Chapter 5
I spent the whole day inside my room. Gustuhin ko mang mag-buffet nang mag-buffet, I still wasn't feeling that well to actually go out and roam around the area. And so I just ordered everything through room service. Ilang beses ding dumaan sa kwarto ko si Venus. Minsan, kinukumusta ako pero madalas para makidukot ng pagkain at tsumismis. I'm not complaining though. Venus somehow makes things brighter. 'Yon nga lang, minsan ay sumusobra na sa daldal.
When dinner time came, doon ko napagdesisyunang lumabas na ng kwarto. Appa must have paid a lot for my stay here and I simply can't put it to waste. Kailangan ko pa rin namang sulitin ang lahat. So nagpunta na ako sa wakas sa restaurant ng resort to eat to my heart's content.
Upon entering the restaurant, nakita ko agad sina Hera at Chari. Apparently, they were assigned pala sa restaurant talaga at hindi lang kami nagkakasaktuhan whenever I visit it. Agad silang ngumiti at kumaway sa akin nang makita nila ako. Ngumiti rin naman ako at naglakad papalapit sa kanila.
"Hanap niyo po ba si Venus?" tanong ni Hera na agad kong inilingan.
"Naku, kanina pa 'yon daan nang daan sa kwarto ko. Sawa na ako sa pagmumukha n'on," natatawang sagot ko. I then scanned the area at nakitang maluwag pa sa loob ng restaurant. I breathed a sigh of relief dahil it means marami-rami pa ang pagkain ngayon.
"Parang ang onti yata ng tao ngayon?" I asked Chari na may tinitingnan sa labas ng glass walls ng restaurant. Bilang chismosang nilalang, umikot din ako para makita kung ano ba ang tinitingnan niya.
"Oh," mahinang ani ko. Napalingon naman sa akin yung dalawa dahil doon, probably wondering kung bakit gano'n ang naging reaction ko. I then tried to keep a poker face dahil wala rin namang rason para mag-react ako sa nakita ko. It was just a random guy and a random girl who happened to be flirting...except for the fact na siya rin yung ilang beses ko nang nakabanggan nitong mga nakaraang araw.
Lihim akong napailing sa kung anong naiisip ko. Nope. Hindi ngayon ang panahon para mag-isip ako ng kung ano-ano. I must focus on making the most out of this trip but that does not involve getting tangled up in a complicated relationship. Nandito ako para mag-relax at hindi para mag-ipon ng problema.
"Gusto niyo na po bang kumain? Samahan ko na po kayo sa table niyo," ani Hera na siyang pumukaw ulit ng atensyon ko. Agad akong tumango at sumunod sa kanya. Pagkain lang ang makakapagpatahimik ng pagkatao ko. Right. Sa pagkain lang ako dapat mag-focus at wala nang iba.
"Stop. Stop thinking about it. Geumanhae jebal," mahina kong litanya habang walang habas na hinihiwa 'yong steak sa harapan ko. Wala nang kalaban-laban 'yong karne pero grabe pa rin kung tadtarin ko iyon. I didn't know that a simple thing could rile me up like this. Ang labo. I wasn't raised by eomma and appa like this. I always kept my cool sa kahit na anong sitwasyon. So why was acting this way now? (Stop it, please.)
"Jejeongsiniya? Micheoseo? Guemanhae!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, in the hopes na tumigil na rin ako sa pagkabaliw kong ito. When I was slowly regaining my focus, saka naman may naupo sa harapan ko. (What the fuck is wrong with you? Have you lost your mind? Stop it!)
"Hey, chill. Kawawa na yung steak sa ginagawa mo, o." Napatigil ako sa panggigigil ko sa steak nang marinig ko ang boses niya. As much as I didn't want to look up and remember how he flirted with the girl he was with earlier, I still had to act like it's nothing to me at all.
Kung bakit ba naman kasi parang affected pa ako sa nangyari kanina? So what naman kung nakikipag-flirt siya sa iba? Ni hindi nga kami magkakilala. Ilang beses lang nagkabunggo, feeling ko naman may something na. Bwisit talaga!
"Ne?" sagot ko sa kanya in an attempt to push him away. Katulad kahapon, ang magpanggap na hindi ko siya kilala ang pinaka-safe na paraan para makalayo sa kanya. (Yes?)
"Come on. I know you can understand me. I saw you talking to the waitresses a while ago," sagot niya pabalik sa akin which caught me off-guard. So he was observing me a while ago, huh?
"Sanggwan eobseo," deretso kong sagot which didn't even seem to affect him at all. Nakatingin pa rin siya sa akin at para bang mas lalo lang siyang naa-amuse dahil sa pinaggagagawa ko. (I don't care.)
"You know what? You remind me of someone..." aniya at saglit siyang nag-isip. His right hand was placed below his chin while he kept on looking at me intently. Gustuhin ko mang iiwas ang tingin ko dahil naiilang na ako sa paraan ng pagtitig niya, I had to act like I was completely unaffected with the situation. Sana lang talaga hindi ako mukhang tanga ngayon.
"Ah... Para kang yung kababata ko sa sobrang tigas ng ulo. Hindi sumusunod sa kahit na anong utos at ipinipilit pa rin yung point niya kahit na mali." I immediately gulped with the way he described the kid. Ganoong ganoon ako no'ng bata pa ako pero imposible namang si Ren-Ren 'to. He wouldn't grow up to be like this naman, for sure.
"Ah, mollayo. Jeoligayo," pagtataboy ko sa kanya, which obviously didn't work. Mukhang kailangan ko na talagang tigilan 'tong pagpapanggap kong 'to. I really need to drive him away from my life. (Ah, I don't know. Go away.)
"Whatever it is you're planning, just stop. Leave me alone and stop talking to me, okay?" mataray kong sabi sa kanya which left him stunned. Nanatili siyang nakatitig sa akin and I wasn't liking the attention that I was getting. Pakiramdam ko, mas lalo ko pa siyang binigyan ng rason para guluhin ang buhay ko.
Ang lalang gulo na nga yung dala ni Venus sa buhay ko, dadagdag pa ba 'to? I can't help but ask.
I was about to throw a fit already when someone approached him. Hinagod nito ang kamay sa balikat ng lalaki sa harapan ko at pasimple pa akong sinamaan ng tingin. I immediately rolled my eyes because of it. Ano bang akala nitong haliparot na 'to? Aagawin ko 'tong bwisit na 'to sa kanya? Jusko. Kanyang kanya na 'to, please lang!
"Enzo, let's go?" malanding tawag nito na para bang hindi naman naririnig nitong nasa harapan ko. Nakatingin pa rin siya sa akin at wala man lang balak gumalaw sa kinuupuan nito.
"Enzo..." tawag ulit ng babae na halatang inis na inis na sa ikinilos nitong Enzo.
Frustrated, I finally broke the ice and decided to push them away from me.
"Can the both of you just leave me alone? I'm trying to have a decent meal here," mataray kong sabi sa kanilang dalawa. Pagalit na hinawakan ng babae 'yong kamay ni Enzo at pilit na itong hinatak palabas ng restaurant. Finally having my alone time back, tinorture ko na ulit yung steak dahil sa inis ko sa kanilang dalawa.
Ugh. Mga bwisit talaga!
***
Ilang beses din akong nakaulit ng kuha sa pagkain dahil sa frustration ko sa nangyari. Nang makaramdam na ako ng matinding kabusugan, that's when I decided to drink some tea and call it a day.
Pagkalabas ko ng restaurant, tahimik akong naglalakad-lakad malapit sa pool and that's when I suddenly thought of an idea. Nagpunta naman kasi talaga ako rito na ang tanging plano lang ay kausapin si Aling Susan pagkatapos ay magbakasyon at mag-unwind dito sa Cebu.
Okay fine. Kasama rin sana sa plano ang pagtatanong kung nasaan na ba yung pesteng Ren-Ren na 'yon na tinalk shit ako nung bata pa kami. Asang asa pa naman ako na magkikita kami, nag-ayos pa ako nang bongga tapos ghoster naman pala?
Hay nako talaga. Kapag nakita ko talaga 'yong bwisit na 'yon, dadagukan ko 'yon nang bonggang-bongga hanggang sa lumabas sa butas ng ilong niya yung utak niya. Leche talaga siya.
Umupo ako sa may tabi ng pool at inulubog ko ang mga paa ko roon nang sinubukan kong balikan ang mga iniisip ko bago pumasok sa utak ko si Ren-Ren. Ah. 'Yong bucket list nga pala. Susubukan kong bumuo ng bucket list habang nandito ako sa Pilipinas, particularly dito sa Cebu. Lulubusin ko na ang panahong nandito ako para kapag bumalik ako sa Korea, wala akong pagsisisihan pa. Tama. I should probably do that.
And so before I could even forget to list down my ideas for my bucket list, dali-dali na akong tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto ko. I then grabbed my journal and pen at nagsimula na akong magsulat ng bucket list ko.
Cara's Bucket List
1. Visit Magellan's Cross
2. Take pictures at 10,000 Roses at night
3. Visit Temple of Leah, Cebu Taoist Temple and Fort San Pedro
4. See with whale sharks!!!
5. Conquer my fear of heights - Try the Crown Regency Sky Experience
6. Eat lots of seafood!!!
7. Eat lots of lechon! >.<
8. Learn how to speak in Bisaya
9. Learn how to scuba dive and do island hopping
10. Find a travel buddy (Okay fine. Pwede na ring special someone?)
11. Enjoy every moment!
Halos mapailing ako sa dalawa kong huling isinulat. I'm not sure if I could even really do that pero bahala na. I'll just make this trip memorable by hook or by crook. Nandito na rin lang ako, I should probably make the most out of it.
The moment I was done with my bucket list, I took one look at it again at saka ako napabuntonghininga. I know this would take a lot of time, effort, money, and courage but appa taught me to become a fighter. Iisa-isahin ko ang mga nasa listahan, pati na rin ang posibleng magpatibok ng puso ko. Or not.
Magsisimula na sana ako sa pagre-research ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. When I checked who it was, si Jansen pala.
"Yeoboseyo?" kalmadong sagot ko. Ilang minutong sigawan at pagkalampag ng kung anong mga gamit sa background. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa sa nangyayari sa kanila ngayon. I swear I could already imagine the reason why this is all happening right now. Malamang sa malamang, may kasalanan na namang ginawa 'tong si Jansen. (Hello?)
"Noona! Save me! Bubugbugin na ako ni Eomma!" sigaw ni Jansen sa kabilang linya na sinundan na naman ng kalampag.
"Ano na naman ba kasing ginawa mo?" tanong ko sa kanya. Hindi na naman siya nakasagot sa akin at narinig ko na ang sermon ni eomma sa kanya. Apparently, hindi na naman siya nag-aral para sa exam niya. What's worse is nahuli pa siya ni eomma na naglalaro lang ng video games.
"Noona, dowajuseyo!" pagmamakaawa niya pero napailing na lang ako. (Older sister, please help me!)
"Labas na 'ko diyan. Sinabi ko naman sa 'yo na sundin mo si eomma, eh. Kung bakit ba naman kasi nagpasaway ka pa."
"Kailan ka ba uuwi?!"
"See you in three months, Jansen!" nakakalokong pagpapaalam ko at ibinaba ko na yung call. Hay nako. Wala na talagang pag-asa 'tong kapatid ko.
***
HAPPY VALENTINE'S DAAAAAY!
Let me know your thoughts about this chapter! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro