Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

Chapter Thirteen

Nangyari

"Nurse Elise!" malapad ang ngiting sinalubong sa kaniya ni Angie--isa sa mga batang pasyente ng ward.

Ngumiti si Elise at nilapitan ito. Bahagya niyang inayos ang medyo nagulo nitong buhok. She also checked her IV.

Hindi pa siya nag-iisang buwan rito sa Dela Cuesta Medical, and she's definitely loving her job here. Maayos ang pamamalakad at nakasundo pa niya agad ang mga kasamahang Nurses din at ilang Doktor at staff.

It's been years. Bumalik noon si Elise sa kinalakhang probinsya para maipagpatuloy ang nahinto niyang kurso. Ginamit niya ang perang naipon mula sa pagtatrabaho sa mga Prieto. Nang makapagtapos at maipasa ang board ay sa tulong narin nina Mara at Mike ay agad siyang nakapagtrabaho sa ospital na pinapasukan din ng kaibigan.

Nilibot ni Elise ang tingin sa iba pang mga batang pasyenteng naroon. Nakakaramdam parin siya ng kirot sa kaniyang puso tuwing naiisip ang kaniyang anak... Siguro kung nabuhay lang ito ay malaki na rin ito ngayon at pinapasaya siya...

Wala na siyang narinig kay Stefan. Ang huling alam niya tungkol sa lalaki ay nangibang bansa ito kasama ang asawa nito... Buntis din noon si Catherine... Siguradong malaki na ang anak nila ni Stefan ngayon...

Hindi maiwasan ni Elise makaramdam ng pait. Ang unfair lang kasi para sa kaniya. Oo may kasalanan din siya pero bakit ganoon... Bakit parang siya lang ang nagdusa sa consequences ng nagawa nila ni Stefan…

Sigurado siyang masaya at kuntento na ito ngayon sa pamilyang nabuo. Samantalang siya… Pinipilit parin ang magpatuloy sa buhay hanggang ngayon...

Kung hindi lang niya naisip si Mara na alam niyang mag-aalala sa kaniya ay baka... She shook her head. Nagpapasalamat siya sa kaibigan at sa ngayon ay asawa na nitong si Mike na hindi siya pinabayaan. Sinuportahan siya ng dalawa. At hanggang ngayon ay pamilya ang turing sa kaniya ng mag-asawa.

Hindi alam ni Elise kung paano o saan siya magsisimula noon. Pagkatapos ng mga nangyari... She lost her once she called home--Stefan. And she lost her child...

Pakiramdam noon ni Elise ay isa siyang babasaging bagay na bumagsak at nagkapirapiraso, at hindi na muling mabubuo pa... She felt like she lost her everything.

At naroon lang ang matalik niyang kaibigang si Mara para sa kaniya. Ginabayan siya nito sa mga hakbang na gagawin niya para sa kaniyang sarili--para makabangon.

She once questioned God for everything that had happened to her. But then she realized, mahal parin siya ng Diyos. Pagkatapos ng mga mali at kasalanang nagawa niya, may mga tao parin Itong ginawang instrumento para matulungan siyang muling makatayo at binigyan siya ng mga rason para patuloy pang mabuhay.

Hindi masasabi ni Elise na muli na siyang nabuo. Dahil hanggang ngayon ay parang may kulang parin. Parang may kulang na sa kaniya. Isang parteng hindi niya alam kung mapupunan pa bang muli.

Kung sana ay hindi nalang kinuha sa kaniya ang kaniyang anak... Tatanggapin naman niya noon pa na hindi na siya mahal ni Stefan. She will let him go... Kahit gaano kasakit... Wala rin naman siyang magagawa... She will work hard for herself and especially for her child... Ngunit hindi na siya nabigyan ng pagkakataong maging ina.

Pero sabi nga nila, everything happens for a reason... Alam ni Elise at naniniwala siya na gaano man kasakit ang mga nangyari sa kaniya sa nakaraan ay may dahilan lahat ng iyon.

Kung noon niya iisipin ay hindi pa niya matatanggap. But maybe time really heals...

"Ninang!" bulol pang salubong na tawag sa kaniya ng tatlong taong gulang na inaanak.

Agad binuhat ni Elise ang batang lalaki na panganay nina Mara at Mike. Kinasal ang dalawa noong tuluyang mapawalang bisa ang kasal ni Mike sa dati nitong asawa. Masaya siya para sa kaibigan lalo na at nakikita niyang masaya din ito at kontento ngayon sa buhay may asawa at pamilya.

"Nasaan si Mama mo?" may panggigigil niya itong hinalikan sa chubby at mamulamula nitong pisngi.

Tumawa naman si Miko sa pagkakakiliti sa ginawa niya. Napangiti si Elise nang ilang sandaling mapagmasdan ang bata. Nakaramdam na naman siya ng pangungulila...

"Tita Elise." bati sa kaniya ni Clarisse na anak ni Mike sa ex-wife nito. Ang panganay nitong anak na lalaki ay nasa ina naman ng bata.

Suhestyon pa ni Mara na kunin nila ni Mike si Clarisse kahit ayos naman sa Nanay ng mga bata na nasa kaniya ang mga anak nila ni Mike at nagsusustento naman ito. Nga lang ay gaya ni Mike nag-asawa ring muli ang ina ng mga bata at dahil babae si Clarisse ay minabuti nilang kunin. Maayos naman daw ang panganay ni Mike sa stepfather nito. At wala na rin namang problema sa ina ng mga bata.

"Hi, Clarisse." nilapitan niya at hinalikan din sa pisngi nito ang bata habang karga si Miko sa kaniyang mga braso.

"Oh," lumabas si Mara mula sa kusina. Hawak nito ang malaki nang tiyan. Buntis muli ito sa pangalawa nilang anak ni Mike. "napadalaw ka. Duty mo dapat ngayon sa ospital, ah?"

Agad pinanlakihan ng mga mata ni Elise ang kaibigan. Nangunot lang naman ang noo nito.

Nilapag niya si Miko at agad naman nakipaglaro si Clarisse sa nakababata nitong kapatid.

"Hindi ako pumasok." lapit ni Elise sa kaibigan. "Nakita ko kahapon sa ospital si Kier!" pasita niyang sinabi.

"Oh." 'yon lang ang reaksyon ni Mara.

Muli niya itong pinanlakihan ng mga mata. "Ang sinabi mo ay nasa abroad na siya!"

Iyon ang dahilan kaya pumayag na siya sa suhestyon ni Mara na sa Dela Cuesta Medical na siya magtrabaho dahil ang akala niya ay wala na doon si Doctor Alvin Kier Castillo!

"Oo nasa abroad nga siya nung tinanong mo ako. Nagbakasyon siya doon--dinalaw yata ang grandparents niya na sa Amerika na naninirahan. Bakit, nakabalik na si Doc.? Nagtagal din siya sa bakasyon niya, ah. Umabot din yata ng higit isang buwan... Nagkita kayo?"

Hindi. Siya lang ang nakakita sa doktor at agad siyang nagtago at umiwas.

Problemadong nasapo nalang ni Elise ang noo. "Mara! Bakit naman hindi mo sinabi sa akin na nagbabakasyon lang pala siya doon-" ang akala niya kasi ay doon na ito magtatrabaho at maninirahan...

"Ha?" parang lito pa sa kaniya si Mara. "Hindi mo naman tinanong kung ano ang ginagawa niya doon?"

Nagpakawala nalang si Elise ng isang buntonghininga. Nakapagsimula na siya at hindi naman niya basta bastang maiiwan ang trabaho o lumipat sa ibang ospital. Ni hindi pa nga siya nag-iisang buwan sa trabaho niya.

Nanliit ang mga mata ni Mara na nakatingin sa kaniya. "Bakit ba, Elise? Bakit mo ba iniiwasan si Doctor Castillo? Noon pa ‘yang bago ka umalis pauwing probinsya..."

Naipilig ni Elise ang ulo.

Mahigpit niyang naging bilin noon kay Mara na huwag na huwag ipapaalam o sabihin kay Kier ang pag-uwi niya ng probinsya nila. Na huwag magbigay ng kahit na anong impormasyon sa lalaki tungkol sa kaniya.

"Teka nga..." parang may naalala at napagtanto si Mara. "Noong inumaga kayo? Tama!" nanlalaki na ngayon ang mga mata nito. "Tinatanong kita noon, e, pero ang damot mo at ayaw mag-share sa nangyari..." parang biglang nahaluan ng pagkamalisyosa ang tingin ng kaibigan para kay Elise.

Ngumiwi naman siya sa tingin nito sa kaniya.

Nagpatuloy si Mara. "Sabihin mo nga sa akin, Elise. Bakit umaga na nang maihatid ka ni Doc. sa akin noong araw na 'yon? Hindi ka umuwi no’ng gabi at hindi mo rin nirereply-an ang mga texts ko--saktong wala pa naman akong load pantawag no'n--kaya tinext ko nalang din si Doc para magpatulong na hanapin ka. Jusko! Alalang alala na kami no'n sa 'yo, dahil gabi na ay hindi ka pa nakakauwi!" pag-alala nito.

"May nangyari-" natutop nito ang labi at alam na agad ni Elise kung ano ang iniisip ng kaibigan. "M-May nangyari ba sa inyo noong gabing 'yon- nag-sex ba kayo?!-"

"Mara!" agad niyang saway sa kaibigan. "May mga bata! 'Yang bibig mo,"

Pareho nila nilingon sina Clarisse at Miko na abala lang naman sa paglalaro.

Hinila siya ni Mara papasok ng kusina. At doon nila pinagpatuloy ang pag-uusap.

"Hindi, Mara!" agad niyang sagot sa sinabi kanina ng kaibigan nang makalayo na sila sa mga bata.

Muli na naman niyang naalala ang mga nangyari sa kanila ni Kier nang gabing 'yon ilang taon na rin ang nakalipas...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro