Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Thinking about my crush is like riding a roller coaster of emotions. There's that initial rush of excitement whenever I see him or even just think about him. It's like my heart skips a beat, and I can feel this fluttery sensation in my stomach. Oo, totoong parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan sa tuwing makikita ko siya, o makakasabay. Parang tanga nga kasi nung una'y akala ko gutom lang, pero nang minsang makita ko siya pag labas ko ng canteen after lunch break, doon ko napatunayang malalang crush nga ito. Syempre, busog na ako 'nun, 'eh. Ano pa bang magiging dahilan ng pagkakagulo sa aking sikmura?

"Guwapo naman si Pan, ah!" Malakas na sabi ni Autumn, agad siyang hinampas ni Winter sa braso at sinenyasan dahil nasa komedor lang sina Nanay at Tatay, baka marinig ang pinag-uusapan namin. Hindi naman sa nagagalit sila, pero hindi natutuwa si Tatay kapag guwapo guwapo, crush crush ang topic naming magkakapatid. Humina ang tinig ni Autumn nang dugtungan ang sinabi. "Bakit hindi mo bet? Eh, 'di ba close naman kayo? Atsaka, mabait 'yun!"

I rolled my eyes, muling kinagatan ang Toblerone na aking hawak. Nilingon ko si Autumn na abalang iniisa-isa ang mga bulaklak na nakatambak sa living room, si Winter naman ay binabasa ang mga cards na nakakabit sa mga iyon. They were all for Spring, walang para sa amin, pero kami ang nakikinabang. Lalo na ako, sa akin lahat ng chocolates.

"Ayaw ko lang," pilit kong sagot nang muli akong balingan ni Autumn, naghihintay kasi ng sasabihin ko. Si Pan, o Juanito Pancho ang tinutukoy niya. He was my friend since I could remember, kaklase ko kasi ito simula pa elementary. Mabait, matalino, at well, okay, cute naman si Pan. Kaya nga nagtataka itong sina Autumn at Winter dahil hindi ko pinayagang manligaw sa akin si Pan.

Hindi ko maiwasan ang mainis tuwing maaalala ko ang ginawa ni Pan. It was last week, Valentines Day and also my birthday. Nakakahiya kasi may paganap itong inihanda, with flowers, chocolate and everything. Tinanong ako nito, sa harap ng mga kaklase namin, kung maari ba ako nitong ligawan. I really didn't like being put on the spot. Hindi naman sa nagmamaganda ako dahil alam kong hindi talaga ako maganda, pero hindi ko nagustuhan ang ginawa nito. I felt so embarassed, kita mo't maging ang mga kapatid ko'y alam ang pakulo nito, to think na hindi ko naman sila mga kaklase. I was part of the special Science class, sila namang tatlo ay sa top section ng regular class.

"Ayaw mo, because?" Hindi pa rin ako tinigilan ni Autumn, na ngayon ay isa-isa nang pinipilas ang petals ng rose na hawak para iipit sa isa sa mga librong never naman nitong binasa.

Anong bang isasagot ko? Bakit ba ayaw ko kay Pan? Of course, I know why I don't like Pan. It's because I like someone else. Pero hindi ko maaaring sabihin sa kanila iyon dahil tiyak na mas dadami ang katanungan nila, lalo ni Autumn. And no, I don't plan on telling them who I really like. Ni hindi ko pa nga naaamin sa sarili ko ng husto na gusto ko nga si Rance.

Ah, yes, I like Rance! Mas dumiin ang kagat ko sa Toblerone out of frustration. Tulad ni Pan ay matagal na kaming magkaibigan ni Rance, we were best friends actually. Hindi ko na halos matandaan kung paano kami naging magkaibigan, but we had been in each other's lives like siblings should. Rance was there when I panicked after getting my first period during Math class in fifth grade, agad niya akong pinuntahan sa classroom ko nang tinext ko siya. He was a year higher, but that didn't stop him from being present every time I needed him. Ibinigay niya sa akin ang varsity jacket niya so I could tie it around my waist and hide the stain my period left on my skirt.

And I was there when he needed someone to bring piles of his assignments the time he skipped classes because he was circumcised. Oo, supot pa 'yang si Rance ay crush ko na!

You see? We weren't just friends. We were really really good friends.

"Ayaw ko lang," bagot kong sagot kay Autumn.

Maging si Winter ay sinulyapan na ako at pansamantalang itinigil ang pagbabasa ng cards, nasisiguro kong ginagawa lang nito 'yan para i-check kung pati ang crush nitong si Trigger ay isa sa mga humahanga kay Spring. Tumaas ang kilay nito na para bang gustong dagdagan ko pa ang sagot ko.

"Ayaw ko kasi mabait si Pan at magkaibigan kaming talaga. Hindi ko gugustuhing tawirin namin iyon sa mas higit pa dahil sayang naman ang pagiging magkaibigan namin, 'di ba? Kung masisira lang dahil pinilit naming subukan."

"Eh, malay mo naman mag-work kayo ni Pan kung jinowa mo!" Si Autumn pa rin iyon.

Muling napa-ikot ang aking mga mata. We're both fourteen. What do we know about relationships? Paniguradong kung papatulan ko man si Pan ay walang isang buwan magbe-break rin kami. Oh, tapos? Anong mangyayari sa amin? I'm sure we can't easily go back to being friends, it will be awkward for both of us. Isa pa, si Rance nga kasi ang gusto ko! Well, hindi ko naman sinabing gusto kong gawin boyfriend si Rance ngayon. Tulad ng katwiran ko sa kay Pan, ay ganoon rin naman kay Rance. Mga bata pa kami, it would only ruin the foundation of friendship that we had built through the years.

"Ang babata pa natin para isipin 'yung ganyan," napasimangot ako nang mapansin na paubos na pala yung chocolate na hawak ko. Bitin! "I knew it wouldn't work. Tapos ano? After that, hindi na kami magiging magkaibigan ulit ng wala sa amin ang maiilang o mahihiya. It's not worth the risk. I rather us stay friends without the complexity of early stages relationships."

Tumango-tango si Winter, sumasang-ayon. "So, hindi ka talaga magpapaligaw o magkakagusto man lang sa mga kaibigan mo?"

"Hindi,"

"Si Pan ba kaibigan mo pa rin after what he tried on you?"

"Oo naman," tumayo ako upang itapon ang balat ng chocolate sa maliit na bin na pinaglalagyan ni Autumn ng mga tangkay ng bulaklak. "But now that I'm aware of his feelings for me, siguro'y hindi na kagaya ng dati. Hindi ko naman siya iiwasan, pero alam mo 'yun? Maiilang na ako. Alam ko namang lilipas rin itong pagka-ilang ko sakaniya. Hindi ko lang sigurado kung kailan."

"Kawawang Pan, nabasted na nawalan pa ng friend," Autumn shrugged, taking another stem of rose from the table. Ako nama'y bumalik sa sofa at umabot ng isa pang chocolate, Cadbury naman ngayon. "Akala ko pa naman si Spring lang ang maganda, si Summer rin pala."

Umingos ako, hindi agad makasagot kasi ngumunguya pa ako ng tsokolate. Hindi ako maganda, hindi talaga. Sa totoo lang, I consider myself to be the least attractive out of us four. Kahit kasi kambal kaming apat ay hindi naman kami totally identical. Sa buhok pa lang, eh. I have the lightest shade of blonde, si Autumn naman ay mas dark, medyo auburn na kung masisinagan ng araw. Spring had champagne blonde hair na pinapatungan nito ng itim na dye just so Winter wouldn't feel so left out for being the only one with ebony hair. We all had our best features, but Spring had the most perfect and almost divine. Hindi ko lang alam kanila Autumn at Winter, pero ni minsan ay hindi ko kinainggitan iyon kay Spring. Masaya akong maganda siya at hindi ko hinahangad na sana'y ganoon rin ako.

Sinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok, medyo napangiwi ako kasi may sabit. Hindi ko rin kasi ginagamitan ito ng conditioner kahit pa pinapagalitan na ako ni Nanay. Sa aming apat, ako rin ang hindi pala-ayos. Ito kasing mga ito'y parang mabilis nagdalaga, lalo na si Autumn, twelve pa lang kami nag-li-lipgloss na 'yan. Samantalang ako'y umuuwi pa sa bahay tuwing hapon ng tagaktak ang pawis dahil sa pakikipag-horse racing kay Rance sa rancho nila.

"Summer is pretty naman talaga," Winter smiled at me, arranging the cards in a pile. "Kung everyday lang siya maliligo ay mas gaganda pa."

"Hoy! Araw-araw naman na akong naliligo simula nang reglahin ako!" Depensa ko.

"Sus! Kung hindi pa magagalit si Nanay ay hindi ka susunod," ingos ni Autumn. "Kung puwede lang kamong paliguan ka niya kagaya nang mga bata pa tayo'y ginawa niya na masiguro lang na naghihilod ka. Paano naman kasi, wala pang five  minutes tapos na maligo. Anong klase 'yan?"

"Kasalanan ko bang mabilis lang ako kumilos," palibhasa kasi siya'y kulang ang isang oras kung maligo. Sure akong nag-iimagine pa 'yan sa banyo na may boyfriend siyang artista. O 'di kaya'y mag-fi-feeling Taylor Swift belting the bridge of Cruel Summer.

"Hindi pa rin ako naniniwalang dahil sa magkaibigan kayo kaya 'di mo pinayagan manligaw si Pan," binalikang muli ni Autumn ang usaping iyon. Ano ba naman 'to?! "Baka may iba kang crush,"

Bigla akong kinabahan, lalo pa nang makuha ng sinabi niya ang atensyon ni Winter. She raised a brow, waiting for my confirmation.

"Si Rance ba? Si Rance, noh?!" Binitawan ni Autumn ang mga bulaklak atsaka ako tinabihan sa couch, siniko ako ng bahagya. "Crush mo si Rance?!"

"Kadiri," I remained nonchalant, para hindi naman obvious na ang bilis ng tibok ng puso ko matapos niyang banggitin ang pangalan ni Rance.

"Paano kung si Rance 'yung gumawa ng ginawa ni Pan sa'yo? Papayagan mo ba manligaw, o basted rin? Maiilang ka rin ba after? Hindi mo rin papansinin kagaya ng ginawa mo kay Pan?" Magkakasunod na tanong ni Autumn, daig ko pa na-ambush ng press. Artista siguro ako nung past life ko, tapos si Autumn naman ay paparazzi.

"Syempre hindi," sabi ko. Hindi naman ako nagsisinungaling, kahit pa gusto ko si Rance ay hindi ko pa rin ito papayagan manligaw kung sakali, na siyang alam ko ring malabo. Hindi ako 'nun magugustuhan. Unlike Autumn, wala pa sa isip ko ang boyfriend boyfriend na ganyan. "Tropa kami 'nun ni Rance, sayang pinagsamahan namin kung masisira lang dahil sinubukan namin jowain ang isa't isa. Atsaka, kadiri rin. Masyado namin kilala ang isa't isa."

"Oh, 'di ba mas okay nga 'yun?" Winter chimed in. "Mas madali kasi you already know how to treat and be with each other."

"As friends," I nodded. "Hindi pa ako nagkakaron ng boyfriend pero nasisiguro kong ibang-iba ang tratuhan ng magkarelasyon sa magkaibigan."

"But I think it's cute to start off as friends and then something else,"

Siguro. Pero hindi sa ngayon, may panahon naman sa mga ganyang bagay. Ano bang malay ko kung bukas makalawa hindi ko na crush si Rance, 'di ba? Parang si Andrew Garfield, I used to have a big crush on him nang mapanuod ko ang Amazing Spider Man, ngayon okay na lang. Guwapo pa rin siya, pero hindi ko na pinapangarap maging si Gwen Stacy. Kumbaga sa madaling sabi, lumipas na.

Lilipas rin 'to.

But not this soon. Not at the moment! Dahil ramdam na ramdam ko ang bilis ng aking puso nang mula sa komedor ay sumungaw si Nanay para sana silipin kami, ngunit ang kaniyang atensyon ay napabaling sa nakabukas na double door.

"Rance, nandyan ka pala. Kanina ka pa ba diyan?" Nanay asked.

Mabilis na binalikan ng dalawa ang kani-kanilang ginagawa, ako nama'y tumayo upang silipin ito habang inaalala kung may usapan ba kaming dalawa ngayong araw. Sa pagkakatanda ko'y wala.

"Hindi po, Tita Elle. Kadadating ko lang po."

Mas bumilis pa ang tibok ng aking puso nang marinig ang malalim na tinig ni Rance, habang tumatagal ay nagbabago na ang boses nito. Mas lumalaki, nagiging buo. I wonder if I have noticeable changes too, siguro'y wala. Kung meron man ay hindi ganoon kaprominente.

Humigpit ang hawak ko sa Cadbury nang makita ang ayos ni Rance, he was standing at our doorstep looking like an angel straight from heaven. Ngunit hindi ang maamo niyang mukha ang siyang natutukan ng aking atensyon, kundi ang hawak niyang isang bugkos ng sunflower. I could already feel my heart breaking dahil alam kong hindi para sa akin ang mga iyon, and what made it worse was that I knew exactly who they were meant for.

"Oh, pumasok ka sa loob," Nanay let him in, sinalubong ko siya. "Ang ganda naman ng mga bulaklak na dala mo,"

"Ah, yes. Mom picked them this morning," Rance glanced at me, pinilit kong ngumiti. "Is Spring there? I wanted to congratulate her for winning Miss High School the other night."

Yeah, already knowing it was for Spring didn't cushion the blow.

Tumikhim ako at inabot iyon mula sa kaniya. "Wala si Spring, may binili sa mall. Mamaya pa siguro ang balik 'non."

Lumakad ako pabalik sa sala kung saan naroon pa rin ang dalawa, nakasunod naman sa akin si Rance. Si Nanay naman ay nagsabing magpapahanda ito ng meryenda.

"Oh," inabot ko kay Autumn ang bulaklak. "Dagdag mo dyan,"

Medyo duda akong sinulyapan ni Autumn, maging ni Winter. Hindi ko sila pinansin, muli ay kumagat ako ng chocolate at hinarap si Rance. He was silently staring at me. It would've made me feel awkward kung hindi lang lihim na nagluluksa ang munting bahagi ng aking puso sa pagkakagusto niya sa kapatid ko.

Kaya pala siya nandito kahit wala naman kaming usapan.

"Sabi na, pati ikaw ay may gusto kay Spring," pagak akong tumawa, dinaan ko na lang sa pang-aasar ang sakit. "Gago, alam ba 'yan ni Daniel? Alam mo namang gustong gusto ng isang 'yon ang kapatid ko."

"How would he know? Ikaw ngang best friend ay hindi mo alam." Mahinang bulong ni Autumn sa gilid. Kairita.

"May ginagawa ka ba, Sam?" Sa halip na tanong ni Rance. Sam. Iyon ang tawag niya sa akin. He's the only person who calls me Sam, short for Summer Athena Mendrez. While most people call me Sum, for Summer.

Syempre pa, inunahan na akong sumagot ni Autumn. "Wala! Wala nga 'yan ibang ginawa kundi kumain ng mga tsokolateng bigay kay Spring."

Tumawa si Winter, maging si Rance ay ngumisi, naglipat pa ng tingin sa hawak kong chocolate. Hindi na ako nabigla nang agawin niya iyon sa akin, at walang pasabi na kumagat. Sanay na akong ganoon si Rance.

"Ang PG!" Sinuntok ko siya sa braso atsaka muli iyong inagaw pabalik kahit pa parang ayaw ko na kagatan 'yung kinagatan niya. Tangina! Never naman ako naging LC lalo kay Rance, pero ngayon parang naco-conscious na ako. Kasi 'di ba? Parang indirect kiss na rin 'yon! Huy! Kaya ibinalik ko na lang ulit 'yon sa kaniya. "Sa'yo na nga 'yan!"

Padabog akong bumalik sa sofa at muling nagbukas ng panibagong bar. "Wala bang Patchi? Ang hihirap naman ng mga admirer ni Spring!"

"Nagpaparinig, Rance. Next time daw dalhan mo si "Spring" ng Patchi," si Autumn pa rin, sana matusok ng tangkay ng rosas 'yan at dumugo ang daliri.

"Roger that," naupo sa tabi ko si Rance, itinuloy ang pagkain. "Sama ka sa'kin mamaya,"

"Saan na naman?"

"Sa Soledad. May bagong mga kabayong dumating sa rancho ni Tito Roy, ipinagmamalaki ni Kade. He said I might stumble upon something I'm into."

"Init, eh." Kunwaring reklamo ko, gusto ko lang naman pilitin niya ako. Atsaka, ayaw kong magmukhang sasama na lang ako palagi sa lahat ng trip niya. Kahit pa totoo naman. He didn't need to know.

"Ang arte mo na, ah. Porke narinig kong may nanliligaw na sa'yo, mayabang ka na?"

"Walang nanliligaw sa'kin! Atsaka, puwede ba, hinaan mo 'yang pang manong mong boses! Marinig ka ng tatay ko, isipin naglalandi ako!" Sarap kutusan!

"Hindi nga niya pinayagan manligaw," hagikgik ni Autumn.

Lalong lumapad ang ngisi ni Rance. "Wow. Mayabang nga, nambabasted."

Napatili ako nang hilahin ni Rance ang braso ko at itaas, sumiksik siya sa kilikili ko at inamoy iyon. Lagi niyang ginagawa iyon kahit mga bata pa lang kami, tinutukso niya kasi akong maasim dahil tamad nga akong maligo noon! Noon, ha! Dati 'yon! Hindi lang talaga maka0move on ang mga ito at 'di makalimutan ang phase na 'yan ng buhay ko.

"Ano ka ba?! Para ka namang gago, eh!" Tinulak ko ang kaniyang ulo, tumawa lamang siya.

"Maasim pa rin naman pero ang lakas na ng loob mag-inarte,"

"Hoy, hindi naman maasim kilikili ko! Kahit tumira ka pa diyan!" Bigla tuloy akong na-conscious.

"Hindi na," he snickered. "Mag-room for rent na lang ako."

Maging si Autumn at Winter ay natawa. Nasan na ba si Spring? Siya lang ang kakampi ko sa mga ganitong bagay, eh. Lagi kasi niya akong pinagtatanggol, sa kahit sino. Kahit pa sabihing joke lang.

Walang nagbago sa mga sumunod na linggo, inaasahan ko pa nga na liligawan o magpapahayag na ng pagnanais manligaw si Rance kay Spring matapos niya itong dalhan ng bulaklak nang hapon na iyon, ngunit hindi. He didn't make a move on her, baka rin nahihiya.

Iyon ang tumatakbo sa aking isipan habang naglalakad ako papunta sa bahay nina Rance, malapit lang iyon sa amin kaya naman hindi na ko nang-abala pa para magpahatid. Ngayon kasi ang usapan namin ni Rance na sasamahan niya akong mamili ng mga libro sa bayan, malapit na kasing matapos ang summer at magsisimula na ang pasukan ilang linggo na lang.

Pero nawala siguro sa isip niya dahil hindi niya ako sinundo sa napag-usapang oras. Paniguradong tulog pa ang isang 'yon hanggang ngayon.

"Summer," si Tita Dana ang una kong nakita dahil nasa bakuran ito at nakatalungko sa hilera ng rose bushes. Agad siyang tumayo upang salubungin ako. "May usapan ba kayo ni Rance?"

"Magandang umaga po, Tita," humalik ako sa kaniyang pisngi atsaka tumango. "Opo. Sabi niya sasamahan niya akong bumili ng mga librong kakailanganin ko para sa darating na pasukan pero anong oras na'y hindi pa niya ako sinusundo. Tulog pa ho ba?"

"Gising na, kanina'y kasabay namin siya mag-almusal. Hindi ko nga lang alam kung nasan na ngayon ang batang 'yon." Iginiya ako ni Tita Dana papasok sa kabahayan. "Kumain ka na ba? Gusto mong magpahanda ako ng meryenda?"

"Hindi na, Tita. Kakatapos ko lang rin pong kumain sa bahay, si Rance lang po talaga ang sadya ko rito."

Tumango si Tita Dana. "Sige, akyatin mo sa silid niya kung ganoon. If he's not there, he's probably outside, sa backyard. Baka tinutulungan ang daddy niya sa pinapagawa ko."

"Sige po. Thank you po," mabilis kong inakyat ang silid ni Rance. Ganito na kami kakumportable sa isa't isa noon pa man that even our parents didn't mind us going in to each other's room. Hindi nila iyon binibigyan ng malisya, siguro dahil sa isip ng mga ito'y mga batang munti pa rin kami ni Rance.

His room was empty when I opened it. Malinis at maayos ang paligid, maging ang kama ay parang hindi nahigaan nang nakalipas na gabi. Rance was known for being tidy and organized, at nasisiguro kong siya ang naglilinis ng kaniyang silid dahil ayaw na ayaw niyang may nakikialam ng mga gamit niya. Yes, maarte pa sa babae.

Muli akong bumaba nang hindi ko siya makita. I went outside sa likod-bahay tulad ng sinabi ni Tita Dana ngunit hindi ko rin siya nakita roon, ang nakababatang kapatid lamang niya na si Zach at ang daddy nila, parehong abala sa pagtatayo ng hammock. Tito Zanti said that Rance was with a friend, hanapin ko na lang daw sa malawak nilang bakuran.

And when I say malawak, I wasn't exaggerating it. Their entire house was twice bigger than ours, at hindi maliit ang bahay namin, ah. Sadyang mas malaki lamang ang sa mga ito.

Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon. Ang sabi ni Tito Zanti ay may kasamang kaibigan, sinong kaibigan naman kaya? Si Daniel ba? Pero kung si Daniel 'di sanay sinabi na nito ang pangalan.

Medyo malayo-layo ang nalakad ko nang matanaw ang maliit na kubo. I smiled faintly at the memories of countless summer afternoons Rance and I had spent there as children. Dyan kami sa kubo nagpapahinga kapag napapagod sa kakalaro, kung anu-ano kasing naiisipan naming gawin ng isang 'yon. Dyan rin sa kubo kami mag-si-siesta, magigising na lang kami halos magdidilim na at sinusundo na kami ni Tita Dana o ni Tito Zanti.

How time flies... Parang kailan lang ang lahat ng iyon.

Nagdesisyon akong tunguhin ang kubo para sana maupo, medyo malayo na rin kasi ang nalakad ko. Ngunit bago pa ako makalapit ay nakarinig ako ng halinghing, agad akong napasinghap at ganoon na lang pagtahip ng aking dibdib.

"Oh, Rance... Faster... God.. Oh..."

Natutop ko ang aking bibig nang marinig ang tinig ng isang babae. I'm fourteen, not stupid. Alam ko kung ano ang ginagawa nila sa loob. At dapat ay tumatakbo na ako paalis, pabalik sa bahay namin, sa aking silid kung maari. Ngunit hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa aking kinatatayuan.

"Fuck, Trish... Hinaan mo 'yung boses mo..." It was Rance shushing her.

"Ah, I can't help it... God, you're so young, but you're damn good. Isagad mo pa, kaya ko 'yan. Oh...." Malanding sagot ng babae.

Kadiri. Putangina! I feel so molested just by hearing them. Pakiramdam ko'y nababoy na rin ako. Pero teka, Trish? Inisip ko kung may kilala ba akong Trish. Trish. Trish.

I gasped, bahagyang napa-atras at halos nagmamadaling tumakbo pabalik sa aking pinanggalingan. Wala na akong pakialam kung gumawa man ng ingay ang mga natapakan kong tuyong dahon, basta ang kailangan ko lang ay makaalis ako sa makasalanang kubo na iyon.

I hate Rance! How dare he ruin the memories of that place! Hindi niya manlang nirespeto ang kubo. Wala lang ba sa kaniya 'yun? And of all people, si Miss Trish Atienza pa!

Miss Trish is an English teacher in our school. Bata pa ito, kaka-graduate pa lang at ito ang unang naging trabaho. Hindi mo nga mapagkakamalang guro dahil bukod sa maliit ay payat, mukhang kaklase lang rin namin. Kaya siguro nasabi ni Tito Zanti na kaibigan ang kasama ni Rance. Of course, he wouldn't introduce her to his parents as his teacher. Lalo't balak niyang tirahin sa kubo.

Tangina mo, Rance!

Tangina ka!

Nanginginig ako sa pandidiri. Tignan mo 'tong isang 'to, natuli lang naging playboy na! Sa teacher pa!

"Oh, did you find Rance?" Kumunot ang noo ni Tito Zanti nang balingan ako, maging si Zach ay ganoon rin. "Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo."

Multo, alright. Nanlalamig ang aking mga palad at nasisiguro ko ring namumutla ako. I could even feel the tears forming from the corners of my eyes. Pinilit ko pa ring sumagot sa maliit na tinig. "A-ahas... Nakakita po ako ng ahas, natakot ako..."

Sa totoo lang, wala naman talaga akong nakita. Pero may narinig akong nagtutuklawan.

Zach stood straight, ang mga mata'y tumanaw sa aking pinanggalingan. Tapos ay nagbaba sa akin ng tingin, he already knew what I saw. "Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita. Wala akong narinig na pumaradang sasakyan kanina kaya nasisiguro kong naglakad ka mula sa inyo, unless you rode a bike."

"H-hindi," nanghihina pa rin ako.

"Dad, ihahatid ko lang si Summer sa kanila. Baka umalis kasi si Rance, kung makita mo'y pakisabi na lang na umuwi na si Sum." He said, hinawakan niya ang aking siko para maalalayan ako pabalik sa loob.

"Sige, mag-iingat kayong dalawa."

"Huwag kang umiyak," kalmado ngunit mariin nitong sabi.

"Ha? Bakit naman ako iiyak?" Deny ko pa.

"Sa kubo ba? Tarantado talaga 'yon,"

"Kadiri, Zach..."

He chuckled, leading the way out. May kinuha siyang susi mula sa console na nadaanan namin tapos ay pinasunod niya ako hanggang sa marating namin ang isang kulay pulang pickup.

That cruel summer, it became evident to me that Rance and I had outgrown childhood. In that cruel summer, I came to the realization that we were truly better suited as friends. Because in that cruel summer, I endured my first heartbreak.

My young heart suffered more than it should have.


The digital (50-chapter) + 3 SCs version of "Cruel Summer" Rance Damon Dela Paz is now available for purchase. Secure your copy by messaging us on Facebook.

Connect with us:

🌐 Facebook Profile: Moana DeSalvo | www.facebook.com/frxppauchino

📘 Facebook Page: Frappauchino | www.facebook.com/frapwpstories

👥 Facebook Group: Frappauchino WP Stories

📧 Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro