Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

DIONNE RAVEN'S POV

Umaga ngayon at araw ng lunes. May pasok ngayon sa day-care center ang apat kong anak na sila Saiji,Sein,Rishiel at Rey.

Naghahanda na rin akong pumasok sa opisina dahil naka-leave ngayon si Sir Xyrus. Baka dahil na rin sa kadahilanang kakauwi pa lamang ni Ma'am Heirra.

" Kuya Saiji? gising ka na ka agad! Ang aga-aga pa oh. Tulog ka pa baby, 5:30 pa lang oh."
Saad ko ng maramdamang yumakap sa akin ang panganay kong lalaki.

" No, I don't want to Mommy, I'm hungry."
Saad nya ng kinarga ko sya.

Karga-karga ko rin sya habang nagtitimpla ng gatas sa tig-iisa nilang baso.

" Mommy, malapit na po ang Family Day namin."
Saad nya habang nakayakap sa akin.

Alam kong nalulungkot sya dahil hindi kami nakakasali sa mga ganitong palaro dahil may kulang. At iyon ay ang tatay nila.

" Gusto nyo bang umattend baby? Okay lang naman siguro kung ako lang ang kasama nyo diba?"
Tanong ko habang naglalakad patungo sa kwarto ng mga kapatid nya.

" Wag na po. Punta na lang po tayo sa beach mommy."
Saad ni Saiji.

" Okay. Mag-a-apply lang ako ng leave kay Tito mo ha?"
Sagot ko bago binuksan ang pinto ng kwarto nila.


Binaba ko muna si Saiji sa kama nya bago binuksan ang damitan nila.

" Sein, Rishiel, Rey, gumising na kayo dyan. Maagang aalis si mommy ngayon."
Saad ko habang hinahanapan sila ng damit pang-pasok.

Wala pa naman kasi silang uniform dahil hindi pa dumadating ang pinatahi namin kaya exempted sila sa pagsusuot noon.

" Mommy, It's so early pa po. 6:10 AM palang po mommy."
Saad ni Rishiel bago yumakap sa akin.

" Baby, mabagal kayong kumilos, kaya dapat maaga kayong nagigising. Si Kuya Sein mo palang ang hirap ng magising."
Saad ko bago ko sya hinalikan sa pisngi.

" Mommy, I'm done na po sa milk ko."
Tawag sa akin ni Saiji. Kinuha ko naman ang baso nya.

" Very good kuya! Go downstairs with Rishiel muna, 'nak. Bubuhatin ko lang 'tong dalawa mong kapatid."
Tumango naman sya saka kinuha ang kamay ni Rishiel.

" C'mon Rish, lets go downstairs na."
Saad ni Saiji bago sila bumaba ni Rishiel.

Binuhat ko ang dalawa pababa ang pinaupo sa kanilang feeding chair nilang dalawa saka tinapik ang kanilang pisngi.

" Sein, Rey, umayos na kayo ng upo, kakain na tayo." Naalimpungatan pa si Sein pero pareho lang din naman silang gising, inaantok lang talaga sila.

Binigyan ko silang apat ng  tig-dadalawang mini pancakes at hinayaan silang pumili ng kanilang syrup.

PAGKATAPOS  naming kumain ay sabay sabay kaming naligo sa isang malaking built-in bathtub.

Inuna ko munang bihisan si Fish at Rish at Saiji at hinayaang si Saiji na ang mag-aasikaso sa dalawa n'ya pang kapatid.

Habang ako naman ay nagsusuot na din ng polo at slacks bilang uniporme ko. 

Kinuha ko na pagbaba namin ang kanilang bag at lunchboxes, habang si Saiji naman ay isa-isa nang isinasakay ang kanyang mga kapatid sa kotse. S'ya na rin ang nagsusuot dito ng kanilang mga seatbelt.

Inihatid ko muna ang mga bata sa Day Care Center bago dumiretso sa opisina.

Masyadong tensyonado ang buong building, dahil siguro bumalik na si Miss Heirra.

Pagpasok ko sa opisina ni Sir ay muntik pa akong matamaan ng vase na inihagis ni sir sa pinto.
Nagulat din ako kasi akala ko Naka-leave si sir sa trabaho.

" Sir! Are you okay?!"
Sigaw ko saka lumapit sa kanya, I can see the redness in his eyes.

Halatang wala pa syang tulog.

" I'm sorry Dionne, It wasn't my intention to hurt you. I was just too tired"
He sighed helplessly.

" It's fine Boss, I know you are tired. Please rest first, I'll handle today's meetings and dealerships."
Saad ko habang inaayos ang office bedroom ni Sir. Naglagay na rin ako ng scented candles para mas mahimbing ang kaniyang pahinga.

Inayos ko muna ang schedule para sa buong araw, kinansela ko din ang mga meeting kung saan kailangan ang presensya ni Sir.

Inuna kong puntahan ang monthly meeting ng buong Accountancy Team at PR Team.

Maayos at detalyado ang kanilang mga report, walang nawawalang pondo at maganda ang presentation ng PR Team tungkol sa propagandang gagamitin para sa Ads ng bagong produkto.

Sunod-sunod naman ang mga meeting ni Sir sa mga dealer at supplier ng mga materyales ng mga damit, sapatos at bags.

Ang pinakahuling meeting ni Sir ay para sa buong designing team, kailangan namin ng mga bagong design para ilabas sa catwalk ng kompanya and we need it ASAP.

Hanggang sa matapos ko ang lahat ng meeting at appointments ni Sir ay hindi pa rin sya nagigising, nagising lamang sya ng natapos ko nang ayusin ang mga dokumentong para sa ibat ibang plano ng kompanya.

Binigyan ko s'ya ng maligamgam na tubig at isang mangkok ng lugaw. Hindi kasi s'ya nakakain ng lunch.

Nagpaalam na din naman ako dahil oras na para sunduin ang apat sa Day Care Center. Kahit gusto ko pang bumalik mamayang gabi para mag overtime ay hindi na n'ya ako pinayagan and said that I should spend more time with the kids.

I drove to the Daycare center, nakita ko ring uwian na silang lahat. Pagpasok ko sa gate ay si Rush agad ang sumalubong sa akin.

" Mommy!"
Sigaw ni Rish habang tumatakbo papunta sa akin.

Nasa likuran n'ya naman ang tatlong lalaki nag-uusap.

" Tara na, Rish."
Saad ko saka binuhat si Rish papa-upo sa kanyang baby seat, kusa namang naupo ang tatlo n'yang kuya.

I ask them if gusto nilang kumain sa labas or magluluto na lang ako, they said they wanted to eat lasagna at Greenwich kaya doon na ako dumiretso.

"Kuya Saiji, can you please find chairs? Ako at si Rish na lang ang oorder."

" Okay mommy, c'mon boys."
He said before running to the tables that are empty.

Saiji likes to find perfect spots, he likes window seats at ang dalawang boys naman ay laging sunod-sunuran sa gusto ng kuya nila.

Habang umoorder ako ng pagkain namin, Rish keeps looking outside. After I ordered I asked her what was going on.

" Nothing po mommy, I just saw someone familiar po and he keeps on looking at you din po mommy. Then he left na din po kanina lang "
She said.

I was a bit triggered. I don't know who was that creep, maybe I should be more cautious from now on.

After that event, we just sat and wait for our food to arrive and ate leisurely.

Maaga na ding natulog ang mga bata dahil maaga pa pasok nila bukas, habang ako naman ay ini-email pa ang mga reports ng mga teams kay Sir. Mga 10:00 PM na rin ako natulog.

Nang isasarado ko na sana ang kurtina ng bintana, I saw a black car across the street. Hindi ako pamilyar sa kotse so I called the securities, I saw them pulled over to the car and talk to the person inside.

Napaalis nila ang kotse at na kampante na rin ako. Little did I know, that car would still follow us everyday and stay outside our house every night.

----
Hi! It's me!
Sorry for the super duper late update, ngayon lang ako nagka-time na tapusin utong first chapter ng CTS#2
I have been busy po kasi
sa aking acads and it paid off!
I got an average of 94 and the
highest in our class!

Kamusta kayo? Are you guys okay? How about acads?
Pagpasensyahan nyo na po
kung masyadong maikli at
puno ng error ang ating
chapter ha, it was just a rush chapter Po eh, and I didn't have the time to revise po.

Thank you and godbless.

Btw, congrats po miss biisool
You deserve it po!
Waiting for the book!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro