Chapter 13
CHAPTER 13
Binabasa ko ang mga nagkumento sa blog ko kagabi. Maraming nagulat na bumalik ako sa pagpopost May iba pa na nagtatanong kung bakit pinalitan ko ang username ko. Natigilan lang naman ako sa pagbabasa nang mag-vibrate ang cellphone na hawak ko.
August: Good Morning. Kain ka na.
Sir Henry: Hindi ka papasok? 10 na, Denden.
Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at ipinikit ang mga mata ko. Huminga pa ako nang malalim dahil sabay ko pang nabasa ang mga text nila. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko dahil sa sitwasyon na meron ako ngayon.
Muli kong binasa ang text nila sa akin. Aish! Paano nga ba ulit ako napunta sa sitwasyon na 'to?
"Okay... Let's hear it."
"Totoong may nangyari sa amin." Tahimik ko lang siyang pinakinggan habang nagpapaliwanag. "They drugged me."
"Sino?"
"Nakipag-inuman kami ni Jace sa mga hindi namin kakilala."
"Jace? Yung pinsan mo? Bakit hindi ka niya tinulungan?"
"Because they did the same to him."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon?"
"Hindi naman kasi ganun kadali 'yon. I tried telling you pero lagi kang busy. Halos hindi mo na ako makausap noon tapos lagi mo pang kasama yung kaklase mo. I got jealous instead of telling you that."
"That's it?" Tinignan ko siya at mukhang hindi siya makapaniwala sa response ko. "So, kasalanan ko pa na hindi mo nasabi sa akin?"
"Hindi ganun." Tanggi nito sa akin. Pansin ko na hahawakan sana niya ako pero he hesitated. "I'm sorry kung yun ang nagiging labas."
"Well, it was partly my fault too." Nginitian ko siya bago ako yumuko. "Hindi ko pa kasi alam maghandle ng relationship noon..." Huminga ako nang malalim bago muling nagtanong sa kanya. "Ngayon na nasabi mo na, siguro magiging at ease naman na ang isipan mo. Good to see you again, August." Lumabas ako sa sasakyan niya pero sinundan ako nito.
"Nag-explain ako kasi gusto kong humingi ng chance."
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili ko. Kinakabahan pa rin naman ako sa harap niya pero hindi na katulad noon.
"Pero maiintindihan mo naman siguro kung hindi ko agad mabibigay yung chance na hinihingi mo... Hindi na kasi katulad noon ang nararamdaman ko sa'yo."
Nakita ko ang pagsang-ayon nito sa sinabi ko. Sa totoo lang ay nahihirapan akong sabihin ito ngayon sa kanya. Siguro kasi gusto ko pa rin siya pero ayaw ko ng maging padalos-dalos ang mga magiging desisyon ko.
"Siguro mas okay kung kikilalanin muna natin ang isa't isa..."
"Kung bibigyan mo siya ng chance, give me a chance too." Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na nandito si Sir Henry. Hindi ko napansin na katabi lang pala ng sasakyan ni Sir Henry ang sasakyan ni August ngayon. Marahil ay kanina pa siya dyan at mukhang narinig niya ang ibang napag-usapan namin ni August. "Kilalanin mo rin ako, Denden."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro