Chapter 6
Follow me: Lovely_Diva
Feel free to COMMENT, VOTE and SHARE. Happy Reading Guyss.
.
.
Chapter 7: The Shadow
.
.
Natapos na ang buong period namin sa araw na to, matagal ko ng inamin na boring mostly ang ibang subjects except math and science.
Nakapagtataka, bakit nung bata pa ako lagi kong naririning na mahirap daw ang algebra...pwede narin, pero according naman yun sa understanding natin diba?! Pag hindi mo inaral ng mabuti yung hindi mo naintindihan, edi mahihirapan ka talaga. Pero pag inaral mo talaga ng mabuti yung part na hindi mo na gets, maiintindihan mo kasi inintindi mo!!...hehe pero totoo yan guyss.
KRIING!!...KRIING!! Tumunog na yung bell para sa uwian namin, at dahil matagal ako kinukuha ni manong eli sa school, pinagpasyahan kong maglinis sa classroom "dahil" ma bo-bored lang ako dito.
Ayan...
.....
...ayos dito, ayos doon..
.....
Pag-pag dito, pag-pag doon..
.....
Walis dito, AT walis doon..
....TADAAA!!!... Malinis na ang classroom namin. Uupo na sana ako ngunit biglang tumunog phone ko, ng tingnan ko kung sinong tumawag...si manong eli pala..."Yello? Manong? Nanjan na po ba kayo? pababa na po ako, saglit lang." Habang ene-empake ang gamit ko sa bag.."Ayy..ija wag muna, ipapaalam ko lang sana sayo na na flat tire ako, kaya matatagalan ako ng kaunti..ok lang po ba yun?" Pag co-compirma saakin ni manong. Tiningnan ko yung relos ko kung anong oras palang and 3:47pm lang naman ehh kaya... " ayy manong, okey lang po yun, meron pa naman po nag hihintay sa transport nila.. Just take your time,.. Ingat po" at sabay kong binaba ang tawag. At parang matatagalang talaga si manong sa pagpunta sa school.. kaya Isinalpak ko ang dalawang earphones sa tainga ko at pumili ng kanta.............Click!
Song: Life of the party by Shawn Mendes
🎶I love it when you just don't care
I love it when you dance like there's nobody there
So when it gets hard, don't be afraid
We don't care what them people say🎶
Lumabas ako sa classroom at bumaba papunta sa waiting area malapit sa parking lot. Habang naglalakad ako humanap ako ng bench na bakante para maupuan at doon nalang ko nalang hihintayin si manong eli.
🎶We don't have to be ordinary
Make your best mistakes
'Cause we don't have the time to be sorry
So baby be the life of the party 🎶
Habang nililibang ko ang paningin so sa school campus, may napansin akong lalaki at babaeng nag-uusap...hindi sila ganon kalayo saakin kaya naririnig ko yung usapan nila. Na curious ako kung bakit iritado si girl, kaya itinggal ko yung kabila kong earphone para makinig sa usapan nila, ...hindi naman sa chismosa ako guys..na curious lang...hehe
(Uii...bakit mo ba ako iniiwasan? Galit ka ba saakin? Ano ba yung nagawa kong mali?) si boy yan
(.........) tahimik lang si girl at halatang-halata sa mukha nya ang sobrang pagkainis.
(Uii Ziah, sumagot ka naman ohh..hindi ako aalis pag hindi mo ako sinagot.) uhm..... Tanong ko lang, nanliligaw ka ba boy?
(Sigh..ang kulit mo kasi, tapos yung mga jokes mo....ikaw lang ang tumatawa, baliw lang?) ayy, kaya namn pala kuya ehh..may sira ka sa ulo.
(Sorry namn, patawarin mo na ako..wait, ito last na tong joke ko)
(Hayy nako..sige, ayusin mo, kung hindi---)
(Ya,ya,ya.. ito na "Saan matatagpuan ang taong katulad mo?")
(...saan?) blangkong sagot ni ziah
(Edi.....sa bahay nyo! Hahahahh) si boy makatawa parang wala ng bukas.
( ha.ha.ha....grabe mamamatay na ako sa kakatawa....makaalis na nga..walang na akong gana maki pagusap sayo!!) sarkastikong sa got ni ziah..parang hindi talaga sya interesado.
Ng akmang tatalikod na si ziah upang maka alis at pumunta sa naghihintay nyang transport, agad hinawakan ni boy ang kamay ni ziah na ikinagulat nya kasi sobrang lapit na nila sa isat-isa yung tipong ma duduling ka at kung mapapansin nyo yung mukha ni boy.....ang seryoso. Lumayo ng unti si ziah at sinubukang makawala sa hawak ni boy pero hindi sya makapiglas sa hawak
(Ziah. Ano bang meron at parang wala ka sa mood? Hindi mo na ba akong tinu-turing na kaibigan? Last week ka pang ganyan haa!, ano bang meron? ) pag tatanong ni boy na may halong pasigaw.
(Do I really need to explain it to you? But I gues---)
(Oo, kasi may karapatan ako, at dahil Best Friends tayo!!)..yung tono ng boses nya parang gusto nya talaga malaman kung ano yung rason at kung bakit ganyan ang pag kikilos ni ziah.
Huminga ng malalim si ziah bago mag salita (Euge, please lang, nakiki-usap ako..wag mo nalang alamin, baka----) malapit ng lumuha si ziah.
(IDOL!!...kanina pa kita hinahanap...saan ka ba nag punt-- Ohh...bakit ka naluluha?) may isang lalaking tumatakbo papunta sa direction nila ziah. Ng makaabot sya sa direction nila, agad nyang inakbayan si ziah na ikinagulat nya at agad nyang na agaw ang kamay nya at pinunasan ang kanyang mga luha na malapit ng tumulo. Pero si euge bakas sa mukha nya ang pag tataka.
(Haa?, anong pinagsasabi mo? Na puwing kasi ako kaya ganto, wag mo ng intindihin, ok?) pag iwas na sagot ni ziah.
(Ahh, ganon ba IDOL?, wait..diba sabi ko sayo na hintayin mo ako kasi may kukuhanin lang ako sa locker para sayo...pero pag labas ko..wala ka na, bakit mo ako iniwan haa??) naka pout na sabi ni boy#2..habang sinasabi nya yun parang sila lang ni ziah ang nag uusap at parang hindi nya pansin si euge sa harapan.
(Ayy..idol sorry may kausap ka pala, hindi ko napansin kasi exited ako ibigay sayo ito ehh..pero sa car mo na buksan para hindi mo ako hampasin ng hampasin,heheheh)
(Hahahahh, ok lang pero grabe haa..hindi naman kita hinahamapas eh...Uhmm..Zabieb si euge nga pala kaibigan ko..Euge si zabieb..#1 fan ko daw sya dahil nagustohan nya daw yun boses at yung peronality ko..hahahh, baliw lang nohh?) parang nagbago kaagad yung mood ni ziah nung ikwenento nya yun.
(Hi euge, nice meeting you..pero kailangn na namin umuwi, ihahatid ko pa sya sa transport ni ziah, kasi parang inip na inip na yun..Bye) nakangiting sagot ni zabieb. Si euge naman tumango lang as a sign of "sure". Habang tinitignan ni euge sina ziah at zabieb lumalakad palayo....tumalikod nadin sya at nag lakad patungo sa transport nya, ngunit ng tingnan ko ang direction ni ziah..napansin kong lumingon sya kay euge, yung titig nya, parang may inaasahan sya pero wala ehh.
Biglang may tumawag sa phone ko at nang tingnan ko kung sino yung tumatawag si manong eli pala. Sinagot ko yun at ang sabi nya na kakarating nya lang at nasa parking lot na daw sya, Ng tingnan ko yung relos ko malapit na pala mag 5:30 kaya agad ko namang kinuha yung back pack ko at dumeretso sa kotse.
~30 mins later~
Kakababa ko lang sa kotse at katapat ko na ang gate ng bahay nami, napansin ko na sarado ang mga ilaw. Baka nasa travel nanaman si mama papunta sa country na naka assign si papa. Binuksan ko yung pintuan namin at ng makapasok ako sa sala, bakit sobrang dilim?parang nag brownout siguro kaya ganito. Nakapag tataka, nasaan si mommy jhen?, ehh most of the time nandito lang sya sa bahay at hindi nya pinapabayaang sarado ang ilaw hanggat hindi pa ako umuuwi or hindi pa ako tulog.
May naramdaman akong malamig na ihip ng hangin sa mga binti ko na sanhi ng pag tigil ko sa kinakatayuan ko. Para bang may tumitingin aakin. Naglakad ako torward sa may pintuan kung saan doon ko pwedeng buksan ang ilaw, ng papalapit na ako doon, may na kita akong mabilis na human-like shadow, ang bilis nya. Kahit kinakabahan ako dahil hindi ako sanay sa mga sitwasyon na ganto, pero tinatagan ko ang sarili ko, kasi ang pagkaalam ko hindi ako pinanganak na mahina dahilmatatag ako at matapang kaya lumayo ako sa switch kahit labag sa kalooban ko, Tumakbo ako patungo sa dinaanan ng shadow hanggat sa tumigil ito,na sa sala kami, may kinalikot sya sa ding-ding at maybiglang nag bukas na spot light sa isang naka talikod na upuan. Ng nilingon ko ulit yung taong sinundan ko...wala na sya!!. Inilipat ko ulit ang tingin ko sa nakatalikod na upuan at akmang lalapitan ko na, ngunit dahan-dahan itong umikot, at laking gulat ko ng makita ko kung sino sya.
"Good Thing you Followed the Shadow, or i will be sitting here for the entire night" patawang banggit ng babaeng naka cross legs.
•
•
•
•
>>>>GUYYSS<<<<
Sino kaya yun?? May clue ba kayo? At bakit nag cutting classes kaagad yung mokong este ian? Whats important?...yan ang aabangan nyo sa susunud na pag u-update.
> Guys paalala lang po..dahil may exam po kami this week, kaya hindi po ako makaka update kaagad...pero dont worry paggatapos namin mag exam.
.
.
Follow me: Lovely_Diva
Feel free to comment, vote and share. Happy Reading Guyss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro