Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11


CHAPTER 11

Matagal na nagkatitigan ang dalawa. Sa totoo lang ay gusto ko na lang umalis ngayon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan kahit hindi naman dapat.

"Kapatid mo?" Napapanganga na lang ako dahil sa tanong ni Henry sa akin. May mga lumalabas pa rin sa building ngayon kaya minabuti kong yumuko na lang muna. Ayaw kong may makakita sa akin na kakilala ko. Panigurado kasing magtatanong sila sa akin kinabukasan. "Kapatid mo siya?" Tanong pa ulit niyia.

"Hindi." Mabilis na sagot ni August bago tumingin sa bulaklak na hawak ko. "I'm here to pick her up."

"Pick her up? Boyfriend?" Sa akin lang nakatingin si Henry habang tinatanong iyon.

"Hindi." Sagot ko naman.

"Ah, I see. Kaya ba ayaw mong magpahatid sa akin?" Hindi ako makasagot. Nahihiya naman akong sabihin na hindi rin naman ako magpapahatid kahit wala akong lakad. "Okay, patas naman ako." Ngumiti pa sa amin si Sir Henry kaya parang mas lalong awkward. "See you bukas, Denden."

Nang makaalis na si Henry ay tinignan ko kaagad nang masama si August. Hindi ko pa rin maisip kung sino ang pwedeng nagsabi sa kanya na ditto ako nagtatrabaho.

"Bakit ka nandito?"

"Para sunduin ka." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa entrance ng company.

"Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" Tumingin siya sa akin bago niya kinuha yung hawak ko.

"Ako na." Tinangka kong agawin ulit yung bulaklak.

"Tinanong ko sa mediator." Sagot niya sa akin bago siya naglakad na. Tahimik lang akong sumunod sa kanya pero agad din akong tumigil dahil mali ito. "What's wrong?" Tanong niya. Parang ang daming nagbago sa kanya. Hindi ko alam kung ano pero alam ko talagang mayroon.

"Since nandito ka na rin naman, doon na lang tayo." Turo ko sa cafe na malapit lang dito sa company. Napansin ko kaagad yung pagngiti niya bago ako sinagot.

"Okay." Aniya.

Nauuna akong maglakad papunta sa cafe. Konting lakad lang kasi talaga iyon mula rito. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami sa loob. Umupo ako kaagad sa bakanteng space bago tumayo rin para sana mag-order ng kape para sa aming dalawa.

"Ako na. Ako yung nagyaya." Pagkasbai niya niyon ay pumila na siya kaagad leaving me speechless. Umupo na lang ako at naglabas na lang din ng pera. Pagkatapos ay pumikit ako nang sandali para pakiramdaman ang sarili ko. Given na talaga yung kinakabahan ako. Awkward din ang pakiramdam ko ngayon.

"So," Tumingala ako at nakita kong paupo na siya sa harap ko. "Kumusta?" Tanong nito.

"Okay naman." Binigay niya sa akin yung kape na inorder niya para sa akin. "Busy." Tipid kong sagot sa kanya. "Ikaw? Kumusta ang pag-aaral?"

"Gagraduate na. I-aabsorb nga rin ako ng kumpanya na pinag ojt-han ko." Tumango-tango na lang ako dahil nakakaimpress naman kasi talaga.

Matagal kaming natahimik. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa kanya kaya napapansin kong hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa akin. Mabilis din kasi akong umiiwas ng tingin.

"Si Cathy and Gilbert na pala?"

"Ah, oo. Matagal na rin sila."

"Kailan pa? Hindi ko na kasi natanong sa kanila."

"Noong tayo pa." Uminom kaagad ako ng kape dahil sa sagot niya kaya mas lalong naging awkward ang sitwasyon. Napansin kong ngumiti pa ito nang mapansin ang reaksyon ko.

"Uhm, awks." Mahina kong sabi sa kanya pagkatapos ay narinig ko yung mahinang paghalakhak nito. "Uuwi na ako. Maglalaba pa kasi ako, e."

"Hatid na kita."

"Hindi na. Yung bayad ko nga pala" Inabot ko sa kanya yung pera pero tinanggihan niya ito.

"Hindi na. Ako naman yung nagyaya na magkita tayo. Hatid na kita sa tinutuluyan mo." Umiling ako pagkatapos ay pinilit kong kuhanin niya yung pera.

"Bayad ko 'yan. Saka magcocommute na lang ako. Malapit lang naman."

Sumunod siya sa akin nang lumabas na ako. Medyo madilim na ngayon pero marami pa ring mga tao na naglalakad. Palibhasa ay ngayon pa lang magsisiuwi yung iba.

"Lovely," Tumigil ako sa paglalakad upang harapin siya. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman hindi ko maintindihan kung may gusto ba siyang sabihin o wala na. Magpapaalam ba siya o hindi?

Lumapit siya sa akin pagkatapos ay inilagay niya sa bulsa niya ang dalawang kamay niya.

"I know this is long overdue..." Huminga ito nang malalim pagkatapos ay yumuko. "I'm sorry. I was wrong. I was a jerk for not telling you about that incident. I tried looking for you pero wala na kayo sa apartment na tinitirahan niyo. You blocked everyone and I couldn't contact you at all."

Kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tila ba gusto ko na lang tumakbo ngayon ay magtago.

"Hindi kita nakalimutan..." He harshly brushed his hair using his fingers. "Because I couldn't forget you at all."

"August..." Tumigil ito kaagad pagkatawag ko pa lang ng pangalan niya. Nakatingin lang din siya sa akin tulad ng pagtingin ko sa kanya. "I honestly don't know what to feel right now. Kung nakikipagbalikan ka, hindi ko alam ang isasagot ko." Yumuko ako at pagkatapos ay hinintay ang sasabihin niya.

"Gusto ko lang na mapakinggan mo rin ako. If it's too much for you, it's okay. But please, don't cut me off again."

"Uuwi muna ako." Iyon lang ang tanging kaya kong sabihin ngayon. Ang umiwas na naman. Ang iwan siya nang hindi na naman pinapatapos ang sinasabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro