAugust: Nakita kita kanina. Kaya pala nagsee you around ka dati. :)
***
Lagi akong niloloko ng mga pinsan ko dahil lagi akong nakahawak ng cellphone. Nanloloko na naman daw kasi ako ng babae. Mali sila. Pangseryosohan ang isang 'to. Hindi niya deserve yung pangmadalian lang. Deserve niya yung pangmatagalan. Halata naman kasi sa mga blog niya na pure siyang babae. Inosente ganun. Plus point na lang talaga na maganda siya tapos saktong siya pala yung crush ko.
Lagi ko siyang kinukulit. Ginagamit ko pa si Cathy makausap lang siya. Alam naman 'yon ni Cathy pero pinagsabihan niya ako. Kung gusto ko raw talaga si Lovely, sabihin ko raw na wala akong iba kasi baka ma-misinterpret daw. Ang babae raw kasi iba mag-isip. Madalas assuming.
Lagi ko siyang nakakausap kahit sa tawag. Ang ganda ng boses niya, ang lambing tapos yung tipong ang sarap pakinggan kapag patulog na. Hindi na lang yata basta crush 'to. Mahal ko na yata.
Sinabi ko sa kanya na friendzoned ako kay Cathy. Totoo naman 'yon. Friendzoned naman talaga ako noong una pa lang. Pero mukhang galit na siya sa akin. Mukhang iniiwasan na niya ako kahit nung gabi lang ay kausap ko pa siya. Ramdam ko naman na gusto rin niya akong kausap pero parang ayaw niyang magpadala sa nararamdaman niya. Dahil ba kay Cathy? Lagi niyang binabanggit si Cathy kahit na hindi ko na siya nakukwento sa kanya. Wala naman kasing kakwento-kwento sa kaibigan kong 'yon. Tumigil ako sa pagbanggit sa kanya dati pa pero siya ang laging nag-uumpisa ng topic tungkol sa kanya.
Kailangan ko na yatang umamin kaso hindi pa ako nakakahanap ng tamang tyempo. OJT na niya, ang busy na niya. May lalaki pang nagcocomment sa mga status niya. Sino ba yun? Manliligaw ba niya? Madalas tuloy nangangati akong pakialaman ang account niya, kung tutuusin madali lang buksan ang accounts niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong manghimasok sa privacy niya.
Nakita ko yung lalaki na yun noong sinundo namin si Love dahil may sakit siya. Binilhan ko siya ng gamot at pagkain kahit hindi ko naman talaga ako ganito. Natatawa pa nga si Jace dahil nadamay pa siya ngayong araw. Nag-aalala lang kasi ako. Paano kung biglang may nangyari sa kanya sa daan kapag umuwi siya? Hinatid namin siya hanggang sa unit niya. Gusto ko sanang pumasok pero hindi naman niya ako ininvite sa loob. Okay lang naman kasi at least alam ko na kung saan siya nakatira.
Tinanong ko siya kung gising na ba siya. Ichi-check ko lang naman sana kung ininom na niya yung gamot niya. Pero ewan, napapangiti ako dahil ginagaya niya lahat ng sinasabi ko. Magaya pa kaya niya kapag ito na ang sasabihin ko?
August: I love you
Ang tagal kong hinintay ang sagot nito. Mukhang hindi yata ubra. Gago August, kapag 'yan hindi ka na kinausap, lagot ka na.
Iti-text ko pa sana siya ulit para bawiin na. Naduduwag ako dahil baka bigla na lang siyang hindi magpakita. Okay lang na friend muna. Okay lang naman, maghihintay na lang ako hanggang sa mahulog na siya.
Lovely: I love you,
Matagal kong tinitigan yung cellphone ko. Nanti-trip ba siya o ano? Kasi ako seryoso.
Lovely: too...
"Tangina!" Hindi ko sinasadyang makuha ang atensyon ng mga pinsan ko. Nanonood kasi sila ng basketball ngayon dito sa bahay.
"Huwag kang nanggugulat! Kung kikiligin ka doon ka sa taas." Umiiling na sinabi ni Lawrence. Palibhasa ginago niya yung nag-iisang nagmahal sa kanya.
Umakyat ako kaagad sa kwarto ko para tawagan siya. Hindi niya sinasagot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang ngayon lang nangyari 'to. Love, ano bang ginagawa mo sa sistema ko? Nababaliw na yata ako dahil sayo.
Sinabi kong liligawan ko siya pero tangina mukhang binabakuran ko na. Kapag naglalakad kami tapos may nakatingin sa kanya, gusting-gusto ko na lang ipakita na ako lang yung pwedeng humawak sa kanya. Kaya kahit hindi pa niya ako sinasagot hinahawakan ko na kamay niya. Nagsimula 'yon doon sa kinainan naming karinderya, gusto pa kasing ireto sa iba e may kasama na nga.
***
Sobrang saya ko noong sinagot mo ako pero natatakot ako na makuha ka ng iba. Magkaiba tayo ng pinapasukan at hindi madalas magkita, idagdag pa na may kaibigan kang lalaki na laging nasa tabi mo. Halata naman, gusto ka niya. Anong gagawin ko kapag nahulog ka sa kanya?
Jealousy is eating me up. I'm sorry that I can't think straight. Ilang beses ko na bang makikita na magkasama kayo ng kaklase mong 'yan? Sorry pumitik yung init ng ulo ko. Gusto ko kasi walang ibang tumitingin sayo katulad ng tingin ko sa'yo.
Pero nakipaghiwalay ka sa akin. Paano'y may gumugulo, si Joan. Nakainuman namin pero hindi ko naman kilala. Wala akong matandaan na may nangyari sa amin pero iyon ang pinapalabas niya. Natatakot tuloy akong humawak ng iba maliban sa'yo.
Nakipaghiwalay ka kasi napagod ka sa pagiging seloso ko. Sinubukan kitang habulin pero pinutol mo lahat ng ating komyunikasyon. Ang daya mo kasi tinatakbuhan mo ako.
Sumuko na muna ako. Hindi ako pagod pero siguro may kailangan akong ayusin sa sarili ko. Pinagbutihan ko yung pag-aaral ako. Ultimo thesis ko tungkol sa sa'yo. Flawed pa yung app pero kapag grumaduate ako, ipagpapatuloy ko yun.
Kapag name-miss kita tinitignan ko lang yung kapareha ng binigay ko sa'yo. Tinago mo ba yung iyo o tinapon mo na? Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano kung bigla kitang makita? Matatanggap mo kaya ako?
Yung kaibigan ko bigla akong inalok ng laro. Ang sabi may iti-text lang ako. Ayaw ko sana kaso nakulitan ako. Ewan ko ba pero parang ikaw 'yon o baka naman umaasa lang ako na ikaw 'yon?
Susunduin ko dapat siya kaso nakita kita bigla. Tangina. Nananadya talaga si tadhana kaya magmula ngayon bestfriend ko na siya. Ikaw pala talaga yon pero takte paano ako magpapakita sa'yo? Hindi pa rin ako handa.
Pero sa tanong mo doon ako natauhan.
Girlfriend: Did you see me last night? Ikaw ba yung ex ko? Man up! I don't like jokes...
Hindi ako nagloloko. Hindi ko rin naman sinadya 'to. Naduwag nga ako kaya paano mo naman nasabi na joke 'to? Pero gustong-gusto kong mapaliwanag sa'yo, gustong-gusto kitang makausap simula nang malaman kong ikaw yung nasa kabilang linya.
Boyfriend: I did. I know you'd reject my help that's why I sent Cathy and Gilbert instead. Sorry for being a coward...
Naglakas loob akong makipagkita sa'yo. Catch up pa nga ang dahilan ko. Tangina diba? Gago moves lang. Noong dumating yung araw na makikipagkita ka sa akin tinanong pa kita kung matutuloy tayo. Natatakot kasi ako na baka hindi mo ako siputin. Naninigurado lang kasi ayaw na kitang pakawalan ulit.
Sinundo kita pero nakita kong may kinakausap kang lalaki. Maganda yung pormahan at halatang mayaman. Malilnis at inaamin ko naman na may hitsura. Natakot ako kaagad kasi baka may boyfriend ka na. Ang bilis mo lang kasi mahalin. Independent ka at kayang-kaya mo yung sarili mo, maganda na nga mabait pa. Ang sarap alagaan. Ang sarap pang i-spoil.
Sinubukan kong magpaliwanag sa'yo. Tuwing naaalala ko yung kasalanan ko sa'yo, hindi na iyon naaalis sa isip ko. Hindi ko alam kung tinanggap mo ba talaga yung paliwanag ko o nakinig ka lang talaga. Pero kahit ganon, I'm still pushing my luck.
Nagsimula na naman akong mangulit sa'yo. Pero ngayon mas ilag ka na sa akin. Hindi mo na ako gaanong pinapansin pero pinagpipilitan ko pa rin. Nabasa ko yung blog mo, e. Umaasa akong ako 'yong tinutukoy mong mahal mo kahit na may ibang umaaligid sa'yo. Ah, nakakapangselos talaga yung Henry pero pinipilit kong umayos kasi wala nga pala akong karapatan sa'yo. Sinusubukan ko na rin huwag masyado maging seloso kasi baka mawala ka na naman sa paningin ko. Masakit kasi yung nawala ka na ng isang beses, tama na yun.
Nagkataon pa na yung confession ko dati pa ay biglang kumalat. Hindi ko naman inaasahan 'yon. Kailan ko lang din nalaman na idinidikit na pala yung confession ko na 'yon sa'yo. Syempre natuwa ako dahil baka nabasa mo na 'yon. Sana nga nabasa mo kasi totoo naman lahat ng sinabi ko doon.
Iyon kasi yung naging sagot ko sa blog mo noon.
CONFESSION #311
I was once the month you loved
The month that made you smile
The month that made your heart skipped a beat
But also the month that made your tears fall
The month that's still hoping
The month that's still waiting
The month that's still loving
The month that wants to make your heart squirm again
I'd grab any chance just to see you
Any chance just to hug you
Just one last chance to prove my worth again
Because I'm still August
The man who fell in love with you, Cupid.
Laking tuwa ko nang magpost ka ulit sa blog mo. Kingina. Kinilig pa ako dahil doon. Kasi dahil sa blog mong iyon alam kong binibigyan mo na nga ako ulit ng chance. Promise, hindi ko na sasayangin 'yon. Basta mamahalin kita sobra.
Tulad ng sabi mo
Tulad ng sabi mo
Minahal kita noon.
Tulad ng sabi mo
Ikaw ang nagpapakabog sa puso ko noon
Tulad ng sabi mo
Ikaw ang nagbibigay ngti sa akin noon
Pero tulad ng sabi mo
Ikaw rin ang sanhi ng pagluha ko noon
Sabi mo naghihintay ka
Sabi mo umaasa ka
Sabi mo kukunin mo lahat ng chance
Binibigay ko na nga
Pero wala ka namang ginagawa...
Hinintay kita sa labas ng office mo nang araw na iyon. Hindi kita kaagad napansin kasi may kausap pa ako sa cellphone. Napansin lang kita nang tumikhim ka na sa tabi ko. Maghapon kang may ginawa sa office niyo pero ang ganda mo pa rin. Ang laki nga ng iginanda mo sa lagpas isang taon lang na hindi tayo nagkita. Parang nawawala tuloy yung confidence ko bigla. Baka kasi makuha ka sa akin ng iba.
Nalaman ko na yung resort pala nila tito yung inaasikaso mong project. Hindi ko iyon pinakialaman because knowing you? Ayaw mo ng tulong. Hinayaan ko lang hanggang sa nakuha niyo yung project. Tapos nagkataon na pumunta kayo sa hotel noong reunion namin. Damn! Muntik ka pang landiin ng pinsan ko. Kahit pinsan ko yun, makakatikim talaga yun ng isang suntok sa akin kapag ginalaw ka.
Nang nalaman kong basted na si Henry sa'yo sobrang saya ko. Iba talaga yung epekto mo sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kaya kahit siguro sobrang dami mong flaw ay perfect ka pa rin sa paningin ko. Kahit ilang beses mo nga akong sungitan at barahin ay okay lang.
Agad kitang pinakilala sa mga magulang ko nang nagkabalikan na tayo. Alam mo ba kung bakit? Kasi ayaw na kitang pakawalan. Sobrang mahal yata kasi talaga kita kaya ganun.
Sinabi mo sa akin na gusto mong makilala ako ng mga magulang mo, syempre gustong-gusto ko rin naman para maging legal na tayo. That way, madali na lang magpropose sa'yo. Kaso nagpunta kaming Japan at biglang nagkasakit si mommy. I stayed there and waited for dad to come.
Tila nagdilim nga yung paningin ko nung sinabi mong hinalikan ka ni Jason. Deputa yung lokong 'yon. Duwag siya dahil sumusugod ng wala ako sa tabi mo. Kaya nang makauwi ako ay ikaw agad yung pinuntahan ko. Sobrang na-miss kita at gustong-gusto kong burahin yung alaala ng halik niya sa'yo. That night, I marked you as mine.
Nagdaan ang ilang araw, linggo at buwan. Naging busy ako sa trabaho ko at ikaw sa trabaho mo. Nakakamiss ka pero ginagawa ko 'to para sa'yo. Lahat ng ito ay para sa'yo. Tinanggihan mo na ako ng dalawang beses pero heto ako't nagpaplano na ng totoo. Gusto kitang pakasalan at handa naman ako maghintay kahit matagalan.
Pansin ko wala ka na rin masyadong pagkain sa unit mo. Nakakapagtaka lang dahil ang alam ko hindi ka naman nauubusan noon. Sobrang busy mo ba? Tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo lang sobrang stressed ka sa trabaho at nasusuka ka kapag kumakain ka. You even skipped meals. Tuwing nagsasabay tayong kumain ng dinner tila ayaw mo rin kumain. Ilang subo lang tapos busog ka na kaagad.
Naalala ko tuloy kung yung pizza ba na pinadeliver ko sa'yo naubos mo talaga o naisuka mo rin pagkatapos? I asked you what's wrong ang sabi mo lang nalilipasan ka ng gutom o baka acidic ka lang. Sinabi mo pang umiinom ka naman ng gamot.
But at the back of my mind umaasa ako na baka buntis ka na. Napapangiti pa nga ako dahil sa naisip ko. Siguro naman kung buntis ka na hindi mo na ako tatanggihan?
Sumama lang yung loob ko noong nalaman kong nagpasama ka kay Henry sa OB. Bakit hindi ako? Bakit siya? Katrabaho mo na siya, pwedeng-pwede mo siya makita anytime sa company na pinapasukan mo pero bakit siya pa yung kasama mo? Dahil ba hindi na tayo madalas magkita at magkausap? Sorry kung naging busy ako sa pag-aasikaso ng event. Gusto ko kasi maging pefect lahat kapag nagpropose na ako pero tangina. Bakit kasi kailangan pang may magsabi sa akin na sinamahan ka niya?
Bakit kailangan sabihin sa akin na siya ang lagi mong kasama? Yung dinner na lang yung tanging meron ako para makasama ka pero kinuha pa niya. Sobrang kinakain na naman ako ng selos ko.
I brought this up pero panandalian akong nablangko nang bigla mong sabihin na maghiwalay na tayo. Ganun na lang 'yon? Napaisip tuloy ako kung nagkulang ba ako? Dahil ba hindi na kita nakakasama lagi? Sobrang mahal ba kita at pakiramdam ko ang babaw ng pagmamahal mo sa akin? Ang ikli lang ng salitang binitiwan mo pero dinurog mo ako.
'Ah, baka sawa na siya. Baka hindi pangmatagalan ang hanap niya.' Iyon na lang ang naisip ko.
Tangina. Napatunayan ko 'yon nung sinagot mo yung tanong ko. Wala ka pala talagang balak pakasalan ako.
Naghintay akong bumalik ka sa akin kasi for once gusto ko ikaw naman magbaba ng pride. Naghintay ako hanggang lumipas yung buwan. Naghintay ako hanggang hindi ko na napapansin ang mga araw na nagdaan. Nalaman kong pinuntahan ako ng kaibigan mong si Henry kaya nagpunta ako sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Umalis ka na pala? Akala ko ba career muna? Kingina. Ano bang ginagawa ko't hindi ko alam ang mga 'to?
"August." Tinignan ko yung kaibigan kong tumutulong sa akin ngayon para i-check ang database. "Nabasa mo na ba ang mga 'to?" Kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya. Alam niyang hindi ko na trabaho ang magcheck ngayon dahil may mga ginagawa ako para sa update ng app.
"Mukhang para sa'yo kasi."
Pagkabasa ko pa lang ng Entry #1 mo ay agad akong naluha. Akala ko ba magkaibigan na kami ng tadhana? Mabilis kong pinuntahan ang mga kaibigan mo. Tinanong kung saan kita pwedeng mahanap.
Katulad ko ay wala silang alam. Akala nila'y simpleng sakit lang ang nararamdaman mo. Lahat ba ng mahalaga sa'yo ay paglilihiman mo? Ang daya-daya mo naman. Sobrang bigat ng nararamdaman ko nang papunta ako sa inyo. Natatakot kasi ako dahil baka mamaya ay huli na pala ako.
Ilang buwan yung sinayang ko sa kahihintay sa'yo? Ngayon lang naman ako nagmatigas love. Ngayon lang naman bakit ganito ang ginanti mo? I refused to believe. Siguro joke mo lang 'to. Sana nga joke lang 'to.
Pagdating sa bahay niyo naabutan ko ang mama mo. She hugged me when she saw me in front of your house, crying. Para akong pinapatay paunti-unti nang marinig ko ang lahat ng paghihirap mo. Paano mo nakaya 'yon ng wala ako sa tabi mo?
Love, Entry 1 mo lang nabasa ko sobrang pinipiga na yung puso ko. Hindi ko yata kayang tapusin 'yon dahil natatakot ako na baka mamaya wala na palang kasunod. Ang gago ko dahil late ko na kasing nalaman 'to.
Sumama ako sa mama mo pagpunta ng hospital. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng kwarto mo sobra na yung iyak ko. Paano ko pipigilan yung sarili ko kapag nasa harap na kita? Ganito pala yung pakiramdam ng pusong pinipiga. Sobrang sakit tangina lang talaga.
Pumasok ako sa silid mo na nakangiti kahit na sobrang bigat na ng bawat hakbang na ginagawa ko. Sa isang direction ka lang nakatingin kaya hindi mo ako kaagad napansin. Love, bakit naman ganito? Ilang buwan lang kita hindi nakita pero ang laki na ng ipinayat mo? Ganyan ba katraydor yang sakit mo?
Love, ang bilis naman 'yata?
Pinunasan ko yung luha kong pumatak na naman dahil ayaw kong makita mo akong umiiyak. Sobrang bigat sa pakiramdam na makita kang nakahiga lang dyan at hindi nagsasalita. Humakbang pa ako palapit at doon ay humarap ka na sa akin. Nginitian mo pa ako kaya mas lalong bumigat yung pakiramdam ko. ganito pala talaga kapag pinipigilan mo yung sarili mong umiyak sa harap ng taong mahal mo.
"Love, nandito ka na" hindi ako makasagot ng sabihin mo 'yan. Lumapit lang ako sa'yo at hinawakan kaagad ang kamay ko. Yumuko ako at itinago ko sayo yung mga luha ko. Tangina naman ni tadhana, bakit sa'yo pa?
"Ang ganda mo pa rin." Ang tanging nasabi ko. Natatakot kasi ako na baka pag nagsalita pa ako ay mapapansin mo na yung panghihina ng loob ko. "Ang sexy mo pa rin."
"Ikaw naman gago pa rin. Bakit mo ako pinapaiyak" Sagot mo sa akin pagkatapos ay umiyak ka na nga. "natatakot ako... love sobrang natatakot ako" Hindi ko mahigpitan ang hawak sa kamay mo dahil sa swerong nakasaksak sayo.
Niyakap kita at tangina, doon na ako naiyak talaga. Hindi ka naman ganito noong niyayakap kita. Ayaw ko pa rin maniwala kahit kitang-kita ko na nga. Sobrang bilis naman mag-deteriorate ng katawan mo? Tangina ni tadhana, dapat ako na lang ang nandyan.
Ang sabi ko pakakasalanan kita. Tumawa ka pa. Akala ko nga'y tatanggihan mo na naman ako pero tumango ka. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya. Kasi love, handa naman akong alagaan ka. Handa akong ibigay lahat ng hiling mo kasi mahal kita.
Hindi pa nga tayo nakakapag-usap masyado ay natulog ka na. Ang sabi nila mabilis ka lang mapagod. Kaya nga hindi ka rin daw masyadong nagsasalita. Pinagmamasdan kita habang natutulog ka kasi natatakot ako na baka hindi ka na gumising pa. Sa tabi mo ay yung cellphone mo. Marahil ay nagsusulat ka tuwing naiinip ka.
Hiling ko lang na sana na ay panaginip lang ang lahat ng 'to. Na sana hindi totoong nangyayari 'to.
Ilang beses kong hinaplos ang kamay mo. Dati kapag ginagawa ko 'to habang tulog ka ay nagigising ka kaagad, ngayon hindi na. Mahimbing pa rin ang tulog mo. Sobrang napagod ka ba ngayon?
Inayos ko ang higaan mo bago muling tumingin sa'yo. Love. totoong maganda ka pa rin. Hindi ako nagsisinungaling.
"I love you, love. Bukas, pangako, isa ka ng Parco."
*** END ***
AUTHOR'S NOTE
Sa totoo lang ayaw ko sanang mag-iwan ng note.
Ayan, may note na ako. Baka kasi sabihin na naman na hindi pa ending kasi wala pa akong A/N. Qiqil niyo si acue.
Pero salamat sa mga nagbasa. Hindi ko naman inasahan na marami palang nagbabasa. panay pala kayo silent readers. lmao. Salamat po! :)
social media accounts:
twitter: aril_daine
Instagram: aril_daine08
facebook: aril.daine8
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro