Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

***

Para akong tanga na mabilis pumasok ng bahay matapos kong pumayag sa gusto niya.

Oh my gosh, I can't believe this is happening.

Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari. Bakit niya ako niyaya bigla na mag cine?

Bakit parang baliktad yung nangyayari sa'min? Diba dapat ako yung gumagawa ng paraan para makasama ko siya?

Inalis ko yun sa isip ko dahil baka masira pa ang araw ko.

Pagtapos maligo ay dumeretso ako sa study table ko para mag review, may sinalihan kase akong science quiz bee, kailangan kong mag review para naman kahit papaano may ambag ako sa mundo.

Ginawa ko ang lahat para pumasok sa isip ko ang nga binabasa ako pero hindi ako maka focus dahil hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kay Ci-L.

"Umalis kana muna sa isipan ko pakiusap," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa malaking picture ni Ci-L sa harap ko.

Sinubukan kong muling magbasa hanggang sa diko na namalayan ang oras at nakatulog na ako sa study table ko.

Gulat akong bumangon ng tumunog ang alarm clock ko, seven thirty na pala ng umaga, nine pa naman ang pasok ko kaya may time pa para mag asikaso, medyo masaki din ang batok at katawan ko dahil sa hindi tamang pagkahiga, naligo na agad ako para fresh pagdating sa room.

Hindi na ako nag pulbo ko kahit akong pampaganda sa mukha, hindi naman kase ako gumagamit non, ang advantage lang sakin ay clear skin ako at hindi dry o oily ang mukha ko, sakto lang, pawisin nga lang ako kaya madalas akong nagdadala ng panyo o kaya pabango sa bag.

Ang laman lang minsan ng pouch ko ay wallet at cellphone, hindi din nawawala ang ballpen sa bag ko, kahit saan ako pumunta laging may lamang ballpen.

Matapos mag asikaso at masiguradong maayos ang kwarto ko ay nilock ko na yun at umalis ng bahay.

Tuwing gigising na lang kase ako ay wala na sila Tito at Tita, nasa trabaho na sila na pinagpapasalamat ko naman.

Pagkatapos mag-asikaso ay pumunta na agad ako sa school, hinihintay na pala ako don ni Ian para daw makapaghanda pa ako.

"Ang tagal mo girl, para kang pagong kanina kapa namin hinihintay," sabi niya at hinila pa ako papasok ng room.

"Kinakabahan na nga ako eh," reklamo ko naman.

Pinaupo niya ako sa upuan ko at may sinasabi siya na diko maintidihan dahil sa kabang nararamdaman.

Mali pa lang sumali ako dito, hindi ko pala kaya, ano na lang isasagot ko don mamaya? Mag mini-mini-maynimo ako don?

Bahala na nga.

Huminga ako ng malalim para mawala ng pansamantala ang kabang nararamdaman, pero hindi pa rin.

"Jenna, makinig ka nga, kailangan mong manalo para sa scholarship mo okay?"

Isa pa pala yang dahilan kaya ako sumali, may possibilities kase na mawala ang scholarship ko kung hindi ako manalo dito, may isang taon pa bago ako maka-graduate kaya kailangan ko talagang manalo.

Sakto naman na yung review na ginawa ko, halos wala na nga akong tulog eh.

"I can do this," sabi ko sa sarili ko, "I can do this right?" Tanong ko kay Ian, "No, I can't," sinambunotan ko pa ang sarili ko.

"Sira ka bang babae ka?" Binatukan niya pa ako, "isipin mo na lang ha, kapag nanalo ka dito, hindi mawawala ang scholarship mo, kapag nanalo ka, may possibilities na mapansin kana ni Ci-L,"

Wala kang alam bakla. Manunuod nga kami mamaya eh.

Tumango tango na lang ako sa kaniya habang natatawa.

"Jenna, may naghahanap sa'yo," agad akong tumayo ng makita si Ivan, may hangover pa ata dahil sa kagabi.

"What!?" Tanong ko dito.

"Maldita mo naman, sasabihin ko lang na good luck," sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Wag ako Ivantot, kaya ka nandito hindi para sakin, kundi para sa ex mo," inirapan ko naman siya.

"Hindi ha, ikaw ang sadya ko dito," sabi niya pa, hinubad niya ang suot niyang bag at may kinuha doon. "Pang-pa good luck lang," inabot niya sakin ang ballpen na may nakalagay na Ci-L.

"Saan mo'to nakuha?" Tanong ko sa kaniya.

"Hulaan mo," nakangisi niyang sabi, sinamaan ko siya ng tingin. "Ninakaw ko sa kaniya haha," sagot niya.

Binatukan ko siya pero nagpapasalamat pa rin ako, pwede na rin siguro 'to pangpatanggal ng kaba kahit alam kong hindi siya manunuod.

Halos walang klase ngayon dahil nga sa activity ng school, sinamahan ako ni Ian at Ivan pumunta sa room kung saan gaganapin ang quiz bee. Pwedeng manuod doon kahit kailan nila gusto, kaso si Ian may date ata kaya hindi daw siya magtatagal.

Lagi na lang may date, hindi ba sila nagsasawa sa isa't isa?

"Kung may jowa ka, malalaman mo kung bakit lagi kaming lumalabas," sagot niya naman sakin.

"Ede wow," sagot ko, ako pa lang kase ang walang experience samin eh, bitter ko kase masiyado.

Nag lakad na kami papunta sa room, bumili muna si Ivan ng pwede niyang kainin.

"Ako talaga number one supporters mo, Jenna," sabi niya at inakbayan ako.

"Ay hindi kita kailangan, okay lang kahit wala akong supporter's," sabi ko pa.

"Nakaka hurt kana, yung ibang babae diyan nagkakandarapa makuha lang ako tapos ikaw, ouch," humawak pa siya sa puso niya na animo'y sinaktan ko.

"Tigil tigilan mo nga ako, don kana sa babaeng nagkakandarapa makuha ka lang, kay ako sawang sawa na sa pagmumukha mo," reklamo ko at nauna ng maglakad.

"Masakit yun girl," pang aasar pa ni Ian.

"Akala ko ba baklang Ian magkakampi tayo?" Tanong niya pa kay Ian.

"Hindi po ako kumakampi sa masiyadong mahangin kung magsalita." Sumabay na nga sakin si Ian.

"Bakit totoo naman sinasabi ko ah? Tanggapin n'yo na lang kase na pogi itong kaibigan niyo," dagdag niya pa.

"Matakot ka nga," si Ian.

"Kidlatan ka sana," sabi ko naman at inirapan siya.

Nakatulong naman sakin ang ulupong dahil panandaliang nawala ang kaba sa dibdib ko.

Kinain ko muna yung binigay saking pagkain ni Ivan bago pumasok sa room, marami ng tao doon at natakot ako lalo ng makita ang pinaka matalino sa batch namin na nandito din.

Siya ata ang magiging cum laude samin eh. Hindi ko na lang yun pinansin at pinaglaruan ang hawak kong ballpen, yun yung ballpen ni Ci-L na bigay ni Ivan sakin kanina.

Mukhang mamahalin pa kaya nakaka-panghinayang na gamitin. Pano kaya ito nakuha ni Ivan? Ako pa ata ang malalagot kung makita ito sa akin ng lalaki eh.

Pag ako talaga ginalitan, humanda sakin yang Ivantot na yan.

Tumingin ako sa labas ng room at nakita ko doon ang maraming istudyante, nakangisi sakin si Ivan habang pinag uusapan naman siya ng mga babaeng nasa likod niya. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapana, tinawanan naman ako ng ulupong.

"Good morning everyone," bati ng guro na magpapa-quiz samin ngayon, "I'm glad that you came here, sisimulan na natin ang quiz three minutes,"

Naghintay lang kami saglit, tumingin ako sa labas at gulat ng makita si Ci-L na nakatingin sakin at nakangiti.

Agad kong tinago ang ballpen na hawak ko pero huli na dahil nakita niya na yun.

Patay.

Binigay na samin ang test paper na sasagutan namin, tumingin ulit ako sa labas.

"Kaya mo yan," Ivan mouthed.

Huminga ako ng malalim at sinimulang sagutan. Finocus ko ang sarili ko para may masagot naman ako kahit papaano.

Sumasakit ang ulo sa mga tanong na nakalagay sa test paper dahil subrang hirap ng mga tanong.

Lord kunin niyo na lang po ako.

Hindi pa pala pwede, manunuod pa kami ni Ci-L ng cine mamaya, binabawi ko na Lord, nawa'y matapos ko ng payapa ang test na ito at makapasa. Yan na lang ang dalangin ko.

Bawat tanong na binabasa ko ay hindi maintidihan, paulit-ulit ko pang binabasa para maintidihan ko, naramdaman kong may nakatingin sakin. Malamang meron talaga, tumingin ulit ako sa bintana at nakita ko si Ci-L na nakatingin sakin at seryusong-seryuso siya.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing hindi pala siya sakin nakatingin, kundi doon sa babaeng pinakamatalino sa amin, bahagya din akong napatingin doon at laking gulat ko ng makitang may binubuklat siyang papael sa ilalim ng lamesa.

"Ahem," tumikhim ako na ikinagulat niya, nagtinginan sakin ang lahat pero nagkuwari akong umubo.

"What's that miss Nami?" Tanong ng guro, kinakabahan namang nabitawan ni Nami ang papel, lumapit sa kaniya ang guro.

"M-ma'am," kinakabahan niyang sabi.

"I'm so desapointed with you Miss Nami, you'll be disqualified, get out of this room, NOW!!!" Masamang nakatingin sakin si Nami bago lumabas ng room, kitang-kita ko ang pagkagulat ng lahat ng makita siyang lumabas.

Rinig ko pa ang bulungan ng iba sa labas ng room maging dito sa loob.

"Continue answering!!"

Pinagpatuloy ko ang pagsagot kahit hindi ako sigurado sa mga sinasagot ko, pagtingin ko muli sa labas ay nakangiti si Ci-L na nakatingin sakin at mas lumawak pa yun nang magsalubong ang mata namin. Napangiti na lang din ako bago muling sumagot.

Nauna na akong nagpasa ng answer sheet, gulat pa nga ang iba na ako yung unang natapos, bumalik ako sa upuan ko at hinintay silang matapos lahat, bawal kase lumabas kapag hindi pa tapos ang lahat sumagot. Nagugutom na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagulat ako sa message sa messenger ko.

"You'll pay for what you do to me." — Nami.

___________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro