Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50


Chapter 50

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kagagaling ko lang sa ospital at katulad ng sabi ay kailangan ko raw magpa-admit to run some test. May sinabi na sila sa akin pero hindi iyon maconfirm pa kung hindi ako magpapatest.

Pilit kong inaalis sa isip ko ang sinabi nila. Hindi ko pa rin iyon nasasabi sa family ko at kay August. August and I are obviously fighting. Tahimik lang, walang naging sagutan pero alam kong nag-aaway kami. And today, I saw him with a girl. I even texted him to confirm pero mukhang hindi lang ako ang nagsisinungaling sa amin.

Lovely: Nasaan ka?

August: Work.

Hindi niya ako nakita pero ako kitang-kita ko kung paano siya landiin ng babae and the way he's not refusing is breaking my heart. Siguro nga mas okay na rin na sa iba na siya. Masakit pero siguro mas okay na rin na makahanap siya ng iba. Mas sasaya siya sa iba kasi hindi ko kayang ibigay ang gusto niya.

I am not pregnant. Iyon ang sigurado ako.

Si Sir Henry ang halos sumasama sa akin sa ospital. Kanina rin ay sinamahan niya ako kahit hindi naman na dapat. He's obviously concerned and i am thankful to have a friend like him. Alam niya yung result and gusto niyang magpa-admit din ako para sa ilang test.

"Are you okay?" Tanong ni Sir Henry sa akin dahil siya ang kasama ko nang makita ko si August.

"I am not." Hindi na ako nag-abala pang ngumiti. Napapikit na lang ako at hinintay na makarating kami sa unit ko. Nakakaramdaman na naman ako ng pananakit sa tyan ko. "Kukuha lang ako ng gamit and then magpapahatid na lang ako sa ospital kung pwede pa."

"Sigurado ka bang ayaw mong ipaalam kay August?"

"Mukhang hindi naman kailangan."

"Denden, dapat lang na malaman niya. He's your boyfriend."

"Huwag na. Busy yun sa trabaho. Ngayon nga lang yun nagfocus sa iba maliban sa akin. Para sa future niya 'yun." Hindi kami natraffic ni Sir Henry papunta sa apartment ko. Katulad ng sabi ko sa kanya ay kumuha lang ako ng ilang gamit ko bago kami bumalik sa ospital.

Doon ay nagpaadmit na ako. Umaasa na sana mali ang unang sinabi nilang result.

Gabi nang magtext sa akin si August.

August: nasaan ka?

Lovely: Office.

August: gabi na, ah. Sunduin na kita malapit na rin naman ako.

Lovely: huwag na. Marami pa akong gagawin.

August: Mukhang marami pa nga kayong gagawin ni Henry. Sige.

Lovely: Ikaw nga yung may kalandian kaninang babae

August: Ako pa pala. Sabagay kahit magpaliwanag naman ako hindi ka rin maniniwala.

Hindi ako nagreply sa sinabi niya. Binuksan ko yung TV at inilipat iyon sa balita. Nagulat pa ako nang makita ko si August na ini-interview. Ang caption sa ilalim na nakalagay ay 'Founder of Cyanwire'

"yung girlfriend ko yung inspiration ko sa paggawa ng App na 'to. She's a blogger. Surprise ko sa kana sa kanya ito kasi nga nagsusulat siya ng kung anu-ano. Hindi ko naman aakalain na maraming susubok doon sa inilabas naming demo. At sana patuloy pa rin nilang suportahan yung app kapag nilabas na namin yung lahat feature nito." Napangiti ako dahil kahit papaano ay nakita ko na siya. Sobrang miss ko siya at gustong-gusto ko siyang yakapin.

Hanggang doon lang ang interview nito at pagkatapos ay ibang balita na ang naka-flash. Proud ako sa naabot niya at natutuwa ako para sa kanya. Nakakagulat na yung project na inaasikaso kop ala ay siya mismo ang nagdevelop. Hindi ko iyon inexpect dahil wala naman siyang binabanggit sa akin.

***

Sir Henry: Papasok ka na? Sabihin mo na kay August

Lovely: Huwag na. Iniisip ko na rin makipaghiwalay, e. Haha jk

Sir Henry: Don't even think about that. That's not even a nice joke.

Pumasok ako sa trabaho nang ma-discharge ako. Sa totoo lang ay nanghihina pa ako pero tinuloy ko pa rin. Hindi alam ni Ms. Layla kung ano ang finding. Tanging ako at si Sir Henry pa lang ang nakakaalam nito dahil ayaw ko pang magresign sa trabaho. Gusto kong ituloy despite sa nalaman ko. Kahit itong Cyanwire project lang. Kahit ito lang ang matapos ko ay masaya na ako.

"Okay ka na?" Tanong sa akin ni Ms Layla kaya tumango ako. "Ngayon natin imi-meet yung founder ng Cyanwire." Ngumiti pa si Ms. Layla sa akin.

"Kaya nga po ako pumasok. Nabasa kop o kasi yung text niyo"

"Ms. Layla nandyan na po yung kameeting niyo ng Cyanwire. Nasa meeting room na po sila naghihintay."

"Okay. Thanks Jessy. Tara na, Lovely"

KInakabahan akong pumasok sa meeting room. Ilang araw na kasi kaming hindi okay ni August at hanggang ngayon ay hindi pa namin iyon napag-uusapan.

Pagbukas ng pinto ay agad na binalot ang katawan ko ng lamig galing doon. Lalo pa akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ang mga mata ni August na sa akin nakatingin. Mukhang hindi siya masayang makita ako but that's fine. Mas okay siguro talaga na ganito na lang.

"Good Morning Mr. Parco." Nakangiting kinamayan ni Ms. Layla si August at pagkatapos ay ako naman ang kinamayan niya. Mabilis lang iyon at tila ayaw niya akong hawakan. Buong meeting din ay halos si Ms. Layla lang din ang kinausap niya.

Kahit na hilong-hilo ako at pakiramdam ko ay masusuka ako ay tiniis ko.

"Lovely?" Tumingin ako kay Ms. Layla. "He's asking you about the event."

"I'm sorry, heto yung sa---"

"Mukhang hindi naman professional ang kasama mo sa team." Mabilis kong tinignan si August dahil sa sinabi niya. May kung anong sakit akong naramdaman dahil sa pagkakabitiw niya ng mga salitang iyon. Alam kong galit siya sa akin dahil pinagsususpetyahan niya kami ni Henry pero kahit ganun ay masakit pa rin pala. "Ito ba yung pinagpupuyatan niyo ng ilang gabi?" Tanong niya sa amin, sa akin specifically.

"Basahin niyo kasing mabuti, sir." Pinagdiinan ko ang salitang sir dahil naiinis ako. Napahawak ako sa sentido ko at napapikit ako nang matagal.

"Are you okay?" Tanong ni Ms. Layla sa akin.

"I'm okay ma'am. Medyo nahilo lang." Pero agad din akong tumayo nang pakiramdam ko ay masusuka na ako. Mabilis akong tumungo sa CR para doon ay magsuka. Naiiyak ako at nanghihina dahil sa mga kaganapan. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Ilang beses kong gustong umiyak pero nagpapakatatag lang ako. Pero ngayon, ayaw ko na. Nahihirapan na akong sarilihin yung problema ko. Gusto kong umiyak sa harapan nila. Gusto kong yakapin sila pero hindi ko magawa kasi natatakot ako. Natatakot akong pati sila ay maapektuhan nang dahil lang sa akin.

Naramdaman ko nang may humagod sa likuran ko. Inayos din nito ang buhok ko para hindi ko iyon masukahan. Hindi siya nagsasalita at mas lalo lang akong naiiyak dahil sa kanya, dahil sa presensya niya.

"I'm fine." Iyon lang ang sinabi ko. Basag iyon at dinig doon ang hirap ko sa pagsasalita "Bumalik ka na doon." Mahina lang ang pagkakasabi ko niyon.

"Are you pregnant?"

"No."

"Kaya sa ibang lalaki ka nagpapasama sa OB?" Rinig ko ang inis sa boses nito pero hindi ko iyon pinansin. "Ganun mo ba kaayaw magpakasal sa akin at sa ibang lalaki ka pa nagpapasama?"

"What?"

"Kahit buntis ka o hindi dapat sa akin ka pa rin nagpapasama. Ang daya mo rin, e. Naiintindihan ko naman na career ka muna pero sobra ka naman. Yung babaeng sinasabi mo? Investor namin 'yon at hindi ako nakikipaglandian sa kanya. May asawa na 'yon. Pero yung sa inyo ni Henry, 'yon yung hindi ko maintindihan. Pinipilit kong huwag magselos pero tangina selos na selos na ako Love. Pinipilit kong intindihin na katrabaho mo siya pero tangina talaga."

Tumayo ako at naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko siya mula sa salamin. Kitang-kita ko sa mukha nito ang galit at doon ay nakakita na ako ng chance para makipaghiwalay sa kanya. Para wala nang mas masaktan pa. Kahit alam kong unfair dahil hindi ko magawang masabi sa kanya.

"Maghiwalay na tayo."

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin dahil sa nabanggit ko. Ilang minuto rin na naghari ang katahimikan sa aming dalawa. At nang humarap ako sa kanya ay doon lang siya nagsalita.

"Siguro nga mas okay 'yon. Mukhang mas masaya ka naman kay Henry. Mukhang masaya ka naman sa trabaho mo. At mukhang mas okay naman sa'yo na wala ako. Okay. Pero tangina lang dahil lahat ng pinaghihirapan ko para sa'yo 'yun. Tapos ang dali mo lang sabihin yung maghiwalay na tayo?" Nagpunas ito ng luha niya. Mukhang pagod na rin siya sa akin kakaintindi. Alam ko naman na siya lagi ang umiintindi sa akin at hindi ko na deserve yung pagmamahal na binibigay niya sa akin. "Pero magbabakasali lang ulit ako, ayaw mo ba talaga akong pakasalanan? Kahit na matagalan, kasi okay lang naman. Makakapaghintay naman ako, Lovely."

Hindi ako nakatinging umiling bilang tugon.

"Tangina talaga." Pagak itong tumawa matapos niyang magmura. "Una pa lang pala wala ka ng balak kung sabagay ilang buwan pa lang din naman tayo simula noong nagkabalikan. Okay, I understand. Tell your boss to cancel the event dahil wala na rin naman palang proposal na magaganap." Rinig ko ang mabibigat nitong paghinga. At dahil doon ay ayaw ko siyang tignan. Ngayon pa lang masakit na, paano pa kapag nalaman niya na? "Kahit mahal kita, napapagod na rin naman akong umintindi. May hangganan din naman yung pasensya ko. Alam kong marami rin akong pagkukulang sa'yo. And these past few weeks sobrang ramdam ko yung pagiging aloof mo sa akin. Dahil ba hindi ka na Masaya? Sinubukan ko naman, ginawa ko naman lahat para hindi tayo magkalayo kahit na sobrang busy natin dalawa but I guess this is it. Kung ditto ka sasaya, hindi na kita hahabulin ulit. Goodluck sa career mo."

"I will. And I'm sorry." Sa paglabas niya ay doon pa lang ako nakaiyak nang malaya. Yung bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko maipaliwanag. Gusto ko na lang din umuwi at makasama ang family ko.

Lovely: Kaibigan naman kita, diba? Gusto ko na umuwi sa family ko.

Sir Henry: Nagresign ka na? hindi mo na tatapusin yung project? I still think na deserve ni August na malaman niya. Huwag kang makipaghiwalay katulad ng sinabi mo kanina sa akin.

Lovely: Mas unfair sa kanya kung hindi ko siya pakakawalan. Kung sana nga buntis na lang ako. Sana nga hindi na lang cancer 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro