Chapter Eight
Chapter Eight
Hurt
“Man, I have to go." paalam ni Migs kay Stefan.
Ngunit nanatili lang itong walang imik at tulala.
Umuwi si Catherine sa bahay ng mga magulang nito at ayaw siyang harapin.
"Do you think I'm already falling for my wife?" biglang tanong sa kanya ni Miguel. Hindi ito umalis dahil hindi maiwang mag-isa ang kaibigan.
"Does she makes you happy?" balik namang tanong ni Stefan kay Miguel.
Not that Elise did not made him happy. Siguro…iba lang talaga ang sayang nadarama niya kapag…sa asawa niya. Iba ang pinaparamdam sa kaniya ni Catherine. Something that he may not have felt before…
"Yeah... Hell yeah... She and our twins, sila ang nagpapasaya sa akin ngayon…sobra. I never thought being married would be this good." mahabang sagot ni Miguel.
"Can you imagine a life without her?" sunod niyang tanong na hindi lang para sa kaibigan kung 'di ay para rin sa sarili niya. "'Cause I..." umiling siya. "I can't imagine a life without her anymore..." inubos niya ang laman ng hawak na shot glass.
Hindi naman mahirap magustuhan… o mahalin si Catherine. She's kind and humble. She's beautiful inside out. Kahit paulit-ulit niyang balewalain ang asawa ay nananatili pa rin ito at iniintindi siya. Ni minsan ay wala siyang narinig ni isang sumbat mula rito. He would always ignore her efforts to take care of him and make him happy, ngunit nagpapatuloy pa rin ito na para bang wala itong balak na sukuan siya.
And maybe he completely fell for her because of it... He fell for her kindness and understanding. He fell for her sacrifices. He fell in love with his wife.
He’s in love with his wife now.
"Tama na 'yan. Tatawagan ko si Catherine." nagsasalita si Migs na hindi na niya makuha dahil sa kalasingan.
His phone rang. Wala sa sarili niyang sinagot ang tawag.
"S-Stefan? Nasa'n ka? Uuwi ka ba ngayon... sa 'kin..."
"Elise..." he still recognized the caller. "I'm sorry... I'm so sorry..." Totoong humihingi siya ng tawad kay Elise. He loved her truly but… He messed up. He knew he’s going to hurt her. He’s hurting her already. Alam naman niyang gago siya.
"L-Lasing ka ba? Nasa'n ka?" dinig niya ang pag-aalala sa malambot nitong boses.
"I'm sorry... I'm sorry..." ngunit ito lang ang paulit ulit na lumabas na mga salita sa mga labi niya. He’s also hurting because he knew he was hurting her.
Elise ended the call.
"Stefan..."
Kahit lasing ay kilala niya ang boses ng asawa. Her pretty face was the last thing Stefan saw before he passed out.
Nagmamadali namang pumasok si Elise sa lugar. Pagkatapos niyang babaan ng tawag kanina si Stefan ay agad niyang kinontak si Josef. Sinabi din naman nito sa kaniya kung nasaan ang boss nito.
Ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay nahinto na siya sa kaniyang hakbang. Doon naabutan niya si Catherine na yakap si Stefan. Naroon din ang kaibigan ni Stefan na nakilala niyang si Miguel at pinagtulungan na ng dalawang mailabas si Stefan sa bar.
Natulala pa roon si Elise kahit nakaalis na ang mga ito. Nang makabawi ay tipid ang mga hakbang niya palabas na rin ng lugar. Wala na halos siyang maramdaman. Pakiramdam niya ay namamanhid siya sa mga nangyayari…
***
"Nasaan ang babaeng 'yan?"
"Mommy, tama na po-"
Agad napatayo si Elise at sinalubong ang pagdating ni Catherine nang araw na 'yon sa company building ng mga Prieto kasama ang dalawang ginang.
Nanggagalaiti si Vivienne Prieto na agad siyang dinuro nang makita. Samantalang kalmado naman si Suzanne Villegas na ina naman ni Catherine na pinipigilan din ng anak. Sa kabila kasi ng pagiging kalmado nito ay nakakatakot ang galit nitong nakadirekta rin kay Elise.
"Ikaw ang kabit ng asawa ng anak ko." walang paligoy ligoy na sinabi ni Suzanne Villegas.
Nagsinghapan ang ilang empleyadong naroon. Malakas na ang kabog sa dibdib ni Elise. "M-Ma'am-"
Malakas at masakit na lumagapak ang palad ng ina ni Catherine sa mukha ni Elise. Nanginginig ang kamay na nasapo ni Elise ang kaniyang pisngi. Agad nangilid ang luha sa mga mata niya.
"Mommy!" napasigaw si Catherine at maagap na pinigilan pa ang ina.
"Wala kang utang na loob!" sumunod na sinugod ni Vivienne Prieto si Elise. "Matapos kang kupkopin at pag-aralin ng Mama!" hila hila na nito ang kaniyang buhok.
Masakit iyon. Pakiramdam ni Elise ay maaalis sa kaniyang anit ang kaniyang buhok. "T-Tama na po-" pagmamakaawa niya kasabay ng hikbi. Umiiyak na siya sa sakit at pagkapahiya.
"M-Mommy, tama na po!" ang mother-in-law naman nito ngayon ang inaawat ni Catherine.
"Malandi ka! Isa kang pokpok!" patuloy ng ina ni Stefan. "At ang kapal ng mukha mong manatili pa rito-"
"Mom!"
Doon lang yata nakawala si Elise sa ginang nang dumating si Stefan. Ngunit ayaw paawat ni Vivienne Prieto at pilit parin siyang inaabot. Niyakap siya ni Stefan at ito ang sumalo sa lahat ng pananakit ng ina.
Naging mabilis ang pangyayari. Kinuha siya ni Josef at agad dinala papasok sa naghihintay na elevator. Habang pinipigilan ni Stefan ang ina na gusto pang manakit kay Elise.
Magulong magulo ang buhok ni Elise nang maipasok na siya ni Josef sa sasakyan paalis ng building. May mga sugat din siya galing sa kalmot ng ina ni Stefan. Doon ay humagulhol siya habang nasa biyahe. Awang awa siya sa kaniyang sarili at sa sinapit. Nagmahal lang naman siya...
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad tinawagan ang kaniyang kaibigan. Sumagot ito pagkatapos ng ilang ring.
"Elise!" mukhang galing pa sa pagtawa si Mara.
"M-Mara..." lalo siyang napahagulhol.
"Elise?! A-Ano'ng nangyari-"
"Mara...w-wala akong mapupuntahan, please-"
"Nasaan ka?! Pupuntahan kita!"
Bumaling siya kay Josef na siyang nagmamaneho ng sasakyan. "P-Pakitabi ng sasakyan, Josef-"
"Elise-"
"Please!" umiiyak niyang pakiusap.
Maagap naman na tinabi ni Josef ang kotse. Sinabi ni Elise kay Mara kung nasaan siya.
"Papunta na kami ni Mike d’yan!" si Mara mula sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.
Hindi siya iniwan ni Josef hanggang sa makarating sina Mara at masiguro nitong nasundo siya ng dalawa.
"Sinasabi ko na nga ba!" si Mara na pabalik balik ang lakad sa kaniyang harapan. "At ano ngayon si Stefan? Ano? Doon na siya sa asawa niya? Doon na siya!"
Tahimik lang si Mike at pilit kinakalma ang kaibigan niya. Nag-aalala narin siya dahil sa kalagayan nito ngayon na nagdadalang-tao. Mukhang bibigyan pa niya ng stress ang kaibigan niyang buntis. Nagdala pa siya ng problema sa mga ito.
"Mara-" subok niyang pigil dito.
Ngunit nagpatuloy lang ito. "Pinaasa ka nyang si Stefan! Dapat noong alam naman niyang ikakasal siya sa ibang babae ay pinakawalan ka na niya! Hindi 'yong nangako-ngako pa siya! Tingnan mo ngayon at ikaw ang labis na nasasaktan. Ikaw ang masama gayong hindi ka naman kung sinong babaeng nang-agaw ng asawa. Sa 'yo na siya bago pa man siya pinakasal sa babaeng 'yon! Ikaw nga ang inagawan dito!"
"T-Tama na, Mara..." humihikbi na naman siya.
Marahas na nagpakawala ng hininga si Mara at mabilis siyang tinabihan sa sofa. Niyakap siya ng kaibigan at naiyak na rin ito para sa kaniya. Awang awa rin si Mara sa sinapit ng kaibigan. Sa kanilang dalawa ay mas masasabi niyang isang mabuting tao si Elise. Nagkamali lang din naman ito at nagkasala…dahil kay Stefan. Dahil sa pagpapaasa nito sa kaibigan niya. Dahil sa mga pinangako nito kay Elise.
"Huwag talagang magpapakita sa 'kin 'yang si Stefan dahil kahit malaki na 'tong tiyan ko ay masasapak ko parin talaga ang lalaking 'yon! At 'yong Nanay at biyenan niya! Ano'ng karapatan nilang pagtulungan ka..." iyak ni Mara.
Tulala si Elise habang binabalikan ang mga nangyari sa mga nakaraang linggo. Naramdaman na niyang may nag-iba kay Stefan. Iba na ang mga yakap at halik nito sa kaniya... Kulang nalang ng mga salita—kulang nalang na sabihin nitong hindi na siya nito mahal...
Iyon ang pinaramdam ni Stefan kay Elise. At pinili ni Elise ang maging manhid. Hindi niya matanggap... Pinangakuan siya ni Stefan—na sa huli ay sila parin. Pumayag siyang itago. Secretary lang ni Stefan ang pagkakakilala sa kaniya ng mga tao. Pumayag siyang maging kabit!
At habang iniisip niya ay unti-unti rin siyang nagagalit sa sarili. Pumayag siya kaya siya rin ang may kagagawan kung nasaan siya ngayon—siya ang naglagay sa sarili niya sa sitwasyong ito. Yes, Stefan made her stay. Ngunit may sarili siyang isip. Alam niya ang tama sa mali. And it's wrong to be his mistress... Kung hindi siya kayang pakawalan noon ni Stefan, puwede namang siya ang kumawala. Puwede namang siya ang magdesisyong pakawalan si Stefan... Pero paano? Mahal niya si Stefan… At hindi bastang ganoon nalang kadali na tumalikod sa taong minamahal mo. Lalo kung may mga pangako siya sa ‘yo. Kung pinakita niya sa ‘yong gusto ka pa niyang ipaglaban at ang relasyon at pagmamahalan ninyo.
Muli na namang bumuhos ang mga luha niya.
Kaya paano ba talaga dapat.
Paano kung mahal na mahal niya si Stefan… Ganoon naman, hindi ba? Kapag ang isang tao ay nagmahal, minsan, mas pinipili nitong huwag nang mag-isip ng kung ano ang tama sa mali. Dahil madalas, kahit mali, iyon ang nagpapasaya sa atin... Minsan, kung ano pa ang tama, 'yon ang nakakasakit sa atin...
Her cellphone rang. Nagpunas siya ng basang pisngi at inabot 'yon para masagot. Wala sa contacts niya ang numero. Sinagot niya ang tawag at dinikit ang telepono sa kaniyang tainga.
"Elise..." a soft voice of a woman was on the other line. "Si...Catherine 'to..."
Natigilan siya at hindi agad nakapagsalita. Narinig niya ang marahang pagpapakawala ng paghinga ng kausap sa tawag.
"Gusto...sana kitang makausap... Pwede ba tayong magkita?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro