Chapter 3
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin yung katabi ko. As much as I would want to appreciate how good looking he was and how his shirt was showing his well-built body, I decided not to focus on that for now. Hindi ako magpapatukso sa nagsusumigaw niyang muscles just because I liked the view. Not when sinungitan niya ako kanina sa foundation! No, just no. Hindi marupok ang isang katulad ko!
I quickly averted my gaze when I noticed that he didn't have any plans on looking somewhere else. For a guy like him, I have to say that he has some guts. Ang lakas din ng loob niyang titigan pa rin ako kahit na nahuli ko na siyang nakatitig. Like sure, I know I'm good looking din naman but he didn't have to look at me like he was memorizing my face or something.
"Ay, Cara! Pagdali na! Kay naa tay adtuon, dali!" rinig kong sigaw ni Venus. I just looked at her and wasn't able to process anything that she had said. Ayan na naman siya sa paggamit niya ng Bisaya kahit na wala naman akong naiintidihan. (Ay, Cara! Tara na! May pupuntahan tayo, dali!)
"Sabi ko tara! May pupuntahan tayo!" sigaw niya ulit and at that moment, I silently thanked the heavens dahil magkakaroon na ako ng excuse para iwan 'tong lalaking katabi ko.
Nagmadali akong maglakad papunta kay Venus at hindi na ako lumingon pa sa pinanggalingan ko. I could feel that he was still staring at me but whatever. Hindi ako basta bibigay dahil lang sinabihan ako ng maganda. Never!
"Where are you taking me ba?" tanong ko kay Venus nang makalapit na ako sa kanya. Ngingiti-ngiti pa ang bruha na para bang kinikilig na ewan. Mukha tuloy siyang uod na binudburan ng asin.
"Speed ka pala, Cara! Nabingwit mo na agad yung gwapong guest," natatawang sagot niya sa akin, pero hindi niya pa rin naman sinasabi kung saan nga kami pupunta.
Mahina kong pinalo ang braso niya dahil sa kapilyahan niya. The hell. Wala akong balak bingwitin yung masungit na 'yon, 'no! Aba. Bakit ako ang gagawa ng first move? Ay shet. Mali. Erase, erase. Galit pa rin pala ako sa pagsusungit niya kanina kaya walang bingwitang magaganap.
"Sira ka talaga!"
Patuloy lang sa pagtawa si Venus habang naglalakad na kami palayo. I asked her again kung saan kami pupunta pero ang sabi niya lang, may ipakikilala raw siya sa akin. Iba pa raw 'to at hindi yung masungit na gwapo.
After a few minutes of walking na hindi ko naman alam kung saan ba talaga papunta, we finally came to a stop. Tinitingnan ko ang paligid ko pero hindi ko pa rin talaga malaman kung saan ba ako dinala ni Venus. Not that I was familiar with this resort din naman talaga. First time ko lang din naman dito.
"Venus, saan ba 'to ha?" tanong ko sa kanya. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya pero hindi naman kasi niya sinasagot nang matino yung mga tanong ko kanina pa. I was sure na nasa resort pa rin naman kami dahil hindi kami lumabas but still, hindi pa rin ako mapalagay.
"Don't worry, be happy! Wala pa ngang nangyayari, kabadong kabado ka na. Nega star ka ba, ha?" balik tanong naman niya sa akin. Aba. Sinabihan ko lang kanina na huwag na akong i-po at ma'am, sumobra naman yata sa kapal ng mukha. Dagukan ko kaya 'to ngayon nang matauhan man lang?
Ayaw ko mang magsungit kay Venus since magaan naman ang loob ko sa kanya but I wasn't able to control it anymore. Tinaasan ko siya ng isang kilay to show her that I didn't like where this situation was heading to.
"Ma'am, hindi lahat katulad ng ex kong manloloko. May mga tapat pa rin katulad ko. Kaya kaunting tiwala naman diyan!" eksaheradang hugot ni Venus so I had no choice but to nod my head and agree to whatever she said. Maya-maya lang, hinatak na niya ako papasok ng maliit na building na 'to.
Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ni Venus. Hindi na niya ako nililingon pero it was obvious na kabisado niya ang bawat sulok nitong lugar na 'to. After a few minutes of walking, we finally stopped in front of a room. Hindi na siya kumatok doon at basta na lang niyang binuksan ang pinto na siyang ikinalaki ng mata ko.
Anak ng patola. May tililing na nga yata talaga 'tong isang 'to. Hindi ko mapigilang isipin. Dere-deretso ba naman kasi ng pasok 'tong si Venus sa kwarto at hatak-hatak pa ako. Malay ko ba kung kaninong kwarto 'to!
"Hello, everybody! Nandito na muli ang nag-iisang sexy lady!" biglang sigaw ni Venus. Imbis na may sumagot sa kanya, narinig ko na lang ang pagkalansing ng kaldero at ang pagkabasag ng di ko malaman kung pinggan o baso. Laglag din ang panga ko sa taas ng confidence nitong babaeng 'to. Jusmiyo. Bakit ba ganito 'tong kasama ko?
"Patay ta diha. Nayabag nasad ning usa diri." (Patay tayo riyan. Lumuwag na naman ang turnilyo ng isang 'to.)
"Wala man jd naikog. Naa rabay laing kuyog," narinig kong bulungan ng dalawang tao sa loob ng kwarto. Pero bago pa man ako makapag-react dahil wala na naman akong naintindihan, lumingon ulit sa akin yung isa at nanlaki ang kanyang mga mata. (Hindi na nahiya. May kasama pa namang iba.)
"HALA. NAAY KAY LAING KUYOG?!" sigaw nito sabay turo kay Venus na akala mo ay nakagawa ng kung anong krimen. Venus then smiled sheepishly acting as if she was prim, proper and innocent. (TEKA. MAY KASAMA KANG IBA?!)
"Kalma sa gud mo dira. Ipa-ilaila man ta mo diri. Ka-hot pud ninyo uy," kalmadong sagot ni Venus then she comfortably sat on the sofa. Lumingon naman siya sa akin then she told me to sit down na rin. I reluctantly followed her instruction at umupo ako sa tabi niya. Lumapit din naman yung dalawang nasa kwarto sa amin ni Venus at umupo sila sa tapat naming dalawa. (Kalma nga lang muna kayo. Ipapakilala ko naman kayo dito. Masyado naman kayong hot, e.)
Nakatitig lang sa akin 'yong dalawa hanggang ngayon. Si Venus naman, ayon, daig pa ang may-ari ng kwartong 'to kung umasta. Teka. Could it be...?
"Ayan. Since kalmado naman naman na tayong lahat, pwede na ba akong magsalita?" tanong ni Venus na ikinataas ng kilay ko. Kanina pa naman siya salita nang salita so what's the point of asking that?
"Ay nako. Alam ko na 'yang tumatakbo sa utak mo, girl. Gandang ganda ka na sa akin, ano?" tanong niya sa akin kaya nagsalubong naman ang kilay ko. What the hell is wrong with this girl? Napapaisip na tuloy ko if I made the right decision to befriend her agad. If ganito ang makakasama ko for the rest of my stay, would I still be sane enough to go back to Korea?
Hindi na lang ako sumagot sa tanong ni Venus and I reluctantly faced the two unfamiliar people in front of me na kanina pa pala nakatanga sa aming dalawa. A forced smile formed on my lips as I tried to hide the unsettling feeling inside me. Pakiramdam ko talaga, hindi magandang desisyon na napaghatak ako rito kay Venus.
"So ito sina Hera Crossalda at Chari Zarden, roommates ko. Nagtatrabaho rin sila dito sa resort so kung na-pick mo na, quarters namin 'to," paliwanag sa akin ni Venus. Tumango lang ako sa kanya at akmang magpapakilala na sa mga kasama niya nang umalma ang mga ito.
"Sinabi nang Hera na lang, e!"
"Chari lang sa akin!"
"Aba! Makareklamo kayo, ako ba nagpangalan sa inyo? Nanay niyo naman, di ba?" sagot ni Venus na ikinalaki ng mga mata ko. Jusko. Wala yata talagang filter ang bibig ng isang 'to.
"Anyway, highway, ito palang kasama ko ay medyo nakalamang lang ng isang paligo sa akin at mas maganda lang ang damit. Pero kung titingnan, parang mas lamang naman ako sa ganda, di ba? Siya si Cara, ang munting prinsesa," pagpapakilala sa akin ni Venus. Umiiling sina Hera at Chari habang ako naman ay gusto nang umalis dahil hindi ko kinakaya pa ang sinasabi nitong kasama ko. Gusto ko lang naman sanang mag-unwind pero bakit biglang ganito?
"Baliw ka talaga! Hindi ka na nahiya!" Hera said sabay bato ng unan kay Venus. Madali namang naiwasan 'yon ng katabi ko kaya ang ending, sa akin bumagsak yung unan.
"Ay peste! Sorry, Ma'am Cara! Pagpasensyahan mo na rin 'tong kabaliwan ng kasama namin, ah?" Hera apologized and I just smiled at her. Pakiramdam ko, nauubos na masyado ang energy ko dahil sa nangyayari and I couldn't keep up at all.
"Mahiya ka ngang baliw ka!" pagsita naman ni Chari. Venus was unaffected though. Prente pa rin siyang nakaupo sa tabi ko na parang normal lang sa kanya ang lahat. Wala na rin tuloy kaming nagawa kundi mapabuntonghininga na lang.
After a while, naghain na ng meryenda sina Hera at Chari. Agad na sumugod si Venus sa lamesa at hindi na ako pinansin pa. Hera kept on apologizing dahil sa pinaggagagawa ni Venus but I just told her that it's okay. Inaalok nila akong kumain pero tumanggi na rin ako. Hindi pa rin naman kasi ako nagugutom kaya I decided na makipagkuwentuhan na lang muna sa kanila. Apparently, matagal na pala silang magkakaibigan. Simula high school daw ay magkakasama na sila tapos pare-pareho ng kinuhang course sa college hanggang sa sabay-sabay na ring nag-apply at natanggap dito.
To be honest, I kind of envied the friendship that they have. Sa Korea kasi, halos mabibilang lang sa mga daliri ng isang kamay ko ang naging kaibigan ko talaga. Hindi naman sa bully yung mga naging kaklase ko but I was just scared to get attached to someone again tapos sa huli, maghihiwalay rin naman pala kami at hindi ulit magkikita. After what happened to me and Ren-Ren, parang ang hirap nang makipagkaibigan ulit.
"Ma'am Cara, maganda ba talaga sa Korea?" tanong ni Hera.
"Oo pero siyempre, may ilang bagay na mas maganda pa rin naman dito. May pros and cons naman ang bawat lugar so medyo mahirap ding pagkumparahin yung dalawa. And please, drop the ma'am na. Kaibigan naman kayo ni Venus so damay na rin kayo sa gano'n," sagot ko sa kanya. Kanina ko pa kasi sinasabing huwag na rin akong tawagin ng ma'am kapag kami-kami lang naman. Kaso mga nahihiya pa yata kaya hindi nila matanggal yung ma'am.
"Ahh... Pero marami po bang oppa? Pangarap kasi naming magkajowa na Korean!" tila nangangarap na sabi ni Chari. Napailing naman ako dahil do'n. Sa tinagal-tagal ko kasi sa Korea, para bang naging mailap din sa akin ang makahanap ng oppa. Parang kung hindi taken na, di naman pasado ang itsura. Ewan ko ba! Hindi ko tuloy alam kung iba lang ba ang standards ko o sadyang wala akong pag-asa.
Nagtagal pa ako saglit sa kwarto nina Venus. Napasarap na rin naman kasi ang kuwentuhan naming apat. Nang kumalam yung sikmura ko, doon ko tiningnan kung anong oras na ba at halos mag-panic na ako dahil malapit nang magsara yung buffet.
"OMG. I have to go! Hahabulin ko lang muna yung buffet!" nagmamadaling paalam ko sa kanila. Pinipigilan pa sana ako ni Venus pero hindi ko na siya pinansin. Dere-deretso lang ako ng takbo pabalik sa main building ng resort hanggang sa bumangga ako sa kung ano. When I looked up to check kung saan ba ako tumama, nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko.
"It's you again..." nakangiti niyang sabi sa akin. Ah, bwisit. Pag minamalas ka nga naman!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro