Chapter Fifteen
Chapter Fifteen
Drunk
"Elise..." namutawi sa mga labi ni Stefan.
Ilang sandali silang nakatingin lang sa isa't isa bago may tipid na ngiti ang ginuhit ni Elise sa kaniyang mga labi.
"Stefan, Catherine…" she formally greeted the two.
Tipid naring ngumiti sa kaniya si Catherine. While Stefan stayed a bit stunned.
"Anak n'yo..." puna ni Elise na nakatingin na ngayon sa batang lalaki. Makikitang kamukha ito ni Stefan...
"Oo..." sagot sa kaniya ni Catherine. "May appointment kami ngayon sa doctor niya... uh,"
Bumaling ito kay Kier na nanatili sa kaniyang tabi.
Tumango naman si Kier at giniya na ang mga ito—mukhang ito pa ang doktor ng anak nina Stefan at Catherine.
"Elise," tawag sa kaniya ni Kier.
Maagap naman siyang bumaling sa lalaki at tumango. "Sige, babalik narin ako sa Ward." paalam din niya.
Tumango si Kier sa kaniya, and then she excused herself from everyone.
Walang lingong tuloy tuloy lang ang lakad ni Elise matapos talikuran ang mga ito.
Ngunit nang hustong makalayo ay nasapo nalang niya ang dibdib at tumigil malapit sa may fire exit.
Ang unfair parin sa pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay siya lang ang nawalan. Pakiramdam niya siya nalang ang nasasaktan hanggang ngayon dahil mukhang masaya naman na si Stefan sa nabuo nitong pamilya.
Not that she doesn't want Stefan to be happy. Minahal niya ito and his happiness was also her happiness before...
She doesn't want to be bitter ngunit hindi naman niya mapipilit ang sarili na maging masaya nalang para dito gayong kapalit ng kasiyahan nito ngayon ay ang pagkakadurog at pagkakamatay ng puso niya noon.
Pakiramdam niya ay siya lang ang nawalan ng anak...
Ni hindi na siya binalikan ni Stefan noon sa ospital. Para kay Elise ay hindi sapat na lumuhod ito sa kaniya noon at paulit ulit na humingi ng tawad para sa pagkakawala ng anak nila. Was he hurting, too, the way she was hurting, noong malaman nilang nawalan sila ng anak?
O hindi dahil may anak narin naman na ito noon na pinagbubuntis palang ni Catherine. Ngayon lang nga ay nakikita na niya ang batang malaki na...
She cried. She cried not for her broken self but for her lost angel... Sobrang sakit para sa kaniya sa tuwing iisipin niyang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon ang anak niyang makita ang mundo. At lumaki kagaya ng anak nina Stefan at Catherine.
Pinunasan niya ang basang pisngi at nagbuntong-hininga bago nagpatuloy sa mga gawain niya sa ospital nang araw na iyon.
This doesn't stop here. Kung nagagawa nila ni Stefan na maging masaya ay alam niyang magagawa niya rin iyon. Maybe not now but surely in time. She hasn’t lose hope.
Kailan ba naging madali ang pagmomove on? Lalo na kung malalim ang dinulot at iniwang sugat ng nakaraan...
Unti-unti na niyang binabangon ang sarili ngayon. She's doing this mainly for her angel. Ilang beses niya kasi itong napapanaginipan noong mga panahong iniisip na niyang sukuan ang kaniyang buhay…
A soft and beautiful young girl would show up in her dreams—she would caress her face... As if wiping her tears and her heartaches away... She would smile at her lovingly and would encourage her to stand up. To continue living and to find peace and happiness dahil ito ang gusto nito para sa kaniya...
And she would always end up crying after waking up from those dreams. Sinisi niya rin ang sarili sa pagkawala ng anak. Kung sana ay naisip niya ang posibilidad. Kung sana ay pinag-ingantan niya ang kaniyang sarili... Pero dahil sa mga panaginip niyang 'yon ay unti-unti niyang napatawad ang sarili at tinanggap ang nangyari... Dahil alam niyang malulungkot ang kaniyang anghel kapag pinagpatuloy niya pagiging miserable.
***
"Sorry, baby..." si Mara na kausap si Clarisse.
Sinugod ito sa ospital at kabuwanan rin nito ngayon. Nakahiga na si Mara sa hospital bed.
"Okay lang po, Mama." si Clarisse.
Iyon na ang tawag nito kay Mara at Mommy naman sa biological mother nito.
Ngumiti ang kaibigan niya sa tinuturing narin nitong anak. Bumaling sa kaniya si Mara makaraan.
"Si Tita Elise muna ang sasama sa 'yo sa family day," balik na kausap ni Mara kay Clarisse.
Masaya namang bumaling sa kaniya si Clarisse. Nginitian din ni Elise ang bata.
Bukas kasi ang family day sa school nina Clarisse at narito nga sa ospital si Mara at bukod sa trabaho ay sasamahan at babantayan ito ni Mike. Si Miko naman ay naiwan muna sa bahay at may yaya rin naman.
Kaya pinakiusapan siya ng kaibigan. Wala namang kaso 'yon kay Elise. Wala din naman siyang duty sa ospital kinabukasan.
"Okay lang po na si Tita Elise muna!" masaya parin namang sang-ayon ni Clarisse.
Napapangiti si Elise.
Sa ibang lugar nakatira ang ina ng bata at hindi rin naman nito mapupuntahan basta basta ang anak dahil may bago narin itong pamilyang inaasikaso.
"Yes, anak. At ang Tito Doc mo rin!" masayang ani Mara kay Clarisse.
Unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi ni Elise. Tama ba siya ng iniisip sa tinutukoy nito?
Mara was grinning from ear to ear when she looked at her.
Pinanlakihan ng mga mata ni Elise ang kaibigan.
"Si Tito Doc Kier?" parang mas lalong natuwa si Clarisse.
"Yes, baby!" si Mara na mukhang tuwang tuwa.
Wala nang nagawa si Elise. Kinabukasan nga ay maagang maaga palang nang sinusundo na siya ni Kier sa maliit na apartment na tinutuluyan niya.
Simula noong tumapak siyang muli sa Manila ay dito na siya tumira. Maayos naman ang kaniyang tirahan at malinis kahit maliit lang. Safe din naman sa lugar at mabait ang kanilang matandang dalagang landlady na si Aling Sonia.
"Ikaw ang nobyo ni Elissa? Naku! Sinasabi ko na nga ba. Sa ganda ng batang iyan ay imposibleng walang nobyo—iyon kasi ang sabi niya. Pero siyempre ay hindi ako naniniwala!"
Iyon ang naabutan ni Elise nang makababa siya sa kaniyang tinutuluyan. Kier's car was parked just outside their gates at nasa labas ito ng sasakyan kausap ang kaniyang landlady.
Naabutan niyang iniilingan ni Kier si Aling Sonia ngunit nagpatuloy lang ito sa panunukso.
"Ang guwapo guwapo mo, hijo! Bagay kayo!" humalakhak pa ito.
"Aling Sonia," she promptly interrupted. Nakakahiya na kay Kier ang mga sinasabi nito. "Good morning, po."
"Ay!" agad bumaling sa kaniya ang landlady. "Magandang umaga din sa 'yo, Elissa! Aba, lalo ka yatang gumaganda ngayon. Iba na talaga 'pag may nobyo na nagpapasaya—"
"Aling Sonia," umiling siya dito. Sinulyapan niya si Kier—nakasuot ito ng T-shirt na pareho din ng suot niya.
Ito dapat ang susuotin nina Mara at Mike para sa araw na ito. Binigay nalang sa kanila dahil sila naman daw ang sasama kay Clarisse.
Nakakahiya na talaga ang mga sinasabi ng kanilang landlady. "hindi ko po siya b-boyfriend." nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi sa hiyang nadarama at awkwardness. "Kaibigan ko lang po si Kier."
"Totoo po ang sinabi ni Elise, Ma'am." paglilinaw narin ni Kier. Nakita rin nito marahil ang pagiging uncomfortable niya sa panunukso.
Ngunit umiling lang ang landlady bago bumalik sa pagwawalis sa labas. "Haynako! Hindi ako naniniwala sa inyo!"
Naiiling nalang si Elise at inaya na siya ni Kier sa sasakyan nito. "Alis na po kami, Aling Sonia." paalam niya.
Tumango ito at nginisihan sila. "Sige, mag-iingat kayo at mag-enjoy!" bilin pa nito.
Nang makapasok sa halatang mamahalin na kotse ni Kier ay agad na nitong ini-start ang makina at umalis na sila sa lugar.
Sinundo din muna nila si Clarisse at maiiwan lang si Miko at yaya nito sa bahay. Umiyak ang bata at gustong sumama sa kanila. Nahabag naman si Elise. Kaya sa huli nagpasya siyang dalhin narin si Miko at isama nalang sa kanila.
"Excited ka ba sa mga activity n'yo mamaya sa school, Clarisse?" baling ni Elise kay Clarisse na naka seatbelt nakaupo sa likod katabi si Miko na nsa car seat naman.
Gamit ang rearview mirror ay nakangiti rin sinulyapan ni Kier ang mga bata sa backseat.
"Opo! Thank you, Tita Elise, at Tito Doc." pasasalamat ng bata marahil sa pagsama nila dito ngayon.
"You're welcome." halos magkasabay pa nila na sabi ni Kier.
Saglit silang nagkatinginan at nangiti nalang sa isa't isa.
Nag-focus na sa pagmamaneho si Kier para mabilis na rin silang makarating sa school ni Clarisse.
Nang makarating sila sa school ni Clarisse ay agad silang sinalubong ng teacher nito.
"Nasa hospital po ngayon si Mara," pinaalam niya na rin sa guro.
Tumango lang ito agad at mukhang alam narin nito. Natawagan na siguro nina Mara. "Dito kayo at magsisimula na ang program." giya nito sa kanila.
Para sa talent ay sinayaw nilang tatlo sa stage ang pinraktis na sayaw nila ni Clarisse. Hindi nakasama sa kanila si Kier noon dahil abala pa ito sa trabaho sa ospital. Kaya ganoon nalang ang pagkakamangha ni Elise na nakasabay parin sa kanila ni Clarisse si Kier. She must say he's not bad at dancing, too.
Napangiti nalang siya sa lalaki nang matapos sila sa pagpperform sa harap.
"Ang galing mo palang sumayaw, Doc." she teased him a bit. Totoong may talento sa pagsasayaw ang lalaki.
Ngumiti lang sa kaniya si Kier at kumindat pa.
Binalikan na ni Elise si Miko at kinuha mula sa teacher ni Clarisse na siyang pansamantalang nagbantay sa bata. Nahihiya nga si Elise pero kusa naman itong nag-offer kanina na siya na muna ang bahala sa bata nang tawagin sila sa stage.
"Salamat, Ma'am." aniya sa mabait na guro na ngumiti lang naman.
Dapat kasi ay isasama narin nila ang bantay ni Miko pero kasalukuyang may niluluto ito kanina na hindi puwedeng iwan at kailangan na nilang umalis dahil malilate si Clarisse.
Sa mga palaro ay madalas sina Kier at Clarisse lang ang sumasali dahil palagi niyang karga si Miko.
Pero may mga laro din na kailangan both parents at willing naman ang teacher ni Clarisse na siya muna ang tumingin sa bata.
"Thank you, Ma'am. Pasensya na,"
"Ayos lang. Sige na."
Pinuntahan na ni Elise sila Clarisse at Kier at sumali na silang tatlo sa palaro.
Sack race iyon at papasok silang tatlo sa isang malaking sako. Napapatawa nalang si Elise habang ganoon din sina Kier at Clarisse lalo nang ma-out balance sila at matumba sa madamong field.
Mabilis namang nasalo ng katawan ni Kier ang bata at sa braso nito tumama ang ulo niya. They were laughing. Hinding na maalala ni Elise kung kailan pa siya huling tumawa nang ganito...
Nagkatinginan sila ni Kier habang parehong nakahiga pa rin doon. Unti-unting humupa ang kanilang tawa. Kier smiled at her. Gumuhit rin ang ngiti sa mga labi ni Elise...
Nilagyan ni Elise ng panibagong bimpo ang likod ni Clarisse. Pagkatapos ay muli niyang sinuklay at tinali ang medyo nagulo nitong buhok.
Nag-angat siya ng tingin kay Kier na nakatingin lang pala sa ginagawa niya—sa kaniya.
Nilapitan niya ito matapos siya kay Clarisse. Na kay Kier din muna si Miko.
Agad siyang kumuha ng isa pang towel bago tuluyang lumapit sa kinauupuan ni Kier. Sinimulan niyang punasan ang pawis sa noo nito, that made Kier stiff for awhile.
"Punasan mo rin ang pawis sa leeg mo. Akin na," kinuha niya si Miko matapos ibigay sa lalaki ang bimpo.
Sa huli ay sila ang nanalo para sa pinakitang talent kanina. Tuwang tuwa si Clarisse sa napanalunan nilang prize.
Natapos ang medyo mahaba at masayang araw na 'yon. Naghanda na sila pauwi. Mukhang nag-enjoy din si Miko sa panonood sa kasiyahan.
Napaiwas ng tingin si Elise nang parang wala lang na hinubad ni Kier ang medyo basa nitong shirt sa harap niya.
Nasa harap na sila ng kotse nito at pumasok narin sa loob si Clarisse at mukhang inabala na nito ang sarili sa mga napanalunan nila.
"Sorry," agad hingi ng paumanhin ni Kier nang mapuna ang pag-iiwas niya ng tingin dahil sa biglaang paghuhubad nito ng pang-ittaas sa harap niya.
He promptly wore his fresh white shirt, at nakadamit na ito nang muling balingan ni Elise.
Kanina pa siya nakapagpalit din sa ladies' room ng school ni Clarisse. Ngayon palang si Kier dahil pinauna na siya nito at ito muna ang tumingin sa mga bata.
Pumasok na sila sa loob ng sasakyan pagkatapos at pinaandar na ni Kier ang makina. Sumulyap ito sa kaniya bago pinausad ang kotse nito.
Elise was trying to feed Miko with his milk bottle. Napatingin din siya kay Kier at naabutan ang magandang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya.
"Hmm?" medyo pinangunutan ng noo si Elise. "Bakit?" she asked Kier.
Isang beses itong umiling at hindi nawala ang ngiti sa mga labi. "You will be a good mother, Elise. I'm sure of that." sabi nito sa kaniya bago nito tuluyang pinasibad ang sasakyan.
Hinayaan na rin muna ni Elise ang dalawang bata sa backseat at umayos na sa paagkakaupo rin niya sa shotgun seat ng kotse ni Kier. Binalingan niya si Kier at ilang sandaling nagtagal ang tingin niya sa lalaking nasa daan naman na ang mga mata.
Nasa kalagitnaan sila ng biyahe pauwi nang biglang may isang humaharurot na sasakyan ang positibo si Elise na tatama sa sinasakyan nila!
"Kier!" naisigaw niya sa takot. Agad din siyang nag-alala sa mga batang kasama nila.
Mabuti nalang at mabilis din naman naiiwas ni Kier ang kotseng sinasakyan nila kung hindi ay bumangga na nga sila sa isa pang sasakyan na mukhang may lasing na driver!
"A-Anong nangyari," may takot parin si Elise nang tuluyang maitabi ni Kier ang kotse nito.
Napamura si Kier at halos mahampas pa ang manibela. Mabilis itong lumabas ng sasakyan para lapitan ang kotseng siyang bubunggo na sana kanina sa kanila. Natigil din ito sa kabilang tabi ng kalsada.
"Okay ka lang, Clarisse?" Elise promptly checked the kids at the backseat.
Tumango naman ito at medyo nagulat din sa nangyari.
Mula sa loob ng sasakyan ay nakita niyang mukhang nakikipagtalo na si Kier sa driver nong kotse.
Agad siyang nag-alala kaya lumabas na rin siya sa sasakyan para sundan si Kier. Pero bago iyon ay binilinan niya muna si Clarisse. "Clarisse, huwag kang lalabas, ha. Dito ka lang." bilin niya.
Tumango naman ang bata.
Umiyak si Miko so she had to carry the child out with her.
Lumapit si Elise sa dalawang lalaki at umawang nalang ang labi niya nang makita kung sino iyong driver ng kotse na muntikan nang bumangga sa sasakyan nila.
"Stefan?"
Bumaling ito at nag-angat ng tingin sa kaniya. He looked drunk!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro