Kabanata 2
Kabanata 2
Racing death..
Halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng kabog. Halu-halong niyerbyos, kaba at pag aalala. Hindi ko malaman kung anung maaring salita, ang pwedeng maibigay na depenisyon sa nararamdaman ko. Gulong-gulo ang isip ko sa dami ng nangyari.
Napapikit ako nang mariin!
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Paano ako lulusot sa ganito? Paano ko maliligtas ang buhay ko?!
Sa pagtagal ng pag siksik ko sa maraming tao ay hindi maiwasan na tumagaktak ang pawis sa mukha ko, pababa patungo sa dibdib at leeg ko. Amoy na amoy ang naghahalong mumurahing cologne at pawis sa katawan ko.
Luminga-linga ako sa paligid. Ilang minuto pa ba ang aking hihintayin? One.. two.. three.. four.. five.. six.. sev-
Then, I heard the boastful gun.
The signal, sa karamihan ng mga tao'y nag pumilit akong maka alis, pinilit kong makipagsiksikan kahit mahirap, kahit halos hindi ko na makita ang aking dinaraanan. Awang-awa ako sa sarili ko habang patuloy akong tumatakbo, palayo sa kanila. Patuloy ang pag agos ng luha ko sa mukha, na parang sa ilang segundo ng Pag takbo ko, iyon na ang pinaka matagal na sandali ng buhay ko!
Oh, God! Hindi ko akalain na ganito ang trabaho ni Clayton. Kahit minsan hindi niya nabanggit na ganito kadalasan ang nangyayari sa kanya, na walang kasiguraduhan kung makaka uwi ka pa ba sa pamilya mo..
Mabilis akong sumuot sa maliit na under ground tunnel na itinuro ni kuya Clayton sa akin kanina. Pilit kong pinag kasya ang balingkinitan kong katawan doon. Kahit mainit, masikip at hindi ako makagalaw ng maayos ay sinikap parin itong gawin. Sinilip ko rin ang maliit na tunnel na aking papasukan, na naka konekta palabas ng gate ng "Mansion y' Delgado".
Mariin akong napailing!
Diyos ko po! Imposibleng magkasya ako rito! Kung sakali man na ipilit ko ang sarili kong makapasok dito, maaring matrap lamang ako sa kalagitnaan. Hindi rin ako makakatakas dahil hindi ako makakapasok ng tuluyan sa loob.
Sinipat ko itong muli.
Shit!Imposible!
Ilan taon naba itong hindi nagamit? o wala na talagang nagamit nito, dahil imposibleng may makatakas rito.
Anong gagawain ko?
Kuya, paano?!
Sising-sisi ako, Shit!
gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang maranasan magkaroon ng magandang kinabukasan. Mag babago pa ako, mag aaral pa ako. Hahanapin ko pa ang tatay ko. Diyos ko!
Hindi ko maawat ang sarili ko sa pag iyak, pigil na pigil ko ang sarili kong humagulgol at humikbi. Hirap na hirap ako, halos hindi ako makahingi sa bigat ng emosyon.. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko.
Sa ngayon kailangan ko munang mag isip ng tama, kailangan panatilihin kong buhay ako para makatakas ako dito. Kailangan din na walang makapansin sa akin na nagtatago ako dito. Ginala ko ang mata ko sa paligid, mayroon nakatipon na isang tumpok ng dayami sa gilid ko. Inabot ko iyon ng mabilisan at nilagay sa bukana ng tunnel, upang matakpan ako. Nang sa tingin ko ay okay na ang ginamit ko upang makapagtago, Itinapon ko na ang tingin ko sa mga nagkalat na tao sa mansion.
Malayo-layo man ang kinalalagyan ko ngunit kita't batid ko parin kung anong maaring maganap sa kanilang lahat. Nasa pinaka-sentro ng stage si kuya, nakaupo siya roon at may kaunting dugo sa gilid ng kaniyang labi. Lumapit si Kalbo, sa kanya saka siya binigyan ng tissue, nung una ay nagtaka ako sa inasta ng lalaking iyon.
Pero kalaunay naintindihan ko na rin matapos niyang bigwasan sa mukha ang kapatid ko. Pumaling sa kanan ang mukha ng kapatid ko. Halos mangiyak-ngiyak ako ng makita ko kung gaano karami ang dugong umagos sa kanyang noo.
Shit!
May kung anong bakal ang naka suot sa kamay ni Kalbo, kaya ganoon na lang ang resulta ng pag suntok niya kay Clayton.
Gusto kong sumigaw!
I want to go at my brother!
I want to check him out!
Pero hindi pwede.. Wala, wala akong magawa kung hindi magtago rito!
Pakiramdam ko isa akong walang silbi!
"Jesus Christ, can you save us?... just this once.. ca-can you lead what I do next? What will we do??" I prayed.
Nakangising aso si Kalbo ng sandaling iyon. Halos mapunit ang kaniyang labi dahil sa kasiyahan, Kinuha niya ang bagong mic na ibinigay sa kanya ng kaniyang assistant na si Lotus.
"Disciplinary act ito!" aniya.
"Pinauwi niya si Claudette, kahit alam niyang kapatid niya ang mag-lalaro. So, dahil wala ang pinakamagandang hostess ng Delgado's syndicate, si Clayton ang papalit rito. Clayton Vs. Kiel. Same battle, same rules. Do or die, matira matibay Goodluck!" matapos sabihin ni Enigma ang mga salitang iyon ay mabilis na pumwesto ang mga kalahok sa dragrace.
Una ay si Lotus kasama ang kaniyang Sports car. Maangas ang blue sportscar ni Lotus, maganda, malinis at mukhang bagong-bago pa. Yun nga lang baka mamaya hindi ko ito makilala. Na ikwento na sa akin na masyadong delikado ang pagsali sa ganitong klaseng laro. Maraming masamang mangyari sa mga kalahok rito, last time na sumali si kuya noon ay may sumemplang ito, ang iba ay may lumagpas sa barricade at may tumilapon naman sa dagat, mayroon din namatay dahil bigla nalang daw sumiklab ang makina ng kotse, sa huli sumabog ito kasama ang nagmamanaeho.
Husay at disiplina talaga ang kakailanganin mo kapag sasali ka sa ganito, samahan mo na rin nang dasal at pag iingat sa bawat pagpapa andar ng makina.
Sa kabilang banda ay si Maiden naman ang namataan ko. Katabi niya rin ang red-sportscar niyang paulit-ulit niyang kinukuskos nang panyo, bagama't mas maangas ang kay Lotus. Kapansin pansin naman ang gara nito't laki para itong pinaliit na monsters-truck.
Sumakay na ang dalawa ng makarinig na malakas na hudyat. May nagpunta ng draglady sa gitna, may hawak itong pulang panyo na kalaunay inihagis ito sa ere. Nagsigawan pa ang mga audience ng barilin pa ni kuya Clayton ang panyong pumailanlang sa ere.
Mabilis ba humarurot ang dalawang sasakyan. Napatili pa ang draglady ng muntikan siyang mabundol ng dalawa, dali-dali itong umalis sa kaniyang pwesto at maagap na umupo sa isang silya malapit kay kuya.
Napatingin ako sa malaking projector screen, doon nakikita ang mabilis na pagpapatakbo ng dalawang manlalaro na kapwa nag-gigitgitan at nag uunahan. Parehong palaban ang dalawa at walang magpapalamang.
Tumagal ng halos limang-minuto ang gitgitan nila, basag-basag na ang parehong gilid ng mga kotse ng bawat kalahok, ang kaninang tikas at gara ng mga kotse ay tila naglahong parang bula. Pati ang mga driver ay mga duguan na din, may mga sugat na sa mukha, braso at kamay.
Ilang minuto pa ang lumipas.
Nang walang anu-ano'y nakarinig na kami ng putok ng baril, na siyang ikina igtad ko. Nanlalaki ang mata ko ng ipinukol ko ang paningin ko sa mga tao.
Walang bumulagta!
Kung gayon nagbubuhat ang putok ng baril sa dalawang kotseng tumatakbo!
Halos mapatayo ako sa pwesto nang makita kong nawawalan na nang preno ang kotse ni Maiden!
Kitang-kita iyon sa Projectors-Screen!
Kusa nang gumigitgit ang buong kotse sa mga bato.
Gumegewang narin kotse nito at tila wala ng nagkokontrol..
Kinabahan ako, hindi kaya?...
Bi-Binaril ni Lotus si Maiden habang nag-gitgitan sila kanina?
Pero.. wala sa rules yon! Diyos ko! Wag naman sana dahil pakiramdam ko nilagay ko kay kamatayan ang kakambal ko!
Muntik-muntikan na akong mapasigaw ng nakita't narinig ko ang malakas na pagsalpok o pagbangga ng kotse ni Maiden sa pinaka-arko ng mansion. Mabilis itong sumiklab, pag katapos ay mabilis ding lumaki ang apoy. Sumabog ang kaawa-awang kotse kasama ng driver nito. Napapikit ako, walang nag-abalang iligtas ni Maiden.. na kahit na naging matalik na mag kaibigan sila ni Lotus ay pinabayaan niya itong mamatay o siya mismo ang pumatay dito.
Diyos ko paano ba ito?
Napamulat ako ng makarinig ako ng hiyawan. Nakarating na si Lotus bitbit sa kaniyang mukha ang walang paglagyang kaligayahan. Parang walang krimen na ginawa, na parang nanalo lamang ito sa bilyar at nakakuha ng pinakamalaking jackpot!
Nakipag-highfive pa ang walangya! Napuno ng hiyawan ang mga tao, grabe! Taliwas ito sa inaasahan ko, Ngayon lang kasi ako nakaranas ng tinatawag na Bloodyrace. Noong mga nakaraang laban ni kuya, may video pero puro kaswal race lang at walang milagro't kababalaghang nangyayari tulad nito.
"Congratulations, Lotus!" bati ni Enigma (Kalbo) sa mikropono, mabilis na dumalo sa kanya ang babae at mabilis siya nitong hinalikan.
"You're always be mine... Baby!" malambing na anas ni Lotus, sa paghiwalay ng kanilang mga labi.
Lumaban ng halikan si Enigma. Nag-eenjoy pa ang dalawa nang putulin iyon ng pagbaril sa kanila ni Big boss sa tagiliran. Bagamat, hindi iyon tumama kanino man, ngunit nag-bigay naman iyon ng gulat sa lahat ng taong manonood. Napailing ako baliw talaga ang bossing ang lalaking ito!
Sumenyas ang bossing gamit ang dalawang daliri. Naghihintay na siya sa RACE TWO!
Nawala si kuya Clayton at si Kiel sa karamihan ng mga tao. Ngunit, nagpakita naman ang dalawang kotseng paniguradong latest model sa panahon ngayon. Grey ang kulay ng isa at ang isa naman ay black. Parehong hindi sports car ang mga ito. Kapwa ordinaryong kotse ngunit parehong milyones ang halaga!
Lumabas ang parehong driver. With a flashing and dashling badboy look. Lumabas si kuya Clayton sa grey na sasakyan. Naka shades pa ito at may pakagat-kagat labi pang nalalaman. Kasabay din na lumabas ni Kuya si Kiel sa kulay black na kotse, simpleng-simple lamang ang hitsura nito ngunit sumisigaw naman ang pagka arogante't kaangasan nito.
Mabilis na naglapitan at naglingkisan ang mga babae sa kanila. Parehong nakangisi ang dalawa na tila ba tuwang-tuwa sa atensyong nakukuha. Hindi na ako bago sa eksenang ito, Kilala ko ang kuya ko na maraming babae, matanda man o bata.
My brother was a one of the gorgeous men on our baranngay. Nag tataglay ito ng magandang pares ng abong mata, matangos na ilong, makapal na kilay at depinadong panga. Idagdag pa ang tila modelo nitong tangkad at mestisong balat ay talagang hindi ka na makakatanggi kung sakaling yayain ka man nito sa kaniyang tabi.
Masama mang pakinggan ngunit, inaamin kong hindi ko alam kung may nangyari na rin sa aming dalawa. Kapwa kami lasing noon, lango din sa pinagbabawal na gamot. But, well.. wala rin naman iyon para sa akin, alam namin na isa lang iyong pagkakamali.
Tumigil nalang ang mga hitad ng pumasok na muli sa kotse ang dalawa. Pumagitna na ang draglady sa kanila. Malakas na umugong ang buzzer at kasabay niyon ang paghagis ng panyo sa ere.
Humagos ng mabilis ang dalawang kotse, parehong maganda ang pinapakita nila at kaabang-abang.
Ngunit, bago palang sila nagsisimula ay bigla nalang isinadsad ni Kiel sa gilid ang kotse ng kapatid ko!
Malakas na kumadkad sa batuhan ang kotse ni kuya. Lumikha ang mga iyon ng makikislap na kung ano sa gilid ng kotse, paniguradong kung magtatagal pa ito ay tuluyang makakasira ito nang makina ng kotse.
"Castillo! Castillo!" hiyaw ng mga audience at hindi mag-kamayaw sa nararamdamang excitement!
Diyos ko po!
Tulungan ninyo ang kapatid ko!
Para namang narinig ng panginoon ang dalangin ko. Ang kaninang kotse ni kuya na kumakadkad sa batuhan ay biglang nabaliktad. Dahil kotse na ni Kiel Castillo ang kumakadkad doon, ngayon.
"Baliguas! Baliguas!" sigaw naman ng iba.
Naghalo ang sigaw ng "Castillo" at "Baliguas" sa buong mansion. Sana'y manalo si kuya, o hindi. basta, kahit talo basta safe siya!
Naghiwalay ang dalawang kotse. Pabalik na rin sila sa mga pinang galingan, kaunti nalang kuya. Safe kana!
Ngunit, ang inaasahan kong kaligtasan ng kapatid ay mabilis na gumuho. Sumiklab ang makina ng kotse ni kuya, maaring hindi na kinaya ng makina nito at nag diretso na ito sa pag over-heat.
Mabilis na nakalayo ang kotse ni Kiel. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, takot ba o lungkot? Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang lumalabas sa dibdib ko, litong-lito ako't nababagabag. Kusa na namang nagtuluan ang masagana kong luha.
"Please.. save us, save my brother..." I whisper.
Patuloy ang pag agos ng luha ko, na kahit na ipilit sa isip ko na makakaligtas si kapatid ko ngunit parang tinatanggap na yata nang utak ko, ang maaring maganap..
Lumiliyab ang kotse ni kuya habang patuloy sa pagtakbo. Mabagal ito at dumidila na ang apoy sa windshied ng kotse.
Oh, Jesus christ! Sumabog ang winshield ni kuya! Kahit ang nagmamadaling kotse ni Kiel ay napatigil!
"No! no! no!" I screamed loudly.
Mas lumiyab pa nang mas malaki ang harapan ng kotse ng kapatid ko.
Hindi maari!!
Napahagulgol ako!!
Diyos ko, tulungan ninyo kami! Napapikit ako, Hindi ko kayang makita... naghintay nalang ako makarinig ng malakas na pagsalpok!
Ngunit, imbis na malakas na salpok ang marinig ko ay naging malakas na hiyawan ang aking narinig!
Napamulat ako..
At, halos hindi makapaniwala sa nakikita dahil mabilis ang pag andar ng kotse ni kuya ng paatras!
Lumiliyab ang makina nito. Ngunit, dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong ay nabaligtad din ang pagsalubong sa kanya ng apoy. Imbis na sa mismong harapan ni kuya ito pumunta, bumaligtad ang direksyon nito, taliwas sa driver seat, safe na safe sa apoy Ang kapatid ko!
Halos, mapatanga ako sa nakita!
How, It could be possible?!
Magkapantay na ang kotse ni Kiel at ni kuya Clayton. Pareho na namang nag-gigitgitan at naglalaban.
Nakaramdam na naman ako ng takot para sa kapatid ko dahil tiyak kong-----tiyak kung wala ng preno ang kotse ng kapatid ko!
Sabog na ang lahat ng makina non, nagliliyab pa!
Nakapagdasal na naman ako nang wala sa oras. Ang makasalanan ko na pagkatao ay tila bigla kong nailibing.
"Diyos ko! Tulungan ninyo ang kapatid ko.."
Tuloy-tuloy ang mabilis na pag-andar ng kotse ni kuya Clayton. Muli siyang ginitgit ni Kiel, ilang beses rin nitong binalya ang kotse ni kuya nang sunod-sunod.
Puta! Gusto yata nitong mamatay ang kapatid ko 'e, naku! Intayin lang niya..
Intayin lang niyang mapatay ko siya!
"Tabi! Tabi! Tabi! Tumabi kayong lahat!" Gigil na sigaw ni kuya.
Palapit na sila nang palapit sa bukana ng mansion. Ang mga tao ay kusang nag sipaghawian dahil mukhang alam nilang sasalpok ang kotse ni kuya. At sa huli sinubukan muling banggain ni Kiel ang kotse ngunit hindi niya ito napagtagumpayan maibalyang muli. Dahil sa kadahilanang wala na nga itong preno't kontrol...
Sa ngayon nauuna sa karera si kuya, kahit na nasa unahan ito ay abo't abot parin ang kaba ko..
Bakit?
Aba! Ikaw nga ang magpa andar ng kotseng walang preno't lumalagabgab tignan ko lang kung hindi ka kabahang loka ka!
Pigil na pigil ang hininga ko ng makalagpas si kuya sa finished line.
Nanalo siya!
Lumagpas ang kotse sa mansion. sa ngayo'y tinatahak na nito ang Seaside. Diyos ko! Mukhang isasalpok ni kuya ang kotse sa mga naglalakihan at nagtutulisang rock formations, para mapatigil ang pag andar ng kotse!
Jezz.. Ito lang ang choice niya!
Sinundan ng tingin at hiyawan ng audience ang kotseng umaandar ng paatras. Nagsipag-puntahan ang mga ito sa bukana ng seaside.
"Diyos ko po!" usal ko. Nang makitang sasalpok na ito sa batuhan.
Nang marinig ko ang malakas na pagsabog ang kotse ay para akong tinatakasan ng ulirat..
Gustong-gusto kong lumabas!
Pero bwisit! hindi pwede, may mga Guardiyang nagroronda sa paligid ko.
Naghiyawan na naman ang mga tao. Nagsimula narin silang magsipag hawian.
Bakit?
Ang naiwan kong tanong sa ere ay mabilis ring nasagot.
Dahil..
Marahang naglalakad ang kapatid ko pabalik sa direksyon kung saan kami naroon, paika-ika itong naglalakad at hawak ang sugatang kanang braso. Habang nakasukbit ang pagod na ngiti sa mapulang labi.
"I won, thanks god.." he mouted before he shrugged.
Oh, god!
___
"Your the man!" humahakhak na saad ni Kiel ng makabalik si kuya sa mansion.
Nagfist to fist pa ang dalawa na parang walang nangyaring gitgitan. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi lumabas sa pinagtataguan ko.
Napasinghap si kuya ng bigla ko siyang dambahan ng yakap. Umiyak ako sa dibdib niya, punong-puno ang puso ko ng pag-aalala't kaba.
"Tangina ka.. kakainis ka! Pinag-alala mo ako nang husto.." paos kong sabi.
"I am safe.." kalmadong anas nito sa akin, sabay haplos sa gulo't madumi kong buhok.
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Diyos ko, halos lahat ng santo'y natawag ko nang dahil sa kaniya. Pinag-papalo ko siya sa dibdib, pero gaya ng kay inay ay tila wala rin itong epekto sa kanya, sa halip na saktan ako ay mahigpit niya akong niyakap.
"Safe na ako.. safe na ako Claudette.."
"Ti-Tinakot mo ako kuya!" nangangatal kong sambit.
"Paano kung natuluyan ka?! Anong sasabihin ko kay Nanay! Bakit ba kasi lagi kang nagpupumilit! Dapat tumakas nalang tayong dalawa!" sunod-sunod kong giit.
Itinunghay niya ang mukha ko pagkatapos ay pinunasan niya ang luhang lumandas sa aking pisngi, mabigat siyang bumuntong-hininga.
"Safe ako. Hindi ako nagalusan, nabangasan, uuwi na tayo Claudette.. ta-tahan na, safe si kuya. Uuwi na tayo, tahan na.." pag aamo niya.
Unti-unting nalusaw ang pag-aalala ko ng ngumiti si kuya Clayton sa akin. Sa ngayon. I felt a relief kahit pansamantala, Safe kami, ligtas na siya.
Ngunit sabi nga..
"Expect the unexpected!"
Dahil isang tawag ang aking narinig na nagbigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.
"Claudette.. Claudette.." mapag-larong tawag nito.
Hinanap ko kung kanino nagmumula ang tinig na iyon..
Bigla akong nanigas nang malaman ko kung kanino nagbubuhat ang boses na narinig. Bakit ba nakalimutan kong andito nga pala si Emmanuel Isaac Delgado?
The heck! We're not safe.. were not safe anymore...
"So.. you're hiding!" nakangising akusa nito. "Akala ko pa naman, hindi ka talaga dumalo.. Ikaw pa naman ang hinihintay ko.." dagdag pa niya.
Dahan-dahan ko siyang hinarap. Parang nangalos bigla ang aking mga tuhod nang mamataan ko ang mala demonyo niyang ngisi, napakapit ako sa mga malalaking bisig ni kuya.
Napapikit ako.
Kung maari nga lang na huwag ng dumilat ay paniguradong iyon ang aking gagawin.
But we cannot escape.
We have to face it, face the consequences we had. Dahil sa larangang pinasok namin---
--walang utang na hindi dapat binabayaran. Utang ko ang buhay ko kanina. Niligtas ako ni kuya ngunit, mukhang hindi na niya ako maililigtas sa pagkakataong ito.
Nang tapunan ko ulit nang tingin si bossing ay mayroon na siyang hawak na dalawang pares ng baril. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Parehong Calibre kuwarenta'y singco, iiling-iling ito habang pinaglalaruan ang mga baril sa dalawang kamay. Pinaikot-ikot niya ito na tila ba baton ng majorate o drumsticks.
"Claudette... Claudette... Claudette... Claudette..." tawag niya sa akin na siyang nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Ilang taon ka na nga?.."panimulang tanong nito saka ikinasa ang hawak nitong baril.
Dahan-dahan itong lumapit sa amin, kasabay nang pag atras ko ay siya ding pag-atras nang mga tao sa likuran namin ni kuya.
"Ilang taon ka na nga?" tanong niya ulit.
"T-twenty three.." nauutal-utal kong sagot.
Tumango-tango ito pagkatapos ay ngumisi ito ng pagkalaki-laki.
"Ano ngang ginawa mo, sweetie? I can't heard it clearly. Tumakas ka daw? Isn't true?" tanong pa niya.
Dahan-dahan akong tumango.
"Well.. well.. well.. palagay ko kailangan kong bigyan ka nang gatimpala upang hindi mo na ito magawa sa susunod. Iyon nga lang kung may susunod pa.."
Napapikit ako at kasabay nang pagdilim ng aking paningin ay narinig ko din ang mabibigat na yabag ng sapatos niya patungo sa kinaroroonan ko. Nakarinig ko din ang malalalim na pagsinghap.
Katapusan ko na ba?
End ko na talaga to?
"Are you ready to face the death?" bulong ni Emmanuel sa akin.
Dahan-dahan akong tumango. Sa mga oras na iyon ay tila nagdilim ang paligid ko. Kapwa kami lang ni kuya Clayton ang naroroon at kasama namin ang demonyong ito.
Umiling si Emmanuel sa narinig. Dahan-dahan niya ring ibinaba ang baril na nakatutok sa pinakasentro nang aking sentido. Akala ko'y hindi niya ako sasaktan dahil sa inakto niya..
Pero-- mali ako..
Dahil malakas niyang sinapak sa mukha ko ang baril na hawak hawak. Napalupagi ako sa lupa sumalpok pa ako sa mga monoblock na bangko, duguan ang aking nguso at pumutok ang gilid ng aking kilay, nangangapal din ang labi ko.
Shit! Nangangatal-ngatal kong hinawakan ang mukha ko.
Halos hindi ako makagalaw ng mga oras na iyon. Nang tangkain akong tulungan ni kuya ay agad siyang tinutukan ng baril ni bossing.
"Boss.." si kuya.
"Do or die..?" maangas na tanong ni bossing saka pinaputok ang baril!
Napasigaw ako!
"Kuya Clayton!" hagugolgul ko.
Tanumba si Kuya, akala ko binaril siya ni boss ngunit, Nakailag pala ito at sa gilid ng tenga niya pumutok.
Napuno na naman ng tilian at hiyawan ang buong mansion, samantalang si kuya'y napahawak sa kanan niyang tenga, Oo nga't hindi siya tinamaan ng bala ngunit, ang malakas na putok naman ng baril ang ininda ng kaniyang pandinig.
Halos maglupasay si kuya sa lupa, iniinda nito sa sakit. Sigaw siya ng sigaw, napasuntok pa siya lupa.
Napaiyak ako. Awang-awa ako sa kapatid ko, napuno nang pagsisi ang aking puso. Labis kong sinisisi ang sarili sa kapahamakang nangyayari sa amin nang kapatid ko.
"K-Kuyaaa.." nanghihina kong sambit.
Galit na hinawakan ni Delgado ang aking panga, itununghay niya ang aking mukha. Halos mapasinghap ako at hindi makapaniwala nang bigla niya akong siniil ng halik.
"Dianne.." aniya na hindi ko maintindihan.
Mapangahas ang halik nito..
Mapangahas at mapag-parusa!
Sinipsip niya ang dugong nagmumula sa labi ko, pagkaraa'y nilunok niya ang dugong lumalabas roon. Matapos niya itong gawin ay mabilis siyang tumayo na tila ba walang nangyari, tila ba hindi niya ako hinalikan.. dire-diretso siyang nagtungo sa malaking pintuan ng mansion, saka galit niyang sininghalan at inutusan ang mga tauhan niya para ipasok kami sa loob.
"Dalahin iyang mga iyan sa loob! Itali't paghiwalayin ninyo ng kwarto! Huwag hahayaang makatakas!" galit niyang wika.
Iginala ni bossing ang tingin sa lahat. mabilis na napakunot ang noo nito, mabilis ring nagbago ang kaniyang maamong emosyon.
"Tapos na ang palabas, magsilayas na kayong lahat!" sigaw pa niya.
"Pag-bilang ko ng lima't may nakita pa ako ditong tao. I swear, sasabog ang mga bungo ninyo!" huling banta niya bago ako gupuin ng matinding antok.
_
BLOODYSPADE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro