Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Naka higa ako ngayon sa higaan ko, maaga akong nakauwi kanina dahil sa rason ng pag mamadali ko. Grabe bored na bored ako sa bahay.. Ako lang mag isa aside kina mama jhen-jhen at yung isa pang yaya. Kaya bumaba nalang ako sa kusina para kumain.

Pag bukas ko ng fridge kinuha ko agad yung carbonara kumuha na rin ako ng malamig na inumin At kumain sa bar style table ng kitchen.

Hays ito lagi ang scenario lalo na pag wala sina mama.. Ang tahimik, sanay na rin naman ako, pero paminsan ini-imagine ko kung paano kaya kung hindi masyadong nag o-out of the country sina mommy for their work? Magiging close kaya kami? Paano kaya kung kami yung type of family na parang uupo kami sa hapag kainan at ping tatawanan ang ngyari sa buong araw na hindi kami nag kita, kung kami yung tipong nag o-outing kami like swimming, camping etc.."

Paano kaya??

Makapunta na nga lang sa mall masyado na akong kinakain ng katahimikan.. Kinain ko na ang huling dalawang subo ko ng carbonara at dumiretso na sa kwarto ko para magbihis ng maayos.

Nasa Forever21 ako at nag hahanap ng magandang rip jeans, ayaw ko yung mga nakikita ko sa fb.. Grabe mostly ng rip jeans nila parang gipit na gipit sa tela.. Nag suot pa kayo ng rip jean kung kada inch may malaking butas tas maliit ulit na space.. Butas ulit.. Hayss.. Hayaan na nga lang hindi naman ako yung nag susuot. Wala naman silang masyadong magagandang stock kaya lumabas nalang ako at dumaan sa bookstore.

Pag pasok ko dumiretso ako agad sa mga lalagyanan ng customized bookmarks, night lights (kung gusto mong mag basa sa gabi, i kabit mo lang sya sa hard book cover), at ball pens. Kumuha ako ng 3 bookmarks, 2 different colors para ma customize ko yung book mark.. Artehan lang naman ng kaunti. Papunta na sana ako sa counter para bayaran yung pinamili ko bigla kong nasulyapan yung isang libro.. Nasa pinaka tuktok yon, kaya iniwan ko muna yung gamit sa counter at pinuntahan yon.

Grabe ang taas naman ng book shelf nila, yung pinaka baba lang nung libro ang naaabot ko, nakakahiya naman kung tatalon ako dito.. Mag mukha pa akong unggoy na gustong makuha ang saging tsk.. Tumingin ako sa paligid hoping na may makita akong upuan, sadly waley.. Kaya tumingala ulit ako para tingnan ulit yung libro.

"libro naman, pagod na akong abutin ka pwede bang mahulog ka nalang? Sasaluhin naman kita eh.. Trust me, will you?" At tumingin na ako sa baba. At biglang may nahulog na bagay sa uluhan ko.. Ang sakit haa!!!

"Sabi mo pag nahulog sya sasaluhin mo, bat di mo sinalo.. Tss may pa trust me trust me ka pang malaman di mo naman matupad."

Bigla akong napa tinin sa nahulog.. Nakita ko yung libro na di ko maabot abot.. Hala nag sasalita yung libro??

Napa upo ako.. "Nag sasalita ka?"

"Tss.." At naka rinig ako ng yapak paalis sa likod ko kaya agad ako napa lingon. Hindi ko sya na mumukhaan..

Malamang naka talikod..

Dumaan muna sya ng counter, nag bayad at umalis na.

Pero loko yun haa!!! Ilaglag ba naman yun libro saakin?! Pwede naman kasing ibigay ng maayos, sakit tuloy ng tuktok ko huhu.

Aga kong kinuha yung libro at pumunta na sa counter..

"Kuya babayaran ko na po.. Paki sama na rin po nitong libro."

"Ma'am nabayaran na po lahat.."

"Kuya paano kakabalik ko lang dito.."

"Ehh na bayaran na po nung lalaki kani kanina lang po."

Agad kong tiningnan king saan lumabas yung lalaki.. "Ahh ganon po ba.. Sige po paki plastik nalang po."

Pagatapos nyang lagayan ng plastik agad akong lumabas, i looked from left to right pero no sign of him.. Hayss hayaan na nga lang..

Tiningnan ko yung daladala kong plastik.. "Salamat nalang sa libre.".

Maliit lang naman yung libro at maliit lang din naman yung size nung plastic kaya nag kasya sa shoulder bag ko.

Dumaan muna ako sa baskin robins.. Para maka kain ng fav. kong flavor ng ice cream.. Mint. yayyy

Ng maka bili na ako, biglang tumunog phone ko..

Crystal calling~

Sumubo muna ako ng ice cream sabay sinagot..

"Hmm?"

"Uii beh nasaan kaaa!!! Wala ka daw sa bahay nyo sabi ni yaya jenz"

"Nandito sa mall"

"Wow haa.. Dami kasing mall, specific please"

"Kay text ko sayo mamaya after mong tumawag"

"Geh na.. Ano nga pala ginagawa mo?"

"Kumakain lang naman ng ice cream.. Mint gust--- toot toot toot"

Patayan ba naman ako?? Hahaha gusto nya din siguro.. Ma text na nga sakanya kung nasaan ako.

Umupo muna ako sa upuan dito sa food court habang hinihintay sya.. Kakain ako ng ice cream ko..

Habang kinakalikot ko phone ko, nakaramdam ako ng gutom.. Ahh bibili nalang ako ng apple pie.. Mainit init yun.. Bili narin ako ng ice cream oreo..

Bumili na ako sa mcdo.. Mabilis lang naman yun kaya around 2-3 mins lang hinintay ko, nakuha ko natin order ko kaya bumalik na ako sa upuan ko. Pero may naka upo na pala..

Tskk

"Uhm kuya upuan ko po ito." Tumingin lang sya saakin.

" kuya--"

"Wala naman akong nakitang pangalan mo nor bag so hindi to sayo, lipat ka nalang." Sabi nya.. Loko sya.. He cut me off!

Hawak ko ng isang kamay yung tray ko bagang yung isa naka ball fist na.. Jessa control yourself.. Inhale.. Exhale

Nilingon ko ang paligid.. *sigh* "wala nang vacant ehh."

"Is that my problem?"

"Oo problema mo yon.. Inagawan mo ako ng upuan."

"Tsk, upo"

"Ano ako aso--"

"Uupo ka o maninigas ka jan hanggan matapos akong kumain?"

"Tss."

Umupo na ako sa upuan na kaharap nya lang.. Two seater lang kasi yung lamesa.

Ng malapit na akong matapos kumain biglang tumunog yung phone ko..

Crystal calling~

"Oh?"

"Nasaan ka na"

"Nasa food court? Nasaan ka? Pupuntahan nalang kita---" putek kanina pa ako na ka-cut off ha!!!

Inubos ko na yun huling bite ng apple pie.. tiningnan ko yung lalaking kaharap ko, mukha naman syang busy sa phone nya.. Madami dami pa yung oreo ice cream ko kaya sumubo ako ng isang malaking subo.. hehe. Patayo na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"JESSY??!!" Agad akong napalingon.. Mag echo ba naman sa buong food court. Tss

Kinover nya yung mouth nya.. Sabay nag peace sign. Tiningnan ko yung kaharap ko.. Wala naman sigurong pake.. Tutok sa phone nya eh

"Heheheh mianhe.. Ohmy.. JESSYY!!!! Di mo sinabing may boyfie ka na pala!! Agad akong napatingin kay crystal..

"Na distorbo ko ba yung date nyo? Sorry ha! Wait nalang kita sa basking robins.." Paalis na sana sya hinila kosya pabalik..

"Anong pinag sasabi mo? Sya?"

Sabay palihim na tinuro yung lalaki.

"Boyfriend ko?" Sabay turo sa sarili ko.

"No no no WAY!! Di ko nga sya kilala tas mag dedate kami?"

"Weh? Uso na kasi ngayon yung blind date beh ehh"

"Hindi nga.. Kilabutan ka nga!!"

"Tss" sabi nung lalaki.

"Salamat sa pag share ng upuan ha." Sabi ko sakanya.. Nag nod lang sya habang naka tutok parin sa phone nya, hinila ko na si crystal paalis baka kung ano pa ma-comment nun.. Mabilis pa naman mag jump into conclusions yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro