19: DAY OUT
SEO JINWOO/ DEX OSGAREZ
NASA coffee shop ako ngayon, kasama ang anak ko.
Family Day ngayon pero hindi kami makakadalo. Una, dahil nasa business trip si Zion na nangakong sasamahan kami sa Family Day. Pangalawa, hindi makakasama sila Airel(Aries).
Okay lang naman sana kung wala si Zion, pero hindi kami dumadalo sa Family Day sa eskwelahan kung wala sila Airel or vice versa. Kasi kami-kami lang naman ang magkamag-anak dito sa Korea.
Maaga kong isnira ang coffee shop dahil hindi naman gaanong matao. Lagpas ala-una ng hapon na nang makabalik kami sa bahay. Dahil wala kaming magawa ni Seppy ay nagtayo na lang ako ng tent sa loob ng kwarto ko.
" Daddy, sabi po ng teacher namin, kapag daw po kami nakapagtapos ng elementary po magkakaroon daw po kami ng year book.
Daddy, meron ka po ba noon?"
Tanong ng anak ko habang nagpagulong-gulong sa loob ng tent namin.
Nginitian ko sya bago lumapit sa cabinet. Doon, kinuha ko ang lahat mg year book na nasa akin. Simula noong Pre-School, Elementary, Highschool at College.
" Seppy, patabi si Daddy. Ipapakita ko sayo lahat ng yearbook ko."
Saad ko.
Dumapa kaming dalawa saka inayos ang pagkakahawak sa mga yearbook.
" Wow. Daddy, ang dami!"
Manghang saad ng anak ko.
" Inipon kasi to ni Daddy. Ito si Daddy noong 5 years old pa lang ako. Tingnan mo, magkamukha tayo diba?"
Saad ko habang timuturo ang batang ako. Sa probinsya ako nag-aral noong Pre-School ako hanggang sa mag Grade 2 ako.
Gusto kasi ng mga magulang ni Papa na doon ako pag-aralin sa probinsya.
Doon na kasi sila nanuluyan sa Bicol, binilhan sila ni Papa ng bahay at lupa.
Nasa akin pa rin ang titulo ng lupa na naipamana sa akin ng mga lolo at lola ko.
Tuwang tuwa ang anak ko habang nakikinig sa bawat kwento ko.
Halos lahat ata ng kalokohan ko noong elementary ako nakwento ko sa kanya. Syempre hindi ko doon sinama mga kalokohan ko ng lumaki ako.
Jusme, hindi ko kakayanin kung matutulad sya sa akin.
" Daddy, pwede po ba tayong pumunta sa mall?"
Tanong ni Seppy sa akin. Tumango naman ako,
" Oo naman, gusto mo bang mag-grocery tayo?"
Tumango naman sya bago ngumiti.
Hinayaan ko na lamang ang tent sa loob ng kwarto ko.
Nang nakapag-palit na kami ay sumakay kami sa aking kotse.
Inuna muna naming puntahan ang Meat Section, balak kong nagluto ng steak ngayon dahil matagal na din noong huli kong nilutuan si Seppy.
" Daddy, can we buy some gummies po ba? "
" Of course. Pero dapat mag toothbrush ka pagkatapos mong kumain noon ha? Bawal lagi lagi ang matatamis ha?"
Tumango-tango naman si Seppy.
Bumili ako ng mga prutas, stock ng mga gulay at mga biskwit.
Binilhan ko na rin si Seppy ng vagong damit at laruan bago pumunta sa sinehan.
Nagyaya kasi sya na manood ng sine bago umuwi. Pumili kami ng Cartoon Movie bago pumila para bumili ng ticket, isang large caramel popcorn at isang large coke.
Ito lagi ang inoorder namin tuwing pupunta kami sa sinehan.
Habang papasok kami sa loob ng sinehan, hinila ng anak ko ang damit ko kaya napasulyap ako sa kanya.
" Daddy, si Papa po!"
Mahinang sigaw ng anak ko.
" Baby, remember? Nasa business trip ang Papa mo. Kaya imposibleng andidito sya."
Saad ko habang hindi nililingon ang direksyong itinuturo ng anak ko.
Natatakot ako. Na baka tama ang hinala ko.
" No! Look he's over their Daddy."
Pangungulit ng anak ko.
Wala akong nagawa kung hindi lingunin ang direksyong tinuturo nya.
Pero sana hindi na lang pala ako lumigon. Tinakpan ko ang mata ng anak ko bago pumasok sa sinehan.
I can't let him see his other Dad kissing another girl.
Ayokong isipin ng anak ko na wala kaming pag-asang mabuo. Kaya kahit masaktan ako ngayon, kakapit pa rin ako sa kanya.
" Daddy, bat nyo po tinakpan yung eyes ko?"
" Ah gusto ko kasing mag magic sayo baby. Gusto ko kapag inopen mo yung eyes mo, nasa loob ka na ng sinehan."
Tumango tango naman ang anak ko.
" Daddy, please cook something for me. I really miss your foods po eh."
Tinanguan ko sya bago tinuon ang pansin sa panonood.
Lagpas alas-singko na kami ng hapon nakalabas sa sinehan.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay nakatanggap ako ng tawag.
" Bro! Pasundo naman kami ni Miko dito sa airport ohhh"
Nakakagulat na tumawag ang lalaking ito, pero ang mas nakakagulat ay ang mga sinabi nito.
" Ano?! Anong ginagawa nyo dito ni Miko?"
Halos maisigaw kong saad.
" Basta pasundo na kang pleaseeee. Gutom na kami ni Miko, Dex."
" Argh! Okay fine. Papunta na kami dyan."
Iniliko ko ang sasakyan at tinungo ang direksyon papunta sa Airport.
DEX!
ANDITO KAMIIII!!!
Iyan ang karatulang una kong nakita.
Nakita ko si Miko na hawak-hawak ang karatula habang naka-upo sa balikat ni Dave.
Nagmumukha na talaga silang tanga kaya nilapitan ko na lang.
Karga-karga ko din si Seppy na kanina pa kumakaway sa kanila.
" Kuya Mik-mik!"
Sigaw ni Seppy bago bumaba sa pagkaka-karga ko.
Tinakbo nito ang distansya sa kanilang dalawa ni Miko.
" Wow, ang laki mo na Baby Seppy."
Saad ni Miko habang hinahaplos ang ulo ng anak ko.
Pagkatapos ng maikling kwentuhan ay tinungo na namin ang sasakyan ko.
Nagkukwentuhan ang dalawang bata sa likod ng kotse at pareho lang kaming nakikinig sa kanila.
" Kuya, saan po kayo matutulog? Are you going to stay in the hotel po ba?"
Si Dave na ang sumagot sa tanong ng anak ko.
" Baby, sabi ng Daddy mo sa bahay nyo muna kami titira. Ayos lang ba?"
Bigla na lamang tumili si Seppy.
" Yes po! Yehey, Kuya tabi tayo ha?"
Tanong ni Seppy kay Miko.
Tinanguan naman sya ni Miko.
KINAGABIHAN sabay-sabay kaming kumain ng inihanda kong ulam.
Pumunta din sa convenience store si Dave para bumili ng Beer, Soju at ng ice cream para sa dalawa.
Nang makatulog na ang dalawa ay nanood kami ng balita habang umiinom at nagkukwentuhan.
" So, you and that guy has reconciled right? "
Tumango naman ako bago tinungga ang baso ng alak.
" Anong balak mo pala ngayon Dave? Wala kabang karelasyon ngayon at pinapakialaman mo ang akin?"
Pang-uuyam ko sa kanya.
" Alam mo naman sigurong si Miko muna ang pinag-tutuunan ko ng pansin.
Isa pa, ayaw pa ni Miko na magkaroon ng step-mother/father."
Tumango tango naman ako. May punto naman sya, spoiled nyang mabuti si Miko.
Sa puntong sya sa na ang magpaligo dito. Madami din kasi ang pinagdaanan nilang mag-ama. Iniwan kasi si Miko ng nanay nito noong sanggol pa lamang siya.
Tinuloy lang namin ang kwentuhan hanggang sa nakita kong tumatawag si Airel sa aking Cellphone.
" Kuya! Nakita mo na ba?"
" Ang alin?"
Tanong ko habang naka-kunot ang noo. Masama ang pakiramdam ko tungkol dito.
" Nai-send ko na yung link sa Messenger kuya. Tingnan mo na lang."
Saad nya bago ibaba ang tawag. Binuksan ko ang Messenger App at pinindot ang link.
Hindi na ako magtataka sa aking nakita.
One of the youngest CEO, Mr. Zion Gallanez are rumored to be dating her current fiancè, Ms. Julliana Mendoza.
It is said that they were seen being so lovey-dovey in a mall in South Korea.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Ibinaba ko ang cellphone ko bago tinungga ang isang bote ng Soju at isang maliit na can ng beer.
Pota.
Nakakainis. Alam ko naman na ganito na naman ang kakalabasan ng mga pangako nya pero naniwala na naman ako.
Argh! Natatang-ina na ako.
Wala naman akong ginawa sa kanyang masama, in fact pamilya nya pa ang may malaking kasalanan sa amin.
Kung hindi lang sana sya nagpakita sa buhay namin edi sana buhay ngayon ang Papa at kung hindi lang sana naki-alam ang Tatay nya sa operasyon ng Mama edi buhay pa sana sila ngayon.
Akala ba nya hindi ko alam?
Na dahil sa kagagawan ng Tatay nya, nagback out ang nakatakda sanang surgeon ng Mama.
Napost-pone din ang operasyon, dahilan para lumala pa ang kalagayan ni Mama. Kung magaling sanang surgeon ang humawak kay Mama edi sana may tyansa pang buhay pa sila.
Hindi ko namalayan kung ilang can na ng beer ang nainom ko. Ang alam ko lang ay nakatulog na ako dahil sa kanilang kalasingan.
THIRD PERSON'S POV
TULOG si Dex habang nakaunan sa balikat ni Dave.
Wala namang magawa si Dave kung hindi kargahin ito sa Master's Bedroom bago magligpit ng kalat.
Sa totoo lang ay hindi nya alam kung bakit bigla na lang naglaklak ng alak ang bestfriend nya.
Sa walong taong pagkakakilala nila sa isat-isa ay alam nyang hindi mataas ang alcohol tolerance nito.
Habang naglilinis sya ay napansin n'yang nagba-vibrate ang cellphone ni Dex.
" Hello sino to? Bakit ka tumatawag kay Dex?"
Tanong nya habang nakakunot ang noo.
Sa totoo lang ay nakita na nya ang pangalan ng tumatawag, at ang walang hiyang si Dex ay may papuso-puso pa sa katabi ng pangalan nito.
Ha, balak pa naman sana kitang hanapin. Sinong magaakala na ikaw ang unang lalapit saking gago ka.
" Ikaw sino ka? Bakit na sayo ang cellphone ng asawa ko?"
Ohhh, so asawa mo si Dex pero bat may fiancè ka?
Gustong isumbat ni Dave ang mga salitang nasa isipan nya ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili.
" Boyfriend nya ako bakit?"
Narinig nya ang pagkabasag ng isang bagay sa kabilang linya, na ikinasaya nya.
" Fuck. How dare you. Let me talk to him!"
Sigaw ni Zion sa kabilang linya.
" Pero paano yan? Tulog sya sa katabi ko."
Saad nya bago ibinaba ang tawag. Mabilis syang umakyat sa Mester's Bedroom at tinabihan si Dex.
Ayaw nya mang makialam sa relasyon nila pero ayaw nya ding nakikitang nasasaktang ang bestfriend slash ex-boss nya.
Kinuhanan nya ang sarili habang yakap yakap si Dex na nakasuot lamang ng puting sando bago sinend sa walang hiyang kutong lupang asawa raw ni Dex.
My Wife
Hoy, kung hindi ka naniniwalang
boyfriend ko si Bebe Dex,
Pwes dapat ka nang maniwal
dahil dito.
ʸᵒᵘ ˢᵉⁿᵗ ᵃⁿ ⁱᵐᵃᵍᵉ
Husband💓
I still won't believe it.
By the way
Fuck you.
Tatawa tawang binasa ni Dave ang reply ng lalaki sa kanya.
HAHAHAHAHA ang sarap nyang asarin.
Sa isip isip nya. Kahit ayaw nyang idilete ito ay kailangan.
Gustohin man nyang ipakita ito sa kanyang bestfriend ay baka magalit pa ito sa kanya.
(*・_・)ノ*'*'*
argh! Ang hirap guysss
Pagod agad ako HAHAHAHA kakatapos ko palang gawin yung assignment namin sa Math.
Huhuhu sorry po talaga kung ngayon lang ako nakaupdate.
Bukod sa tinamad po ako eh umuwi din po kasi mama ko.
Nagpapagaling pa din po kasi sya sa Covid. Actually nagpapahinga na lang po kasi gumaling na sya.
Nagulat din ako ng malaman kong natamaan si Mama at yung kapatid nya ng Covid.
Anyways, bye guys.
Sana nasagutan nyo na Modules nyo.
HAHAHAHAHAHAH
Keep safe and godbless
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro