Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Seoul, South Korea

"Eomma! I'm leaving na!" sigaw ko habang pilit na pinagkakasya lahat ng gamit ko sa maleta. Today's the day I'll be going back to the Philippines. Sixteen years have passed since I was adopted from Bukang Liwayway Foundation at ang dami na ring nangyari sa buhay ko. Pagka-ampon sa akin noon, lumipad agad kami papunta rito sa Korea dahil dito rin naka-base ang business ng parents ko. (Mother)

"Eonni, kajima. Do you really have to do this?" tanong sa akin ng nakababata kong kapatid. Just like me, Jansen was adopted as well. Sa Pilipinas din siya inampon kaya mas madalas kaming mag-usap in Filipino or in English dahil 'yon na lang din ang way para maalala namin ang pinanggalingan naming dalawa. (Older sister, don't go.)

Don't get me wrong though. We're actually very thankful nga na na-ampon kaming dalawa. We were given a second shot in life. Kung dati, akala namin ay mabubulok na kaming dalawa sa ampunan, ngayon, halos lahat na yata ng luho sa buhay ay madaling naibibigay sa amin. We get to travel, eat delicious food, buy expensive clothes and gadgets at sa magandang schools pa kami pinag-aaral. It's just that at the end of it all, hindi pa rin naman maiaalis that we're Filipinos.

"Jan, you know naman that I've wanted to do this for a long time na, 'di ba?" sagot ko sa kanya and he just pouted at me. Kapag ganito kasi ang isinasagot ko sa kanya, alam niyang talo na siya.

"Can't I come along with you? I promise I'll behave." Napangiti ako sa sagot niya at ginulo ko ang buhok niya. Agad naman siyang umiwas sa akin dahil doon. Jansen really hates it whenever I do that to him. Hindi na raw siya bata para tratuhin ko siya nang ganoon. But whatever. I'll still treat him as my baby brother no matter what happens.

"Aniyo. Maknae-ya, neoneun gongbuhal geoyeyo," seryosong singit ni eomma. Napasimangot si Jansen dahil doon.  (No. Youngest child, you will study.)

Dahil nasa high school pa lang siya at malapit na ang CSAT, sobrang tutok si eomma sa pag-aaral niya ngayon para daw sa magandang university rin siya makapasok gaya ko. Sobrang pressure nga lang kay Jansen dahil hindi naman niya hilig ang pag-aaral. He would rather play games or hang out with his friends kaysa mag-aral o magbasa kaya mas strict din talaga si eomma sa kanya.

"Eonni, stop laughing! It's not even funny," reklamo ni Jansen at piningot na siya ni eomma sa tainga. Lalo akong natawa dahil sa nangyayri sa kanya at mas lalong nalukot ang mukha niya pagkarinig niya sa pagtawa ko.

"Geumanhae jebal a!" pagmamakaawa ni Jansen pero hindi naman siya pinapansin ni eomma. (Stop it, please, ah!)

Napailing na lang ako sa kakulitan nilang dalawa then I decided to double check kung may kulang ba sa mga dala ko. Once I've made sure na okay na ang lahat, I cleared my throat and bowed in front of eomma.

"Annyeonghi gyeseyo. Jal jinaeseyo," paalam ko sa kanilang dalawa. Binitawan na sa wakas ni eomma sa Jansen at ngimiti nang tipid sa akin. Si Jansen naman, hinihilot naman ang tainga niya. (Goodbye. Take care.)

Naglakad palapit sa akin si eomma at niyakap niya ako nang mahigpit. It's very seldom that she does this kaya naman hindi ko napigilan ang magulat sa ginawa niya.

"Jal jinaeseyo. Call me when you arrive there, okay? Annyeonghi gaseyo." (Take care. Goodbye.)

"Ne, Eomma. Saranghae." (Yes, Mother. I love you.)

"Nado. Saranghae, uri ttal," bulong ni eomma at hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. (Me too. I love you, my daughter.)

Nang humiwalay si eomma sa pagkakayakap niya sa akin, I picked up my bags one by one. I then took one last look at my mother and younger brother who are smiling at me. This is it. Philippines, here I come.

***

Manila, Philippines

Delayed ang flight ko. At kapag minamalas ka pa, ang ingay ingay ng katabi ko sa eroplano. Hindi na naubusan ng kwento e halata  namang hindi ako interesado sa sinasabi niya. Buti na lang talaga at niregaluhan ako ni Jansen ng ear buds noong huling birthday ko. I finally put them into good use.

After more than four hours of non-stop babbling courtesy of my seatmate, narating din namin ang Manila. Nang natapos na ako sa immigration at nakuha ko na ang mga gamit ko, I immediately looked for the service of the hotel where I'll be staying in the meantime. I'll be staying here in Manila for a few days bago ako pumunta sa totoong destination ko which is Cebu.

"Ms. Cara Chu?" tanong sa akin ng isang lalaking naka-coat and tie pa. He was looking straight at me at ang laki pa ng ngiti niya. Who the hell is this guy ba at bakit alam niya ang pangalan ko?

"Uhh, nuguseyo?" hindi ko napigilang itanong sa kanya. He doesn't look suspicious naman pero parang ang feeling close naman kasi nito. (Who are you?)

"Your father, Mr. Pika Chu, asked me to fetch you today. I'm Richard and I will be your driver slash personal assistant while you're here in the Philippines. Here is my calling card for your reference," paliwanag niya sabay abot ng calling card na sinasabi niya. Tiningnan kong maigi ang pangalan niya sa card. Richard Mander... Parang familiar nga ang pangalan at mukhang kakilala nga talaga ni appa. I guess there's no harm in trusting him, right? (Father)

"Arraseo. Kamsahamnida." (Okay. Thank you.)

"Aniyeyo." (You're welcome.)

"O? Hangugeoreul haseyo?" tanong ko sa kanya. I couldn't help but be amazed with the preparations that appa did for my trip. Kaya pala sabi niya siya na ang bahala sa lahat. Kukuha pala siya ng multi-lingual na assistant para sa akin. I immediately smiled at the thought. (You speak Korean?)

"Jogeum?" sagot niya with matching actions at facial expressions pa. Akala mo tuloy he was brought straight from a Korean drama. Yung mga typical pa-cute with pa-tilt of the head pa just to express what they want to say. (A little?)

"Oh, okay po. But if mas comfortable po kaya sa Filipino or sa English, it's okay din naman," sagot ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang napabutonghininga siya sa sinabi ko. Teka. Did I say something wrong ba?

"Harujusko. Marunong ka naman palang mag-Tagalog, ma'am! Pinahirapan niyo pa ako!" reklamo ni Richard habang nagkakamot siya ng ulo. Para bang ang laki ng pagsisisi niya na nag-English at Korean pa siya sa akin kanina.

"Uhh, sorry po? Hindi ko naman po alam na nahihirapan kayo," paghingi ko ng paumanhin kahit na di ako sure kung dapat pa. E kasi naman bakit parang kasalanan ko? Di naman ako ang cause ng paghihirap niya ngayon. Siya naman 'tong nagbida-bida sa "skills" niya kanina.

"Ay nako, ma'am! Akala ko po duduguin na talaga ang ilong ko kanina! Kaunti lang po kasi ang baon kong English at Korean. Kadalasan pa, yung mga nakuha ko lang sa mga K-drama ang alam ko."

"Ano pong pinanonood niyo ngayon? Sino paborito niyong character? E yung ayaw niyo naman po?" dere-deretso kong tanong sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sasakyang dala niya. Buong biyahe namin papuntang hotel, puro drama na lang ang pinag-usapan naming dalawa. Napag-alaman kong fan din pala siya at ang anak niya ng Twice. Memorize pa nga raw nila yung dance steps ng What is Love? kaya nag-post na rin sila ng video sa TikTok.

Dahil sa sobrang kwela nitong si Richard, napaisip akong bigyan siya ng album ng Twice. I should probably ask Jansen to ship some albums habang nandito ako sa Philippines. At dahil nadala nga ako sa kwentuhan namin ni Richard, nawala rin tuloy sa loob ko na tawagan agad si eomma. Naku, patay ako nito.

"Yeoboseyo?" sagot sa kabilang linya after a couple of rings.

"Eomma..."

"Aba, buti naisipan mo pang tumawag ha? Kanina pa dapat lumapag yung eroplano mo pero ngayon ka lang tumawag! Ang bilin ko sa 'yo, tatawag ka agad, 'di ba?" dere-deretsong litanya ni eomma kaya napapikit na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kapag ganitong Tagalog kasi ang sermon niya, alam kong naiinis talaga siya. Hindi uubra ang pagpapa-cute ko sa ganito.

"Mianhe..." mahina kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya dahil doon. If there's one thing that I've mastered about my mom, I know that her anger basically evaporates once I've said I'm sorry. Through that way raw kasi, it's as if I'm admitting to my mistakes and that I know I'm in the wrong. So whenever she gets mad at me, I always say the magic word para kumalma na siya. (I'm sorry.)

"Arraseo. Go and rest first. You must be tired from the flight." Tumango ako bilang kahit sagot even if she couldn't really see me right now. After a few reminders, she ended the call na rin.

Nang maitago ko ang phone ko sa bag, sakto namang dating namin sa hotel. Tinulungan ako ni Richard sa mga gamit ko hanggang sa pag-check in ko. I declined his offer na nga lang na ihatid pa ako hanggang kwarto. Ipinasa ko na 'yon sa bellboy.

"Text na lang po kita kapag may gusto po akong puntahan tomorrow. Magpapahinga na lang po ako today," I told him bago ako umakyat sa kwarto.

"Sige po, ma'am. Kapag may kailangan po kayo, I'm just one call away. Dadaigin ko pa po sina Superman at The Flash para makapaunta po agad ako rito.

"Okay po. Thank you po!" nakangiti kong sagot sa kanya then he left na rin.

When I reached my room, inilabas ko agad ang laptop ko at sinubukan kong maka-connect sa wifi. Binuksan ko ang Google at nag-search agad ako tungkol sa Bukang Liwayway Foundation. Nandoon pa kaya 'yon? I can't help but wonder.

***

The next morning, bumaba agad ako sa restaurant ng hotel to eat breakfast. Hindi na rin kasi ako nakakain ng dinner kagabi dahil sa pagod. After kong mag-research at maligo, nakatulog na ako agad. And so I decided to eat as much as I could this morning. Nang hindi ako makuntento sa isang round ko sa buffet, kumuha pa ulit ako ng pagkain.

I was drinking my second cup of coffee nang maalala kong i-text si Kuya Richard.

To: Kuya Richard
Hi, kuya! Si Cara po 'to.
May gusto po sana akong puntahan today.
Mga what time po kaya kayo makakapunta rito sa hotel?

I proceeded to eating pastries and drinking coffee nang mag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, it was Kuya Richard. Ang bilis namang mag-reply nito!

From: Kuya Richard
Mga 30 minutes po, ma'am.
Pero kung nagmamadali po kayo, kaya ko namang mag-Fast and Furious

To: Kuya Richard
OMG ka, kuya! No rush naman po.
Kahit mga 11 na po kayo dumating, okay lang.
Ayaw ko pa pong ma-meet si San Pedro. >.<

From: Kuya Richard
Di ka po sure.
Baka si Satanas maka-eyeball niyo.

To: Kuya Richard
KUYA!!!

From: Kuya Richard
Joke only, ma'am! Hehe.
Sige po, 11 am.

Napailing ako dahil sa pinagsasasabi ni Kuya Richard. Tinapos ko na tuloy yung kinakain ko dahil paranng nawalan na ako bigla ng gana. Umakyat na rin ako sa kwarto ko para makapag-ayos na. I then fixed my small bag where I placed some of my valuables and other belongings. Nang makasiguro na maayos na ang lahat, bumaba na ako sa lobby to wait for Kuya Richard.

At exactly 11 am, I saw the car that he used yesterday na pumarada sa tapat ng entrance ng hotel. Naglakad na agad akoo palabas para hindi na siya bumaba pa. Pagkakita niya sa akin, bumusina siya ng isang beses.

"Good morning, Kuya," bati ko sa kanya pagpasok na pagpasok ko ng sasakyan.

"Mas maganda ka pa po sa umaga, ma'am," sagot naman niya sa akin.

"Hay nako, si kuya. Ang aga-aga, puro kalokohan."

"I'm just telling the truth and nothing but the truth po," nakangiti niyang sagot sa akin kaya hindi na ako nakipagtalo pa.

"Saan niyo po pala gustong pumunta, ma'am?" tanong ni kuya kaya inilabas ko yung phone ko mula sa bag at ipinakita ko sa kaya yung mapa.

"Dito po sana, sa Bukang Liwayway Foundation. Alam niyo po ba 'yan?"

"Yes po, ma'am. Ako na pong bahala. Sit back, relax and enjoy the ride!" malakas na sabi ni Kuya Richard and so I decided to trust him. Ang problema nga lang, hindi ako makapag-relax. Bakit ba kinakabahan ako bigla ngayon? Tama pa nga ba 'tong desisyon ko na magpunta rito? Sa totoo lang, ewan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro