PROLOGUE
***
Pinanganak akong laging walang pakialam sa paligid, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, kaya naman hindi agad-agad ako nagpapasindak o nagpapa-api, ayaw ko rin na inaapakan ako ng ibang tao.
"Ano ba!?" Irita kong tanong kay Namjil, pinsan ko.
"Gawin mo muna kase ito," utos niya sa'kin at inabot ang notebook niya na may assignment. "Madali lang naman eh,"
"Madali pala ba't 'di ikaw ang gumawa!?" Inis kong tanong at inirapan siya.
"Mommy!!" Sigaw niya at lumabas ng kuwarto ko, inis akong bumalik sa ginagawa ko.
Isip bata na nga, tamaran pa mag-aral, tumayo ako at ni-lock ang kuwarto ko para walang maka-pasok.
Ayaw ko kase ang ini-istorbo ako sa ginagawa ko, ayaw ko ng mga bagay na ikadi-distract ko.
Binuksan ko ang laptop ko at bumungad sa'kin ang live na laro ni Ci-L. He is my crush, basketball player, matangkad, matalino, at higit sa lahat mabait.
Hindi ko pa siya nakakausap ng personal, lagi lang akong nakatingin sa kaniya sa malayo, pinagmamasdan kung ano ang mga ginagawa niya, halos saulado ko na kung anong mga paborito niya, mga kaibigan niya, pamilya, o kung anong status niya.
Hindi ko inakala na makakaabot ako sa puntong nagiging stalker niya ako, dati humahanga lang ako sa kan'ya dahil ang pogi niya, attractive at mabilis makakuha ng attention, pero hindi ako kagaya ng ibang babae na haharasin siya sa public matikman lang siya.
Ako pa mismo ang nakakakita ng mga gano'ng pangyayari, kitang-kita ng dalawa kong mata kung gaano siya nandidiri sa mga babaeng humahabol sa kaniya.
Kuntento na ako sa mga ginagawa ko ngayon, masaya na ako sa kung ano ang mga achievement's niya sa buhay dahil deserve naman n'ya yun.
"Ano!?" Gulat na tanong ni Ian, bakla kong kaibigan.
"Oh?"
"Tanga mo talaga, binigay ko na nga sa'yo si papa Ci-L para naman kahit papaano may inspiration ka sa buhay mo tapos pinalampas mo pa yung laro niya kahapon," sabi niya at inirapan ako.
"Siraulo kaba? Ako papalampasin ko ang laro ng ultimate crush ko? Nanuod naman ako, may live duhh," balik ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya at hinila na ako para pumasok sa room, malapit na kaming grumaduate, 3rd year college na kami, ka batch ko din si Ci-L kaya hindi malabong hindi kami magkikita, ang kaso lang iba ang course niya sa course ko.
Engineering ang kinuha niya samantalang Education naman ako major in science. Hindi madali ang maging college sa totoo lang, pero nagagawa ko pang ipagsabay ang pagiging fan's ng isang sikat na basketbalista sa pag-aaral ko.
Hindi naman masama ang humanga sa isang tao lalo pa't nakakatulong ito upang lalong umusbong ang pag-unlad mo, siya naman ang dahilan kaya nakakayanan ko.
Wala na akong magulang since birth, tita ko ang nagpapaaral sakin kaya ganon na lang ang trato sakin ni Namjil. Wala naman silang pakialam sakin sa bahay, umuwi man ako o hindi, hindi nila ako hinahanap at ayus lang sakin yun, mas gusto ko nga ang ganon kesa naman sinasakal ako.
"Anong plano mo mamaya?" Tanong ko kay Ian.
"Girl, may family dinner kami kaya 'di kita masasamahan sa pag stalk mo kay papa Ci-L," inirapan ko lang siya at nakinig na sa guro.
May reporting na naman kami next week, nakakapagod na talaga mag-aral, gusto ko na ngang sumuko eh, buti na lang di ako ganoong kahina para sumuko agad.
"Good luck girl," kumaway pa sakin ni Ian.
Pagkalabas pa lang ng room ay agad na akong tumakbo papunta sa room nila Ci-L, kaso nahuli na ako dahil wala ng tao roon.
Dumeretso na ako sa lagi nilang tinatambayan, sa court ng school, pagdating ko don ay walang katao-tao.
"What are you doing!?" Irita ang pagkakasabi no'n ng isang lalaki.
"Seducing you," malanding sabi ng babae.
Agad akong nagtago para 'di nila ako makita.
Wala pala dito yung barkada ni Ci-L, kundi babae niya.
"The fuck, move!!! I don't want to see your face ever again!!" Sigaw ni Ci-L at rinig ko pa ang pagdaing ng babae sa sakit matapos maupo sa simento.
Ang harsh talaga ni Ci-L kahit kailan, minsan nga iniisip kong bakla ito dahil wala manlang siyang ka interest interest sa mga babae.
"Ci-L!!" Sigaw pa ng babae, nilabas ko ang camera ko at kitang-kita ko ang pag-alis ng lalaki palabas ng court, mabilis naman akong nang ayus pagkakatago, rinig ko pa ang pagsigaw ng babae.
Tumatawa akong umalis doon at iniwan ang luhaang babae dahil hindi nagtagumpay sa plano sa lalaki.
Try hard girl.
__________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro