Chapter 27
"Jas pigilan mo lang si tita at tatawagan ko lang si nick!" Sigaw sa akin ni trish. Ano pa ba tong ginagawa ko ha. Nasa labas na kami ng bar niya at nagwawala siya habang hawak hawak ko ang dalawang braso niya.
Nagwawala siya parang isang hayop. Grabe kung magwala buti nalang at malakas ako.
Bat kasi walang pumasok ngayon na lalaki si nick wala din walanjong lalaking yun ay saka nawala kung kailan kailangan siya.
"Boss naman easy lang. Bumalik na po tayo sa loob" nagmamakaawang sbai ko sa kanya pero tinignan lang niya ako ng masama.
Kaya tumawa ako sa kanya.
"Hahahhaha joke lang naman yun" yan lang ang nasabi ko sa kanya pero kawak ko parin siya.
"WALANG HIYA KAYO ALAM NAMAN NINYO NA TERITORYO KO TO TAS AAGAWAN NINYO AKO HA!" Paulit ulit nalang siya sa sinisigaw niya. Hindi ba siya nahihiya sa mga taong nakatingin sa amin dahil sa ginagawa niya.
Hindi ba niya nararamdam ang kahihiyan.
"WALANG HIYA KANG WESTER LUMABAS KA NGA SA LUNGA MO!" Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Ano daw western? Diba ano yun nagpapadala ng pera? Ha?
"WESTER!" ay mali pala wester without n pala sa dulo hahahhaha.
Saglit nga sino bang wester ang sinasabi niya.
"Boss naman wag na po kayo magsisigaw mukhang wala naman lalabas diyan" pagkumbinsi ko sa kanya na bumalik nalang sa loob at walang kaming mararating dito sa labas kung ngawa lang siya ng ngawa na parang tigre.
"Hindi pwede kailangan munang mag pakita ng pangit na wester na iyon at magusap kami!" S-sino ba si wester? Bakit ngayon may pangit na..
"TRISH BILISAN MO!" sigaw ko sa knaya na sana narinig niya. Hindi ko na kaya, baka mabitawan ko na si boss. Talagang gusto niyang pumunta sa kabilang bar at mag reklamo.
Huhuhuhu mawawalan pa ata ako ng trabaho nito.
"Insan ano nanamang kalokohan yan" parehas kaming napatingin duon sa nag salita.
I-ikuto?
Nako patay siguro kasama niya si ikito. Nako na tudas na tayo nito.
"PAANO NAMAN KASI YANG MAGALING MONG TITO KINAPALAN ANG MUKHA AT SA TAPAT PA TALAGA NG BAR NAMIN NAG TAYO NG BAR HA!" Sigaw niya kay ikuto. Ha tito niya daw? Eh? Ha? Ano?
"Ah...yung asawa mo. Ano ba yan hanggang ngayon isip bata parin kayo, bakit ba kasi ayaw mong tanggapi na asawa mo siya ha" sabi niya kay boss. Ha? Ano may asawa siya eh hindi nga. Munghang huminahon na siya kaya bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa kanyang braso.
"Tsk! Hindi ko asawa yang ulagang yan" halata sa kanya na naiinis siya.
"Ah oo nga pala hindi pa pero magiging asawa mo na soon" ano bang ibigsabihin niya?
Anong soon? May pa soon soon pang nalalaman.
"Isang banggit mo pa tungkol diyan sisipain na kita" pagbabanta niya kay ikuto at saka siya pumasok sa loob kaya naiwan kamkng dalawa dito sa labas. Papasok na sana ako ng tawagan niya ako.
"Ba-bakit?" Hinakabahan ako kapag magsasalita siya.
"Nakita mo ba si ikuto?" Saglit akong napaisip dahil sa sinabi niya.
"Ha?" Yan lang ang sinabi ko sa kanya. Okay lang ba siya? Bakit niya hinahanap yung sarili niya.
"Ah! Nag papatawa ka no hahahhahah ano ba yan ikuto, hinahanap mo sarili mo?" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Pero hindi manlang siya tumawa dahil sa unang sinabi ko sa kanya.
"Hindi ako nagpapatawa. Seryoso ako, nasan si ikuto" hala! Hindi siya nag jojoke hala baka nababaliw na siya. Nako patay tayo nito.
"O-okay ka lang talaga? Hinahanap mo sarili mo?" Nagaalinlangang tanong ko sa kanya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Mukhang naguluhan naman siya sa tinanong ko.
"Ang sabi mo hinahanap mo si ikuto hindi ba ikaw yun kaya sinabi kong hinahanap mo sarili mo?" Pagpapaliwanag ko sa kanya ng maayos.
Ilang minuto ang katahimikan ng bigla siya tumawa. Hala nababaliw nga siya.
Nako lumayo kana. Tawa lang siya ng tawa ng biglang may humawak sa kanyang balikat parehas kaming napatingin kung sino yun.
"HA?! DA-DALAWANG IKUTO?!" Gulat na gulat na sabi ko sa kanila. Pa-paanong nagkaron ng dalawang ikuto?
Napatingin silang parehas sa akin at tumawa nanaman yung isa. Walang tigil sa tawa? Ang oa ha!
"Hahahahhaha so hindi sinabi ni kuya sa kanya na may kakambal ka?" Natatawang sbai niya kay ikuto. Ha? Kakambal?
"ANO KAKAMBAL MO? MAY KAKAMBAL KA PALA!" Sigaw ko sa kanila.
"Hindi ba halata" seryosong sbai noong lalaki na humawak sa balikat ni ikuto.
"Ako nga pala si ikoto. Ako yung lalaking lumapit sayo noong friday tas inexcuse kita. Tanda mo ba?" Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Ah bakit pala... bakit pala biglang nagbago ugali niya yung mabait na ikuto naging masungit yun pala kakambal pala niya yung mabait.
So ang ibig sabihin na tunay na ikuto ang nakausap ko kanina.
Syempre masungit tas kung makapagkwento parang may kaaway na ewan.
"Ah ganon ba hahahhahahha hindi ko kasi alam walang sinasabi sa akin si ikito na may kakambal pala yung kapatid niya" pagpapaliwanag ko ng bigla siya ngumiti sa akin. Ang weird niya.
"Hahhahaha napagkakamalan nga niya na ako si ikuto pag minsan siya si ikoto hahahhaha hindi ko alam kung nakulangan ba sa utak si kuya" joke ba yung sinabi niya hindi kasi ako natawa eh. Pati ang sama naman niya sa kuya niya.
Papasok na sana ako sa loob ng pigilan nanaman niya ako.
"Saglit lang hindi ba... hindi ka nakakaimik? Ba-bakit nakaimik ka?" Nagtatakang tanong niya sa akin kaya napatingin ako kay ikuto na nakatingin lang sa langit.
"Ah! Okay na kasi yung boses ko kaya nakakaimik na ako" sabi ko sa kanya. Wala na akong magagawa, hindi ko na pwedeng itago pa to diba sasabihin ko na sa kanila na may boses na ako at okay na ako lalo na kay vio sasabihin ko sa kanya pagkauwi ko. Alam na naman ng lahat ng katrabaho ko na okay na yung boses ko, may iba na nagndaban. Syempre noong unang pasok ko dito wala pa akong boses kaya first time lang nila maririnig ang bosses ko pero ang mga lalaki hindi pa nila alam kaya baka bukas.
May nakakaalam na kaya mas maganda na ako yung unang kumilos bago pa niya ako maunahan.
Wala naman kasi sa uspan namin na wag niyang sasabihin sa iba kung hindi sa kuya lang niya kaya may chance na sabihin niya sa iba. Wala na kasi akong tiwala sa mga tao noon palang, pamula ng mangyari iyon sa akin. Pero kay oliver at violet may tiwala parin ako sa kanila kahit si oliver iniwanan niya ako na hindi manlang nag sasabi kung babalik ba siya o hindi.
Pero umaasa ako...umaasa ako na babalik siya.
Magkaibigan kasi kami, pati pangako niya yun palagi sa akin pagiiwanan na niya ako na babalik siya, kaya maghintay lang daw ako.
》 To be Continue...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro