Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Chapter 51

CYANWIRE APP

ENTRY #1

Ang ganda naman ng app na 'to. Kasing kisig ng gumawa nito. Gwapo mo pa sa interview mo noon sa news. Ang swerte ng girlfriend mo sa'yo kaso hindi ka swerte sa kanya. Pero break na pala kayo. Kalat 'yon sa feed. Palibhasa ang sikat mo na ngayon kasi gwapo na nga tapos nakapagdevelop ka pa ng app na hit ngayon. Sobrang nakakaproud ka, alam mo ba 'yon?

Ang sabi nila sobrang busy mo raw. Kumakain ka pa ba? Huwag mo akong gayahin na hirap na ngayon kumain. Yung tuwing pabalik-balik ako sa ospital, pakiramdam ko anytime mamamatay na ako. Yung sakit na nararamdaman ko physically, walang-wala pa yun sa sakit na nararamdaman ko tuwing naaalala kita. Sobrang swerte ko kasi naranasan ko yung pagmamahal mo, yung pagiging caring mo. Sobrang swerte ko sayo pero ang malas mo sa akin. Kung sana kaya kong magpakita sa'yo na ganito. Kaso ayaw kong kuhanin yung time mo, ayaw kong mahirapan ka rin. At least dyan, nagiging busy ka sa work. At least dyan, pwede mo akong makalimutan. Alam kong pangit yung naging desisyon ko pero iyon yung alam kong tama. Selfish ako. Tanga ako. Kasi gusto ko sarilinin ko lahat ito. Sorry...

Love, alam kong hindi mo naman 'to mababasa. Sobrang busy mo na, e. Pero just in case, para naman hindi unfair sa'yo, dito ko isusulat yung lahat-lahat. May liver cancer kasi ako at ayaw kong ipaalam iyon sa'yo. Chance of survival? Madadagdagan lang ng limang taon yung buhay ko kapag nagpasurgery ako. Depende pa yun kung tatanggapin ng katawan ko. Best choice ng donor? Kapatid daw. Wala akong kapatid, love. Step brother lang kaya hindi rin siya best choice. Syempre wala naman willing na donor. At kung meron man baka hindi compatible love. Alam mo bang araw-araw akong natatakot? Pero kahit ganun masaya ako para sa'yo. Tuwing natatakot ako, yung family ko at ikaw yung lagi kong iniisip. Gusto kong mabuhay nang matagal pero ang unfair kung magpapaalaga ako sa inyo ng matagal. Paano naman yung buhay niyo? Unti-unti ay natatanggap ko na rin naman.

Love. In case mabasa mo 'to gusto ko lang din sabihin na sobrang mahal kita.

Ikaw lang yung lalaking minahal ko.

Ikaw lang yung lalaki na sinabihan ko ng I love you.

Ikaw ang tanging buwan sa kalendaryo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro