Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12

***

"Anong flavor, Jenna?" Tanong ni Ci-L, natulala ako sa kaniya dahil ang ganda pala pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang nagsasabi.

"A-ahm... Cookie's and cream na lang," sagot ko naman. Gusto ko sana ng chocolate kaso nakita kong hindi available kaya ayan na lang.

Umupo ako sa upuan na nandon sa store na binilihan namin ng ice cream, habang si Ci-L naman ay namimili pa ng pwede naming kainin, habang si Ivan naman ay kinausap muna si Angel, haysttt sana all may love life 'di ba?

"Hey, asan si Ivan?" Nanlamig na naman ako sa boses niya, hindi mapakali ang katawan ko dahil kinakabahan, may parte na gusto ng umalis may parte naman na gustong manatili at makasama pa siya.

Tipid kong tinuro ang kinaroroonan ni Ivan at napatango na lang siya ng makitang may kausap ito.

"Angel?" Tanong niya na tinanguan ko na lang. Ayaw kong magsalita dahil alam kong manginginig ang boses ko at mauutal, lalong hindi kami makakapag-usap ng maayos.

"Are you a introvert person?" Natatawa niyang tanong.

Kung alam mo lang, kapag nakilala mo ako ng lubusan masisira buhay mo.

"H-hindi naman," sagot ko naman, inabot niya sakin yung ice cream ko at ilang chitchirya.

"Hindi ko alam na mag kaibigan pala kayo ni Ivan, hindi naman niya kase sinasabi," napanganga na lang ako dahil sa hindi ko alam kung anong idadahilan sa kaniya, ako naman kase ang nagsabi sa kanila na huwag nilang sabihin eh.

"Asan yung ice cream ko?" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Ivan. Inabot naman sa kaniya ni Ci-L ang Ice cream niya at sinimulan 'yung lantakan. "Anong topic natin?" Tanong niya pa habang dinidilapan yung ice cream niya.

"Nag away na naman kayo ni Angel noh?" Hula ko.

"Hindi," tanggi naman niya.

"Sus Ivan, 'wag ako," sabi naman ni Ci-L at kumain ng Chitchirya.

Sandali pa kaming nagkwentuhan doon hanggang sa maubos ang ice cream namin. Hindi naman tumigil kakatawa si Ivan at kung ano anong kinukwento kay Ci-L tungkol sakin, nilaglag ba naman ako.

"Alam mo bang si Jenna ay may-"

"Sige ituloy mo, nang tumagos ito sa lalamunan mo," banta ko dito na nagpatigil sa kaniya.

"Ang sama mo talaga, para yun lang naman papatayin mo'ko," nakasimangot niyang sabi.

"Oo, talagang papatayin kita," pinanlakihan ko pa siya ng mata. Inirapan niya lang ako at patuloy na kinausap si Ci-L sa ibang bagay.

Hayop talaga.

Nung malapit ko na maubos yung kinakain ko ay bigla namang may tumawag kay Ivan. Tumingin siya saming dalawa at nagpaalam na sasagutin lang ang tawag.

"Jenna," tawag sakin ni Ci-L, nilingon ko siya at may nakita akong kinukuha niya sa kaniyang bag.

"Bakit?" Sa ngayon hindi na ako kinakabahan na kagaya kanina, kunti na kang pero kaya ko pa namang magpanggap.

"Here, libre ko na'to sa'yo, hindi kase makakapanuod ng laro namin sa lunes kapag walang ticket, so meron naman akong extra dito na nakuha ko kaya sa'yo na lang," gulat akong napatingin sa inaabot niya at dahan-dahan ko yung kinuha mula sa mga kamay niya.

Bakit hindi ko alam na may laro sila? Epekto ba ito ng pag iwas ko sa lahat?

"Seryuso ka ibibigay mo sa'kin ito?" Tanong ko.

"Oo, VIP ticket 'yan," nakita ko nga. Malawak akong ngumiti sa kaniya at nag pasalamat.

Ngumiti naman siya sakin pabalik, hindi ko inalis ang tingin ko sa ticket, kung ako mismo ang magpipilit kumuha nito malamang na mahihirapan pa ako, dadaan ako sa maraming tao para lang makakuha, makikipagsiksikan at higit sa lahat mahal.

Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa at wala akong balak kausapin siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kahit sino naman siguro kapag nandiyan yung ultimate crush mo hindi ka makakapagsalita ng maayos at mauutal ka, kagaya ko, kaya mas mabuting manahimik dahil baka madulas mahirap na.

Gustong gusto ko siya kausapin pero hindi ko alam kung ano ang itatanong o kung ano ang bubuksang topic para magkausap kami.

"Guys, I need to go, maiwan ko muna kayo."

"Tek-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay kinuha niya na ang bag niya at umalis. Hindi man lang sinabi kung bakit umalis kaagad eh.

"Anyare do'n?" Tanong ni Ci-L.

"Aba'y malay ko, kita mong magkasama tayo," bigla ko na kang nahawakan ang bibig ko, ayan na nga lumalabas na ang kadaldalan ko.

Natawa siya at napailing sa sagot ko, hiyang-hiya akong tumalikod sa kaniya.

"Sabi ko nga," kinain niya naman yung huling laman ng Chitchirya niya habang ako ay hindi pa rin maka move on.

Bakit ba nagsasalita na lang ako ng hindi nag iisip? Baka isipin niya na feeling close ako huhunesss, anong gagawin ko?

"Cute," sabi niya bigla, dahan-dahan naman akong tumingin sa kaniya pero hindi naman siya sakin nakatingin.

Kainis.

Napairap ako sa kawalan at inis na kinain yung chitchirya ko. Akala ko pa naman ako na yung cute bwisit. Minsan na nga lang ako makarinig ng compliment at sa kaniya pa sana kaso hindi naman pala ako bwisit talaga.

Gusto kong sumigaw sa subrang inis dahil sa sinabi niya, nagiging walang kwenta tuloy para sakin yung compliment niya na hindi para sakin.

"Hindi kapa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya dahil wala ata siyang plano.

"Bakit, pinapaalis mo na agad ako?" Nakangiti niyang tanong.

"H-huh? H-hindi ah," bwisit, ba't ba nauutal pa din ako? Nakakainis eh.

"Ede hindi pa, maglalaro pa ako ng basketball, ikaw ba?"

"Katatapos niyo lang maglaro 'di ba?" Taka kong tanong, kaya nga 'di nakasalubong ko sila dahil katatapos lang nila sa practice? Sipag naman nito maglaro.

"Ohm," sagot naman niya, "sama ka?" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya. "Taga abot ko lang ng tubig." Dagdag niya pa, kung gaano ako kabilis nagulat kanina, ganon din ako kabilis napairap.

Ginagago ba ako ng isang Ci-L?

Hindi porket crush ko siya pwede niya na akong ganiyan-ganiyanin, gusto ko siyang patayin, aughhh.

"Mag-isa ka," sagot ko naman.

"Joke lang, ito naman 'di mabiro," natatawa niyang bawi.

"Ay hindi po ako pwedeng biruin," inirapan ko siya.

"Ihipan sana ng masamang hangin 'yang mukha mo para ma-maintain yang pag-irap ng mata mo," gusto kong umirap kaso dahil sa sinabi niya pinigilan ko, kaya ang ginawa ko ay sinamaan siya ng tingin.

"Tse," sagot ko naman, tinawanan lang naman niya ako, shitt bakit ba kahit simpleng tawa niya lang ay nakakaakit?

"Joke lang nga lang eh, tara, samahan mo'ko mag basketball?" Seryuso niyang sabi, akala ko ba ayaw niya sa girls?

"Hindi ba ayaw mo sa mga babae?" Taka kong tanong. Sandali siyang natahimik bago sumagot.

"Babae kaba?" Mabilis kong kinuyom ang kamao ko at handa na siyang suntukin.

Nambu-bwisit na ako ha, isa pa, isang isa na lang.

"Nakakasakit ka ha," reklamo ko.

"Joke lang, tara na kase," nauna na siyang tumayo at kinuha ang kaniyang bag, huminga muna ako ng malalim bago tumayo, hinanap ko yung mga paper bag na pinamili ko, pero hindi ko makita sa pinaglapagan ko kanina. "Ito na, tara na," sabi ni Ci-L at nauna ng maglakad.

"Hoy akin na 'yan," inagaw ko sa kaniya yung paper bag ko pero mabilis niyang itinaas.

"Ayaw," sagot niya naman. Huwag niyang sabihing matangkad siya.

"Ibaba mo, palibhasa matangkad ka lang eh," sabi ko naman at pinipilit abutin ang paper bag ko. Matigas pa rin siya at ayaw niya talagang ibaba, tumalon talon pa ako para makuha yun kaso matangkad talaga siya kaya 'di ko maabot.

"Matulog ka kase lagi ng tanghali para naman tumangkad ka," natatawa niyang sabi.

"Bwisit ka talaga," inis kong sabi sa kaniya at sinuntok siya sa dibdib bago inabot ang paper bag at sa kasamaang palad ay napatid ako sa 'di ko malaman kung saan kaya napa dapa ako sa dibdib niya, ang kaso dahil mabigat siguro ako kaya natumba rin siya.

Ang lagay ay nakadapa ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakahiga sa lupa.

Rinig na rinig ko ang malakas ba pintig ng puso niya, shocks ang tigas ng muscle niya.

The fuck, Jenna mahiya ka naman.

________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro