8
***
Habang hinihintay ang results ay pumunta na muna ako sa room para makapagpahinga, hindi ko talaga enexpect na manunuod siya don.
Sumasakit na din ang ulo ko at hindi pa ako nakakarecover sa kabang nararamdaman ko. Nanginginig pa ang buong kalamnan ko dahil sa biglang pagsulpot niya sa room kung saan kami nag quiz.
Mag-isa lang ako sa room dahil wala sila lahat, umalis sila at sumali pa sa ibang activity, si Ian naman ay kasama ang jowa, nag date na naman siguro.
Hindi ako mapakali dahil sa message ni Nami, what if gantihan niya ako? Mali naman kase talaga ang ginawa niya, proud pa naman kami sa kaniya dahil siya ang pinakamatalino at umaasang makakakuha siya ng mataas na parangal, ngunit bakit kailangan niyang mandaya sa test?
Paypay-paypay ko ang sarili ko dahil sa subrang pawis nang biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Ci-L.
Andon na naman yung puso ko, subrang bilis ng tibok at kulang na lang ay lumabas ito sa subrang bilis.
"Snacks?" Tanong niya at inangat ang dalang paper bag at C2.
Hindi agad ako nakagalaw at natauhan na lang ako nang nandito na siya sa tabi ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong.
"Alam kong nagugutom kana, at saka ano yung message sa'yo ni Nami?" Tanong niya na ikinagulat ko. Paano niya nalaman ang tungkol don? "I saw her message when you open your phone lately," sagot niya.
Mabilis kong dinampot ang cellphone ko pero masabilis siya sakin kaya nakuha niya kaagad sa ibabaw ng armchair na inuupuan ko.
"Hmm... Are you afraid with her?" Tanong niya.
"I... I don't know..." Pag amin ko, hindi ko naman talaga alam kung matatakot ba ako sa banta niya o hindi.
Kasalanan ko bang nahuli siya? Kasalanan niya yun, nandaya siya eh. Deserve niya maparusahan.
"She deserve violence," sabi naman ni Ci-L, gulat akong tumingin sa kaniya.
"Ang sama mo," sabi ko bago kinuha yung dala niya.
"Why? Totoo naman na deserve niya yun, ang panget pa ng ugali niya," akala ko ay ako lang ang nakakapansin ng ugali ni Nami, siya din pala.
"Kahit na," sabi ko bago uminom ng C2, hindi na siya nakipagtalo at pinanuod lang akong kumain ng dala niyang burger.
"Gusto mo?" Offer ko ng C2.
"No, thanks, I already eat," sagot niya naman, hinayaan ko na siya don at kumain na ako, nagugutom na kase talaga ako, buti na lang dumating siya.
Nung wala na akong gagawin sa school ay umuwi na din ako, gusto niya pa sana akong ihatid pero may training daw sila kaya nauna na ako sa kaniya.
Hindi pa rin maiwasan ang mga tingin ng ibang istudyante samin, lalo pa't alam nila na walang interest sa babae si Ci-L, hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang din kaming naging close ni Ci-L.
Habang naglalakad ay napadaan ako doon sa gym kung saan madalas mag laban ang mga basketball player, naagaw ng atensyon ko ang malaking poster doon ni Ci-L.
"Ang pogi mo talaga," pasimple akong lumingon sa kaliwa at kanan bago mabilis na hinila yun, mabilis ko yung tinupi at nilagay sa bag.
Tili ako ng tili ng makarating sa bahay, bakit naman kase ang pogi-pogi mong lalaki ka, dinikit ko yun sa kisame ng kwarto ko para kapag matutulog ako ay nakikita ko yun.
Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame kung saan nakadikit ang poster niya nang biglang tumunong ang cellphone ko.
From: 09********87
7 pm, I'll wait in your village gate.
May hula na ako na si Ci-L yun kaya agad akong bumangon para ihanda ang susuotin ko.
When the night came, inasikaso ko na ang sarili ko. Naligo na ako at nagbihis,
Hindi na ako nag dress at heels dahil hindi naman kailangan, nagsuot lang ako ng t-shirt na black at short na black, dala-dala ko din ang sling bag ko na black.
I tie my hair using a black ribbon in a back and a subber shoes na kulay itim din, they said black is lonely color, black is devil but for me, it's my comfort zone, it gave me a happiness that I can't see in everyone. It helps me to have a positive mind, that color black is not only for bad things or person, it is also the way you think of this color, kung talagang masama ka, masama ka, kung mabuti ka, mabuti ka.
Not all white are good, yung iba ginagamit ang puti para maging malinis, ngunit hindi ba nila naisip na useless ang puti kapag gagamitin sa kulay puti din? Pero kahit na useless siya sa kakulay niya, merong itim na handa siyang tulungan at ipakita na kailangan siya at hindi useless.
White and black are very important color in our life, it gave balance in this world, again, black is not a bad color.
From: 09*******87
I'll pick you up.
Mabilis ang naging kilos ko paglabas ko ng gate ng bahay, hindi naman kalayuan ang gate ng village sa bahay namin kaya nilakad ko na lang yun.
Pagdating ko doon ay wala pa siya, kaya naghintay ako ng ilang minuto. Nanginginig ang kalamnan ko sa subrang excited, this is my first time, first time kong lumabas kasama pa ang crush ko, in my high school, I don't date a boy, feeling ko kase kapag pinatulan ko yung mga nagkakagusto sakin at hindi ko naman gusto parang ang unfair para sa kanila, kaya I don't date nung high school.
Dahil sa kaborduhan ay nag cellphone na lang ako at scroll sa Instagram, I saw his post 5 hrs ago, he's with his friends, they're having fun, natawa ako sa itsura ni Ivan dahil puno ng uling ang mukha niya. I guess talo siya.
Halos magulatang ako sa busina ng kotse, nang mamukhaan ko kung kanino yun ay agad akong napangiti, bumaba siya at dahan-dahang naglakad papunta sakin.
He's hair was fix, naka polo siya na naka tack in sa slacks na suot niya.
"Wow," bulaslas niya nang makitang itim lahat ang suot ko, "iba talaga kapag reyna ng kadiliman," natatawa niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto.
Pilit lang akong ngumiti sa kaniya dahil kinakabahan ako, pero hindi ko yun pinahalata sa kaniya, nang makasakay na siya ay pinaandar niya na ang kotse patungo sa pupuntahan namin.
"How are you?" Basag niya sa katahimikan, nakakabinging katahimikan kase ang namayani samin, walang nagsasalita.
"I'm fine, how about you?" Balik tanong ko.
"Ayus lang din," sagot niya, sandali ulit kaning natahimik bago siya nagsalita muli. "Bakit pala naka black ka ngayon? May lamay ba?" Tanong niya.
"Meron," sagot ko naman, bahagya siyang nagulat sa sagot ko, "yung patay kong puso, ililibing na nga siya mamaya eh," natawa kami pareho sa sagot ko.
"You're funny, broken kaba?" Tanong niya.
"Oo, broken sa crush na hanggang ngayon hindi niya alam na nag e-exist ako," natatawa kong sabi bago dumeretso ng tingin sa kaniya, kaso naka focus ang attention niya sa pagmamaneho.
"Who's that lucky guy?" He ask.
Ikaw.
Gusto kong isagot pero ayaw ko namang sirain ang gabing ito kaya umiling na lang ako bilang tugon.
Nakarating kami ng payapa sa cinehan, may bagong movie na gusto kong panuorin kaya naman doon kami pumunta.
"Ito din bang movie na'to ang gusto mong panuorin?" Tanong ko sa kaniya habang nakapila para bumili ng ticket. Umiling naman siya bilang sagot. "Huh? Eh ano pala?" Taka kong tanong.
"That one," turo niya sa isang poster na may title na 'Wednesday'.
Mabilis ko siyang hinila paalis doon sa kabilang linya at doon pumunta sa gusto niyang panuorin, ayaw ko naman na yung akin ang masunod, feeling ko naman maganda din itong palabas na'to.
"Sure ka?" Tanong niya, nakataas pa ang isang kilay.
"Ohm," I nod at him to confirm that I want to watch this movie. Napangiti naman siya at excited na bumili ng ticket, siya ang nagbayad ng para sa aming dalawa.
Bago kami pumasok ay bumili muna kami ng pwede naming kainin sa loob.
"This girl is like you," bulong sakin ni Ci-L.
"Eh?" Tanong ko, base kase sa title para siyang bata dahil naka braid ang buhok niya sa dalawa.
"Watch," nagsimula na ang movie at tama nga siya, mahilig sa itim si Wednesday, ayaw niya ng makukulay, hindi naman ako ganon, I like colors favourite ko lang talaga ang Black.
Wednesday is a brave girl, hindi nagpapatalo at kapag may gustong patunayan ay papatunayan niya, wala mang naniniwala sa kaniya patuloy niyang gagawin ang alam niyang makakabuti.
Nang matapos ang pinanuod namin ay nakangiti akong lumabas ng cinehan. It's already 9 pm.
"Ihahatid na ba kita?" Tanong niya.
"Ikaw bahala," sagot ko naman.
"No, dinner muna tayo," agad na lumawak ang ngiti ko ng marinig ko yun, tumango ako sa kaniya bilang tugon.
Nag drive siya sa pinakamalapit na restaurant, at ang ikinagulat ko pa ay sa restaurant na yun may poster niya na nakadikit doon, oh my gosh, gusto kong kunin huhu.
"Dito na lang tayo," mabilis akong tumango nang hindi inaalis ang paningin sa poster.
Dali-dali akong bumaba ng kotse niya at pasimpleng hinintay siya sa pintuan ng restaurant, pinagbuksan naman niya ako ng pinto at pinaunang pumasok.
Pagpasok namin ay naghanap agad kami ng bakanteng puwesto na pwede naming upuan, saktong pag-upo ko halos malalaglag ang mata ko sa subrang dilat dahil sa nakita.
May kahalikan si Namjil.
__________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro