TREINTA Y CINCO
- - FLASHBACK - -
。˚⛓˚。⋆. NARRATION
"University Student Achilles Moreau found dead this morning. The authorities are still investigating about the crime but it is confirmed that it is murder."
That one news was enough to send the university into chaos.
Unlike before na magkakasama pa rin ang barkada, ngayon ay hiwa-hiwalay na sila. However, all of them shared one thing. Lahat sila ay pinaghihinalaan na pumatay kay Achilles. Although, Dior carried the weight of almost all their accusations.
Lingid sa kaalaman ng boyfriend niya na si Dior ang sumalo ng mga bagay na akala niya na siya ang gumawa.
"Kriminal!"
"Magnanakaw na nga, mamamatay-tao pa!"
Tiffany looked at Dior worriedly who was trying her best to keep a straight face. Sanay na siya... ano ba naman ang pinagkaiba nito? Oh, she would love to be idealistic now... Na one day, justice will be on her side. But reality-wise, it was nearly impossible.
Ayos lang. Basta para kay Apollo. She thought.
Apollo refused to go to school dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa ginawa niya... at takot siya sa sarili niya. He really thought na siya ang pumatay kay Achilles. Ironic... a law student breaking the laws. Sinabi nalang niya sa mga kaibigan niya na masama ang pakiramdam niya.
Pero hindi niya maloloko si Zeus. After all, witness siya sa mga nangyari. But, he also witnessed how Achilles woke up after being beaten by Apollo. Zeus wanted to tell that to Apollo so much... pero pinangungunahan siya ng galit.
Zeus was devastated nang malaman niya na buntis si Yves.
To be honest, he wanted to beat up Achilles too. Bawat araw nalang ay nasasaktan si Zeus dahil kay Yves... he just wanted the pain to stop. He genuinely wished na ma-manhid nalang siya. Kasi sa bawat araw na nagagalit siya kay Yves, he was also crying because of the love he had for her.
"Bakit nangyayari sa atin ang mga ito?" Tanong ni Ares as the group, except Yves and Apollo, gathered in the cafeteria. He was the most confused and hurt in this situation. Alam niya na may kanya-kanyang sikreto ang mga kaibigan niya... but Ares was clueless of anything.
He was grieving for his best friend's death too.
Sa totoo lang ay hindi pa nila kayang humarap sa isa't isa... pero hindi nila ito palalampasin. Their problem has sunk deeper into the sea. Mahirap nang umahon galing dito, after all, the truth was yet to be revealed.
Among them, Prada took it the hardest.
Naalala niya pa ang huli nilang pag-uusap ni Achilles. Nakiusap siya na layuan na muna siya ng lalaki. But, Achilles took that too far. Prada... never got to say goodbye. And, for Achilles... he never got to proclaim his love for her. Not only was the world their enemy, but time also is.
Just be happy with out baby there. She thought.
Tahimik lang si Prada na nakayuko. She was trying her hardest not to break down. Nagui-guilty siya dahil ipinagtabuyan niya lang si Achilles when he just wanted to explain his side to her. Oh, the heavens know gaano kamahal ni Prada si Achilles.
"What happened to us?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Chanel. Sinisisi niya ang sarili niya... and she knew Tiffany blamed her too. Dahil sa kagustuhan niyang huwag magpadalos-dalos, they never thought that time would be their greatest foe.
Kung sanang mas maaga at mas mabilis, Achilles would have been alive. Chanel thought.
"Sino ang suspect ng pulis?" Hermés asked. Pinipigilan ni Tiffany ang sarili niya na sumigaw at saktan ito. Oh, she was so sure. Si Hermés ang may gawa nito. Kung hindi man siya, sa kanya ang puno't dulo ng problema nila ngayon.
Tiffany was so tired of not doing anything. May pwede silang gawin... they had the resources to do so. Pinagsisisihan niya na nakisama pa siya sa plano ni Chanel, when in fact, she could turn the tables around by herself.
When she realized, it was already too late.
"Nasaan si Apollo?" Tanong ni Hades nang nilibot niya ang mga mata niya sa kaibigan niya. Alam ni Hades na isa si Apollo sa pinakamalapit kay Achilles dahil magkaka-vibes sila. Hades, Apollo, and Achilles - ang mastermind lagi ng katarantaduhan.
Pero, tinarantado sila ng tadhana.
"Aalis ako," biglang sabi ni Zeus at saka tumayo. Gucci was quick to look at her best friend who was fixing his tray of foods.
"Saan ka pupunta?" Gucci asked. "Sama ako."
"I'll go to Yves." Tumikhim ang bibig ni Gucci nang sabihin ni Zeus 'yon. Of course, si Yves pa rin ang uunahin niya. Kahit ilang beses siyang ginago ni Yves, he would always choose her in a heartbeat. Always, Yves Moreau.
Zeus was really worried for Yves. Si Achilles nalang ang natitira sa kanya... it must have devastated her a lot nang malaman ang pagkamatay ng kapatid niya... Not knowing that it was her doing.
The boy wanted to be there for her... kahit ilang beses niyang ipinagtabuyan si Yves. Siya pa rin ang sinisigaw ng puso niya. Zeus was that crazy for her. Sa ngayon, he just wanted to forget his pain... dahil alam niyang mas nasasaktan si Yves.
Hers over his, always.
- -
"It hurts so bad."
Iyak ni Prada habang nakayakap sa kanya si Hades. They were both in Prada's dorm dahil napagpasyahan ng babae na mag-skip muna ng classes. Hindi niya kaya... she might break down any minute.
Kaya, sinamahan din siya ni Hades. Ayaw na ayaw ng lalaki na nasasaktan lang mag-isa ang kaibigan niya. Other than Chanel, si Prada ang isa pang pinakamahalagang babae sa buhay niya.
"Alam ko..." Bulong ni Hades. "Iiyak mo lang. Nandito ako, Prada."
"I told him to stay away from me." Tuloy-tuloy na pagluha ni Prada. Sa totoo lang, hindi rin nakatulog ang babae noong gabi matapos niya sabihin 'yon kay Achilles. She did it for herself... but at the same time, nasaktan siya.
On the other hand, Hades was trying to hide his guilt. Pinlano nila ni Gucci na patayin ang dalawa... but when Achilles went first, hindi na niya kakayanin pa. Hades was too blinded with his anger that nakalimutan niya na naging kaibigan niya rin naman si Achilles.
"First, our baby," Prada cried as she held the picture of her and Achilles. "Ngayon, siya naman. I hate my life."
In two months, nawala na lahat ng mga mahahalaga kay Prada. The world was too unfair to take her happiness away from her. Dumating na nga sa punto na iniisip niya na baka siya ang malas. Na lahat ng nangyayaring masama ay dahil sa kanya.
"After this..." Dagdag ni Prada. "I'm going back to the States."
Wala nang nagawa si Hades kundi tumango at ngumiti nang mapait. Prada's hometown was actually in Los Angeles pero napagpasyahan niya na tumira kasama ng mama niya sa Pilipinas. Her parents were divorced.
As much as ayaw ni Hades na umalis si Prada, he had to respect her decision. Masakit lang para sa kanya dahil pati si Prada ay mawawala sa kanya. He honestly could not imagine going on with his life without her.
"Bibisitahin kita," sambit ni Hades before planting a kiss on Prada's hair. Naramdaman din ng dalaga ang patak ng luha na tumulo galing sa kaibigan niya. He was so hurt too... but she had to do it for her peace.
Isa nalang ang sigurado sa utak ni Hades. Hindi na niya kayang makita na mabawasan ang grupo nila. He would terminate his and Gucci's plan.
- -
"Thought I'd find you here."
Napalingon si Yves nang makarinig ng pamilyar na boses. Agad na pinunasan ni Yves ang mga luha niya nang makita si Zeus. The boy had to wear slippers dahil mabuhangin sa lugar na ito. They were in the beach.
Noong sila pa ni Yves, they would always go to the beach and stare at the sky tuwing malungkot sila. This was their own form of solace... at kahit hiwalay na sila, they would not dare let go of such a precious thing in their lives.
It was their sanctuary.
"Why are you here?" Tanong ni Yves at binalik ang tingin sa dagat. Sa totoo lang, Yves had no plans. Hindi niya alam ang susunod niyang gagawin... without her brother, she would not know how to function.
At, alam niya na wala siyang karapatan na magreklamo. She became impulsive and that led her to her gravest mistake. Actually, gusto niyang makita ang bangkay ni Achilles to apologize na para bang maririnig nito.
"Malungkot din ako." Zeus sat beside her. At that moment, gusto na tuluyang umiyak ni Yves. Why was he suddenly nice to her all of a sudden? Bakit si Zeus ang lumalapit sa kanya ngayon? Those were the questions that rang on her mind.
Doon nakaramdam ng matinding pagsisisi si Yves. She was such a fool for letting a great man like Zeus go. Sa lahat ng bibitawan niya, bakit pa 'yung taong walang ginawa kundi mahalin siya nang mahalin? God, how she wanted to turn back time and keep Zeus forever on her arms.
Why did she break that one man who loved her unconditionally?
"I miss kuya..." Yves' voice broke as tears welled her eyes. Zeus was quick to give her a handkerchief to wipe her tears.
Other than cheating on Zeus, pinagsisisihan din ni Yves ang ginawa niya kay Achilles. She killed so many people when she murdered her brother. Pinatay niya si Prada, si Hades, si Apollo, at iba nilang mga kaibigan.
She also killed Achilles' dreams too.
Pinag-iigihan ni Achilles na makatapos nang maayos sa kurso niyang Accountancy para maging abogado siya sa future. Plano rin niya na mabigyan ng magandang buhay si Yves. She also knew that he was falling in love with Prada.
Lahat 'yun ay nawala sa isang iglap dahil sa kanya.
"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit-ulit na iyak ni Yves... both for Achilles and Zeus. Pero, akala ni Zeus na ang sorry na 'yon ay para sa kanya lamang. Zeus expected for her apology... pero ayaw na niyang makinig sa paliwanag niya.
He just wanted this time with her.
"Shh..." Zeus hugged Yves while she cried her heart out to him. Alam ng lalaki na hindi niya pa kayang magpatawad and as much as he wanted to try the relationship with her again, something was pulling him back. Maybe, he got hurt too much. "Just cry to me."
"You're safe with me," Zeus whispered na lalong nagpaiyak kay Yves.
I love you so much. But, I do not want to marry you anymore. Zeus thought as he planted a kiss on Yves' forehead.
- -
"Ayaw ko nang ituloy, Guch."
Mariin na sabi ni Hades kay Gucci na galit na galit ngayon. He wanted out of the plan and Gucci was furious because the plan they made were suitable for two. Hindi ito kayang mag-isa. Hindi makapaniwala si Gucci that Hades would just exclude himself from the plan because of the news.
Akala ko ba gusto niyang mawala si Achilles? Why the fuck is he so remorseful now? Gucci thought.
"Why the fuck?" Tanong ni Gucci, trying her hardest not to burst her anger to her friend. Nasa likod sila ng school ngayon where Gucci brought the things they needed to discuss their plan. Talk about privacy.
"Hindi ko na kaya, okay?" Hades sighed. "Hindi ko na kayang mawalan ng kaibigan."
"But, he hurt ate Prada!" Gucci exclaimed.
"Hindi ka ba nasasaktan para kay Yves?!" Hades raised his voice, making Gucci angrier than ever. "Naging best friend mo naman siya!"
Oh, how Gucci tried her very best not to reveal every single one of Yves' secrets. Ang tagal niyang pinoprotektahan ang kaibigan niya but... this was too much. Ilang beses niyang inintindi ang mga dahilan ni Yves bakit niya pinagsasamantalahan ang mga tulong ni Zeus sa kanya.
Gucci sealed her mouth shut all these years.
"Wala kang alam." Gucci stared coldly into Hades' eyes. "I have my reasons."
"Bakit hindi mo sabihin sa akin ang dahilan mo para magkaintindihan tayo?!" Bulyaw ni Hades habang nakatingin sa kanya ang babae. Gucci was hesitant to tell him... kay Zeus nga hindi niya masabi, kay Hades pa kaya?
"If I tell you, will you continue this plan with me?" Desperadong tanong ni Gucci kaya nagpakawala ng buntong-hininga si Hades. He was already sure that he did not want to be included in Gucci's plan.
Alam niyang hindi worth it ang gagawin nila.
"Sabihin mo muna sa akin," Hades said. "Gucci, papatay tayo. Hindi lang basta-basta 'yon."
Magsasalita sana ang babae nang makarinig ng pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata nila nang makita sino 'yon.
"Papatayin?" Dior asked as she went nearer to her friends. "Sino ang papatayin?"
"D-dior..." Hades was nervous as hell. "Kanina ka pa diyan?"
Tumango si Dior kaya pati si Gucci ay kinabahan na rin. Although, Gucci initially wanted Dior to be included in her plan. The only downside was... no one knew what was running inside Dior's mind. Her actions were mostly unpredictable.
Baka nga parehas sila ng plano.
"So, sino ang papatayin?" Dior asked again and nakita niya paano nagtinginan ang dalawa kaya natawa siya. "If Yves, I'm in."
Napakunot ang noo ng mga kaibigan niya nang marinig ito. Why did Dior so suddenly wanted to include herself in such a crime? Just what exactly did Yves do to make Dior kill someone and forget her principles?
"Bakit?" Tanong ni Gucci. Alam niya na sila ni Hades ay may dahilan bakit gusto nilang patayin ang magkapatid. So, why Dior?
"I discovered something," sagot ni Dior at may hinablot sa bag niya. "Sa atin muna ito. Just thought the both of you should see."
Mas lalong namuo ang galit sa puso nina Hades at Gucci nang mabasa ang nilalaman ng papel na ibinigay sa kanila ni Dior.
It was Yves' pregnancy test results!
"Kailan mo nakuha ito?" Hades asked through his gritted teeth. His eyes screamed anger... his once forgiving heart turned stone cold nang makita niya ang resulta ng test. Wala nang natitirang kapatawaran sa puso niya at this point.
"Yesterday." Dior looked away. Gucci saw how nervous Dior looked... at the same time, may tanong na rin sa mga isipan niya. At this point, she was starting to believe the rumors around them.
Did Dior Aurea really kill Achilles Moreau?
"Gucci..." Tawag ni Hades. "Itutuloy ang plano."
And just like that, Gucci, Hades, and Dior decided to kiss Yves's death.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro