Chapter 8
Chapter 8: Basura
Nandito ako ngayon sa school grounds nag lilibot dahil napaaga ako ng dating, well sinadya ko talaga kahit may party kahapon.. Kaya eto ako, inaantok parin. Matagal pumapasok si bestfriend kaya naisipan kong pumunta sa basketball court dun sa elementary building para maiba naman yung dinadaanan ko.
Bale tatlo yung building namin isa para sa kindergarden hanggang sa elementary, isa sa intermediate level, at isa sa highschool building naming mga highschool student.
*diretso dun, tawid jan, lakad dun, kaliwa dito,buksan ang pintuan.
*Tadaa!!
Yung basketball court kasi namin dito nasa loob kaya may pagka malamig kahil malawak, yung sahig may wax para glossy tingnan. Meron din itong lockers room para sa mga naglalaro. Katabi ng baskatball court ay malaking vollyball court, actually magkasing same size lang itong dalawa. Katulad lang ng Basketball may locker room din ito.
Kung tatanongin nyo kung anong sport ang sinalihan ko? Well tuwing may clubbing dalawa ang sinalihan ko, yung vollyball club at badminton club, pero nung 1st yr lang ako hindi nakasali kasi meron akong isang sinalihin pero hindi sya sport.. Ito lang naman ang paborito kong hobby, ang sumayaw.
Tiningnan ko yung paligid at nilibot ang aking mga mata.. habang ginagawa ko yun, sa may bleachers may napansin akong may pagka matabang babae na umiiyak.
Tutal nandito narin naman ako at kami lang naman ang napapansin ko dito at yung mga janitor, lalapitan ko nalang sya dahil siguro kailangan nya ng karamay.
Mabait ako ehh, diba??
"Uhmm, hello po.. I'm sorry to disturb you but may i know what's bothering you?" Halatang nagulat yung babae dahil kinausap ko sya. Umiling lang sya.
"Ay sorry, siguro hindi mo ako kilala kaya ayaw mo sabihin saakin. Well, i'm Jessica Delo Reyes, i'm a second year high school and don't worry i wont bite." With matching smile pa yan ahh. "And you are??" Habang nilalahad ko ang aking kanang kamay waiting for a response.
Pinunasan nya ang kanyang maliliit na butil ng luha at inabot ang kanyang kamay."I'm krizza Ann Selena, 3nd year din. nice to meet you" sabi nya with a weak smile.
"Ohh soo ka batch pala kita!! Sabi ko sakanya. "If you dont mind, pwede mo bang sabihin saakin kung bakit ka umiiyak?" Tumango lang sya at sinimulan mag salita.
Umupo ako sa tabi nya, Habang nakikinig ako sa kanyang mga rason.. Bumigat yung dibdib ko, sino bang hindi eh.. Pinag tri-tripan sya ng mga ka-klase nya na "mataba na nga lampa pa" ang sakit kaya nun. Sabi nya na since gr. 3 pa sya tunutukso ng mga walang pusong ka-klase nya. Akalain mo yun?! pero saloob ng mga taong yun, hindi sya lumaban. 6 years na sya ginaganyan. Mga tao nga naman oh.
Nung tingnan ko ulit sya, parang gumaan yung pakiramdam nya dahil nailabas nya ang dina-damdam nya.. hindi katulad kanina, parang binagsakan sya ng libo-libong hallow blocks.
"To tell you the truth, hindi ka naman mataba ehh, pwede nating sabihin na chubby pero over the limit na yung sabihan kang mataba na nga lampa pa." Sabi ko with a very comforting tone. "Don't worry kung kailangan mo ng tulong, just approach me..ok?" Tatayo na sana ako para mag paalam, ng hawakan nya ang aking kaliwang kamay.
"S-salamat haa, salamat talaga sa pag co-comfort saakin." Huminga sya ng malalim halatang nahihiya syang sabihin saakin kung ano man yun. "Pwede bang maging kaibigan mo?" Nakayuko nyang sabi.
Natuwa naman ako sa tinanong nya.. "Tinatanong pa ba yan??ehh kanina mo pa ako naging kaibigan." Nakita ko yung mukha nya na may halong pag tataka. Sinimulan ko ulit ang aking pag sasalita. "Simula nung sinabi mo saakin yung pangalan mo at yung mga sumasagabal sayo."
Nakita kong nag enlighten yung mukha nya sa sinabi ko. "Soo ibig sabihin nun.. Friends na tayo??"
"Hahah.. Oonga, makulit lang? Osya alis na ako baka malate pa ako sa unang subject namin, kita nalang tayo.. Bye!!" Tumayo na ako at nag umpisa ng mag lakad palabas ng basketball court.
***********
Habang naglalakad na ako papunta sa hallway malapit sa classroom ko napansin kong dumadami na ang mga studyante pati na rin ang mga kalat na nakaratay sa daan. Grabe ang aga-aga may dumi na agad?? Hayss pupulutin ko nalang baka tingnan lang ito ng mga studyante at balewalain.
Ng pupulutin ko na sana yung mga kalat, may nakita akong dalawang sapatos nag uusap sa may gilid.
Yung isang sapatos pang babae at yung isa naman pang lalaki. Nagtago ako para di nila ako makita. Sabi nung pangbabae na sapatos. "Babes, labas tayu mamaya.. At sisiguraduhin kong mapapasaakin ka." Malanding sabi nung babae.
Eww malamang 4rt year na sila pero.. Eii~ nakakakilabot naman, ang aking oh-soo-virgin ears binabastos, 3rd yr. palang ako!! sana pala di nalang ako nag tago.. Aishh makaalis na nga.
Agad-agad kong pinulot yung kalat na malapit sa kanila, hmp.. bahala sila isipin ang gusto nilang isip basta ako pupulutin ko tong kalat.
Ng tatayo na ako sa aking pwesto dahil nag pulot nga ako....aishh paulit-ulit?. Agad nag salita yung panlalaking sapatos. "Thanks.." Sabi nung lalaki in a very cold tone na ikinaliwanag ng mukha ni girl pero nabawi din yun agad-agad dahil, pinatayo ako nung lalaki at inakbayan "But no thanks, cuz i'm TAKEN" inemphasize nya talaga yung taken, huh?
Wait? Ako ba tinutukoy nya?? Tingin sa likod, tingin sa kanan
Ikinagulat ko yung mga sinabi nung lalaki, agad ko syang tiningnan para malaman kung sino yun at masuntok... Pero putek!!! Wrong choice pa, sana pala di ko nalang tiningnan.
Sya lang naman kasi si Evan Walter, ang isa sa mga matatalinong lalaki ng 3rd year, pogi naman sya kaya nga hearthrob.
Want to know more about him??.....okie!
Si Evan ay isang napaka talented na lalaki sa paaralan na ito. Madami ang nag kakagusto sakanya pero ni isa wala syang binigyan ng pansin.
Sya ay Matangkad, malinis tingnan, mala-anghel ang itsura, magaling sumayaw, di ko sure kung magaling din kumanta pero naririnig ko "oo daw", marunong tumugtog nga guitara.... Sabihin nalang natin na "Full Package" kaso slight nga lang dahil Masungit, Snobb at Cold Hearted. May bestfriend daw sya ehh di ko pa nga lang nakikita. Hindi ko nga alam kung paano natitiis nung bestfriend nya ang ugali nitong poging nilalang.
If you think may gusto ako sakanya... The answer is..
Yes..
Pero syempre hindi nya alam.. At hinding hindi ko ipapahalata no!!
Sabi sabi na they have the same features pero feeling ko mas lamang nga lang si Evan kaysa sa bestfriend nya. Ewan baka same lang.. naks naman
Okeiysss.... Back to the story!!
Kung gaano kalaki ako nagulat, ganon din yung mga mata ko. Tiningnan nya ako, pero ang cold ng titig nya.
Ng lingonin ko yung babae.. Shockss!! Wrong choice nanaman. Sya si Kimberly Vanrosc, 3rd yr high school, ang tawag sakanya pag dumadaan sya ay "the bitch in town" and she likes it. Actually 6 sila. Well dahil sa mga pang-bubully nung apat, yun na expel.
Napa tulala ako ng makita ko yung mukha nya pulang-pula, yung kamay nya naka sarado ng mahigpit, may lumabas na usok sa ilong nya, nung buksan nya ang naka bola nyang kamay, yung mga kuku nya napakabilis tumubo at.. At parang may gustong lumabas sa likod nya.... Pakpak? Ahh~
*iling-iling... Grabe nakuha ko pa syang pagtripan
Ng makabalik na ako sa rialidad, biglang nagsalita yung babae.
"Sya at ikaw? Together?" Nag tatakang tanong nung babae. "Hahah you can't fool me Evan, alam ko masyadong high ang standards mo para maging kayo nung babaeng yan. Hahah" sabay turo saakin.
Ouch haa.. Grabe ka naman maka pag salita... Wagas, kung hindi lang talaga ako natatakot sayo, nako.. Baka uuwi ka na may pasa!
Nabigla ako ng magsalita yung katabi ko kanina pa nakatitig saakin.. Yupp habang dumadakdak yung babae nakikita ko sya sa gilid ng aking mata na naka tingin. "Say whatever you wanna say, but that wont change the fact that I have a girlfriend.. Ok?"
Laglag panga ko dun sa sinabi nya ah.. Pero sa loob, kinilig talaga ako. "Now excuse us, because my girlfriend is gonna be late in her first class" ng narinig ko yun aalis na sana ako pero agad nya ako hinatak papalayo. Na ngu-nguna?? Nung lumingon ako sa likoran nakita kong nakatingin ng masama saakin si kim habang papalayo kami.
Naku, patay ako nito.. Baka ipasugod nya ang kanyang mukhang unggoy na alipors!! Meron kasi syang mga taga pagsilbi na mga lalaki sa paaralan namin!! Huhuuhu
Ng makalayo na kami agad nya binitawa ang akin kamay at aalis na sana ng pinigilan ko sya. "Hoy, Evan bakit mo ginawa yun?"
Kahit alam ko naman kung bakit.
Tiningnan nya lang ako pero walang halong emosyon sabay talikod. Nag salita ulit ako. "Hoy kinakausap kita, bakit mo ginawa yun? At sa harap pa ni kim? Kung ano pa gawin saakin nun" Galit kong banggit, pero mahina ko lanh sinabi yung huli.
Kahit crush ko yan hindi ako nauutal sa harapan nya.. Baka ma turn-off, pero dahil sa ginagawa ko ngayon baka may chances na ma turn-off!!....
Aishh....
Bahala na si Batman!
"Kasi ayoko ng babae na coloring book na nga linta pa" tapos tumalikod, bago pa syang tuluyan na tumalikod. "Baka gusto mong itapon yang nasa kamay mo?" Sabi nya at tuluyan na syang nag lakad habang ang dalawang kamay ay na sa bulsa ng kanyang pants.
Nagulat ako sa huli nyang sinabi. Tiningnan ko yung kamay ko na hinawakan nya at ibinuklat yun.. Lumaki yung mata ko dahil sa nakita,......Hawak hawak ko pa pala yung Basura na pinulut ko kanina habang nag uusap sila, agad-agad ko naman itinapon yun sa malapit na basurahan.
Masama man pero ng makalayo na sya... Tawa ako ng tawa dahil sinabihan nyang coloring book at linta si kim. Maganda naman si kim kung hindi lang masungit at madaming make-up.
Maya-maya nung tiningnan ko yung orasan, laking gulat ko!! 5mins nalang at parating na ang teaher ko sa classroom!!
.
.
.
.
.
.
.
.
TAKBOO!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro