SPECIAL CHAPTER 5: CYRIL KEIRTH
CYRIL'S POV
FOUR DAYS later, ay anniversary na namin ng boyfriend ko. Tatlong taon na pala simula noong naging kami.
Hayy.... ang tagal nadin pala....
f l a s h b a c k
Pauwi na sana ako noon sa bahay, dahil tapos na ang mga classes ko.
Pero may narinig akong isang malakas na sigaw sa men's CR.
Sumilip ako at nakita ko roong sugatan si Loyce, lumapit ako sa kanya at inilabas ang med kit ko.
Hindi ko nga lang inaasahan na hahawain nya ang kamay ko.
" A-ah, wag kang mag-alala lilinisan ko lang sugat mo saka ba-baneydan."
Mahinahon kong saad habang nakatingin sa kanya.
He's handsome.
Tumango naman sya.
Sinimulan kong linisan gamit ng alcohol ang mga galos nya.
Nikagyan ko ng kaunting betadine bago nilagyan ng band-aid ang maliliit na galos.
Pero may malaki siyang sugat sa tuhod. Medyo nahirapan pa ako dahil umaagos ang dugo.
Pinatungan ko na lamang ito ng cotton balls bago nilagyan ng tape.
" Ano, kuya wag mo munang basain iyang tuhod mo ha? Baka kasi lalong lumala.
Ako kasi kapag nababasa ang mga open kong sugat nagtutubig sya saka may lumalabas na yellow na tubig. I think 'nana' tawag nila dun"
I said. Hindi ko nga napansin na tapos ko na pa lang ayusan ang sugat nya.
Tumango naman sya bago dahan-dahang tumayo.
"Thanks."
He briefly said. But I noticed his magnetic voice.
Tumango naman ako.
Simula noon halos naging stalker na nya ako, kapag nagkakapasa sya lumalapit agad ako.
Ako nga ang nangligaw sa aming dalawa. And after 4 months ng pangungulit ay pumayag sya.
" Okay, I'll agree. But in one conditon. Alam mo naman sigurong hindi kita gusto. So I'll tell you this; kung kelan ko gustong makipag-break, magbe-break tayo.
But for now, I want to get to know each other. If our relationship didn't work after 3 years, then we will break up."
Alalang-alala ko pa ang sinabi nya.
Kaya nga ang saya-saya ko. Kasi umo-oo sya! Kahit komplikado ang mga kondisyon nya, okay lang. Basta napapayag ko sya.
e n d o f f l a s h b a c k
Ang saya-saya ko ngayon. Kasi tatlong taon na kami, maybe this relationship would work.
" Cyril! Ano na namang iniisip mo?!"
Sigaw ni Bruce. Bruce is my highschool bestfriend. Wala kasing tumatagal sa akin eh, napaka-iyakin ko daw.
Eh ito namang si Bruce palatawa, kaya sa bawat pagkakataon na iiyak ako, sya ang nandyan para magmukha akong baliw. Grabe, may luhang tumutulo sa mata ko noon tapos yung bibig ko nangangakay na kakatawa.
Naging magkatandem din kamj ni Bruce sa bawat sports and academic activities. Mag-lab partners pa nga kami eh.
" Ah, nag-iisip ako kung ano ang magandang surprise para sa Anniversary namin ni Loyce."
Nakangiti kong saad.
" Ahh, sige. By the way pala, sama ka sa amin? Pupunta kami sa bar bukas."
Umiling ako.
" Hindi pwede. Mapapagalitan ako nila Kuya saka ni Ate. Saka baka magalit din sa akin Loyce, sorry bespren."
Natatawa kong saad.
" Hoy! Cyril, tumigil ka ha. Single ako at tigil-tigil mo ako dyan sa pagpapamukha sa akin! Sana mag break kayo, walang forever!"
Sigaw sa akin ni Bruce
Kahit ganyan yan, alam kong suportado nya ako sa relasyon ko kay Loyce.
Nang matapos ang klase ko sa araw na ito ay pinuntahan ko Loyce sa apartment nya. May susi naman ako
ng apartment nya eh.
Pagpasok ko roon ay wala pa si Loyce kaya't nagluto muna ako ng hapunan namin.
Nang matapos ako ay nag-saing ako bago tinawagan si Loyce.
" Hi sweety. Bakit ka napatawag?"
Sagot nya.
" Babe, uwi ka mamaya ha? Nagluto ako, yung paborito mo. Pochero sa Tomato sauce."
Nakangiti kong saad.
" Really? Okay then, uuwi ako mamaya."
Saad nya, ramdam ko na excited sya. Paborito nya talaga kasi yung luto ko sa pochero.
May napag-usapan pa kami tungkol sa ibang bagay. Nasa kompanya kasi sya ng daddy nya, nag-iintern kasi Loyce.
Pagkatapos naming mag-usap ay sakto namang naluto ang sinaing.
Nagtimpla ako ng juice saka kumuha ng graham cake. Nanood ako nang balita papatayin ko na sana ang tv ng marinig ko ang pangalan ni Loyce.
Hayst, may na-link na naman na babae sa kanya.
" It looks like Mr. Loyce Wertl have another relationship scandal, Marie."
Saad ng lalaking reporter.
" Tama ka dyan partner. Isang taon na rin ang nakalipas ng huli nyang scandal. This time, his scandal partner was Ms. Alya Terrer. The daughter of the renowned Mr. Terrer."
Sagot ng babaeng reporter.
Tsk, si Alya? Akala ko ba childhood best friend nya lang to.
Pinatay ko ang TV dahil hindi naman maganda ang palabas, hinintay ko na lang ang pagdating ni Loyce.
Kaso alas-dyes na ng gabi wala pa sya.
Naghintay pa ako ng isa pang oras.
Pero alas-onse na wala pa rin si Loyce.
Umupo na lang ako sa tapat ng hapag, baka sakaling dumating sya.
Hindi ko namanlayan ang oras at nakatulog na pala ako sa kahihintay sa kanya.
Nagising na lang ako na nasa kama na ako. May nadikit ding sticky note sa orasan.
" Sweety, maaga na akong unalis.
Sorry kung hindi ako umuwi ng maaga. May problema ang kompanya, nainit ko na ang niluto mo. Masarap ang pochero mo Sweety. Take care."
Basa ko. Ang aga naman, alas-syete pa lang ng umaga ah.
Hayst, kawawa naman si Loyce. Mag-uumaga na umuwi tas maaga pa aalis.
Wala naman kaming klase ngayon kaya natulog na lang ako.
Nagising ako bandang alas-dos na ng hapon. Hayst ang sakit ng bewang ko.
Kasi namn si Loyce hindi makapag-pigil.
Tulog yung tao tas mangangalabit.
Wala man akong masyadong maalala sa nangyari kagabi ay alam kong ginawa namin iyon.
It wasn't the first time. I gave him my virginity noong second year anniversary namin.
Kumain muna ako bago maligo. Balak kong pumunta ng mall para bumili ng pang-regalo at pang-surprise sa kanya para sa anniversary namin.
Sumakay ako sa taxi dahil hindi naman ako masusundo ni Loyce.
Pagkapasok ko sa mall ay pumunta agad ako sa fourth floor. Nandoon kasi ang mga gift shops saka balak kong yayain sa sine si Loyce sa Anniversary namin.
Tumingin-tingin ako sa magagandang pelikula. May dalawa kaisng sci-fi, isang romcom at animated movie ang ipapalabas. Siguro animated movie na lang panoorin namin.
Aalis na sana ako ng may makita akong pamilyar na mukha.
Si Loyce.
Naningkit ang mata ko, akala ko ba nasa kompanya sya.
Lalapitan ko sana sila kaso nakapasok na sila sa loob ng sinehan. Wala naman akong nagawa kung hindi umalis na lang.
Baka namalik-mata lang ako. Bumili ako ng tatlong regalo. Paborito nyang cologne, relo at isang pares ng pantulog.
Actually nakita ko lang talaga ang pares ng pantulog na iyon. Nakyutan ako at binili ko, tutal minsan sa apartment nya ako natutulog eh. Magagamit din namin to.
Tatlong araw na lang ay Anniversary na namin, kaya excited na ako.
Sa bahay namin ako umuwi. Nakita kong naghihintay si Mommy sa sofa.
" Mommy, kamusta po?"
Bati ko kay mommy.
" Ayos naman ako, bunso. Ikaw ha, lagi ka na lang nasa bahay ng boyfriend mo! Nagtatampo tuloy ang mama.
Alam mo naman diba? Nasa business trip ang Daddy Xyrus mo, at ang mga kapatid mo andun sa mga kanya-kanya nilang jowa.
Sila kuya Hiro at Rence mo naman nasa Greece para sa business ulit."
Sabi ni Mommy.
" Sorry na po mommy. Wag po kayong magtampo. Bukas pa naman po ako ng gabi uuwi dun sa apartment ni Loyce."
Paglalambing ko kay Mommy.
Nilutuan nya ako ng paborito kong ulam; Adobo sa asin at Nilagang baka.
Tabi kami natulog ni mommy, dahil ayaw ko ring iwan mag-isa si Mommy.
- ANNIVERSARY DAY -
GOSH!!! kinakabahan na ako.
Alas-sais na ng gabi at katatapos ko pa lang ayusan ang apartment ni Loyce.
May mga rose petals sa kama, may scented candles din. Sa sala naman ay may nagkalat na lobo tas may nakapaskil ding HAPPY 3RD ANNIVERSARY.
Excited na ako! Nasa coffee table na ang tatlong box ng regalo, naglabas na ako ng mamahaling wine at dalawang baso.
Tinawagan ko muna si Loyce.
" Hi sweety, bakit?"
" Uuwi ka ba mamayang gabi?"
" Yup. Uuwi ako mamaya, mga alas-otso siguro."
Ay sayang hindi na kami makakapanood ng movie.
" Ah sige, sige. Basta ha, umuwi ka. Sige na hindi na kita aabalahin pa.
Ba-bye, love you."
" Love you too sweety, bye."
Ako na ang unang nagbababa ng tawag.
Mamaya pa naman sya uuwi.
Pupunta muna ako sa convinience store. Gusto ko kasi bumili ng ice cream at tinapay.
Nanag makabili ako ay nanood muna ako ng fountain show at nang mag-a-alas otso na ay umuwi na ako.
Inayos ko uli ang mga bagay at inilapag ang mga pagkain inihanda ko. Pinainit ko rin ang mga lumamig ng ulam.
Hinintay ko sya sa may sofa.
Sana maka-uwi sya ng maaga.
NAKAIDLIP na pala ako. Pagtingin ko sa orasan ay lagpas alas-onse na.
Wala pa si Loyce. Nanlumo ako.
Ano ba naman 'to.
Akala ko uuwi siya. Nakakainis naman!
Sa sobrang inis ko ay tinawagan ko si Bruce.
" Oh bakit?"
" Samahan mo ko sa bar. Nasa apartment ako ni Loyce."
" Anong nangyari?"
" Mamaya ko na ikukwento. Sunduin mo ako ha."
Umoo sya bago ko ibinaba ang tawag.
NANG makarating ako sa bar ay umupo ka agad ako sa counter at umorder ng alak.
Nang nakalaklak na ako ng limag baso ay humataw ako sa dance floor. Gusto ko lang makalimot ngayon.
Ayokong mag-isip pa lalo tungkol kay Loyce, ayokong magkatotoo ang mga iniisip ko.
Ang kaso mapag-laro si tadhana eh.
Hindi pa nga ako nalalasing ng tuluyan ay nakita ko na naman sya.
Ang kaso imbes na lumapit sa akin at sunduin ako dito, ay may hinalikan sya.
He was kissed by a girl. Naghintay ako ng isang minuto para kumawala sya sa babaeng iyon pero wala. Nakatayo lang sya.
Lumabas ako sa bar at sampong beses sya tinawagan bago sumagot.
" L-loyce... a-asan ka?"
Naiiyak kong tanong. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha.
" S-sweety... n-nasa kompanya pa ako. Nasaan ka?"
Sinungaling.
" Ahh, n-nasa Luneta Park ako. Pasundo naman oh."
Pagsisinungaling ko bago pumara ng taxi.
" Ah sige, hintayin mo ako dyan."
Saad nya bago ibaba ang tawag.
Paano nya yun nagawa sa akin.
Hanggang sa makarating ako sa Luneta Park ay lutang pa rin ako.
Ilang saglit lang ay nakita ko na ang kotse nya.
Lumapit ako saka pumasok sa loob. Hindi ko na hinintay na makapag-sakita sya at nag-sabi akong magpapahatid ako sa bahay namin..
Pagkababa ko ay tinanong ko sya,
" Loyce, saan ka ba tutuloy?"
Tanong ko.
" Sa apartment ko, sweety. Diba doon ako lagi tumutuloy, bakit?"
" Wala, pwede bang pakilinis na lang ng kalat doon? Mukha kasing wala ng kwenta yung nagawa ko doon."
" Ha? Bakit, ano bang ginawa mo roon?"
" Ah, nagexperiment ako eh. Sige matutulog na ako."
Excuse ko bago dali-daling pumasok sa bahay.
Hindi ko akalain na magagawa nya sa akin iyon.
KINABUKASAN, pagbukas ko ng cellphone ay nakita ko ang lagpas sa sampung miss call ni Loyce.
Tumawag ako pabalik.
" Sweety... I-im sorry. I forgot our anniversary. Masyadong busy lang ang kompanya ."
Excuses.
" Ayos lang. Pwede bang magkita tayo sa paborito kong coffee shop? Urgent lang."
" Yeah, sure."
Nagpa-alam ako bago binaba ang tawag.
Naghilamos ako bago naligo at nagpalit ng damit.
Bumaba ako sa sala at nanonood ng TV si Mommy.
" Anak! Halika dito! Tignan mo to,diba si Loyce to?!"
Sigaw ni Mommy.
Nasa balita na pala ang paghahalikan nila Loyce kagabi.
" Alam ko na po iyan Mommy. Aalis na po ako. Mag-aalas nuebe na po eh."
Saad ko.
Sumakay ako sa scooter ko na motor at pumunta sa cafe.
Nakita kong nandoon na si Loyce.
Umupo na ako at walang ligoy-ligoy na sinabi;
" Let's break up."
Mahinahon kong saad habang iniinom ang tsaa na inorder ko.
Kita ko amg gulat sa mukha nya.
"Sweety, kung tungkol ito sa Anniversary natin, I'm sorry. Busy lang talaga ako."
Natawa ako.
" Busy? Fuck, stop it. Don:t lie anymore. Hindi ka busy sa trabaho, busy ka sa fiance mo! Akala mo ba hindi ko makikita sa balita?
Akala mo ba hindi ko kayo makikitang naghahalikan sa bar?"
" No, that was a mistake. Sya ang unang humalik sa akin, Cyril."
" Yes, she kissed you first. Pero bat hindi mo tinulak? Andoon ako Loyce, naghintay ako na itulak mo sya pero hindi mo ginawa!
Alam mo bang sobra akong nasaktan? Anniversary natin eh! Tas hindi ka umuwi, nang pumunta ako sa bar para uminom dahil sa lungkot makikita naman kitang may kahalikan."
Saad ko habang unti-unti nang bumubuhos ang luba ko.
" Sweety, I'm sorry okay? Aayusin ko ito, but please don't break up with me-"
" No! Ayoko na Loyce, pagod na ako.
Aayusin? Wala nang maayos Loyce. Pagod na ako Loyce.
Hindi mo man lang kasi naa-appreciate lahat ng efforts ko. Ni minsan ba niregaluhan mo ako sa Anniversary natin? Ni minsan ba niyaya mo ako mag-date?
Pinakilala mo ba ako sa parents mo? Hindi naman diba? Lahat ng bagay ay ginawa ko Loyce para kang mag-stay ka, ultimo nga virginity ko binigay ko sayo diba?!
Alam ko naman napipilitan ka lang sa akin, pero sana naman noobg una pa lang inayawan mo na ako hindi ngayong lolokohin mo pa ako."
Naluluha kong saad.
Nakakainis naman kasi eh. Akala nya siguro nakalimutan ko yung sinabi n'yang kondisyon noong naging kami.
Hindi naman kasi martir, napagod na rin ako.
" Cyril, just let me explain-"
Saad nya na pinutol ko.
" No. I said, I want a break up. Tama na Loyce, alam kong pagod ka na rin."
Saad ko bago tumayo.
Dali-dali akong lumabas sa Cafe at sumakay sa scooter ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay umakyat lang ako sa kwarto ko at doon nagmukmok.
Wala nang bawian. Tama na rin siguro na naghiwalay na kami.
ಥ_ಥ
hello guys! sana nagustuhan nyo tong chapter.
Back to classes na naman kami kaya baka hindi na naman ako maka-update ng masyado.
Pero don't worry, patapos na rin yung chapter 23, inuna ko lang to kasi gusto kong lahat nung limang magkakapatid may special chapter.
Actually may isa pang special chapter, kaso hindi ko pa sya tapos.
Anyways, keep safe and godbless.
Thank you rin po pala sa mga bagong readers dyan, thank you po sa follow, vote and reads.
Bye, bye~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro