Chapter 29
(Luis)
Ng malaman ni mama ang tungkol duon pinipilit na niya akong umuwi sa new york at duon nalang daw ulit ako mag aaral pero sabi ni tito na tapusin ko lang ang pagaaral ko at saka kami babalik.
Ang pangit daw kasi yung sa kalagit naan daw ng school year ay bigla nalang daw akong umalis.
Pumayag naman si mama pero sa isang kondisyon kailangan ko daw tumanggap ng nga project i mean sa project ay yung pagiging artista yung sa mga patalasta ganon kung ayaw niyang ipagtulakan niya akong pauwiin ganon din sabi sa akin ni tito, sayang daw kasi ang pagkakataon na sisikat ako dito.
Kaya heto ako ngayon sabadong sabado kaysa nasa bahay ako eh nasa isang building ako at nag pipictoral for the upcoming movie daw tas kailangan na picturan daw ako para makilala kung sino ba daw yung gaganap. Hay... bakit kasi kailangan ko pang gawin to.
"Luis eto pala si Jasy ang magiging kapartner mo for the movie" ah... siya yung sikat na artistang gumanap duon sa saan nga ulit yun... nakalimutan ko na pero ang alam kong sikat siya dahil nakita ko yung mukha niya sa mga magazine na binabasa ni mama. Pero hindi ko naman alam yung pangalan niya mukha lang niya.
"And for today pictorial" pagpapatuloy ng sinabi niya.
Ngumiti sa akin yung babae at saka inilahad sa akin ang kanyang kamay.
"Hi my name is jasy i'm excited to work with you mister luis" nakangiting sabi niya sa akin kaya kinamayan ko siya.
"The pleasure is all mine. You can just call me luis" sabi ko naman sa kanya.
Naalala ko tuloy si jasmine dahil sa pangalan niya jasy hindi ba parang shortcut yun ng jasmine.
------
"How's the work" salubong kaagad sa akin ni mama.
Hay... ngayon naman work dati school how's you're school tsk!
"Okay lang" sabi ko sa kanya wala akong energy para ikwento pa sa kanya lahat lahat nakakapagod kayo no pamula noong ipinalabas yung mukha ko sa tv kailangan ko na mag disguise.
Ah! Kainis ha!
"Masasanay ka din" nakangiting sabi niya sa akin. Tsk! Masasanay ka din ano bang klaseng ngiti yan plastik ay.
"So bukas na magstastart yung shooting for the movie?" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa, kailangan ko daw muna magpaalam sa school na aabsent ako for 2 weeks saka daw mag stastart" sabi ko sa kanya. Hay... maghahabol nanaman ako. Ang hirap kaya mag habol sa klase.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasa noon eh. Hahahahhaha
"Edi bukas pumunta kaagad sa school mo para mag paalam sa ganon makapag umpisa na kayo. Kamusta pala si jasy? Anong masasabi mo sa kanya" hay sabi ko nga ayaw ko mag kwento diba bakit sagot lang ako ng sagot sa tinatanong niya? Wala akong magagawa kukulitin lang niya ako kung nandito lang si tito edi maliligtas niya ako.
Sasabihin noon kay mama na pagpahinga muna niya ako at saka tanungin ng kung ano ano. Hays....
"Sa monday nalang. Eenjoy ko muna yung free time ko. Okay lang, madaling siya kasama"
"That's good ayusin mo ang trabaho mo chance mo na yan para sumikat dito, wag mo sasayangin ang pagkakataon. Pag sumikat ka at yang movie baka, baka lang madagdagan pa ng isang taon ang pagstastay natin dito" napatingin ako sa sinabi niya.
Se-seryoso ba siya eh?
"Kung aayusin mo ang trabaho mo. Kilalang kilala si jasy at sikat siya dito pero wala siya permanent na kapartner in showbiz kaya maaring ikaw na yun" yan lang naman ang alam niya eh ang magtagumpay yan ang alam ng utak niya.
Nakakainis lang, umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Ayoko nang makipag usap sa kanya.
Ano kayang gagawin ko bukas?
------
(Jasmine)
Sa wakas na tanggap ko na sweldo ko ngayon. Ang unang sweldo ko wah!!! Nakakatuwa.
Mababayaran ko na si violet tas makakabili na ako ng arts na gusto ko bukas. Sakto linggo bukas kaya wala kaming pasok.
Napansin ko na parang may nakatingin sa akin kaya hinanap ko kung sino at si ikuto pala. Anong problema niya tas biglang tingin sa iba. Wow lang ha.
Napatingin ako sa katabi niya at si ikito. Sasabihin ko na sa kanya mamaya.
"Guys may problema tayo ng kaunti at alam na ata ninyo na walang masyadong customer kaya gusto ko na tulungan ninyo ako. Mag isip kayo ng paraan kung papaano natin maibabalik ang dating mga customer natin" Kahit malungkot siya determinado parin siya at halatang na ayaw niyang matalo.
Lahat kami napatingin duon sa biglang nag taas ng kamay, si ikoto.
"Why don't we make special song that everyone will be surprise" ha? Meron ba noon? Eh parang wala naman mag babago kung gagawa ng bagong kanta ganon rin naman kakalabasan.
"We will have a special night for that special song. A concert pero hindi gaganapin dito kundi sa labas sa ganon maaring rumami ang customer natin" pwede rin. May chance nga na madagdagan ang customer ni boss sa ganong paraan pero ang tanong may manunuod ba eh hindi naman mga sikat ang mga banda na pumunta dito para tumugtog ang laging present ay banda lang ni ikito. Yung iba biglang lilitaw tas mawawala tas lilitaw ulit.
Sa bagay eh kamag anak ni boss sinda ikito kaya loyal sila kay boss, kahit na walang sweldo silang natatanggap. Mayaman naman kasi sinda ikito kaya hindi nila problema ang pera.
Si boss mayaman yan pero bakit ayaw niyang gamitin yung pera niya tas kumuha siya na sikat na artista para mag perform diba pero... mukhang ayaw niya?
"Maganda yang naisip mo pero sinong gagawa ng kanta?" Tanong ni boss kay ikoto kaya nagulat ako ng tumingin siya sa akin at ngumiti. Patay kang bata ka. Wag wag wag!
"Si jasmine po" wala na patay na ako wala na hindi na ako mabubuhay. Ano bang ginawa kong kasalanan sayo ang akala ko mabait ka pero ang sama mo pala.
Lahat sila napatingil sa akin.
"Maalam ka?" Tanong sa akin ni boss. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Oo maalam siya. Siya nga naggawa ng mga kanta ng banda ni kuya dati eh" napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ba-bakit alam niya? S-sinabi ni ikito? Tumingin ako kay ikito kung anong reaction niya pero wala.
"Siya nga ang vocalista ng banda ni kuya dati eh. Magaling yang kumanta" nakaramdam ako ng kaba. At nanghihina ngayon ang buong katawan ko. Ba-bakit ako pa. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.
"Sorry boss tumigil na po ako sa mga ganang bagay kaya hindi ko po magagawa" inunahan ko na siya. Hindi ko kaya talaga, ayoko nang maulit pa yung dati. Tama na yung pagkanta ko noong araw na nag perform ang banda ni crush.
Hmmm... si crush...
"Pero may kilala ako na makakatulong sa atin" sorry talaga crush, ikaw nalang pagasa ko.
》 To be Continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro