Chapter 23
CHAPTER 23
Tatlong araw. Tatlong araw akong mamamalagi dito sa hotel ng tito ni August. Marami kaming blogger na nandirito ngayon para bigyan ng review ang naturang hotel nila. Ang iba rito ay kilala ko at ang iba naman ay ngayon ko lang nakita. Si Boss naman ay susunod daw rito bukas.
August: Hindi kita masusundo ngayon :(
Lovely: Okay lang. Wala naman ako sa company.
August: Anong meron?
Lovely: Work >:)
August: Ah...
Lovely: Busy ka?
Tanong ko dahil syempre nakakapagtaka rin na hindi niya ako susunduin ngayon kung nagkataon. Nasasanay na kasi ulit ako na kasama ko siya. Halos siya na rin kasi ang lagi kong kasamang kumain ng dinner bago umuwi sa apartment.
August: Reunion. 3 days. :<
Lovely: Lol. Okay lang 'yan. :)
August: Miss na kita
Lovely: lol
August: lolzoned na naman haha!
Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa kwarto saka ko inilabas ang DSLR na ipinahiram sa akin ng company para kuhanan ng pictures ang hotel. Nagbihis na muna ako ng komportableng damit bago ako lumabas.
Ang hotel na ito ay katulad din ng iba nilang hotel, nasa tabi rin ng beach pero magkaiba sila ng desenyo. Maganda rin ang interior design ng bawat silid dito pati na rin lahat ng pasilyo nito...
"Gago, hindi nga kasi." Napatingin ako sa mga lalaking nagtatawanan. Mukhang hindi sila isa sa mga kasama naming blogger. HUminto sila sa paglalakad nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila. Aalis na nga sana ako nang bigla akong pinigilan ng mas matangkad na lalaki.
"Hi miss." Ngumiti ito sa akin kaya agad akong lumayo. "Grupo ba kayong nagpunta rito?" Tumingin siya sa ibang blogger na may mga dala ring camera.
"Lubayan mo na mukhang natatakot na sa'yo, Lawrence." Pagkatapos niya iyong sabihin sa kasama niya ay humarap ito sa akin. "Pagpasensyahan mo na 'tong gago kong pinsan. Tara na." Tinulak niya nang bahagya ang kanyang pinsan para paunahin ito sa paglalakad.
"Panira ka talaga ng diskarte! Hindi ko pa nga nakukuha yung number."
"Number kaagad? Pangalan hindi mo tatanungin?" Napailing na lang ako at muling naglakad na papunta sa lugar kung nasaan ang ibang blogger.
"Teka miss!" Muli kong nilingon ang magpinsan. Tinawag na naman ako nung lalaking nagngangalang Lawrence. Nag-jog pa ito palapit sa akin. Anong pangalan mo?"
Tinignan ko lang siya.
"Wala kang balak sabihin?" Ngumiti ito sa akin pero tumango lang. "Sige, naiintindihan ko. Ilang araw na lang kayo mag-stay rito?" Nagkibit balikat lang ako bago ko siya tinalikuran.
"Tigilan mo na kasi. Sorry miss." Hinging paumanhin muli ng kasama nito.
Nagmadali na lang din akong umalis para hindi na ako maabala pa ng mga taong iyon.
***
August: Naiinip ako :(
Lovely: Kawawa ka naman.
August: Tapos namimiss pa kita.
Lovely: Haha tigilan mo ko.
August: Pero namimiss talaga kita.
August: Anong ginagawa mo?
Lovely: Nagpipicture.
August: Send mo sa akin <3
Lovely: Ayoko nga~
Sinetup ko yung tripod para kahit mag-isa ko lang ay may picture pa rin ako na maayos-ayos. Kung hindi ay malalagot talaga ako sa boss ko. Ayaw ko na sanang gamitin yung pagiging blogger ko sa trabaho pero hindi maiiwasan dahil ang client mismo ang nagrequest ng ganito. Ilang beses kong sinubukan magpicture pero lagging hindi okay yung pagkakuha ko. Sa totoo lang ay hindi naman kasi ako sanay na kasama ako sa picture. Dati kasi tanging yung lugar lang ang kinukuhanan ko. Muli akong sumubok magpicture.
"Ah! Ayun yung tinutukoy ko! Hi miss!" Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Pero hindi sa kanya napako ang mga tingin ko kung hindi sa lalaking kasama nito, si August. Nakakunot ang noo nito.
"Hindi pwede." Narinig kong sabi niya.
"Hah? Anong hindi pwede?" Tanong naman ng lalaking nagngangalang Lawrence.
"That's love." Anya.
"Oo. Love at first sight nga." Natatawang sabi ni Lawrence.
"Gago hindi. She's mine. Off limits, pinsan." Nakangiti itong lumapit sa akin kaya ako naman ang napakunot ngayon.
"Maka-she's mine. Hindi pa kita sinasgaot ulit, ah." Saad ko "So, dito ang reunion niyo?"
"So, dito ang work mo?" Ngumiti ulit ito saka inayos ang mga strand ng buhok kong napupunta sa mukha ko dahil na rin sa lakas ng hangin. "Nice, at least mababantayan kita sa mga tulad ng pinsan ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro