Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako kinaumagahan. I was aware of where I was, alam ko rin na ang shirt na suot ko ay kay Rance. Nang umalis kasi kagabi sina Winter at Daniel matapos kunin si Dixie ay sinaluhan ako ni Rance kumain ng niluto niyang fried chicken, tapos ay nag-inuman kaming dalawa. Apat na bote rin siguro ang nainom ko, bukod pa sa marami na akong nainom sa Xylo.

Humihikab na nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama, wala na si Rance doon pero alam kong katabi ko siyang natulog. Hindi na big deal sa aming dalawa ang magtabi sa higaan, normal na iyon. Kumportable rin ako kay Rance dahil ni minsan ay hindi naman siya nag take advantage sa akin, kahit gaano pa ko kalasing.

Bumangon na ako at nakayapak na tinungo ang banyo ng silid. Matapos mag hilamos at mag sepilyo gamit ang toothbrush ko na naroon sa hanging cabinet niya ay lumabas na ako ng silid. And yes, we keep things at each other's home for emergencies like last night.

Sa kusina ko nadatnan si Rance, abala siyang naghahanda ng almusal para sa aming dalawa. Napataas pa ang kilay ko nang gawaran niya ako ng magandang ngiti matapos malingunan. Why was he in a good mood?

"Saya mo, ah," komento ko bago naupo sa stool at pinanuod siyang tapusin ang nilulutong omelette. "Anong meron?"

Medyo kinakabahan ako pag masaya si Rance. Bakit feeling ko may ginawa akong katangahan kagabi tapos na-videohan niya iyon kaya ang ganda ng awra niya ngayon? With that in mind, mabilis na hinanap ng aking mga mata ang cellphone niya. Nasa console iyon malapit sa outlet, naka-charge. Tumayo ako at pasimpleng kinuha iyon, alam niya ang password ng phone ko at siya nama'y hindi nag-abalang lagyan ng code ang kaniya. Hindi ata natatakot na manakawan, eh.

I quickly scrolled through the gallery, looking for any pictures or videos of me na kuha kagabi. Pero wala naman akong nakita doon.

"What are you doing?"

Halos mapapiksi ako nang marinig ang tinig ni Rance mula sa aking likuran. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin at sinisilip ang ginagawa kong pakikialam sa cellphone niya. Binitawan ko iyon at muling ibinalik sa ibabaw ng console, matapos ay galit siyang binalingan.

"Bakit ang saya mo, ha? Anong ginawa kong katangahan kagabi?" Duda kong tanong, tinaasan ko siya ng kilay at inestima.

Rance chuckled, shaking his head. "Marami kang katangahang ginawa kagabi. Kung iisa-isahin natin baka abutin tayo ng kinabukasan,"

Tinalikuran niya na ako at muling naglakad patungo sa kitchen counter, I followed him. Bigla kong nakalimutan ang pinoproblema ko nang maamoy ang nakahandang bacon, fried rice, at omelette sa aking harapan. Umeksena na naman ang tiyan ko, syempre pa.

Lalong natawa si Rance nang marinig. Akala mo naman kasi 'tong tiyan na ito'y laging ginugutom! He went back to the counter with two cups of coffee, inabot niya sa akin ang isa bago naupo sa aking harapan.

"Kumain ka na," sabi niya, sandaling sinulyapan ang digital wall clock. Maaga pa naman, wala pang alas diyes. "Can you drive? Or do you want me to give you a lift? I'm also dropping by Zach's place today. He needed some assistance with something. Then I'll swing by the Liquid Library. I've been away for a few days and need to check on how the business is faring."

Rance chose not to join their family's banking business, unlike his brother Zach. Instead, after college, he ventured into his own business using the money he earned from our earlier gigs in Pen Def. The Liquid Library, a bar located in BGC, was his first branch. He first shared the idea with me when it was still just a concept, and he convinced me to become his silent partner. Hindi naman na ako kailangan pang pilitin ni Rance dahil may tiwala ako sa kaniya, so I invested all my savings into the establishment of the first Liquid Library. We used to refer to it as our first baby. Wala akong ginagawa o inaalam tungkol sa kung paano niya iyon patakbuhin. Basta ang alam ko na lang, kumita na ng ilang ulit ang perang inilabas ko. Rance never sought help from his parents, sa akin lang. Lagi niyang sinasabi na kaming dalawa lang ang nagtulungan, even though I couldn't truly claim to have supported him as much, considering I only provided half of the required funds.

Since then, the Liquid Library has expanded to five more branches, three of which are also in Manila and two in Palawan. Minsan niyang nabanggit na gusto niya rin maglagay ng branch sa Cebu, pero wala pa naman siyang konkretong plano tungkol doon.

"Hindi na kailangan. I have my car," sagot ko bago magsimulang kumain. Medyo naiilang pa rin ako dahil ang aliwalas pa rin ng anyo ni Rance, hindi katiwa-tiwala. Nilunok ko muna ang bacon atsaka inabot ang kape bago muli siyang sungitan. "Anong problema mo? Para kang tanga."

Rance took his time chewing the bacon, and a grin spread across his face as he watched me intently. "Just keep eating,"

I obliged, taking a bite of my food and trying my best to ignore his strange gaze. There was something unnerving about the way he looked at me, as if he knew something I didn't. May nasabi ba ako kagabi? Kung meron, ano naman kaya? The memory was hazy at best, kahit anong pilit kong alalahanin kung may ginawa ba ako o sinabi na magiging dahilan ng ikaliligaya ni Rance ngayong umaga ay wala talagang pumapasok sa isip ko. Malamang napahiya ko ng husto ang sarili ko kaya hindi siya matigil sa pag ngisi.

I took another sip of my coffee, hoping it would clear my head. "Ano ba kasing nakakatawa, Rance? Naba-bad trip na ko, ha!" Irita na talaga ako, lalo pa nang tumawa na naman siya.

He shrugged nonchalantly, taking another bite of his bacon. "Relax, Sam. I'm just messing with you. Tapusin mo na ang kinakain mo, then go home and get some rest. You better be ready for tonight,"

Biglang kumunot ang aking noo sa sinabi ni Rance. Tonight? Anong meron mamayang gabi?

"What about tonight?" Maingat kong tanong habang inaalala kung may nakaligtaan ba akong celebration, birthday o ano ba.

Rance smirked, talagang enjoy na enjoy niyang nalilito ako sa pinagsasabi niya. Alam niyang kung anuman ang pinagusapan namin kagabi ay konti na lang roon ang naaalala ko kung meron man. Muli akong sumimsim ng kape habang hinihintay ang sagot niya.

"Don't tell me you don't remember," he teased, his eyes twinkling with amusement. "Last night, you asked me to date you the Rance Dela Paz way."

Halos mabuga ko ang iniinom kong kape sa kaniyang sinabi. Mabilis akong naabutan ni Rance ng napkin, hindi naman ako natapunan pero pasong paso ang lalamunan ko sa ginawa kong agarang pag lunok.

Gago, 'di nga? Sinabi ko 'yon? Hindi makapaniwalang binalingan ko si Rance, unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang isa sa mga usapan namin kagabi. Yes, I did ask him to date me, wondering how it feels like to be dated by him. Yuck! Ginawa ko talaga 'yon? Sinabi ko talaga 'yon? I cringed inwardly at the thought of my boldness. Mukha kang tanga, Summer. Tama si Rance, kung iisa-isahin niya ang mga katangahan ko kagabi ay kukulangin ang maghapon.

"So, you better be well-rested and ready to be dated this evening," Rance continued, his tone teasing yet strangely earnest.

Napailing na lamang ako, unti-unting iginugupo ng kahihiyan dahil sa sarili kong kalokohan. Parang lalong sumakit ang ulo ko, ah. "I can't believe I said that..." Mahina kong bulong habang hinihilot ang pumipintig kong sentido, mas na para sa aking sarili iyon.

"Well, you did," he said with a grin. "And now you have to live up to it."

"Hindi naman natin kailangan seryosohin 'yon, Rance. Katangahan nga, 'di ba?" Inirapan ko siya para itago ang aking pagkapahiya, muli kong binalikan ang aking kinakain.

Totoo naman, hindi naman talaga niya kailangang patulan ang sinabi ko. Ni hindi ko nga matatandaan na sinabi ko nga iyon kung hindi niya ipinaalala.

"I already agreed to it last night, Sam," umiiling niyang sabi sa mas seryosong tinig. "And you know I'm a man of my word, whether I'm drunk or sober."

Medyo nagulat ako nang hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko. Iniisip ko kasi'y napipilitan lang siyang pagbigyan ako. Despite my efforts to dismiss it as a drunken whim, Rance seemed intent on following through with our impromptu agreement. Alam kong ginagawa niya iyon para alisin sa isip ko ang disastrous date ko with Elton.

"I know what you're doing, Rance. Thank you, but you don't have to go through all this trouble. Hindi na kailangan."

"Consider it a yardstick for next time," he said casually, as if it were the most natural thing in the world. "At least now you'll have something to compare your future dates to."

I couldn't deny the logic behind his words, but a part of me still couldn't shake the feeling that he was going to great lengths just to put me at ease.

Wala naman masama kung papatulan ko ang ang date na iyon, isa pa ay ako naman ang may pasimuno. I sighed, realizing that I had unwittingly committed myself to an evening of Rance's unpredictable brand of dating.

Pero sa kabila ng lahat ay hindi ko rin maiwasang ma-excite, syempre curious ako kung paano ba siyang ka-date. "Sige na nga,"

"Parang napipilitan ka pa, ah?" Tumatawa niya pa ring sabi. "Don't worry, I'll make it worth your while."

"Dapat noh! Busy akong tao," busy akong kumain ng kumain. Muli akong sumubo ng tinapay, tapos ay nilingon siya ulit. "Saan mo naman ako i-de-date?"

"No questions asked, Sam," he replied cryptically. "Just let me do it the Rance way."

Okay, sige, excited ako! Paano ba namang hindi, bukod kay Elton ay wala naman akong naging ibang date na. At kagaya ng sinabi ko, ang mga paglabas-labas nami ni Rance ay hindi counted, maliban 'yung mamayang gabi. Sure, I was curious to see what surprises Rance had in store for me, but at the same time, I couldn't help but feel a twinge of nervousness at the unknown.

Bahala na!

Matapos mag-almusal ay umuwi na ako sa unit ko. Mabilis akong naghalungkat sa closet ng mga naitagong damit roon, 'yung mga nireregalo sa akin ng mga kapatid ko pero never kong sinuot. Syempre, kung si Elton nga'y pinaghandaan ko kagabi. Eh 'di lalong mas dapat kay Rance!

Nilabas ko ang lahat ng dress, skirt, blouse na mga naitambak ko sa cabinet. Lahat iyon ay galing kay Autumn halos, may ibang galing kanila Spring at Winter, pero mas marami ang bigay niya. Paano'y siya lang naman ang mapilit na baguhin kong konti ang pananamit ko. Kaya naman tuwing galing siyang ibang bansa ay tatambakan niya ako ng mga mamahaling damit na hindi ko naman maisuot. Kasi naman, lahat halos ay maiksi.

"Taas mo nga," sabi ni Autumn habang tinitignan ako sa screen, hindi ko na kasi natiis at nag-FaceTime na ako sa kaniya. Kay Spring sana kaso hindi sumasagot, malamang ay nasa Pen Def iyon ngayon. "Ayusin mo. Isuot mo kaya!"

Itinaas ko ang naka-hanger na haltered dress, body hugging iyon kaya hindi ko alam kung bagay sa akin. Hindi naman ako sexy! "Huwag na! Ganito na lang!"

"Hindi bagay!" Umiling siya at pinababa iyon sa akin. "Ako ba bumili niyan?"

"Si Winter ata,"

"Oo, baka siya. Baduy, eh." May itinuro si Autumn na nakabalumbon sa kama ko. "Patingin nga ng itim na 'yun,"

Kinuha ko naman, it was a black strapless lace corset na flared leg jumpsuit. Bigay iyon sa akin ni Spring. Maganda at disente naman, pero parang masyadong formal ang itsura. Hindi bagay sa gabing ito. "Hindi ba parang ang overdressed naman ako kung ito,"

"Overdressed ka talaga dyan, teh!" Tumawa siya. "Pinakuha ko lang sa'yo para itabi mo, hihiramin ko 'yan sa'yo sa susunod."

Tignan mo talaga 'tong isang 'to! Napairap na lamang ako, tuloy pa rin sa pagpapakita sa kaniya ng mga damit na nahalungkat ko sa closet. Ang dami ko ng ipinakita sa kaniya pero 'yung mga approved niya'y parang hindi ko naman kayang isuot, paano'y ang iiksi masyado. Alam kong hindi ako magiging kumportable.

"Sino ba kasing ka-date mo?" Maya-maya'y usisa niya.

Natigilan ako, puwede ko naman sanang sabihin sa kaniya ang tungkol sa "date" namin na ito ni Rance, kaso huwag na lang because that would also mean I had to tell her about what happened on my date last night with Elton. Huwag na lang, tama ng kami na lang ni Rance ang nakakaalam ng kahihiyan na iyon.

"Basta! Hindi mo kilala! Pilian mo na lang ako ng isusuot ko." Sabi ko na lang.

"Diyos ko, teh, mamaya pag-effortan pa kitang pilian ng susuotin tapos si Rance lang pala ang ka-date mo, ha! Sinasayang mo lang ang oras ko!"

Autumn had long warned me about growing some feelings for Rance, dahil pare-pareho nga naming alam na may crush rin ito kay Spring katulad ng iba pa. Although, I often wondered kung hanggang ngayon ba ay may nararamdaman pa ito sa kapatid ko. Sa mga nakalipas na taon ay ni minsan hindi naman sumubok si Rance kay Spring, ang pinaka-indication na nga lang ng pagkakagusto niya rito ay 'yung sunflowers na dinala nito sa bahay nang tanghaling Miss High School si Spring. And that was what? Thirteen years ago. Matapos ay wala na, hindi naman na siya ngaparamdam. O baka pinili rin niya huwag na, dahil alam niyang si Reid ang kalaban niya?

"Hindi, gago! Bakit naman kami mag-d-date 'nun?" Pasimple akong tumalikod, hindi ko gustong mabasa niya ang aking iniisip. Basta ako dumampot ng damit at ipinakita iyon sa kaniya. "Ito kaya?"

"Sige, isuot mo 'yan para sex agad!" Humalakhak si Autumn, doon ko lang na-realize na ang ipinakita ko pala ay negligee.

Sasagot sana ako nang biglang tumunog ang buzzer sa labas. With a furrowed brow, I pressed the intercom button. "Who's there?"

"Delivery ho para kay Summer Athena Mendrez," sagot ng tinig mula sa speaker.

Sandaling napakunot ang noo ko dahil wala naman akong natatandaan na inorder ko. Binatawan ko ang damit na aking hawak at nagpaalam kay Autumn upang tunguhin ang pinto. Sa labas ay natagpuan ko ang isang delivery man.

"Yes, I'm Summer," sabi ko.

He was holding a large box with the Christian Dior logo emblazoned on the front. My eyes widened in surprise as I took in the sight before me. Hindi ko natatandaang umorder ako ng kahit ano, lalong hindi ng Dior, ha!

"Pirma na lang po kayo rito, ma'am," he said, handing me a digital pad.

I quickly scribbled my name on the pad, my mind racing with questions. Kung kay Spring or Winter ito galing, 'di sana'y sinabihan nila ako? Baka naman nakauwi na sina Nanay at ito ang pasalubong? Pero kung nakauwi na ang mga ito'y tinawagan na ako 'nun para pauwiin sa bahay at personal na ibigay ang mga binili galing sa bakasyon nila.

With a sense of anticipation, I accepted the box from the delivery guy, offering him a polite thank you before closing the door behind him.

Bitbit ang malaking box ay muli akong bumalik sa aking silid kung saan naroon pa rin sa screen at naghihintay si Autumn. I placed the box on my bed and carefully removed the card attached to it. The handwriting was familiar, and my heart skipped a beat as I read the simple message: Wear it. -Rance.

It was from him.

Agad kong binuksan ang box para lamang mapasinghap sa ganda ng damit na naroon. Nestled inside was a stunning velvet green dress, the fabric soft to the touch and the color rich and vibrant. It was breathtaking.

I gingerly lifted the dress from the box, pinagmamasdan iyong maigi. The neckline was plunging yet tasteful, the silhouette flattering and form-fitting. Understated yet undeniably chic. Bagay naman kaya sa akin 'to?

"Hoy! Ayan! Bagay sa'yo 'yan! Iyan ang isuot mo!" Tumitiling sabi ni Autumn, halos nakalimutan ko ng nandon pa pala siya.

Rance had always had a knack for surprising me. It was as if he knew exactly what I needed, even before I did.


The digital (50-chapter) + 3 SCs version of "Cruel Summer" Rance Damon Dela Paz is now available for purchase. Secure your copy by messaging us on Facebook.

Connect with us:

🌐 Facebook Profile: Moana DeSalvo | www.facebook.com/frxppauchino

📘 Facebook Page: Frappauchino | www.facebook.com/frapwpstories

👥 Facebook Group: Frappauchino WP Stories

📧 Email: [email protected]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro