Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Chapter 44

"Love." May paglalambing sa tono ni August nang yakapin niya ako mula sa likuran ko. Inaayos ko yung presentation nang yumakap ito sa akin. "Pwedeng sumama ako kina Law?" Tinignan ko siya. Isa lang ang ibig sabihin nito. Iinom siya kasama ang mga pinsan niya.

I sighed.

Mabuti na rin siguro na umalis muna siya sa apartment dahil baka wala na naman akong magawa ngayong araw. Sunday ngayon at dapat ay patapos na ako sa ginagawa ko pero hindi ko pa rin tapos dahil kay August kahapon.

Mapang-akit siya. Nananamantala siya ng kahinaan. Alam niyang gustong-gusto ko kapag hinahalikan niya ako pero masyado siya!

"Sige. Kahit magtagal ka pa." Kako rito.

"Ouch ang cold. Presentation muna bago August. Ouch." Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko nga nauna na ako kahapon kaysa sa presentation." Umiling na lang ako nang mapansing kong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi niya. Nakakakainis talaga siya. Pero kahit anong inis ko sa kanya ay mahal ko pa rin siya.

Two weeks na siya rito sa apartment ko. Tinatanong ko naman lagi kung kumusta na ang mommy niya pero ang laging sagot lang nito ay hindi pa sila umuuwi. Okay lang din naman na nandito si August dahil may kasama ako pero baka kung ano ang isipin ng mga magulang namin kapag nalaman na nasa iisang unit lang kami ngayon.

Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin bago ako iniharap sa kanya. tinanggal din niya ang salamin na gamit ko ngayon kaya medyo napapikit ako.

"August."

"Love, huwag masyadong sinasagad yung sarili. Magmeryenda ka na."

"Ang dami pa kasi nito, e." Kanina lang ay nagtext pa sa akin si Ms. Layla. Maliban sa ginagawa ko ngayon ay may in-email pa raw siya sa akin. Pakiramdam ko ay sasabog na yung ulo ko sa mga pinapagawa niya.

"Anong oras ka aalis?" Tanong ko sa kanya nang kuhanin ko na yung meryendang ginawa niya. Sandwich lang iyon pero nakakataba ng puso. Spoiled na spoiled talaga ako sa kanya.

"magbibihis lang sana ako tapos aalis na. Okay lang?" Tanong ulit nito. Tinignan ko yung nakasarado na niyang laptop. Mukhang tapos na siya sa trabahong ginagawa niya. May pinoprogram lang siya kanina tapos ngayon tapos na agad? Kung sabagay noong nakaraan pa niya iyon ginagawa.

"sige, okay lang."

"Uuwi rin ako kaagad."

"Sige lang. Nang makapagtrabaho naman ako." Kako sa kanya pero tinawanan lang niya ako. Alam na kasi niya yung ibig kong sabihin. Nakakainis siya talaga.

Nang makaalis na ito ay tanging ang laptop ko na lang ang hinarap ko. Ang ibang data ay sinend na sa amin ni Ms. Layla. Marami siyang gustong ipagawa at minsan ay sabog-sabog ang ideas niya. Kung sino man ang makakuha ng gusto niya, iyon ang kasama niyang magpi-present. Ganun siya. Sa dalawang linggo kong pamamalagi sa team nila ay hindi pa rin ako napipili. Laging yung mga dati na yung napipili pa rin.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nang matapos akong gumawa ng presentation ay mag a-alas onse na. Hindi pa ako kumakain at wala pa rin si August. I texted him, tinatanong kung anong oras siya uuwi pero hindi siya nagreply. Siguro ay matutulog na iyon doon kasama ang mga pinsan niya.

Lumabas ako at sa malapit na karinderya ako kumain. Pagbalik ko sa apartment ay nandoon si August kasama ang dalawa niyang pinsan. Si Law yung isa at ang isa naman ay si Jace. Mukhang silang dalawa ang lagi niyang kasama sa mga pinsan niya. Nakakapagtaka lang dahil inaalalayan nila siya. Mabilis akong lumapit para buksan ang pinto ng unit ko.

"Anong nangyari? Bakit lasing na lasing 'yan?" Tanong ko sa kanila.

"Mababa yung tolerance niya sa alak." Sagot naman ni Law.

Inihiga nila ito sa sofa bago sila nag-inat na dalawa. Maaawa na sana ako sa kanila pero bigla akong natawa nang hawakan ni August ang kamay ni Jace.

"Aish! Bitawan mo nga ako! Tadyakan kita, e."

"Brutal mo naman! Pahingi ngang tubig." Uhh... tinignan ko lang si Law. "Please. Napagod akong alalayan 'yang boyfriend mo."

"Na pinsan mo kaya dapat hinayaan niyo na lang siya matulog sa inyo."

"Yun nga dapat ang plano." Paliwanag ni Law pagkatapos ay tumingin it okay Jace kaya maski ako ay tumingin din sa kanya.

"I-uwi raw namin siya sa'yo, e. Ayaw kasing pumirmi kaya hinatid na lang din namin. Tara na." Yaya nito sa pinsan nilang si Law.

"Hindi pa ako nakakainom ng tubig, e."

"Dun na lang." Mukhang iritable si Jace kaya napakamot na lang ako ng ulo ko. Hinatid ko lang sila hanggang sa labas ng unit ko bago ko binalikan si August. Umupo ako sa sahig at tinitigan ko lang siya. Natawa na lang ako dahil ang lakas ng loob uminom pero mababa naman pala ang tolerance. Kaya naman pala halos pikutin na siya nung Joan. Napairap na lang ako dahil sa naalala ko.

"Hoy gumising ka na dyan. Lipat ka doon sa kama"

"Huwag kang maingay magagalit ang girlfriend ko." Sabi nito saka niya ako tinalikuran. "Magagalit yun. Alis na." Sabi niya pa sa akin kaya tumaas ang kilay ko.

"Bakit may babae ka ba?" mahinang tanong ko rito. Iniharap ko muli siya sa akin. He looked at me lazily bago muling ipinikit ang mata. "Mas maganda girlfriend ko." Mahinang tugon nito at para bang walang balak na kausapin ako. Pinakatitigan kong maigi ang mukha niya. Tumutubo na ang stubble nito. I cupped his face but he shoved my hand away. Napangiti ako bigla.

"Hindi mo ba ako makilala?" I asked him. Muli niyang iminulat yung mga mata niya. Ngayon, mas matagal niya akong tinitigan. Ilang beses itong kumurap at pagkatapos ay mahinang tumawa.

"kamukha mo girlfriend ko." Aniya kaya mas lalo akong natawa sa kanya. Pinilit nitong umupo nang maayos. Sinubukan ko siyang tulungan pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya. "Magagalit nga yung girlfriend ko miss." Hindi tuloy-tuloy na pagkakasabi niya.

"Alam mo ba?"

"Ang alin?" Kumuha ako ng monoblock para may maupuan ako. Mukhang ayaw rin niya akong paupuhin sa tabi niya kasi.

"Ayaw kong magalit yun... sumasakit kasi dito." Turo niya sa puso niya. "Alam mo ba?" Umiling ako. Naka-slouch na siya sa sofa pero hindi ko naman siya maayos dahil nga ayaw niyang magpahawak sa akin.

"mahal ko 'yon." Pumikit siya pero tuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Ayaw kong magalit 'yun. Aalagaan ko yun. Mamahalin."

"Alam mo ba?" hindi ako sumagot. Hinintay ko ang susunod nitong sasabihin pero nagmulat siya ng mga mata niya at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lasing na nga siya pero parehong effect pa rin ang nakukuha ko galing sa kanya. "Sagot ka. Alam mo ba?"

"Ang?"

"pakakasalan ko yun." Pumikit ito nang may ngiti sa labi niya. "Hindi siya sweet pero mahal ko yun." Kumuha ako ng basin at pamunas para malinisan na siya. May mga sinasabi pa nga ito at lahat ng iyon ay parnag musika sa pandinig ko. Kung hindi lang siya amoy alak at amoy sigarilyo baka kanina ko pa siya niyakap "Tapos ang ganda niya kapag umiiyak. ang ganda niya kapag nakangiti. Basta ang ganda niya."

"Tapos alam mo ba?"

"Hindi ko pa alam."

"may nunal pala siya malapit sa pusod niya." Napaangat tuloy ako bigla ng shirt ko para tignan yung sinasabi niyang nunal ko. Maliit lang iyon pero napansin pa niya. "Tapos kahit may bilbil siya at di ganun kalaki yung boobs niya sexy pa rin siya."

Doon ay nainis ako sa kanya. "boobs pala, ah! Iinom-inom ka tapos hindi mo alam ang ginagawa mo. Tanda mo pa ba mga sinasabi mo pagkagising mo?" Inis kong pinunasan ang mukha nito pero natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakapikit pa rin siya pero mukhang wala na itong lakas. Para bang nananatili lang siyang gising para walang kahit sinong gumalaw sa kanya.

"Kaya ko miss."

"Hindi mo na nga mahawakang maigi yung kamay ko."

"Because... I can't...only love., okay?" Hinaplos ko ang mukha nito. Nakakataba ng puso na ayaw niyang humawak ng iba maliban sa akin.

"Love..." Tawag ko rito. Doon ay binuksan niya ang mga mata niya. Tinitigan niya akong maigi bago hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tila inaaral nito ang bawat detalye ng mukha ko. He swiped his thumb on my lips. Ngumiti pa ito pagkatapos. "Love." Tawag ko ulit, ngayon ay unti-unti kong nasilayan ang mga ngiti niya.

"Uhm?" mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin. "may bagong tubong pimple si love kanina sa ilong, e." Kumunot yung noo ko saka ko hinawakan yung ilong ko. Katulad ng sabi niya ay may pimple nga ako doon. "Patingin."

"August naman eeeh!"

Tumawa ito nang walang tigil kaya inis ko lang itong tinignan.

"Ikaw nga si love. Kaya pala kamukha" Pagkatapos niya iyong sabihin ay niyakap niya ako. "I missed you." He said. Pagkayakap ko sa kanya pabalik ay naramdaman ko na kaagad ang pagbigat ng katawan niya. Marahil ay nakatulog na siya. Siguro'y napagod sa kalokohan nilang magpipinsan. Siguro'y napagod kaka-iwas sa akin sa pag-aakalang hindi ako ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro