SPECIAL CHAPTER 4: ASHTY AND RIONDALE
Please take a look at my dog.
Waffles name nya, and he's so cute and smart ;)
ASHTY XIEL CONSTELLO
Nasa mall ako ngayon kasama ang aking boyfriend na si Dale.
Day-off ko ngayon sa pinag-iinternan ko which is sa kompanya ni Daddy.
Si Dale naman ay nag-leave muna para sa araw na ito.
" Babe, "
Tawag ko kay Dale habang hawak ang kanyang kamay habang naglalakad papunta sa grocery station.
" Yes?"
Tanong nya habang kumukuha ng cart at tinignan ako.
" Nothing, you just look handsome. And oh, ang bango pala ng perfume mo."
I said before giving him a kiss in his cheeks.
Kinuha ko ang cart nya at tumakbo papunta sa snack section.
Tumatawa-tawa pa ako habang pumipili ng bibilhing flavor ng popcorn.
Ano kayang masarap? Salted Caramel o itong chocolate?
Kami kasi nauutusan nila Daddy na bumili ng pagkain para sa outing namin.
Tutal naman wala akong pasok sa school ako na nagpresinta.
Malapit lang naman condo ko at condo ni Dale kaya sinamahan nya na rin ako.
Bibili na rin ako ng tatlong pack ng marshmallow, tapos malalaking pack ng chichirya.
Kailangan ko na pala ng bagong swimsuit, hindi na sa akin kasya ung dati ko.
Nang napuno ko na ang taas ng shopping cart ay wala palang basket sa ilalim nito kaya bumalik ako malapit nakuhanan.
Kukuha na sana ako kaso bigla akong hinila ni Dale.
Tiningala ko sya at tinignan,
" Babe, bakit?"
Tanong ko habang tumitingin sa kanya habang nakatingin ng deretso.
Sinusubukan ko kasi talaga yung mga hacks para maakit ang iyong boyfriend.
Gumana yung first step, nakakatawa yung reaksyon nya.
Pangalawa naman ito, playing innocent. Mabagal na pagkurap at pagpapakita ng iyong mapupungay na mata at mahahabang pilik-mata.
I saw him gulping. Gosh! Nag blush din sya, he's so cute!
" I-it's nothing. Tara, sabay na lang tayo bumili ng mga pagkain."
Saad nya. Tumango naman ako saka ngumiti.
Hinawakan ko ang kaliwa nyang kamay habang ang isa ko naman ay pinantutulak sa kart.
Nang matapos kami mamili ng groceries ay nagpasama ako sa kanya sa isang cloth shop.
Pinahintay ko na lang sya sa bench dahil alam kong maiinip lang din naman sya sa loob.
Dalawa ang napili ko, isang sexy two piece swimsuit na kulay blue with laces. At isang tube at boyleg shorts na pamalit. Bumili na rin ako puting dress.
Habang pauwi kami ay tinanong nya ako,
" Babe, anong binili mo kanina?"
" Ahh, swimsuit saka dress. Bakit?"
Tanong ko pabalik sa kanya.
Umiling lang sya bago tumingin muli sa daan.
How boring. My boyfriend is a bit boring. Minsan isang tango o kaya kunot ng noo lang nakukuha ko sa kanya.
Hayst, minsan nga isang linggo ko s'yang hindi nakausap at nakita.
Naghihinala na tuloy akong may ibang babae sya. Baka nga nagsasawa na sya sa akin. Maglilimang taon na kami sa next-next week.
This keep bothering me, lalo pa't habulin ang boyfriend ko. May nanliligaw din naman sa akin, kaso syempre ayaw kong makipaghiwalay sa kanya.
Dahil sa kaiisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa bahay.
" Babe, pasok ka muna. Ako na lang magdadala ng mga pinamili mo."
Tumango naman ako.
Kinuha ko ang damit na pinamili ko daka dumiresto sa loob.
Nakita ko doong naghaharutan si Xeylo at ang nobyo nya. Pati na rin si Kuya Rence at si Hiro.
Tanggap ko naman ang relasyon nila kuya Rence, but sometimes it still grossed me out. But I am happy.
Nakita kong nakasimangot si Keirth kaya nilapitan ko s'ya.
" Bunso ko, bakit ang lungkot mo?"
Paglalambing ko sa kanya.
Napalingon naman sa amin ang tatlo ko pang kapatid,
" A-atee..."
Tinignan nya ako habang umiiyak.
Hayst kabinatang tao ay iyakin itong kapatid ko.
" Bakit baby ko? Sino nang-away sayo?"
Saad ko habang pinupunasan ko ang luha nya.
" Ate naman ehh..wag mo naman ako binebaby. Saka kayo kaya may kasalanan-"
Hindi pa natatapos magsalita si Keirth ay inasar na sya ni Hiro,
" Eh paanong di ka namin mabibeybi eh asal bata ka. Binata ka na Keirth."
Dahil sa sinabi ni Hiro ay lalong umiyak si Keirth.
" *hic* *hic* hgnn! Yun na nga ehh, binata na ako, t-tas kayo malalaki na Kuya, ate. May mga jowa na kayo, ako wala.
Tapos sa mga susunod na taon magpapakasal na kayo, sila mama at papa magtatravel.
Pano yan? Maiiwan ako d-dito!
Lahat kayo lilipat na, tas ako maiiwan ako dito...."
Saad nya habang humihikbi.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Keirth. Hindi ko inaasahang ganoon na pala iniisip nya. Umalis muna si Thunder bago namin nilapitan at pinalibutan si Keirth.
" Baby, sino ba nagsabi sayo na iiwan ka namin. Pwede naman kaming bumili ng bahay na katabi lang ng bahay natin diba?"
Saad ko.
" Pwede rin tayong mamasyal, mag outing at mag-family reunion diba?"
Saad namin ni Kuya Rence.
Sumang-ayon naman ang dalawa pa naming kapatid. Nalinga naman agad namin si Keirth.
Masyado kasing na-baby namin ang bunso kaya't ganoon na lang ito ka-spoiled.
Kahit nga si Daddy na lahat kaming apat nasermonan at napalo ay hindi pa napapalo o kaya'y napagtataasan ng boses si Keirth.
Takot nya lang kay Mommy.
Pagkatapos ng pag-iiyak ni Keirth ay sabay-sabay kaming nagtungo sa labas para tumulong sa pagseset-up ng dadalahin.
Tatlong van ang dadalhin namin dahil hindi naman kami kasya sa dalawa.
Bukod kasi sa aming pamilya ay sasama pa si Thunder at kambal nya pati narin si Dale at ang tatlo nya pang kapatid.
NANG makarating kami sa beach ay nagkanya-kanya na kaming punta sa aming mga cottage.
Sila Keirth at ang tatlong kapatid lang ni Dale ang piniling mag-stay sa hotel.
Iisang suite lang ang pinili nila na may apat na kwarto.
Magkasama kami ni Dale sa cottage. Sanay na kami sa ganitong set-up, alam naman nya kung saan ang limitasyon namin kaya tiwala ako.
" Babe, tutulong lang ako kay Tito sa pagaayos."
Pagpapa-alam sa akin ni Dale umo-oo naman ako bago ipinagpatuloy ang pagayos ng damit namin.
Two nights and three days lang kami dito kaya tatlong set lang ng apat na klaseng damit lang ang dala ko.
Pagkatapos naming mag-setup ay nag bonfire kami.
Nagka-inuman ang mga lalaki at kaming dalawa lang ng kapatid na bababe ni Dale ang naunang umuwi.
Natulog ako ng maaga dahil kanina pa ako pagod na pagod sa byahe.
ALAS-TRESE na ng umaga nang magising ako, naka-unan ako kay Dale at yakap-yakap nya ako.
He's really handsome, sharp jaws, thick eyebrows and eyelashes, meron din s'yang mumunting bigote at balbas. His lips are also thin, not so red but not pale, his nose are tall.
Goshh, lalo akong na-iinlove sa kanya.
I kissed his forehead, cheeks, nose and lips. Nahulog na talaga ako sa lalakinf ito.
Kung hindi pa sana ako nagpursige na ligawan sya malamang sa malamang na agaw na sya ng ibang babae.
I just wished, he would stay by my side forever. Ayaw at hindi ko sya kayang iwan.
(ʃ⌣́,⌣́ƪ)
Helloo poooooo
Sorry po sa super-duper late update.
Busy na po kasi ngayon eh.
Nagtataas na po ang mga alert levels, sana po safe kayo.
Stay safe and godbless po!
See you on my next update guys
Love you'll
( ^◡^)っ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro