Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNO

˚˚. HADES


"Putangina," bulong ko nang maramdaman 'yung matinding sakit ng ulo ko sa paggising.


Tanginang 'yan, dapat pala hindi ko inaya makipagpaligsahan kay Dior noong tumigil kami sa daan! Dahil mataas ang alcohol tolerance namin, hindi na namin hinintay na makaabot sa Crowbones bago buksan ang mga beer.


Ang lakas pa ng loob ko na sabihin sa kanya na paramihan kami ng makakainom tapos manlilibre 'yung natalo.


Ako ba ang natalo?


Ang tindi ng hangover ko at gusto ko nalang matulog. Kairita naman tapos inubos pa ni tanginang Apollo ang tubig ko. Ang dami kong problema. Pero mas problema ko ay wala akong maalala bago ako makatulog.


Hindi ko alam kung nakatulog ba ako dahil sa sobrang pagkalasing o sa hindi ko malamang dahilan. Puta, ewan ko na!


Hahawakan ko sana ang ulo ko nang mapagtanto ko na nakatali ang mga kamay ko sa likuran ko.


Hayop? Tangina nasaan ako?


Lumibot ang paningin ko sa mga kaibigan kong nakagapos din. Pabilog ang pwesto ng mga upuan namin at mukhang wala silang balak magising.


Paano kami nakarating dito?


Madilim ang kwarto pero mukhang old money ang disenyo. Maganda ang pagkakahalo ng kulay itim, pula, at gold sa mga dekorasyon at furnitures. Hindi naman nagbago ang mga damit namin — pero nasaan kami?


Wala akong maalala sa nangyari kagabi kundi dumadaan kami sa madilim na kalsada. Nag-inuman pa nga kami nina Dior, Apollo, at Zeus habang nagpapahinga roon. Wala na akong maalala kung nalasing ba ako o ano... Gago?! Baka anong nasabi ko tungkol kay Chanel?! Isipin pa nila na mahal ko pa siya.


I mean, oo, mahal ko pa pero, hindi nila dapat malaman!


Napunta ang mata ko sa isang uwak sa tabi. Itim na itim siya pero isa lang ang kakaiba.


Pugot ang ulo nito.


Lumibot sa buong katawan ko ang kilabot nang makaramdam ng hindi maganda sa lugar na ito. Sinubukan ko nalang na tanggalin ang tali sa akin kaso ang higpit ng pagkakakapit kaya nasaktan lang ang palapulsuhan ko.


Sa ganitong oras, parang masarap tumambay sa Dapitan kasi maraming pang-nomi. Kapag stressed ako, nomi. Kapag kinikilig ako, nomi. Kapag nakatali ako, may dulot pa ba ang nomi?


Oo naman.


Napatingin ako kay Chanel na natutulog ngayon. Ngayon lang ako pwedeng tumitig sa kanya. Kasi kapag mulat siya, bawal na. Hindi na kami pwede. Para lang akong babalik sa kahapong pinagsisisihan ko.


"Gising!" Sumigaw ako para humingi ng tulong. "Ares! Tiffany! C-chanel! Hermés! Prada! Zeus! Dior! Apollo! Gucci!"


"Baby..." Narinig kong umungol ang isa sa mga kaibigan ko, mukhang nananaginip pa ang tanga. Si Apollo.


Siya ang kasama ko sa mga katarantaduhan kaso mas tarantado siya dahil umiikot sa kalandian at sex ang buhay niya. Pero nitong mga araw, mukhang hindi naman na. Mabait siya sa lahat kaya ang daming nagkakagusto sa kanya... binibigyan nila ng meaning.


"Gago! Apollo, gising!" Sigaw ko. "Pre!"


"Putangina, Hades, respeto naman sa kasama ko!" Bulyaw nito, nakapikit pa. "Can I push in, baby?"


Tangina, ang kalat!


Kung siguro nasa bahay kami, kanina ko pa binuhusan 'to ng tubig. Gusto kong mapamasahe sa sentido ko pero hinintay ko nalang siya magising para may kausap ako.


"Tite!" Sigaw nito nang mukhang nahulog ata siya sa panaginip niya. "Sakit ng ulo ko..."


"Knockout ka ata kagabi," tawa ko sa kanya. "Nakailan ka ba?"


"Sinubukan kong maka-keep up sa inyo ni Dior kaso ang lakas niyo!" Sabi niya at mukhang ginigising pa ang diwa.


Nang tuluyan siyang magising, natahimik siya nang makita ang kalagayan namin. Sinubukan niya ring alisin ang kamay niya kaso nalamang nakatali ito.


"Pre..." Panimula ko. "Hindi ko alam nasaan tayo. Kanina pa ako gising."


"Gago..." Sambit nito, pinapalibot ang tingin sa lokasyon namin. Nakita ko rin na napatagal ang titig niya sa isa naming kaibigan. "Na-kidnap ka?"


"Oo pre, ikaw din?" Tanong ko pabalik.


"Nakakatanga ang usapan niyo." Nagulat ako nang makarinig ng boses ng babae. Gising na pala si Gucci.


Siya ang bunso namin, well, currently na bunso. Puno ng sama ng loob ang batang ito at palamura pa pero mabait naman. Malapit ang loob nito kay Apollo kasi babae ang mga kapatid nito kaya parang inampon niya na si Gucci — para raw maranasan ng babae na magkaroon ng kuya.


"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Apollo at tahimik na tumango si Gucci.


"Kanina ka pa gising?" Tanong ko naman, baka kasi narinig niya ang kagagaguhan ni Apollo. Baby pa naman ito, 'no!


"I woke up when kuya Apollo moaned." Namula ang mukha nitong si Apollo at yumuko nalang.


"Sorry sa kanya, ha?" Hingi ko ng paumanhin sa halip ng kaibigan ko.


"Where are we?" Nagtatakang tanong ni Gucci. Wala namang bahid ng takot ang boses niya pero nakikita ko na bahagya siyang nanginginig.


"Hindi ko rin alam, e," sagot ko. "Gawin mo ang breathing exercises mo habang wala tayong makitang inhaler."


Asthmatic si Gucci kaya todo rin ang pag-aalaga namin sa kanya. Kapag kailangan naming umakyat sa kung saan, binubuhat nalang namin siya. Dinadala rin ni Chanel ang inhaler niya in case na makalimutan niya.


"May naaalala ba kayo kagabi?" Tanong ko. Kanina ko pa pilit na inaalala ang nangyari kagabi bago kami napunta sa lugar na ito.


"Zeus and I just talked. Next thing I knew, we were asleep beside ate Tiffany," sagot ni Gucci.


"Tanda ko lang na nakikisabay akong uminom sa inyo tapos tina-talkshit namin ni Dior 'yung pilit na humahawak kay Prada," sabi ni Apollo na nagpataas ng kilay ko.


Kahit kailan talaga itong mag-bestfriend na ito — una lagi sina Dior at Apollo sa pakikipag-away. Pero ang pinakamahalaga...


"Sino ang tanginang humawak kay Prada?" Kumukuyom ang kamao ko nang itanong ko ito. Ramdam ko ang dugo ko na umaakyat sa ulo ko.


"I heard ang pangalan ko!" Sinundan ko ang pamilyar na boses. Kapag conyo, that's Prada.


Siya ang best friend ko. Sa katotohanan nga, siya ang una kong naka-close bago ko nakilala ang buong barkada. Para ko na siyang kapatid at baka mapatay ko ang kung sinumang manggagago sa kanya.


"Sino ang pilit na humawak sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Nakikita kong nagtataka pa rin siya sa kinalalagyan niya ngayon at pilit na tinatanggal ang pagkakatali sa kanya.


"Si Ynigo." Irap niya. "That asshole!"


"Buti nalang sinuntok mo, Apollo!" Ngiti ko sa kanya. "Baka mapatay ko. Ang lakas pa ng loob ng gago na hingin ang number ni Prada kay Gucci."


"Hey! That's mali!" Saway ni Prada sa akin kaya inismiran ko siya.


"Pilit kang hahawakan kahit ayaw mo tapos hindi ko mapapatay?" Sabi ko at umirap. Kahit kailan talaga ang bait nito. Kaya siya ginagago, e.


Kung narinig man ni Prada ang mga nasa isip ko ngayon, baka mawala ang kabaitan niya at pagsisipain ako! Masakit siyang manipa!


"Where the hell are we?" Tanong nito. "I'm takot."


"Nagising lang akong nakatali na tayo. Ang creepy pa naman ng kwartong ito," sagot ni Apollo.


"Mas creepy mukha mo." Ngumisi ako sa kanya.


"Linyahan ng mga kagagaling sa breakup?" Sinabi niya na nagpatahimik sa akin. Tangina nito!


"At least nagco-commit!" Proud kong sabi kaya napangisi ito. Gago, nagco-commit na ba siya?


"Committed sa taong hindi na sa'yo." At doon na nagsimula ang bangayan namin. Tumigil lang kami nang nagsalita si Prada.


"Gucci..." Tawag ni Prada kaya napatingin kaming lalaki kay Gucci. "Are you ayos lang?"


"Yes, ate." Pilit na nginitian ni Gucci ito. "I can manage."


"We're going to get out of here as bilis as we can, okay?" Parang nanay si Prada na inaalo ang anak. Pero ngayon ko lang napagtanto na baka mahimatay na sa takot ang bunso namin.


"Hahanapan kita agad ng inhaler, Gucci," paninigurado ko. "Gagawa si kuya ng paraan."


"Tandaan mo lang 'yung breathing exercises na sinabi ni doktora sa'yo," singit ni Apollo. Mukha na rin siyang natataranta at sinisimulang putulin ang tali gamit ang kahoy ng upuan.


"N-nasaan ako?!" Kung hindi lang ako nakatali, napatalon na ako sa sumigaw. Napatingin ako kay Tiffany.


Si Tiffany ang isa sa pinakamatalino at pinakamabait sa amin. Natural ang katalinuhan niya. Kapag nagkakagulo kami, siya ang nag-aayos. Sa kanya nga kami humihingi ng advice sa maraming bagay.


"Tiff, hinga." Inalalayan ko siya kahit nagpa-panic na rin ako. Napatingin ako sa jowa niya na tulog pa! "Kumalma ka."


Huminga siya nang malalim at tahimik niyang inilibot ang mga mata niya sa mga kaibigan naming nakagapos at sa kwartong kinalalagyan namin.


"Kanina pa kayo gising? Ayos lang kayo? Sinaktan ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Tiffany. Para na rin namin siyang nakatatandang ate.


Ay, bobo ko. Nakatatanda na nga, ate pa?


"Ako ang naunang nagising. Mahigit ilang minuto na rin. Wala naman akong sugat maliban sa palapulsuhan ko kasi kanina pa ako kumakawala sa mga tali," sagot ko.


"Ayos lang ako, sa ngayon," sunod ni Apollo. "Pero natatakot ako."


"I'm more worried, to be honest," sambit ni Prada. "Us being tied up is not good."


"Prada, makakaalis tayo rito, okay?" Ngumiti si Tiffany. "We'll just wait for the others."


"Ikaw, ayos ka lang ba?" Tanong ni Apollo at saglit na tumango si Tiffany.


"Familiar..." Napatingin kaming mga gising sa kanya na inaaral ang kapaligiran namin. "Pero it's strange, wala tayong nakitang bahay sa daan kagabi."


"Tangina, nasaan tayo?" Kinakabahang tanong ni Apollo sa kanya. "Sana nag-BGC nalang tayo!"


Puta, gusto ko nang umuwi!


"Nabasa ko itong lugar dati," sabi niya. "Pero I can't remember."


"Did we aral this in university?" Tanong ni Prada kaya mabilis na napatingin sa kanya si Tiffany. Parehas sila ng kurso kasi.


"Teka..." Sabi ni Apollo. "Parang pamilyar nga. Kasama ko kayo sa library nung inaaral 'to."


"Sabihin niyo anong alam niyo!" Sigaw ni Gucci, mukhang hindi na kinaya ang takot at kaba na nararamdaman niya ngayon kaya sumabog.


"Hindi ako sigurado!" Sagot ni Tiffany. "I'll tell you when I'm sure."


Ganoon naman siya palagi. Laging kalkulado. Pinakamalapit siya kay Dior sa amin. While impulsive si Dior, si Tiffany naman ay hindi gumagalaw kung hindi sigurado.


"Fuck..." Lumipat ang boses ko sa boses na 'yon. Siya si Hermés.


Siya ang pinakamatalino sa amin at ang pinakatahimik din. Madalas ay makikita mo lang siyang nagbabasa ng novel o 'di kaya naman ay nag-aaral. Mayaman siya at mataas ang expectations sa kanya ng mga magulang niya kaya naman ganyan siya naging katutok sa pagkatuto.


"Ayos ka lang, Hermés?" Tanong ni Tiffany at tumango ito.


"Just a little headache," maikling sagot ni Hermés. Englishero at tipid lang naman talaga siya sumagot kaya nga nakatutuwa kasi best friend niya si Apollo na napakadaldal.


"Pre, nasaktan ka ba?" Tanong ni Apollo sa kanya at umiling lang si Hermés. "Mabuti naman. Maghanap-hanap tayo rito ng mga magagamit natin para makatakas tayo."


"How kaya tayo nakatulog kagabi?" Tanong ni Prada. Ayun talaga ang tanong na hindi namin masagot. "It all happened too fast."


Pero isa lang ang naaalala namin bago 'yon.


Crow.


"Hermés, may natatandaan ka bang pamilyar na lugar?" Sabi ni Tiffany kaya napaisip si Hermés. "It's too specific. A room with black, red, and gold design. This has to be it."


"I think we studied about this before," saad niya at lumipat ang tingin sa babae naming kaibigan na tulog pa. Ngumisi ako habang pinapanood siyang titigan si Dior.


"Matunaw 'yan," pang-aasar ko. Natawa ako nang tinikhim niya ang kanyang bibig. Hindi ko naman talaga alam anong meron sa kanila. Basta ang alam ko ay matagal nang may gusto itong si Hermés sa kanya.


Makaraan ang ilang mga minuto, nagising na rin sina Dior, Ares, Zeus, at Chanel. Mas lalo na kaming umingay dahil nagpa-panic si Chanel.


"Chanel, huminga ka!" Sigaw ni Dior sa kanya. Gayundin ang iba naming mga kaibigan.


Si Chanel ay ang ex-girlfriend ko at ang nanay ng barkada. Tatlong taon kaming nagsama kaya hindi ko rin magawang tumingin sa kanya. Alam kong kahit anong sorry ay hindi ko na mababalik pa ang dati. Marami kaming minahal sa isa't isa. At isa na roon ay ang mga kahinaan niya.


"Chanel, pumikit ka," muling sabi ko kaya natahimik ang lahat.


Ngayon lang kasi ako nakipag-usap sa kanya. Nakatitig lang sa akin si Chanel kaya wala akong magawa kundi tumingin na rin sa kanya. Tangina, Hades. Kapag ex, ex na! Walang karupukan! Kaso, wala, mahal ko talaga.


"Tandaan mo ang nangyari noong September 13, 2020," dugtong ko at bahagya akong napangiti nang unti-unti na siyang kumalma. Sa haba ng pinagsamahan namin, alam ko na paano siya alagaan.


"Thank you." Ngumiti siya sa akin at saka umiwas na agad ng tingin. Nakipag-usap na siya kay Ares na kagigising din lang.


Si Ares ang tatay ng grupo at ang jowa ni Tiffany. Isa siya sa mga pinakamabait na nakilala ko at humble pa kahit saksakan ng yaman ang pamilya niya. Sa kanya ako pinakamalapit sa barkada maliban kay Prada. Inuuna niya lagi ang iba bago ang sarili niya.


"Are you okay?" Tanong ni Hermés kay Dior. Tumango siya, abalang-abala sa pag-aalis ng tali niya.


Si Dior ay ang kauri ni Apollo kaya sila rin ay malapit sa isa't isa. Walang salitang 'commitment' sa dictionary nila pero kahit ganoon ay gustong-gusto pa rin siya ni Hermés. Impulsive siyang tao pero ma-diskarte siya kaya gusto ko siyang nakakagrupo sa school.


At panghuli naman ay si Zeus na pinapatahan si Gucci ngayon. Simula nang mawala siya ay naging obligasyon na ng dalawa na alagaan ang isa't isa lalo na silang tatlo ang pinakamalapit noon.


Si Zeus ang pinakamahilig makipag-away sa amin. Araw-araw siyang papasok ng may pasa o 'di kaya naman ay may band-aid ang mukha. Pero madalang na lamang siya lumaban noon nang makilala niya ang ex girlfriend niya.


"Tiffany, Hermes..." Malumanay na tawag ni Ares sa dalawa naming kaibigan pero lahat kami ay napatingin. Ganito ang epekto niya sa amin. Siya ang nagpapatahan sa grupo. Sa kanya kami umaasa.


"What do you know about this place?" Bago pa man sumagot ang dalawa ay may nagsalita na para bang naka-microphone.


"You're all awake now," Ito palang ang sinabi niya pero kumukulo na ang dugo ko. "I would like to introduce myself, I'm Mr. Crow."


Crow-tangina mo! Paalisin mo kami rito!


"What the fuck do you want from us?" Galit na tanong ni Dior na itinawa lamang nitong tanginang Crow na ito.


"Crow..." Bulong ni Hermés sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.


Agad na napaawang ang labi ko nang unti-unti kong makonekta ang mga pangyayari. Crow... Crowbones... Shit. Sana iisa lang kami ng iniisip ni Hérmes.


"Fuck..." Nilakasan na sabi ni Hermés. "It's Crowbones."


"Haunted house?" Tanong ni Zeus.


Para bang nagkaroon ng lightbulb sa taas at anlaki ang mga mata nina Tiffany at Ares sa narinig. Hindi ko alam anong ibig sabihin noon pero binalutan ako ng kilabot sa katawan ko. Ang alam ko lang ay nasa haunted house kami.


Pero pakiramdam ko ay hindi na ito basta lang na haunted house.


"It's that Crowbones we studied," sambit ni Prada. Gulong-gulo na ang utak ni Tiffany pero hindi ko mawari ano ang iniisip niya. Ano bang meron sa Crowbones?


"Smart kid!" Natawa pa ang gagong si Crow. "Welcome to my humble abode!"


"Wala kaming pinatay kaya paalisin mo na kami!" Sigaw ni Tiffany na ikinagulat ko. Tangina? Anong pinatay? Baka may patayan?


"I wouldn't be so sure about that," natatawang sagot ni Crow.


"What? Sino ang pinatay?" Tanong ni Chanel na natataranta na ngayon.


"Zeus, takot ako." Dinig kong sabi ni Gucci sa katabi niyang mapapatay na ang speaker sa tingin. Nang makita ko ang galit sa mga mata ni Zeus, alam ko na agad ano ang ibig sabihin ng mga ito.


"Wala akong maintindihan!" Sigaw ni Apollo.


"You were twelve before." Natigil kaming lahat. "I guess the two were eliminated. What were their names? Ah! Yves Moreau and Achilles Moreau."


Nakita ko kung paano nandilim ang mga mukha nina Zeus at Prada. Hindi na maipinta ang mga itsura nila ngayon na masama ang tingin sa speaker. Puta... Paano nalaman nitong Crowbones ang nakaraan namin?


"Tangina niyo," pagmumura ni Dior na masama ang tingin sa amin. "Sino ang nang-snitch sa inyo?! Bakit alam noong Crow na 'yon?!"


"Dior, you know we'd never do that," pagpapakalma ni Ares. "We're not enemies here. Walang may gusto nito."


"Akala ko ba haunted house lang 'to?!" Sumunod naman si Zeus. "If this is a prank, tigilan niyo ako. Hindi nakakatuwa."


Ang nakakalungkot... Sobrang sama nitong alaala na ito at alam kong walang may kaya na ipakalat ito. Walang ni isa sa amin ang may lakas ng loob na gumawa ng ganitong prank. Hindi ito dapat ginagawang katatawanan.


"Pangit ng trip niyo." First time kong makitang ganito kagalit si Apollo... Na para bang may kinamumuhian ito sa pangyayari. "Itigil niyo 'to."


"I don't think this is a prank, though," ani Prada.


Oo nga. Bakit naman namin babalikan ang alaalang gusto namin ibaon sa lupa?


"Welcome to Crowbones!" Maligayang bati nitong tanginang 'to. "Mind explaining what are we doing here, Ms. Tiffany Lamanie?"


Huminga ng malalim si Tiffany at ang susunod na sinabi niya ang nagpatigil sa mundo naming lahat.


"There's a killer among us here. If we want to get out of this place, kailangan natin malaman sino sa atin ang pumatay... The killer who murdered our friends.. Yves and Achilles."


"Let the crows kiss your death, little ones."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro