Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21:

Nakakunot noo akong pumasok sa classroom. Bad trip kasi! May naka alam ng no. ko ng hindi ko binibigay kahit kanino, exempted doon syampre yung mga kaibigan ko.

Well hindi kasi ako yung pala text or panay tawag na tao eh..

Well hindi na kasi masyado uso ang exchange number kasi meron namang FB messenger. Nandoon na nga lahat ehh: Call, text and video call.. soo why bother giving your num?

Pagkalapag ko ng bag ko sa lamesa umalis ako ng room para kunin ang iba ko pang gamit sa locker.

Nag lakad ako sa mahabang hallway buhat buhat tong apat na libro at anim na notebooks. Biglang may tumabi saakin at kinuha yung mga dala-dala ko. Aish sya nanaman. Nginitian nya lang ako habang ako sinamaan ko sya ng tingin at akmang kukunin yung kinuha nyang gamit ko pero inilayo nya yon paitaas.

"akin na yung mga gamit ko!"

"Ayaw.."

"Wala akong pake kung ayaw mo, dahil kikunin ko yan mismo." At sabay nag sisitalon para lang maabot.. pero useless mga prend.

"Tsh ituloy mo lang yan, baka pagkamalan kitang ng tyatyansing.. tss pasimple pang yumayakap eh.. pag bibigyan naman kita" pabulong nyang binaggit yung dulo sabay nakangiting umiling pero rinig na rinig ko yun. tshh ASA!!

"Ashton ibalik mo na kasi!!"

Natigilan sya.. yes chance ko na to.

Namanage kong makuha yung dalawang note books bago nya pa naiangat ulit ying braso nya. Tsh bad trip.

Nakatingin parin sya saakin..

Ooookay.. nakaka concious

"Ngayon ko lang narinig na binanggit mo yung pangalan ko.."

And soo?? Lagi ko kayang binabanggit yung pangalan mo.. with matching death threats at mura. Syempre joke lang.. 

"Eh ano naman kung ngayon lang?"

"I like it.." nabaliw na ba sya? Syempre magugustohan nya kasi pangalan nya yun.. given name sakanya yun.. alangan naman na hindi mo magustohan name mo.. sino bang hindi gusto name nila? Lumabas kayo!!

"Ewan ko sayo! Amina nga yung gamit ko!" Hindi parin nya binibigay..

Edi wag!

Nag tuloy na ako sa pag lalakad dahil alam ko namang susunod yun.. tsh wait.. may naalala ako. Bigla akong huminto at tumingin sa likod ko. Agad ko syang binatokan. His face seems soo confused.

"Para saan yun?"

"Saan mo nakuha no. ko?"

Parang biglang nawala yung pagkagulo sa mukha nya. "Ahh, hiningi ko kay evan." Sabay ngiti ng malaki. Tss

Pero wait.. hiningi nya kay evan? Soo ibig sabihin nun..

"M-meron syang number ko?" umaasa ako besh.

"Yeah.."  tumango naman ako..

"Ahh ok.." sabi at tumalikod na para hindi nya makita yung ngiti kong sumisilip at nag tuloy na sa pag lakad..

Yiee! Ikaw evan ha!!


Crystal's Pov.

Yaaaaawn~ hay buhay!

Kakalabas lang nung 2nd prof. namin.. eto ako nag aayos ng gamit para sa next subj. habang ina-atake ng antok.. always naman ito pag college ka na, perooo.. live it for your dream!!

Nag unat unat muna at shinake ang mga kamay to release stress. Ahhh much better, atleast nabawas bawasan na yung antok ko. Maya-maya may kumatok sa room. Sino kaya yun? Ay baka yung prof. na namin, kaya umayos na ako ng upo. At sabay nun ang pag bukas ng pintuan.

"Uhmm may I excuse crystal?"

Napatingin ako sa door.

Tss sya na naman?

"Ui crystal may gusto atang kumausap sayo eh.." kalabit ng katabi ko saakin. Tss ayaw ko nga.

"Hayaan mo lang yan sya jan.. aalis din naman yan." Sabi ko sakanya.

"Girl, nakaka-concious yung tingin sayo oh.. gusto mo ako nalang ang lumapit? Ehihihi" sabi naman nung naka upo sa likod ko, tumango nalang ako, bahala ka sa buhay mo.

Nung nakatayo na sya para lapitan yung guy.. wala pa sya sa kalahati sinarado na nung guy yung pintuan. Gusto kong matawa sa expression nung babae nung humarap ulit sya saakin.. parang binagsakan ng langit at lupa. Haha

Ng maka upo na sya, bumukas na naman yung pintuan at this time, yung prof naman namin ang pumasok. Tumayo kami para bumati. Nung paupo na sana ako..

"Miss Legazpi," nilingon ko sya

"Po?"

"You're excused in my class." Then nilapag na nya yung gamit nya sa mesa. Paano???? Hindi basta-basta napapayag yang prof ko eh! Kahit nga ihing-ihi ka na.. its a no no.

Dahan-dahan ako umalis sa pwesto ko at bumaba sa mala hagan-hagdan palayan. Lumabas na ako at sinarado ang pintuan ng maayos. Nilingon ko yug paligid ko pero walang tao, may nakita naman akong bag.. pang lalaki, baka may pinuntahan.

Anong gusto nya? Pag hintayin ako? Aba NO WAY!

Papasok na sana ako ng may humawak sa wrist ko para pigilan. Tsk paano kaya nya napapayag yung bakla kong prof?

"Kailangan mo?" ako.. without a word, agad nya ako hinila sabay kuha ng bag nyang nasa sahig. Sinubukan kong luwagan yun pag ka hawak nya sa wrist ko pero hinigpitan pa nya ito..

uhh.. help?


Jessica's Pov.

I GIVE UP!!! I mentally shouted at ipinatong yung ulo ko sa lamesa habang naka harap sa window na nasa gilid ko.

MATH!!! Mental Abuse To Humans!! umakting ako na parang naluluha kahit yun naman talaga ang nararamdaman ko... wahhhhh!!! HELPPP!!

"Class na gets nyo ba?" tabong ng teacher namin..

"Yeeesssss" they said in chorus while i dramatically said 'Nooooo' in my head.

huhuhuhuhuu

---------------------------------------------

Hallway.. andaming tao..

stairs.. andaming tambay..

Canteen.. mas lalo na..

Rooftop.. too cliche..

I JUST WANT A PLACE TO STAY WHERE ITS NICE AND QUITE!!!

O__O

bat nasa tapat ako ng clinic? anong gagawin ko dito?? mapayuko ako at tumalikod na para umalis ng may sumagi sa isip ko..

'Waaahh jessy, you are soo bright!!' compliment ko sa sarili ko at nag marcha na paloob. Walang nurse dito kaya dumiretso ako sa higaan agad.. hindi sya masyadong malambot, but that would do it..

i removed my shoes at agad akong humiga at niyakap yung unan dito.. paikot-ikot ako dito, I didn't mind kung masilipan ako, naka cycling shorts naman ako.

Well come to think of it.. dito ako dinala ni ashton nung hinimatay ako, dito din yung exact bed kung saan ko sya niyakap kasi kala ko pillow sya, dito naman din ako pinag tawanan ni crystal kasi may tissue'ng nakasabit sa ilong ko para miwasan yung pag tulo ng dugo.. 

NA HINDI KO MANLANG NAMALAYAN NUNG NAKATABI KO SI ASHTON DITO.. psh lokong yun..

but nevertheless.. I found peace..

Finally!!








Pero Lord, dont take me yet hihihi..

-----------------

Authors note:

So ayon, namiss nyo ba ako? dahil ako sobra!!


first of all, Sorry dahil ang TAGAL TAGALLLL ko ng hindi nag u-update..

Nakaka-walang gana din pala pag wala ka ng inspiration.. tapos hectic pa sa sched. sa school yung tipong mapapatanong ka nalang sa sarili mo na "What is Breathing?" lunod na lunod kaming studyante  guys.. sa pinas wala ng pasok since vacation nyo na jan.. kami mag e-exampa ng pang 4th quarter next next week.. then clearance.. huhuhu. alam komedyo 1 year na ako di nag uupdate.


Akalain nyo, nakuha kong mag update yearly.. 1st chapter upto the 19th chapter eh nung 2016 pa.. tapos yung chapter 20 nung 2017.. tapos ngayon 2018 na.. hahha Pero sorry po talaga.. this time.. pag kaumpisa na pagkaumpisa ng vacation namin.. gagawa akong maraming drafts para maka-update anytime..

Second (of all.. haha), I just want to thank  @user46044741 for uplifting my spirit, dahil sa message nya na nag hihintay pala sya ng update.. kinilig ako dahil.. kahit papaano pala may nag babasa sa corny kong story.. at dahil doon.. ginanahan ako mag write at i-continue tong story na to..

 imagine, how a simple support could make a difference. (nuks, qoute for the month of May)


Thank you @user46044741 .. I love you tooo!! kaya this chapter is dedicated to you. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro