Chapter 16
CHAPTER 16
Ilang araw na ang nakalipas simula nang makita ko si August sa resort na iyon. Hindi ko pa rin natatanong sa kanya kung ano ang ginagawa niya doon.
"Nabasa mo na ba yung kumakalat na post ngayon galing sa isang confession page?" Tumingin ako kay Kristin bago ko siya sinagot.
"Hindi pa."
"Basahin mo kaya? Parang sagot sa blog mo noon." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Search mo yung confession 311. Kalat yun ngayon sa facebook. Sagot talaga 'yun sa'yo, e."
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype sa searchbox. Lumitaw kaagad yung iba't ibang taong nagshare niyon.
CONFESSION #311
I was once the month you loved
The month that made you smile
The month that made your heart skipped a beat
But also the month that made your tears fall
The month that's still hoping
The month that's still waiting
The month that's still loving
The month that wants to make your heart squirm again
I'd grab any chance just to see you
Any chance just to hug you
Just one last chance to prove my worth again
Because I'm still August
The man who fell in love with you, Cupid.
Ang post na iyon ay gawa ilang buwan na ang nakalipas. May mga comment doon na maaaring sagot iyon sa blog ko noon pa. Ang karamihan sa comment ay ngayon lang din nalaman ang tungkol sa post na ito.
"Sagot ni August 'yan sa'yo, tama?" Tanong ni Kristin sa akin. "Medyo matagal na yung post pero grabe bakit ngayon lang yan lumitaw? Ngayon lang napansin ng mga nagbabasa ng blog mo."
Muli akong nakaramdam ng pagbilis ng puso ko nang basahin kong muli ang confession na iyon. Pagbukas ko ng account kong LovelyC sa facebook ay nakita kong maraming nagmention sa akin sa original post na 'yun.
'Stop mentioning me peeps. Nabasa ko na...' Iyon lang ang tanging napost ko sa account ko na iyon pero iyon din ang dahilan kung bakit hindi na ako tinantanan ng mga nagbabasa ng blogs ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro