CHAPTER 24
CHAPTER 24
Tinulungan ako ni August sa ilang shots na hindi ko magawa, shots na kailangan ay nandoon ako. Palubog na ngayon ang araw at halos lahat ng mga kasama kong nagpunta sa resort ay nandito na ngayon sa dalampasigan at pinapanood ang sunset.
"Doon ka na sa family mo."
"Bakit mo ba ako pinapaalis? Gusto ko rito." Anya kaya napairap na lang ako. Family reunion daw nila pero nandito siya. Sapakin ko siya, e. Hindi ko tanda kung ganito rin ba siya ka-clingy sa akin noong kami pa. Siguro noong una, oo. Pero noong nagtagal parang hindi na masyado. "Sama ka sa akin mamaya. Ipapakilala kita sa mga nandito na."
Umiling ako saka ko kinuhanan ng litrato yung sunset gamit ang cellphone ko.
"Family reunion niyo yun. Dapat nga nandoon ka at hindi rito."
"Lagi ko naman nakikita ang iba sa kanila." Pagpupumilit niya.
"Side ng mommy mo o daddy mo?" Tanong ko.
"Sa side ni daddy. Marami kaming magpipinsan pero halos mga lalaki kami sa Parco." Tumango-tango na lang ako habang nakikinig sa kanya. Ito ang unang beses na narinig ko siyang magkwento tungkol sa mga pinsan niya. "Pero ang pinakapanganay sa aming magpipinsan ay babae. Medyo boyish pero naging babae naman nung nagkaboyfriend. Magpapakasal na nga yung mga 'yun."
"Yung lalaki naman na lumalapit sa'yo, si Law yun." Tumingin ako kay August. Nakangiti itong nagkukwento tungkol sa pamilya niya. "Hindi ko talaga siya kadugo. Hapon na hapon yung tatay niyan kaya kung ako one-forth, siya naman ay half talaga. Maloko talaga yun kaya kung nagulo ka niya kanina, sorry."
"Hindi naman niya ako nagulo." Sagot ko naman. Sa totoo lang medyo natakot ako kay Law kanina pero hindi ko na lang din sasabihin kay August iyon.
"Nagkaroon yan ng isang serious relationship pero ginago rin kasi niya kaya hanggang ngayon single pa rin. Kung hindi niya siguro yun pinakawalan noon baka nagtino na siya ngayon."
Marami pa kaming napagkwentuhan ni August tungkol sa mga pinsan niya. Marami rin siyang kwento tungkol sa mga ginagawa nila noong bata pa silang magpipinsan. Sa dami ng kwento niya ay napapangiti na lang ako. Ang dami ko kasing nalalaman ngayon tungkol sa kanya.
***
Nang sumapit na ang gabi ay pinilit ko na siyang bumalik sa family niya. Ako naman ay bumalik kaagad sa dalampasigan nang matapos kumain kasama ang iba pang blogger. Natutuwa akong nandito si August at natutuwa naman akong gusto niya akong ipakilala sa mga kamag-anak niya.
Kaso sino ba naman ako para ipakilala niya?
Naglakad-lakad ako para mag-isip. Ma-effort naman si August pero parang ang bilis lang. Paano kung nagging kami ulit pero wrong timing ulit?
"Nang malaman ko na nandito kayo, nagpunta ako kaagad." Tumigil ako dahil sa narinig ko. Pilit kong tinitignan ang dalawang pigurang nasa harapan ko lang. Madilim at medyo malayo na kami sa parte na naabutan ng ilaw kaya hindi ko rin makita kung sino sila. Malamang ay mga kasama ko lang na blogger din. Nag-umpisa na akong maglakad palayo sa kanila nang marinig ko ulit na magsalita yung babae. "Sobrang natuwa ako noong malaman kong hindi naging kayo ni Cathy. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan noong nalaman kong niligawan mo siya."
"nasaktan?" Mas lalo akong natigilan dahil sa seryosong boses ni August. Alam kong siya iyon. "Paano ka masasaktan kung ikaw nga mismo yung nang-iwan? At ngayong okay na ako, babalik ka? Para ano?"
"Kasi nga mahal pa kita, August!" Narinig ko sa boses ng babae na umiiyak na ito. "Mahal kita. Never naman nagbago yun. Ilang beses din naman kitang kinontak pero lagi mo akong hindi pinapansin."
"Kasi nga wala nang tayo." Halata na rin sa boses ni August ngayon ang pagkairita.
"Dahil ba sa babaeng kasama mo kanina? She's that great?"
"What?"
"I saw you with her kanina. You were smiling. And you were looking at her the way you looked at me, August."
"Listen, hindi na kasi tulad ng dati yung nararamdaman ko sa'yo."
"That fast? August, mag-isip ka. Ganun mo ba ako kabilis malimutan? Hindi ba niligawan mo si Cathy para maging rebound siya? Kaya nga hindi ka niya pinansin. Kaya ba may iba ka? Rebound mo ba siya?"
Yumuko ako at pinunasan ang biglang nangilid kong luha.
Rebound ba talaga ako?
"Mabilis mo ba siyang napasagot? Niligawan mo siya kaagad? Bakit? Nakikita mo ba ako sa kanya?"
"Stop it! Kung may pagkakaparehas man kayo, that's coincidence."
"Then that's not love, August. Rebound mo lang siya. Kasi alam kong ako pa rin... ako lang naman ang naging laman ng puso mo..."
***
Sinubukan kong mag-update kahit na burnt out na ko... sorry. crappy, e. Goodnight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro