Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

"Ano'ng meron? Bakit naman tayo pinapapunta rito?" Nagtatakang tanong sa 'kin ni Shandee habang inilibot ang kaniyang tingin sa loob ng social hall.

Biglaan kasi kaming pinapapunta rito dahil may bisita raw na i-wi-welcome. Lahat ng estudiyante na galing sa education department na nasa ibat-ibang year ay narito. Ang ilan naman ay sa labas lamang nanatili.

"May welcoming of guests ata from other campus," tanging sagot ko sa kaniya kahit hindi rin naman ako sigurado.

Kinuha ko ang aking phone at tiningnan ang oras at nakitang malapit na palang mag-alas otso emediya. Dahil hindi pa  naman dumating ang mga bisita kuno, napagdesisyonan kong mag-online.

Sa oras na nakapag-online ako ay halos malula ako sa sunod-sunod na sulputan ng messages sa messenger na parehong galing kay Mike at Jhio. Nag-hang tuloy ang phone ko.

Pareho pa silang dalawa na nagmi-miss call sa akin.

10 missed calls from Jhio and 15 missed calls from Mike! Aba, ano kayang meron sa dalawang 'to? Parang nang-gi-giyera eh. Inisa-isa kong tiningnan ang kanilang messages.

From: Jhio

Bebs, salubungin mo naman ako sa may gate oh. Ang dami kong dala, my hands are hurting na.

Bebs, huwag ka na munang pumunta sa social hall, okay?

Bebs, saan ka na?

Bebs, sabay lang tayo, sige na.

Bebs naman, makinig ka naman sa akin, please.

Napakunot ang noo ko sa aking nabasa. Ang weird naman nitong baklang 'to. Bakit kaya ayaw niya akong papuntahin sa social hall?

I let out an exhausted sigh at tiningnan ang messages na galing kay Mike.

From: Mike

Beh, hintayin mo ako.

Sabay na tayong pumunta sa social hall.

Huwag ka na munang pumasok habang wala pa ako.

Hintayin mo ako okay?

Napatanga nalang ako matapos mabasa ang messages na galing kay Mike. Pare-parehas lang ang nilalaman ng mga messages nila. Ayaw nila akong papuntahin sa social hall.

Ano kayang nangyari sa dalawang 'to?

Kinain ng kakaibang kaba ang dibdib ko. These two were giving me warning already. Pero...bakit?

Wala akong nagawa kung 'di tawagan si Mike. Nakailang ring ako ngunit hindi naman sinagot. 

"A pleasant morning, students! Salamat at sinamahan ninyo kami rito to welcome our young and fresh teachers from CTU main campus. With that, I would like to give the honor to our very own campus director. How about giving her around of applause!" Saad ng emcee na nasa stage ng social hall. Umalingawngaw naman ang palakpakan sa loob ng social hall.

Ang dami na palang teachers dito, hindi ko man lang napansin.

Tinawagan ko ulit si Mike ngunit hindi talaga sumasagot. Kaya wala akong nagawa kundi subukang tawagan narin si Jhio.

Tumingin ako sa stage habang nasa kanang tenga ko ang aking cellphone.

"Good morning once again, beloved students. This morning, I would like to present to you our fresh and yes, young teachers from CTU main campus," saad ng campus director.

"I heard na may gwapo raw."

"Dito raw 'yan nag-aaral eh, pati yung girl."

"Oo nga, tapos bigla-bigla nalang raw nawala."

"Ayy, unsa man sila? Alien?"

Narinig kong bulungan sa aking paligid. Tumingin ako kay Shandee, ngunit nagkibit-balikat lang rin siya sa akin.

"Everyone, meet Mr. Duke Austin Montero, Miss Laurene Bautista and Mr. James Andrew Buhawe, from CTU main campus. Let's all give them a round of applause!" Muling nagpalakpakan ang lahat.

The three of them stepped forward, bowed a little and wave their hands to the students.

Napatulala na lamang ako sa aking nakita at narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. My heart's beating loudly in my chest at parang sasabog ito anumang oras. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

I started shaking dahilan upang mabitawan ko ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha at malaki ang pasasalamat ko na walang nakapansin.

I felt beads of sweat slowly forming in my forehead. All of a sudden ay nanumbalik sa akin ang lahat ng sakit dahil sa nangyari noon. Tiningnan ko ulit ang lalaki.

He looks so fine and well. Mas naging maskulado siya kaysa ngayon at mas hubog na hubog ang katawan niya kumpara noon. Walang nagbago sa hitsura niya maliban sa kaniyang suot na eyeglasses.

Duke Austin Montero...my Dus.

Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang babae at halos kapusin ako ng hininga nang makilala ko kung sino ito. Dumoble ang nararamdaman kong sakit nang makita ko silang dalawa na masaya.

Ang unfair naman. Bakit parang ako lang yata ang hindi masaya rito?

Hindi ko matagalan ang tingnan sila kaya minabuti kong umalis nalang doon. Sa labas lang ako nanatili dahil ayaw ko namang iwan nalang basta si Shandee, baka magtampo pa 'yong tao.

Inaalala ko ang nangyari sa loob at muntik ko ng mabatukan ang aking sarili dahil naramdaman kong nanunubig na naman ang aking mga mata.

Mabilis akong tumingala upang hindi ito tuluyan na mahulog ngunit laking gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang mga teachers kanina sa loob, kasama narin ang tatlong bisita na binanggit kanina.

Naglakihan ang aking mga mata dahilan upang mabilis kong tinakip ang hawak kong cellphone sa aking mukha. I pretended that I'm busy doing something with my cellphone as they pass.

Mayamaya ay natanaw kong nagmamadaling lumabas sina Mike at Jhio at pumunta sa kinaroroonan ko.

"Beh!"

"Bebs!" Magkasabay na tawag nila sa akin. Kusang nabuo muli ang mga luha sa aking mga mata at nang tuluyan na silang nakalapit sa akin ay tsaka ko palang hinayaan ang sarili na umiyak.

Mabilis naman nila akong inalo. Si Jhio ay niyakap ako habang si Mike naman ay mahinang hinaplos ang aking likod.

"Pasensiya ka na talaga, beh. Hindi kasi namin alam eh. Someone informed us na may bisita pero ngayon lamang namin alam na sila pala 'yon," mahabang litanya ni Mike.

"O-okay lang. Hindi n-niyo naman kasalanan iyon." Sagot ko habang patuloy parin sa pag-iyak. Tiningnan ko ang dalawa na papalapit na sa kanilang sasakyan.

Maingat na pinayungan ni Duke si Laurene hanggang sa makapasok ito sa loob ng sasakyan. Ang isa namang lalaki ay dumiretso sa driver's seat, at halos mapunit sa dalawa ang aking puso nang makitang sa back seat umupo si Duke.

Sigurado akong magkatabi sila sa babaing 'yon.

"Huwag mo ng tingnan, tama na," pag-aalo sa akin ni Mike.

"Ano ba 'yan? Kung kailan napagdesisyonan mong magpatuloy sa pag-aaral tsaka naman sila bumabalik. Para saan? Para manggulo lang ulit? Tsk!" Pagmamaktol niya pa habang si Jhio ay nakayakap parin sa akin.

Pinunasan ko ang aking mga luha at malungkot na ngumiti at nag-iwas ng tingin.

Duke, Dustin would be so happy if he'll meet you personally.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro