MAGICAL 5
CWSADN CHAPTER 5
RASHNU POV:
Ang ganda niya talaga.
I don't know why, pero kapag nakikita ko siya tumitibok talaga yung puso ko.
'Inlove yata ako?'
The girl I meant is in front of me.
"Charlotte." I whisper, pero narinig niya.
"Tinawag mo ba ako Rash? Sorry kung Rash tawag ko sa'yo. Ok lang ba?"
OK NA OK!
"Yes, My Queen."
"Luh?" Natawa naman ako sa itsura like, What-the-fuck face.
"Hahaha! ganyan talaga yung mga tinatawag ng mga familiar nila sa kanilang Queen o King."Half lie and half truth. Sa totoo lang, gusto ko lang talaga siyang tawagin ng ganyan. At ganyan naman ang tawag nila sa Queen or King nila eh.
"Ahh, Ganun ba." Sabi niya sabay kamot sa batok niya.
'Hehe Cute.'
"Oy! tama na ang landian. kumain na tayo, gutom na ako!" Singit ni Charmeine sa'min. Ang KJ talaga ne'to.
Pero matatanggap ko kung landian yun. hehe.
"Oy ikaw, pulang mukha! sumabay ka na rin!" Sabi na naman ni Charmeine at hinila niya ako. nasa kanan si Charlotte at ako naman sa kaliwang kamay ni Charmeine.
Tinignan ko naman si Charlotte, nagtama naman yung mata namin at saka siya ngumiti.
'God, Thank You for making me live here in the Earth!'
"Kainan naaaaaa!" Sabi ni Charmeine at tumakbo papunta sa loob ng cafeteria, sumunod naman yung dalawa kaya kami nalang ni Charlotte ang naiwan.
Kinuha niya ang kamay ko tumingin naman ako sa kanya. "Hindi ko pa kilala yung school niyo kayaaaaa, I tour mo ako!" Sabi niya at hinila ako, tinignan ko naman yung kamay naming dalawa na naka-holding hands.
Alam ko'ng babae lang ang kinikilig pero, hindi ko yata kayaaaaaaa!
CHARLOTTE POV:
Ang ganda pala ng school na'to!
Mayroon silang mga kakaibang mga hayop dito. Like yung Leon nila tatlo yung ulo! At yung bunny nila parang may pouch kagaya ng kangaroo!
At yung field nila ay MALAKI! AS IN MALAKI!
Maganda yung landscape ng field. Pwedeng pang photoshoot!
At may Pegasus Riding sila dito! Kahit kabayo nga hindi ako nakasakay eh. Pegasus pa kaya.
Hindi ko na nakikita si Vhen ah. Saan kaya yun pumunta.
"Mukhang may hinahanap ka ah?" Tanong naman ni Rash sa'kin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami nagho-holding hands. Ok lang naman friends naman kami eh.
"Oo kapatid ko. Alam mo ba kung saan siya?"
Bumugtong hininga naman siya. "Wala na yung kapatid mo kahapon pa."
"ANOOOO?!? BA'T DI NIYO SINABI SA'KIN?!?" Sabi ko at tinignan naman ako ng mga tao. Shet nakakhiya.
"Hindi na namin sinabi sa'yo dahil nahimatay ka kahapon at isa pa baka umiyak ka naman."
"Sana sinabi niyo pa rin." Sabi ko at nag pout.
"HAHAHA! Ang cute mo." Sabi niya at tinakpan niya naman yung bibig niya gamit yung kamay niya. HAHAHA nahiya.
"HAHAHA! Sa susunod wag mo na sasabihin kung ano ang iniisip mo. baka ma fell ako nyan." Sabi ko at kumindat. Ikinamula naman ng pisnge nya.
"Obvious mo boy!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siyang namumula.
Lumakad muna ako at may nakita ako'ng paro-paro na kulay itim, sinunuod ko naman kung saan yung paro-paro pumunta. Parang na hipnotismo ako.
"Oy! Sandali!" Sabi ko at hinabol yung paro-paro. Nasa kalagitnaan na ako sa itim na kagubatan.
'Parang nanghihina ako.' Sabi ko sa isip ko at hinawakan ko naman ang dibdib ko.
Shet. Hindi ko kaya.
Ang huli ko nakita ay ang paro-paro na nasa harapan ko bago ako nahimatay.
GREYSON POV:
"May pumuntang Light Magic User sa ating teritorya." Sabi ni Colton sa'kin.
"What?! Who is it?!" Sabi ko sa kanya at nakita ko'ng lumaki yung mga mata niya.
"Queen."
What?! ano'ng ginagawa ng babae nun dito.
"Tell me where she is."
"Nandoon siya sa Dark Forest." Lumaki naman yung mga mata ko.
"Kanina pa siya dun?!"
"Oo o hindi, dahil ngayon ko lang nakita to' at hindi ko alam kung kanina pa siya dun. Nahimatay nga eh."
Alangan naman hindi siya mahihimatay dun! Kahinaan niya kaya yung Dark.
"Pupunta na ako dun."
"But it's dangerous. Kahit Dark User ka, Forbidden ka pa rin pumunta dun."
"Alam ko Colton. Kaya ko naman sarili ko, at isa pa hindi ko siya hahayaang iwan siya dun." Sabi ko at kinuha yung Royal Necklace sa mesa.
"Oy! San mo b-" Hindi ko na narinig yung susunod na sasabihin niya dahil umalis na ako. Alam ko naman na magtatanong yun kung saan ko nakuha tung kwintas na tu.
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa Dark Forest.
"Shit." Sabi ko dahil nararamdaman ko'ng malapit na sila.
Dahan-dahan naman ako'ng lumapit at ipinasuot sa kanya yung kwintas, at saka binuhat.
Craaaaaaccckk~
Shit! Naapakan ko yung sanga ng kahoy, kaya yung ingay ay ume-echo.
Nararamdaman ko na lumalapit na sila.
"Shit." Bulong ko at tumakbo ng mabilis.
Tinatamad kasi ako makipaglaban ngayon.
Dahil wala na ako'ng pakialam kung ano yung inaapakan ko, ayun hinabol kami ng mga Beasts sa Forest na to'.
"Greyson!" Sigaw ni Damion sa kabilang parte ng Forest na to'.
Bakit naman sumunod to'ng mukong na to!
"Oy! Ba't ka nandito?! Bumalik ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Tutulungan kita noh!"
"Kaya ko naman mag-isa eh!"
Pumunta naman ako kung nasaan si Damion.
"Ikaw na bahala sa kanya." Sabi ko kay Damion.
"Paano ka?"
"Sabing kaya ko sarili ko eh! Pumunta ka na do'n paparating na sila!"
"Tch!" Sabi niya saka umalis.
Gaya-gaya.
Tinignan ko naman yung nasa likuran ko.
Mukhang masaya to' ah.
CHARLOTTE POV:
Ano'ng nangyari? Sakit ng ulo ko.
"Arghh." Sabi ko at hinawakan ko yung ulo ko.
"Ayos ka lang?" Sabi nung lalaki.
"Sino ka? at na'san ako?" Sabi ko tinignan ang paligid.
Hala! yung paro-paro!
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng lalaki.
"Huwag kang tatayo, dyan ka lang. Nagpapahinga ka pa eh." Sabi niya saka dahan-dahan niyang inilagay ang ulo ko sa unan.
"Teka, nasan nga ako? at sino ka?"
"Ako si Damion. Hindi mo ba ako naalala?"
"Ikaw ba yung nakabangga ko nung nakaraang araw?! Ay ito nga pala yung panyo mo. Nahulog mo nung nagkabangga tayo eh."
"Salamat at Oo haha! nandito ka ngayon sa Dark Territory."
Patay!
"Kung nandito ako? bakit hindi ako nanghihina?"
"Dahil diyan." Sabi niya at may tinuro sa leeg ko.
"Kwintas?"
"Oo, yan ang rason kung bakit hindi ka nanghihina. Ang tawag diyan ay Royal Necklace."
"Ang ganda naman ne'to."
"Kasing ganda mo." A-ano?
"A-ano?"
"Wala, Hahaha!"
"Tapos na ba kayong lumandi sa isa't-isa?" Tumingin naman kaming dalawa sa kung sino yung nag sabi. Mukhang pamilyar to' sa'kin ah.
"Greyson! Ayos ka lang ba?!"
Ay oo nga pala si Greyson.
"Ayos lang ako." Cold niyang sabi kay Damion.
"Hoy ikaw!" Sigaw niya sa'kin at tinuro ako.
"P-po?!" Sabi ko naman. Nakakatakot kasi siya eh.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Diba alam mo naman na ang kahinaan mo ay Dark Magic?! Bakit ka pa pumunta dito sa teritoryo namin?!?" Ano raw?
"A-ano? Hindi ko po alam yung sinasabi niyo."
"Ano'ng hindi mo alam?! Ipaliwanag mo nga kung bakit kita nakita sa Dark Forest?! Kung hindi kita nakita dun agad, baka namatay ka na don?!?"
"Bakit? ano ba ang meron sa forest niyo?"
"Aba, nag tanong ka pa! Ang meron doon sa forest namin ay may mga Dangerous Species, Hindi pa nalalaman kung ano'ng klaseng species ang nandon. Basta ang alam ko lang ay marami na ang namamatay dun, kaya forbidden kaming pumunta dun kahit Dark Users kami!"
"Sorry, hindi ko talaga matatandaan kung ano ang nangyari sa'kin, at kung bakit ako napunta don." Kahit pinipilit ko na matandaan yun, hindi talaga tumatalab.
"Ano'ng hindi mo matatandaan? Ibig sabihin, hindi mo alam kung bakit ka napunta don?" Tanong ni Damion sa'kin.
"Ang natatandaan ko yung sinundan ko yung itim na Butterfly, pero nawala sa paningin ko eh, ayun hinanap ko at nahimatay ako." Paliwanag ko naman sa kanilang dalawa. Tumango naman si Damion habang si Greyson naman ay tinignan ako ng masama.
"Tch, sinundan ang isang Butterfly? Are you kidding me?" Sabi ni Greyson na may sarcastic ang kanyang pananalita.
"Hindi ko nga alam bakit ko sinundan yun. Parang na hipnotismo ako ng paro-paro na yun." Napaisip naman sila sa sinabi ko.
"Hindi kaya, Si Amara yung may gawa nun?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro