5: POSTIVE AND NEGATIVE
Clothileds
Thanks sa plug 💜
AIREL KYLE OSGAREZ
Halos maiyak ako rito sa loob ng banyo habang nagsusuka ng kinain ko kaninang umaga.
Ilang linggo na akong ganito, simula pa noong isang linggo pagkatapos maka-alis nila mama.
Isang buwan at kalahati na siguro.
Nasa harap ako ngayon ng salamin at wala pa akong maayos na tulog mula pa noong isang linggo dahil sakit ng ulo ko.
I need to confirm it. Ayoko ng puro haka-haka lang.
Hinanap ko ang PT kit na nabili ko kahapon sa
Hawak hawak ko ngayon ang Pregnancy test Kit habang nanginginig ang kamay ko.
Two lines. I'm pregnant.
Kahit nanginginig at lumuluha na ako ay sinubukan kong tumayo at lumabas ng banyo.
Nahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.
I am pregnant. Pero hindi ko kilala ang nakabuntis sa akin, gusto kong magwala pero makakasama kay baby.
For now, si baby muna ang iisipin ko.
Malapit na rin naman akong mag-fourth year college baka tumigil muna ako.
Kinuha ko ang cellphone ko ng maalala ko si kuya. He needs to know this, I need his help right now.
" Hello, baby? What's the matter? Did something came up? Tell me, I'll listen."
" I-i... messed up kuya. I-i don't know what to do..."
Lalo lamang akong naiyak ng marinig ang boses niya. Halos pareho sila ng boses ni papa, for me it is a comforting melody.
" What happened? Did she hurt you again? Tell me baby, what happened. "
Alam niyang sinasaktan ako ni Ate, well hindi physically kundi emotionally. Katulad na lang noong pina-asa niya ako na susunduin ako ng driver namin.
" No, kuya. I-its postitive. I-i'm pregnant... "
" As expected. Do you know him?"
" No kuya, no. Ano na ang gagawin ko? P-paano 'tong baby?"
Hindi ko na napigilang maiyak.
Buntis ako, walang asawa, hindi pa tapos ng college at hindi kilala kung sino ang nakabuntis sa akin.
" Just relax baby. And don't yah worry, uuwi ako d'yan ngayon din. "
" Paano sila mama? yung trabaho mo? Walang katuwang si papa d'yan kuya. "
" Sorry baby, pumayag na si dad. Katabi ko siya. Nandito kami ngayon sa hospital para sa check-up ni mama. Alam na nilang dalawa."
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat ngunit agad ko itong kinuha,
" G-galit ba sila?"
" No we're not princess. Actually masaya nga ako dahil may apo na ako. Ingatan mo ang sarili mo hijo, papa-uwi pa lang ang kuya mo."
Napangiti ako dahil doon. It was dad.
" yes, daddy. Ingat po kayo, I'l hang up na po. May school pa ako. "
" Fuck."
I groaned. I hate morning sickness. Kanina pa sumasakit ulo ko daragdag pa ito.
I just sighed. Kailangan kong pumasok, may exam pa naman yung kolokoy na iyon.
" Airelbabe di ako makakapasok ngayon ha? Birthday ng kambal eh."
Napa-ungot na lamang ako. Ito agad ibubungad niya sa akin sa pagtawag niya? Kainis.
" Okay. Padala ko na lang d'yan regalo ko, pakiss na rin sa kanila ok?"
"Oo sige. Oh siya aalis na ako, andito na sundo ko. Punta ako kila lola, doon ko iniwan yung kambal."
" Ingat sa biyahe Demi, ingat kayo. Bye, bye."
Ako na ang nagtapos ng tawag dahil nasa tapat na ako ng school.
" Uy guys, diba siya yun?"
" Oo nga. Siya yun. Yung kapatid ni Raiven. "
Shit. Run.
Damn. Pinag-uusapan na naman nila ang relatiomship ko kay Ate.
Don't wanna mess up her career.
Sa loob ng halos dalawang taon, nasanay na akong gawin ito.
Ayokong tinatanong nila ako about kay Ate.
Halos ata lahat ng freshmen gan'yan ginagawa kapag nakikita ako, mabuti na lang at walang paki-alam ang iba.
Well, it is just common para sa aming mga third year. Lalong lalo na sa mga graduating at sophomores.
Normal lang ito, iba nga kapatid nila presidente o kaya senador. Iba naman Tatay o kahit sino sa pamilya ang nagtatrabaho o di kaua may mataas na katungkulan sa gobyerno.
Dahil sa ginawa kong pagtakbo ay napa-aga ako ng dating sa classroom.
Mas gugustuhin ko pang sakto lang sa time kesa mapa-aga. Ayoko ng may nag-tsitsismisan.
I just sighed. Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa arm rest.
" GOOD MORNING CLASS "
Iyan ang nagpa-angat ng tingin ko.
And'yan na pala ang asungot. Better to wake myself now.
Dahil nasa pinaka-huli ako ay agad kong naipasa ang aking papel at muling inungko ang aking ulo at muling naka-idlip.
Nagising na lamang ako ng may maramdaman akong palad sa aking noo.
" S-sir... akin na po iyan, u-uuwi na po a-ako"
Sinubukan kong abutin ang bag ko nahawak-hawak niya ngunit inilayo niya ito, at dahil sa ginawa niya ay na out of balance ako.
Mabilis niya akong nasalo, pinaharap niya ako at kinabig ang aking bewang.
" We're going home. May lagnat ka, kailangan mong magpahinga. Alam kong wala kang kasama sa bahay ninyo kaya iuuwi muna kita sa amin "
Napapikit na lamang ako ng marahan niyang pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo.
Ang sakit na ng ulo ko, I want to rest but I don't wanna bother him
" N-no... A-ayoko po. S-saka may c-classes pa po kayo-"
Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng mabilis niyang tinawid ang pagitan namin.
I just found myself being kissed by him, pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib para sana patigilin siya.
Ngunit nang naging mas marahan na ang kan'yang paghalik, hindi ko na napigilang tumugon.
After that passionate kiss, everything went blur.
NAGISING ako dahil sa sikat ng araw.
Ayoko pang imulat ang aking mga mata dahil medyo nasisilaw pa ako.
Kaya yinakap ko na lamang ang higante kong teddy bear sa aking kwarto, kaso bakit matigas?
Binaba ko ang aking kamay at may nahawakang mahabang bagay.
Remote ba ito? Unti-unti ko itong hinaplos para makasigurado dahil blurred pa ang aking nakikita.
Pero laking gulat ko ng tumayo ito kaya agad akong napa-upo at sapo-sapo ang aking bibig na inilibot ang aking paningin sa loob ng kwarto.
" AHHHHH!"
Sigaw ko sabay sipa sa kan'ya. Shit. Naalala ko yung gabing iyon.
" What the hell?! Bakit ginawa mo iyon?"
" Manyak ka, manyak!"
Sigaw ko saka diretso sa CR niya at sabay lock ng pinto.
Ano ba kasing nangyari kahapon?!
Paano ba ako napunta.........
dito......
The kiss.
Me, sitting on his lap.
Him feeding me.
And.....
M-medicine.....
" Yahhhhh!"
Sigaw ko sabay sabunot sa aking buhok. Pero di ko inaasahang masira ang pintuan ng CR at makitang nagpupuyos sa galit si Sir.
" What happened? Ayos ka lang ba?"
Nakatulala lang ako sa kaniya. Bakit ngayon ko lang napansin? Putek naman oh, obvious na obvious na siya yun.
" Hey, answer me midget. "
" N-no... I-i mean yes. I'm fine "
Saad ko ng makabawi na ako sa gukat saka sinubukang makatayo. Ngunit sa ikatlo kong hakban ay natapilok ako at muntikan nang maumpog sa lababo. Shit, that was close.
" Are alright? Baka may sprain ka na."
Nakatingin lang ako sa kan'ya nang buhatin niya ako papunta sa kama at doon paupuin.
" A-ahh!"
Hiyaw ko ng paikutin niya ang aking talampakan.
" Sprain nga, kukuha ako ng cold.compress diyan ka lang at baka mapano pa kayo."
Saad n'ya bago dali-daling lumabas sa loob ng kwarto.
Kami?
Does he know already?
Sinong nagsabi sa kan'ya?
Dex.
Darn it.
I had totally forgotten na magkaibigan pala ang dalawang iyon.
" GOOD MORNING, Riel. "
Bati sa akin ni Tita na isang doctor dito sa St. Luke Hospital.
Sabado ngayon kaya napagdesisyonan kong magpa-check up na.
" Good morning Auntie, gusto ko lang pong magpa-checkup regarding sa pagbubuntis ko po."
" Sure sweetie. Tutal mag-dadalawang buwan na si baby, iadvance check up na natin siya."
Pagkasabi niya noon ay nagpalit na ako at hospital gown na lamang ang isinoot ko.
Nakahiga na ako sa hospital bed habang si auntie naman ay nilalagyan ang aking tyan ng Gel.
" Hijo, this your baby. Hindi ko pa alam kung kambal at kung babae ba o lalaki siya/sila. Masyado pang maliit. Wag kang ma-i-stress ha? Wag magpalipas ng pagkain, dapat lahat ng cravings mo nasusunod. Baby ang may gusto noon at hindi ikaw okay?"
" Okey dokey!"
" That's good, wag ka ding mag-alala kasi kapag 7 months hangang 9 eh hindi ka na makakaramdam ng usual symptoms. Pero depende iyan, malakas ang kapit ni Baby, keep it up Riel. "
" Yes po Auntie, gagawin ko po iyan."
Ka-a-alis ko lamang sa hospital at paderetso sa bahay namin. Darating si Kuya ngayon at excited na ako.
" Kuyaaa! "
Sigaw ko ng makita siya sa harapan ng gate sabay talon at pulupot ng mga paa ko sa kan'yang bewang.
" I miss you kuya. "
Saad ko uli habang pinupugpog siya ng halik sa pisnge.
" Obvious nga baby, halika na. Bumaba ka na at pumasok na tayo."
" Ayoko, kargahin mo na lang ako."
Napailing na lamag s'ya at nagsimulang maglakad.
" Riel, isang linggo lang ang pamamalagi ko rito. At itong bahay na ito ay ibebenta na ng Papa kasi wala namang nakatira."
Nabitawan ko ang kutsara sa sinabi niya, nilunok ko muna ang aking kinakain bago muling nagsalita.
" Hala, saan ako titira kuya? Bibilhan mo ba ako ng Condo or magdo-dorm na lang ako?"
" No. Sa bahay ka ng tatay ng baby mo titira. Napag-usapan na namin ito ni Xyrus."
" WHAT? NO WAY! ayoko kuya."
" Wala ka nang magagawa. Saka kapag hindi ka pumayag eh hindi ka na namin susustentuhan, kahit si Demi sasabihan kong wag kang tulungan. You choose, stay with him or left with nothing?"
Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
" Okay fine. Titira na ako sa bahay niya. "
Sabi ko sabay alis para pumasok sa kwarto.
Sumalampak na lamang ako sa kama habang nakatingin sa kisame.
Paano na ito?
Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na buwan?
Napabuntong hininga na lamang ako.
" Ihanda mo na ang gamit mo Airel. Mamayang hapon ay lilipat kana sa bahay niya."
Sabi ni kuya sa intercom.
Tumayo ako at tumapat doon,
" Okay Kuya, mag-a-ayos na ako."
Wala akong magagawa kung hindi ang mag-ayos ng gamit.
Pero bago ko iyon gawin ay tinawagan ko muna si Demi.
" Hi Riel! Kamusta ka na? Balita ko nahanap mo na nakabuntis saiyo."
" Uhm. Nahanap na ni Kuya, bukas doon na ako titira sa bahay niya. Ayoko sana pero para kay baby din naman yun diba?"
" Wag ka nang mangamba. Isipin mo na lang na parang isa kayong happu family. Saka isipin mo rin na hindi magagaya si Baby sa mga inaanak mo. "
" May point ka naman. Asan ka pala?"
" On a Vacation. Sorry ha? Urgent eh, pero next week nand'yan na ako."
" Saan ka ba nagbakasyon?"
" Nasa Boracay kami, next stop eh sa Sorsogon. Balak naming pumunta sa dalawang beach kaya medyo matatagalan. Alam mo namang adik na adik yung dalawa sa beach hindi ba? "
" Ba't di mo ko isinama? But nonetheless ako na ang bahala sa notes. Magpakasaya kayo ha? Bye bye."
Hindi naman ako nagtatampo, mas maige na rin iyon.
" MAG ingat ka kuya, mamimiss kita. Sabihan mo sila mama na aalagaan ko ang sarili ko."
Sabi ko habang yakap-yakap si Kuya.
Andito na kami sa harap ng bahay ni Sir Xyrus.
" Oo mag-iingat ako, ingatan mo si Baby ha? Gusto ko lalaki. Ako ang magpapangalan ok?"
" Opo, Retsam."
" Retsam ka dyan. Sige na, hinihintay ka na ng asawa mo."
" Asawa?! No way."
Tumawa lang siya bago hinalikan ang noo ko,
" Please, close your eyes baby. Just hug me tight for a minute."
Ginawa ko ang ibinulong niya.
I know, he's already crying. Ramdam ko kung paano manginig ang kan'yang mga balikat.
" I'll be fine kuya, I promise. Don't c-cry. I might cry too, bawal sa buntis yun hindi ba?"
Bulong ko sa kan'ya, pero isang mahigpit na yakap lang ang isinsagot niya sa akin.
I'm gonna miss this.
" Okay. Ayos na ang Kuya, bunso. I love you, take care."
He said before kissing my cheeks,
" Yes kuya, I love you too."
Kumaway ako sa papalayong sasakyan ni Kuya
This is it. Eto na ang simula ng bago kong buhay.
Kaya natin 'to baby, kapit ka lang kay mommy ha?
¦ʕ•ﻌ•ʔ¦
Hi guys, do you like this chapter?
Just let me know kung may mga errors
sa chappy na to.
Hope you like it.
Keep safe and lablots.
Mwuah mwuah ≥3≤
SaYoNaRa !
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro