Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2

***

"Ano ba Jenna, can you please be careful?" Inirapan ko lang si Namjil bago patuloy na lumabas ng bahay para mang stalk na naman kay Ci-L, sinadya ko lang naman kaseng buhusan ng kape ang damit niya.

Patakbo akong lumabas ng bahay patungo sa gym, nandoon na si Ian at hinihintay na lang ako, kasama niya ang boyfriend niyang supportive sa mga kalukuhan namin.

"Hi Jenna," bati nito sa'kin.

"Hello Jefferson," balik bati ko bago umupo sa tabi ni Ian.

"Bakla ka, tagal mo, magsisimula na ang laro," sabi niya at hinampas ako.

"Masakit gago." Hinampas ko din siya bilang ganti.

Dala-dala ko ang camera ko dahil hindi ito pwedeng mawala sa akin, kailangan ko ito.

Tinawag na sila isa-isa, number 17 ang jersey number niya, halos tumalon ako at makipagsabayan sa ibang humahanga dahil favourite number ko ang isa na nasa jersey niya.

"Bakla ka, ang gwapo ni papa Ci-L," tinulak pa ako ni Ian kaya natamaan ko yung babae sa baba ko.

"Sorry miss," sabi ko na lang, inirapan n'ya lang naman ako, muntik ko na siyang masapak kung hindi lang ako pinigilan ni Ian.

"Tarantado," bigla kong nasabi, halos lahat ng nakarinig ay tumingin sa'kin, pilit akong ngumiti na parang walang nangyari.

"Ci-L Frous, three points," nagtatatalon pa yung mga babae sa parte namin, samantalang ako ay parang walang pakialam.

"Ayus din mag laro si Ivan ha," puna ni Jeff, si Ivan ay kaibigan din namin na ka-team nila Ci-L.

"Buti kamo 'di siya competitive," sabi ko naman.

Si Ivan parang easy lang sa kaniya, alam niyang fan na fan ako ni Ci-L, hindi naman ako kilala ng lalaki dahil sabi ko ay wag ako ipakilala, mas gusto ko kase na sila-sila lang na kaibigan ko ang nakakaalam na crush na crush ko si Ci-L.

Crush lang naman, hindi naman ako umaasa na magugustuhan ako ni Ci-L, alam ko kung hanggang saan lang ako, at hangga't wala siyang nagiging girlfriend ay hindi ako titigil sa pagsuporta at paghanga sa kan'ya.

Naging parte na siya ng buhay ko kaya alam kong mahirap bitawan agad-agad yung nararamdaman ko para sa kaniya.

Malabo ng makahabol ang kalaban dahil 76, 88 na ang score, kinuha ko ang camera ko ng matapat si Ci-L sa score at uminom ng tubig, lumapit naman si Angel na girlfriend ni Ivan para bigyan ito ng tubig at bimbo kaya lang iniwasan ito ni Ivan.

"Nag away ata," natatawa kong sabi matapos kuhaan ng picture si Ci-L.

"Deserve," sabi naman ni Ian at tumawa, sinaway naman siya ni Jeff at ayun na nga, nag away na din sila.

Kesyo hindi daw dapat tinatawanan, dapat daw tulungan pa namin para magka ayus ang dalawa, sanay na kami sa ganong set up ng dalawa dahil ang sabi nga 'basta basketball player babaero' pero napatunayan ko yun na hindi lahat ng basketball player ay babaero, dahil hindi naman ganon ni Ci-L.

"Nagugutom na ako," reklamo ko.

"Ako din," sabi ni Ian, wala ng nagawa si Jeff kundi bilhan kami ng pagkain, lumapit naman samin si Angel na nakasimagot.

"Babae?" Tanong ko pagkaupo n'ya sa tabi ko. Tumango naman siya na ikinatawa ko. Sinamaan n'ya ako ng tingin at tumigil na ako.

"Kung babae, bakit siya ang galit?" Tanong ko.

"Inaway ko kase yung babae n'ya tapos pinsan n'ya pala," halos mamatay kami katatawa ni Ian dahil sa sinabi n'ya.

"Ang tanga mo naman girl," sabi ni Ian at hinampas pa ako.

"Ako ba ang tanga? Bakit ako ang hinampas mo?" Tanong ko at hinampas din s'ya.

"Magkaka-ayus din yan kayo," sabi ko at nanuod na ulit dahil pumasok na naman si Ivan at Ci-L.

Talon ng talon si Angel dahil nakakapasok lahat ng tira ni Ivan at Ci-L.

"Galing," sabi ko.

Patuloy lang ako sa pagkuha ng mga larawan ni Ci-L, minsan ay tumatabi pa si Ivan dahil alam n'yang pini-picturan ko si Ci-L.

"Puntahan mo na si Ivan, ibigay mo itong tubig," utos ko kay Angel, natawa naman s'ya sa nakasulat sa tubig pero sumunod pa rin.

Pinagmasdan ko s'yang bumaba ng bench at lumapit sa boyfriend n'ya. Kitang-kita ko ang pagngiti ni Ivan ng abutin ang tubig at tumingin sa gawi namin.

Hindi na bumalik si Angel dahil doon na s'ya umupo sa upuan nila na expected kona na mangyayari.

Andami ko ng shot's ng picture ni Ci-L sa camera ko, yung iba hindi maayos dahil tumatabi sa kan'ya si Ivan na babatukan ko na kapag nakalapit ako.

"Kainis talaga itong si Ivan, mababatukan ko na talaga ito mamaya," reklamo ko.

"Mamaya na kapag kakain na tayo haha," tumatawang si Jeff, inirapan ko lang s'ya at patuloy na ulit na nanuod.

Expected na namin na manalo sila, kaya yun nga ang nangyari, malawak ang ngiti ni Ci-L dahil s'ya na naman ang best player of the year.

Masaya rin ako para sa kan'ya, nakangiti akong pumalakpak ng tinawag sila para bigyan ng award.

Niyakap pa ni Ivan si Angel at kumaway sa amin, akala naman nung ibang mga babae ay sila ang kinakawayan ng lalaki.

Pilingon haha

Matapos manuod ay hinintay na lang namin si Angel at Ivan na lumabas ng court para kumain at e-celebrate ang pagkapanalo nila.

"Hi Jenna," tawang-tawang bati sakin ni Ivan, agad ko siyang sinugod at binatukan. "Aray ko masakit, Jenna, masakit nga," reklamo n'ya dahil sinakal ko na siya, wala namang nagawa si Angel kundi tumawa lang.

"Siraulo ka, alam mo na ngang kumukuha ako ng picture patabi-tabi ka rin, dati ka bang nakatira sa mental!?" Inis kong sabi at mas lalo pa siyang sinakal.

"Bakla tama na yan, baka mapatay mo yan si Mima Angel ang papatay sa'yo," tumatawang si Ian.

"Pasalamat ka mabait ako," sabi ko at binitawan s'ya, kahit nasasaktan na siya ay nakuha n'ya pa rin akong tawanan.

"Maganda ba mga kuha ko diyan?" Inirapan ko s'ya at itinago ang camera ko.

Naglakad na kami patungo sa kakainan namin, libre daw lahat ni Ivan dahil panalo sila kaya pumayag na din kami, although kaya naman naming magbayad ng kakainin namin, pero dahil minsan lang mangyari na manlilibre siya ay pinatos na namin.

"Bakit hindi ka sumama kayla Ci-L mag celebrate?" Tanong ko.

"Tapos magagalit kayo kase 'di ko kayo sinamahan?" Tumawa naman ako sa sagot n'ya.

Umorder na kami agad pagdating namin sa restaurant na kakainan namin, yung pinakamahal na ang pinili namin dahil minsan lang ito mangyari.

"At talagang mahal pa inorder n'yo ha," reklamo ni Ivan.

"Buti pa yung pagkain mahal, yung isa diyan hanggang ngayon deadma parin sa crush niyang basketbalista haha," pangangasar ni Jeff.

"Shut up JEFFERSON!!" Inirapan ko lang sila dahil ako na naman ang pinagti-tripan.

"Bakit kase don kapa nagkagusto sa walang interest sa babae?" Tanong ni Angel.

"Ano bang pakialam n'yo sa love life ko?" Kinuha ko ang tubig at uminom habang patuloy nila akong pinagtatawanan.

Diko din naman alam kung bakit s'ya ang nagustuhan ko eh.

Matapos kumain ay nagpaalam na din kami sa isa't isa, may mga date pa ata sila. Nauna na akong umuwi dahil may pupuntahan pa ako.

Dumeretso ako sa Wednesday Café para bumili ng milk tea.

"Dark chocolate and pakidagdagan ng pearl," order ko at naghintay na lang sa table, kinuha ko ang camera  ko at tiningnan ang mga picture na kinuha ko kanina.

Napangiti ako ng bahagya, may bago na naman akong idadagdag sa album ko. May ginawa kase akong album na puro picture n'ya lang.

Pagdating ng order ko ay binayaran ko na agad bago lumabas ng café, sakto namang nakita ko s'ya na pumasok sa isang Mall, agad akong tumakbo para maabutan ko si Ci-L.

Palinga-linga pa ako pagpasok ko ng Mall dahil subrang laki non, kukunan ko lang s'ya ng picture.

May dala s'yang bag at naka t-shirt na itim, agad ko s'yang nakita na agad ko din namang sinundan.

Halos mapa atras ako ng makitang may kasama s'yang babae, agad kong kinuha ang camera ko at kinuhaan sila ng picture.

Baka magaya ako kay Angel na maling akala, mas mabuting alamin ko muna kung sino s'ya.

Umalis na ako don na parang walang nakita, sipsip-sipsip ang dala kong milk tea, balewala akong naglakad palabas ng Mall.

Akala ko payapa na akong makakalabas ng biglang may bumangga sakin kaya nabitawan ko ang hawak kong milk tea at nabuhusan ang kan'yang damit.

"S-sorry po," kinakabahan kong sabi kahit hindi naman ako yung may kasalanan.

"No, that's my fault, sorry miss," naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun, dali-dali kong inangat ang ulo ko at sumalubong sakin ang mukha ni Hanz.

Bakit nandito s'ya?

"Miss, are you okay?" Tanong n'ya pa.

Nabalik ako sa ulirat ko at inayos ang sarili.

"A-ayus lang ako," mabilis kong sabi at may kasama pang tango.

"Good, sorry ulit," sabi n'ya at mabilis na umalis sa harapan ko.

Bakit nandito siya? Akala ko ba nandoon siya sa Cebu dahil doon na siya mag-aral? At bakit parang hindi niya ako kilala?

_________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro