Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21: TRUST ISSUES

DEX

KAGIGISING ko pa lang, medyo sumasakit ang ulo ko. Dahil na din siguro sa nakainom ako kagabi.

Tinignan ko ang paligid ng kwarto. Sandali-

HINDI KO TO KWARTO!
Tinignan ko pati ang sarili ko, laking gulat ko na lang ng wala na pala akong suot na damit bukod sa boxer.

Mabilis kong binalot ang aking katawan gamit ang kumot at dali-daling binuksan ang katapat na drawer ng kama.

Kumuha ako ng isang sando at sinuot ito bago pumunta sa pintuan.

Bubuksan ko na sana ito kaso may na una sa akin. Nabangga ng doorknob ang tiyan ko dahil sa lakas ng pagkabukas ng pinto.

Napahawak ako sa aking tyan dahil doon,

" Oh god, are you okay?!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Is he an idiot?

" Don't touch me. Aalis na ako, asan si Seppy?"
Saad ko habang iniilagan ang kamay nya.

" Pumasok na sya sa eskwelahan. And you, we're going to talk. Bumaba ka muna at mag almusal."

" NO! Aalis ako, Zion. May gagawin pa ako."
Saad ko bago sya lagpasan.

" Aalis ka na ganyan ang suot mo? Saka saan ka naman pupunta? Doon ba sa lalaki mo?"
Tanong nya habang hawak ng mahigpit ang braso ko.

" Anong klaseng tanong yan? Sino ba satin ang lumalandi ha?!"
Sigaw ko sa kanya. Aba, gago din ang isang to.

Sya pa nga lang yung napabalitang may scandal tapos ako pang sasabihan na nanlalaki.
Hindi na ba sya nahiya?

" Kaya nga kita dinala rito para ipaliwanag sayo yun. Ang kaso habang papunta ako sa bahay nyo ay nakausap ko ang 'boyfriend mo'
"

" Si Dave? Gago ka ba? Bestfriend ko sya, nakikituloy lang sila ngayon sa amin!"
Saad ko, wala talaga tong patutunguhan.

" Kaibigan? Eh bakit magkatabi kayo matulog ha? "

" Are you jealous?"
I unconsiously asked.

" No I am not! "

" Then don't act like one. Tandaan mo, walang tayo. Kung hindi lang ikaw ang ama ni Seppy, ay hindi kita hahayaang makalapit pa sa amin.

Sana naman ilugar mo iyang mga kilos mo."
Hindi ko na mapigilang sumbatan sya.
Nakaka-tangina naman kasi, magpapakita ng motibo tapos bigla nya lang akong iiwan sa ere.

Halata sa mata nya na nasaktan sya sa sinabi ko, pero iyon naman ang totoo. Wala kaming label at si Seppy ang parang nagiging tulay para magkaroon kami ng ugnayan.

Ayoko na uling sumugal, napaka-delikadong bagay ang isusugal ko kung sakali. At hindi lang ako ang maaapektuhan, pati na rin ang mga taong nakapalibot sa akin. Lalong lalo na ang anak namin.

Nilagpasan ko sya at tumakbo pababa ng hagdan, kailangan ko na talagang puntahan ang anak ko. Baka mag-alala pa sya sa akin.

Pero nasa tapat pa lang ako ng pinto ay bigla nya akong hinila at binuhat nya ako na parang sako ng bigas.

" Zion! Ibaba mo ako, ano ba?!"
Sigaw ko habang pinagpapalo ang likod nya.

" Shut up, Dex."
Saad nya bago hampasin ng malakas ang pwetan ko.

" Ahrg! Ano ba!"
Nagpupumiglas ako hanggang sa makarating kami sa master's bedroom.

" You and our son will stay here. Pagkatapos ng school year ni Seppy ay uuwi tayo sa States. "

Saad nya pagkatapos akong ihagis sa kama.

" So ikukulong mo ako dito? Aba ang lakas ng apog mo!"
Saad ko habang simusubukang bumango. Taena, ang lakas ng pagkakahagis nya.

" Kung ganon ang pagkakaintindi mo, Oo. Pero ginagawa ko lamang ito para protektahan kayo ni Seppy. It's not safe outside, Dex."

Napatinuod ako sa sinabi nya. Ano ba talaga ang nagyayari?

" Ano ba talagang nagyayari Zion?! Naguguluhan na ako!"
Sigaw ko sa kanya. Kaya nga ako nagpaka layo-layo dahil gusto ko ng payapang buhay para sa anak ko at sa akin ng kapatid at mga pamangkin ko.

" Hindi ko pa maipapaliwanag sa ngayon, but trust me. Dito muna kayo sa akin tumuloy."

Napabuntong hininga ako.

" Okay. Dito muna ako tutuloy, pero paano si Miko at Dave? "
Tanong ko. Nahalata ko naman ang saglit na pagbago ng ekspresyon nya.

" Okay fine. Magtatalaga ako ng isang bodyguard para mag bantay sa kanila, at sa hotel muna sila manunuluyan. Happy?"
Ngumiti naman ako saka tumango.

Pagkatapos nya akong bigyan ng mga damit na maisusuot at ibigay sa akin ang cellphone ko ay saka sya umalis para dalhan ng baon si Seppy.

Naligo ako at nanood mg telebisyon. Wala naman akong magagawa ngayon, hindi ko din makontak sila Airel, baka busy pa sila sa pamamasyal.

Sinulyapan ko ang balita, tsk.

May nambomba na naman pala sa mall. Ano ba yan, ang gulo na ng mundo.

Sana naman hindi kasama sila Airel sa kanila, para kasing iba ang kutob ko.

Sinubukan ko uling tawagan si Airel.pero wala talagang sumasagot. Ang alam ko dapat ngayong oras nato ay dapat pauwi na sila.

Kahit kabadong kabado ay tinawagan ko si Zion para magtanong.

" Why babe? Need something?"

" Please pakitingnan sila Airel sa bahay at kung wala naman sila doon, pwede bang sunduin mo sila sa ***mall o di kaya ay sa malapit na ice cream shop."
Mahaba kong asad, please keep them safe.

" Uhh, okay?"
Pagkasaad nya noon ay binabaan ko sya ng tawag dahil sinubukan kong tawagan si Airel at Xyrus pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot.

"Argh!"
Sigaw ko dahil sa frustation. Madaming mga bagay ang naiisip ko. Baka kasama sila bombing incident o kaya nakidnap sila.

At sana naman hindi sila mamatay. Nakakatakot isipin na pati sila mamatay.

Halos dalawang oras ang itinagal bago makauwi sila Zion. Kasama nya rin si Seppy na tulog sa bisig nito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita ang anak ko.

Pinakarga nya ito sa bodyguard bago ako nilapitan.

" Let's talk, mauna ka muna sa kwarto. Aayusing ko lang ang papeles ko, okay?"
Tumango naman ako.

Nauna muna ako sa kwarto habang nagiisip. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas pero naramdaman ko na lamang ang kamay ni Zion sa balikat ko.

Nilingon ko sya sabay sabing,

" Please tell me honestly, where's my brother?"
Pinilit ko itong itanong sa kanya.

" Listen first, kasama nga ang kapatid at mga pamangkin mo sa bombahang nangyari.

Pero wag ka nang mag-alala masyado, ligtas na sila at kasama nila si Xyrus."

Dahil sa sinabi nya ay gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak sa aking damit.

Napahagulhol ako ng mahina. Ano ba naman to, kelan pa matatapos ang bagay na ito.

"Dex, I know it is hard to accept. Naiintindihan kita, wag ka na munang mag alala ng sobra. Lig-"

" Hindi! Hindi mo ako naiintindihan Zion. Nanganib ang buhay ng kapatid at pamangkin ko. Ayokong may mawala pa sa kanila, kasi naranasan ko na iyon ng tatlong beses.

Hindi mo alam ang pakiramdam ng mamatayan ng ina, ama at kapatid.

Alam mo bang ang sakit sakit noon? Lalo pa't kasalanan ko kung bakit sila namatay.

Kasi kung hindi ako naniwala sayo, sa kanila hindi mamatay ang mama at papa. At kung sana nabantayan ko sila Heirra at Airel sana buhay pa ang nagiisa naming kapatid na babae!

Wala kang alam Zion, kaya wag mong sabihing naiintindihan mo ako."

Hindi ko na namalayang nasumbatan ko na pala sya. Ayokong isisi sa kanya ang pagkamatay ng mama at papa pero parte sya kung bakit sila namatay.

Dahil kung hindi siya dumating sa buhay ko, buhay sana sila Mama at Papa. May nakakaramay sana si Heirra at Airel noong nagbubuntis sila dahil hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon.

Nagkulong ako sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Kailangan ko munang palamigin at pakalmahin ang sistema ko.

Hindi tumigil ang luha ko. Siguro matagal na tong naipon. Sa loob ng halos walong taon, ngayon lang uli ako nagalit at umiyak ng husto.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ngayon, kung lungkot para kay Airel, galit para sa sarili ko at pagka-guilty kay Zion.

Wala akong karapatang sisihin sya sa nangyari kay mama at papa kasi in the first kung sinunod ko ang utos ni Papa na layuan ang pamilya nila, edi sana hindi kami naipit.

Z I O N ' S    P O V

HALOS magdadalawang oras na si Dex sa banyo. Wala akong nagawa kung hindi hayaan sya. Alam kong kahit hindi nya ipinapakita sa amin ay may malamim na sugat paring naitanim sa puso nya...

At kasama ako sa dahilan noon. Hindi ko lang akalain na ang aksidente ni Airel ang magti-trigger noon.

Nang nakita kong dalawang oras na sya sa banyo ay binuksan ko na ito.
Doon ako nagulat nang makitang nakababad sya sa shower habang suot suot ang damit. Nakatutok pa sa COLD setting ang tubig na inilalabas ng shower.

Kumuha ako ng dalawang towel at ibinalot ito sa kanya bago sya inilapag sa kama. Binuksan ko ang heater bago kumuha ng makapal na comforter at makakapal na damit.

Binanyusan ko sya bago pinalitan ng makapal na damit. Binalutan ko rin sya ng comforter. Sigurado akong lalagnatin sya nito bukas.

But I don't care, mas gugustuhin ko pa iyo kesa sa magalala sya ng husto sa kapatid nya at kimkimin lang ang lungkot.

Minsan kasi mas maganda na matuto syang dumepende sa akin, ayokong isipin nya na nagiisa lang sya sa mga problema nya.

Kayang kaya ko naman na tulungan sya eh. Pero kailangan ko muna talagang makuha ang tiwala nya. Alam kong natatakot na syang magtiwala uli.

Kaya kung sakali man ay iingatan ko na ang tiwalang ibibigay nya.

(-’๏_๏’-)
N

o proof reading.
Time check: 9:10

Hello guyyyysssss!
Hay namiss kong mag update.
Panira kasi ng buhay ko ang module.
Nakakatamad naaaaa ang hirap pa namn ng subject.

Pero sorry po talaga kung super duper latee ang update.
Masyado na kasing natambak gawain ko. Pero sana po nagustuhan nyo update ko kahit minadali ko yan.

Bigla na lang kasi akong nagkainspiration kaya kahit ngayong lagpas alas-nuebe eh nagsulat ako HAHAHAHAH
Maaga kasi kaming natutulog.

Bye! Keep safe and godbless ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro