
DIEZ
。˚⛓˚。⋆. TIFFANY
Nakita ko paano nandilim ang mukha ng mga kagrupo ko. Our plan did not work. Ares... He planned this. He wanted to make the game a draw but I knew the other team mistook it.
We were not able to save each other.
Lalapit sana ako kay Ares but he just shook his head at me. He must have wanted to be alone, especially our team was depending on him.
Tumingin ako kay Prada who was sitting on the floor, deeply lost in her thoughts. I wanted to ask her pero baka kami pa ang ma-lost in translation.
Sa aming lahat, Prada was the best in playing chess. Hindi ko rin maiwasang isipin na tinanggal ni Crow ang dila ni Prada because he knows she will win this.
Smart move.
On the other hand, Apollo was staring at somewhere else. Sinundan ko ang tingin niya at saka napangisi.
Kaya pala.
Crow gave us a five-minute break where we can talk about our strategies for the next game. However, walang nangyayari sa amin ngayon.
No one was initiating. It made me scared.
I wanted to tell Apollo to take the lead because I know so much that he is able to win this. Naiinis nalang ako because of my inability.
"Times up!" I flinched at Crow's voice. "I spiced up the next game a little bit!"
Ano nanaman bang pakulo nito?
"For the second play, you have to change your strategists!"
I saw how Apollo's eyes turned a shade darker at that. The four of us know na siya lang ang pwedeng maging strategist sa amin in place of Ares. I was sure he was well aware of that too.
"Hindi makapagsalita ang dalawa sa amin!" Sabi ni Apollo. "Hindi ba pwedeng exempted kami?"
I saw how Ares' hands turn into a fist. How could Apollo be so selfish? Umaasa rin naman kami sa kanya. We needed him now more than ever! Why could he not see that?!
He did not have to be pressured because kaibigan namin siya. We knew each other's limits. We would never blame one... Wala rin namang may gusto sa mga nangyayari sa amin.
God, we just wanted to celebrate the end of our school year.
"Apollo, you can speak," Crow answered. "Therefore, you can strategize."
This is the first time I agreed with that fucking Crow.
"Apollo, please." Lumapit si Ares sa kanya habang nakayuko si Apollo. It took him a few seconds before finally making a decision. I was sure this was very hard for him. I heard him sigh as he nodded his head.
"Walang sisihan kapag natalo, ha?" Sabi nito at tumingin sa amin.
"Oo naman." Ares chuckled. "Pamilya tayo rito."
This was the first time in a while that I heard that we're a family. Simula nang nangyari 'yon, we almost forgot that we had each other's back.
"Ako na sa Black team!" Sigaw ni Apollo and raised his hand.
"Perfect!" Bulyaw ni Crow. "How about for the White team?"
I saw how my group's jaw dropped and how Apollo looked mad when we saw Hermés raising his hand. They finally released their weapon, huh.
"Apollo." Ares approached him. "We believe in you, just stick to the plan."
Yes, Apollo. We do not need to win.
We just have to survive.
"And, oh!" Nairita ako nang marinig nanaman ang boses ni Crow. "I saw how you all played at the first game. The next time you try to make this play a draw, Ms. July will suffer a painful death."
Nanlaki ang mga mata namin nang makitang nakatali sa poste si Gucci. Her mouth was covered in cloth but we saw how her eyes shone with tears. Our Gucci!
"Tangina mo!" Zeus was about to charge at one guard when he suddenly fell to the ground. Agad akong napatakip sa bibig ko sa gulat.
Crow was electrifying him!
"Ah!" Zeus was crying so hard that my feet guided me to him, not until I was pulled back by Dior. She stopped me, "Masasaktan ka rin, bes."
"Zeus!" Sumigaw si Hades at aakmang tatakbo papunta kay Zeus not until Hermés held him back. We were in chaos... We just wanted this nightmare to stop!
"Puta, ano bang problema mo?!" Apollo shouted as he roughly messed his hair, getting stressed out of the situation.
Prada looked so lost. Ang daming nangyayari sa harapan niya but her eyes decided to focus on our youngest friend who was looking at Zeus in pity and worry. Gucci was screaming but her voice was muffled by the cloth.
"Ako ang pumatay!" Ares looked so angry as I ran over to hug him. "Just fucking stop this!"
The nightmare of Zeus ended after as Dior ran to hug our friend. Napakunot ang noo ko. Was this game over?
And most importantly...
Was Ares telling the truth?
"Let's continue the game, little ones." Nabalot ng gulat ang mga mukha namin nang mapagtantong Ares wasn't the killer. I felt relief... My boyfriend was innocent. He would never do that to our friends!
So, who killed Yves and Achilles?
"Are you okay?" I heard Hermés ask Zeus as they both settled on their positions. Hermés and Apollo looked at each other for a brief moment before shaking their hands.
"Manalo, matalo..." Sabi ni Apollo. "Ikaw pa rin ang icing ng cupcake ko."
"We need to change our chant." Hermés chuckled. "That's so lame."
I had to smile at that. They were too wholesome. But back to the issue at hand, I scanned the other team's play.
Dior was the king, Hades was the queen, and Zeus was the bishop.
On our team, I am the queen, Prada is the bishop, while Ares is the king.
"Let the games begin!" Crow announced as I took a deep breath, not hoping for the worst.
"A2 move a step forward," Hermés said as the pawn charged into its assigned position. Tuwing si Hermés ang naglalaro, I get nervous for some reason.
He does not play dirty. He plays so clean that you would not even notice that you are losing.
"G7 lakad ka ng dalawa," sabi ni Apollo. He looked so serious that I almost forgot na madalas siyang sabog at madaldal. It was a side of him not many people notice, moreover, see.
"D2 move to D3." Nakita kong nanlamig si Apollo when Hermés said that. Hermés was giving his queen a way out.
"H7 punta ka sa H5." I smirked. Apollo was catching up with Hermés that he gave a powerful piece a path to move.
One thing about Apollo is he is very competitive.
"F2 move to F3." Hermés was obviously letting out all his powerful pieces. Hindi ko alam kung impulsive ba siya ngayon or he really had a plan on his head.
"A7 punta ka sa A5." Apollo was letting out his rooks first. Rooks are powerful but not as powerful as the queen. He was playing safe.
"D1 move a step forward." And that was it, Hades, their queen, moved a step forward. At this point, hindi ko ma-analyze ang game play ni Hermés.
"F8 punta ka sa H9." Apollo was already moving his bishop as Prada walked over to her designated position.
This was competition.
"D2 move to A5." Hermés had our pawn caught as he gets nearer to me, the queen of our team. But there was one thing...
He forgot that the rook was in front of him.
I saw how he froze the moment Apollo ordered our rook to catch Hades. Nakita kong nataranta si Hermés as he struggled to keep his composure.
Their team was crumbling down.
Hindi ako makapaniwala that Hermés let his guard down. He never backed out in these plays kaya it made me shocked that he was losing his sense.
"C1 move to D2." After a few seconds, he calmed down and continued the game. I was already confident that we would win... But I should not underestimate how can we move forward if the game suddenly turned around.
"A5 punta ka sa D5," utos ni Apollo, avoiding the rook and bishop waiting for him.
"H2 move two steps forward," Hermés ordered, giving his rook a path to move.
"G5 kainin mo si H4," Apollo commanded and I saw how most of us blushed when he said that. What the hell? That sounded weird! Puro kain talaga ang nasa isip niya!
"H1 catch the pawn in front of you." The rook caught our team's pawn. Ngayon ko na napagtanto na Hermés was already playing safe.
"Prada, hulihin mo si Zeus." They were both bishops but our bishop successfully caught theirs. Hermés widened his eyes for a moment before keeping his composure. "Check."
"E1 catch the bishop." Tumango si Dior at hinuli ang bishop that was positioned adjacent to hers.
I was glad that Apollo was not releasing our queen yet.
After a series of moves, Apollo and Hermés were neck-to-neck with each other. Nagkakainitan na ang laban kaya napansin ko rin na may tension na sa kanila.
May magsusuntukan nanaman mamaya.
Only one rook and one bishop remained with them while we still had our queen. Gumalaw na ako as I immediately saw Apollo determined to win this.
"Checkmate."
I wanted to hug Apollo when he said that! I knew Apollo had it in him! When I turned around nakita kong nakatulala si Hermés habang nakatitig sa chessboard floor. While I deemed triumphant, it also felt weird.
Because for the first time in his life, Hermés Devon Bertillon lost.
"Congrats!" Yumakap si Ares kay Apollo as the latter continued to stare at Hermés in worry. Alam ni Apollo na Hermés will be hard on himself. Ngumiti si Apollo kay Ares at sa amin ni Prada before heading to his best friend.
And to think na sa kanya pa natalo si Hermés.
"Pre..." Tawag niya kay Hermés at akmang aakbay sa kanya but Hermés pulled back. Apollo gulped before flashing him a small smile. His eyes looked so hurt.
"Not now, Apollo." Napabuntong-hininga si Apollo bago binigyan ng mapait na ngiti ang kabilang grupo.
You did great, Apollo. I wanted to say that.
"That was a wonderful win from the Black team!" Bati ni Crow pero hindi ko magawang matuwa nang makita ang malungkot na mukha ng kabilang grupo. "The next game will determine who wins. And for now, I am thrilled watching you all play!"
Ikaw lang ang nag-eenjoy.
"I have a surprise for the last game!" Napakunot ang noo ko as me and Ares looked at each other. May pakulo nanaman ito.
Bumagsak ang puso ko nang makita sina Yves and Achilles walking into the center of the chessboard floor.
。˚⛓˚。⋆. HADES
Putangina... imposibleng buhay sila.
"O-oh my God..." Napatakip si Dior sa bibig niya habang nanlalaki ang mata niya sa nakikita. Nagkatinginan kami ni Dior, nag-uusap ang mga mata. Alam ko na iisa lang ang nasa isip namin.
Kitang-kita ko sina Yves at Achilles sa harapan ko. Imposible 'to! Nakita ko ang mga bangkay nila!
"Paano..." Hindi makapagsalita nang maayos si Zeus nang makita ang dating jowa sa harapan niya. Nakita ko na nanggigilid na sa mga mata niya ang luha. Ang tagal niyang pinalangin ito. Pero putangina, bakit nandito sila?
Binabalikan kami ng mga multo ng nakaraan namin.
Gusto kong yakapin si Achilles... tangina... ang best friend ko. Sana magawa kong ngumiti pero napakakapal ko naman para gawin 'yon. Nilalabanan ko ang sarili ko na umiyak dahil alam kong hindi pwede.
Wala akong karapatang umiyak.
Tumingin ako kay Prada na umiiyak habang nakatingin kay Achilles. Doon ko lang naalala ang dahilan bakit galit na galit ako kay Achi. Tama, wala akong natitirang awa sa kanya.
Kung sanang alam niya lang ang ginawa niya. Hanggang sa kabilang buhay, papatayin ko siya. Sigurado ako roon.
Lumapit ako kay Prada at saka niyakap siya. Nanigas ang kaibigan ko sa pwesto nang mapansing nakatingin sa kanya si Achilles.
"Hayop ka," mariin kong sabi kay Achi. "Mahiya ka naman sana."
Naestatwa sa pwesto si Hermés nang makita si Yves sa harapan niya. Naawa ako para kay Hermés kasi pinagsamantalahan ito ng dalaga noong buhay pa siya.
Galit kaming lahat sa kanilang dalawa.
"Are t-they real?" Tanong ni Ares na nakatitig sa dalawa, naninigas sa pwesto.
Napatingin ako kay Gucci na walang ekspresyon ang mukha. Kung wala lang siyang takip sa bibig, alam kong pinagmumura na niya si Crow. Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Gucci... hindi ko alam kung galit ba siya o masaya.
"Do they look real to you?" Humagikhik si Crow pero mas lalo lang namuo ang galit sa puso ko.
"Tangina, nanggagago ka ba?!" Sigaw ni Apollo at tumingin sa paligid, nagbabaka-sakali siguro na makikita si Crow.
Natigil si Dior at para bang natulala lang siya nang makita ang dalawa naming patay na kaibigan. Malapit kami kay Achilles pero alam kong hindi bilang kaibigan ang dahilan bakit gulat na gulat ang ekspresyon nito ngayon.
"Is your conscience consuming you, Mr. Andigre?" Namumula na ang mukha ni Apollo sa galit at saka nanahimik nalang.
Kinakain ako ng konsensiya ko.
"Babe..." Nanlaki ang mata ko nang humarap si Yves kay Zeus at saka tinawag ito. Kumuyom ang kamao ni Zeus, pinipigilan ang sarili na gumawa ng bagay na pagsisisihan niya.
"Crow," gigil na tawag ni Zeus. "Papatayin kita."
"Chill!" Binuhat ko ang upuan sa tabi at saka binato sa kalayuan nang marinig ko ang tawa ni Crow. "They're not real but they are joining you on our last game. Don't worry, they're just my staffs."
"Fuck you." Dinig kong bulong ni Hermés.
Hindi ako natutuwa, putangina.
"Just figured I'd give you something to motivate yourself," sabi ni Crow. "Let's start the last game!"
Nilagay ang duplicate ni Yves sa grupo nina Ares at sa amin ang kamukha ni Achilles. Lumipat ang tingin ko kay Apollo na madilim ang itsura ngayon. Matalim ang tingin niya sa duplicate ni Achilles.
Hindi ko maiwasang isipin... Alam niya ba ang tungkol kay Achilles?
Parehas na roles ang ibinigay sa amin, ginawa nga lang sina Yves at Achilles na bishop din. Hindi ako makapagfocus sa laro dahil nakikita ko ang tanginang pagmumukha ni Achilles.
Pero noong nakita ko si Yves, parang nanghina ang mga tuhod ko. She was like a sister to me.
"C2 move to C4," pagdidirek ni Hermés, halata sa kanya ang galit sa mga mata. Mukhang palalabasin niya agad ang queen namin.
Ako ang reyna.
Pero ang gusto kong hari, kinuha na ni Crow sa akin.
"B7 lakad ka ng dalawa," ani Apollo. Nanlamig ako nang mapagtantong ilalabas na nila ang mga makapangyarihang chess pieces. Alam kong competitive siyang tao pero... Iba ito. Hindi ito ang karaniwang Apollo.
May kakaiba sa tingin ni Apollo pero hindi ko mapunto ano 'yon.
"D4 to 3B," simpleng utos ni Hermés kaya gumalaw nanaman ako. Okay na rin itong pamalit sa workout.
Ang mahalaga, may biceps ako.
Tangina naman kasi, bakit hindi nalang si Chanel ang nandito? Bakit 'yung dalawa pang traydor sa buhay namin?
"C8 punta ka sa A6." Pumunta 'yung duplicate ni Yves sa itinuro na kanyang posisyon ni Apollo. Kitang-kita ko ang pagkailang sa mukha ni Apollo habang inuutusan ito.
"Hades, move to C2." Sumunod ako sa mga sinabi ni Hermés. Napatingin ako saglit sa duplicate ni Achilles na nakangisi sa akin.
"I know what you did, Hades," matawa-tawa nitong bulong kaya napakuyom ang kamao ko. Nandito ba ito para galitin ako? O baka gusto niyang mamatay paulit-ulit?
Pigilan niyo ako, baka masuntok ko ito.
"H7 lakad ka ng dalawa." At heto na nga, alam ko nang rook ang laging unang inilalabas ni Apollo tuwing naglalaro kami ng chess.
"C2 to F5." Naglakad ako papunta sa sinabing pwesto ni Hermés.
Nakakapagod, ha.
"G8 doon ka sa H6," sabi ni Apollo at napagtanto ko na pwede na akong mahuli ng kabayo nila.
"F5 go two steps to the right," utos ni Hermés at ngayon ay kaharap ko na ang kanilang Horse.
Napangisi ako nang mapagtantong kahit anong gawin ni Apollo ay mahuhuli pa rin namin ang kabayo nila. Matalino siya, oo... Pero nasa amin si Hermés.
Nakita kong napabuntong-hininga si Apollo at sigurado rin ako na napansin ni Hermés 'yon dahil napangisi siya. May binulong din ata si Hermés kaya namula sa galit si Apollo.
"B5 kainin mo si C4." Tangina, Apollo, anong kain kain 'yan?! Ang weird sa pandinig!
Puro kain lang ata nasa isip ng gagong 'yon.
"A1 move a step forward," sambit ni Hermés. Sa ngayon, hindi ko na alam ano ang mga plano nila. Ang vague parehas.
Mukha silang natataranta ngayon at hindi makapagplano nang maayos. Alam ko rin na nape-pressure sila dahil kalaban nila ang isa't isa. Bihira lang ito kaya sa pagkakataong maglalaban sila, grabe sila makagalaw.
Normalize blaming Achilles and Yves Moreau.
"C4 abante ka ng isa," habilin ni Apollo.
Napatingin ako kay Dior na mukha ring sinusuri ang laro ng kabilang grupo. Maliban kina Achilles at Yves, magaling din si Dior maglaro ng chess. Pero sa ngayon, ayaw niya raw muna maglaro.
Hay nako.
"Hades move a step forward." At gumalaw nanaman ako. Punyeta, kapagod. Napagtanto ko lang na matatalo kami nang nakaharap ko ang rook nila.
Tangina, Hermés! Matatalo tayo!
At oo nga, nahuli ako pero napansin kong binigyan ako ng maikling ngisi ni Hermés. Ah, may plano si gago. Mabuti naman.
"D2 catch the pawn on your left." Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti nang makita ang balak niya.
"B8 punta ka sa C6," saad ni Apollo habang pinapanood ko ang laro nila.
"C1 catch their rook." Gusto kong matuwa sa sinabi ni Hermés dahil unti-unti na kaming nananalo.
Pero mali pala ako.
"A6, hulihin mo ang pawn sa harap ni Dior." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Apollo. Kaharap na ng king namin ang duplicate ni Yves. "Check."
"Missed me, ate Dior?" Nakita kong umirap si Dior nang tanungin ito ng duplicate ni Yves sa kanya. "I hope you didn't forget about what you did."
Bullshit.
Wala siyang karapatang sabihan nang ganoon si Dior. Wala siyang karapatan na laitin kami lahat dahil sila ang may kasalanan dito. Bakit kami ang nagbabayad sa mga kasalanan nina Achilles at Yves?
"E1 take the bishop out." At mabuti naman dahil nawala na sa laro ang kamukha ni Yves.
"D8 punta ka sa B8." They were moving their queen. Umiinit na ang laban.
Binalot ako ng kilabot nang mapagtanto ang nangyayari sa amin ngayon.
May isang grupo kaming dadalhin sa kamatayan.
"Dior, move back." Bumalik si Dior sa unang pwesto niya ayon sa utos ni Hermés.
"B8 kainin mo ang pawn sa harap mo." Nakita ko kung paano nailang si Tiffany sa salitang ginamit ni tanginang Apollo.
Pero nanlamig ako nang makitang nananalo na sila.
"Fuck." Nagulat ako nang marinig na nagmura si Hermés, isang katibayan na natatalo na nga kami.
Alam kong galit siya sa nangyari sa pangalawang laro at alam kong hindi niya hahayaan na matalo ulit siya kay Apollo.
Hermés, kaya mo ito.
Please.
Alam kong wala nang magagalaw ngayon si Hermés dahil kahit queen palang ang nakabantay sa king namin, wala na rin naman nang kawala sa queen nila.
"B-B1 move to D2." Mapait akong napangiti sa sarili ko. Tinatanggap ko na ang pagkatalo namin.
"A8 punta ka sa B8," sunod ni Apollo.
Makaraan ang ilang minuto, nakita ko nalang ang sarili ko na niyayakap ni Prada ngayon. Tahimik lang sina Hermés at Dior sa gilid habang si Zeus ay nakatitig kay Gucci na umiiyak ngayon.
"Checkmate," bulong ni Apollo at tumulo ang luha sa mga mata.
Alam kong may pinoprotektahan siya sa grupo namin pero alam kong hindi niya rin kayang i-risk ang buhay nina Tiffany. Hindi niya siguro mawari kung nanalo nga ba siya o natalo. Gusto ko siyang yakapin kahit hindi ko alam sino ang pilit niyang inaalagaan sa amin.
"I'm sorry, b—" Bulong nito kay Dior at umiyak. Binigyan lang ito ng mapait na ngiti ng babae at saka niyakap.
"Huwag mo akong alalahanin, ano ba!" Iyak-ngiting sabi ni Dior at niyakap ang lalaking kaibigan. "Ang mahalaga, safe kayo! Okay na ako roon."
"I'm sorry, Hades," naluluhang sambit sa akin ni Hermés nang lapitan ko siya. Umiling ako at saka binigyan siya ng yakap.
"You did well, pare," bulong ko.
Pahinga na tayo, tropa.
"Well done, Black team!" Maligayang sabi ni Crow. "You have won the third challenge."
Mumultuhin ko talaga itong Crow na 'to.
"Don't be sad just yet, black team!" Napaangat ako ng tingin. "The four of you won't die. Just one!"
Para bang gusto ko nang halikan si Crow ngayon!
"The winning team plus Ms. Gucci will have to vote one out of the white team!" Nahulog ang puso ko roon.
Gusto ba nitong... patayin kami ng mga kaibigan namin?
"Hindi kami boboto!" Matapang na sigaw ni Ares habang nakakapit dito si Tiffany. Gusto kong mapangiti pero mas nangingibabaw sa akin ang lungkot. "Bullshit ka."
"Are you sure?" Bigla nalang akong naramdaman ng kuryente sa leeg ko! "Should I just kill them all?"
Nang mahulog ako sa sahig, nahagip ng mga mata ko na nakukuryente rin sina Dior, Zeus, at Hermés. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nagkakagulo na sila. Sigaw din sila nang sigaw.
"H-huwag kang lumapit!" Nagkaroon pa ako ng lakas lumayo kay Prada nang makita kong akmang lalapit ito sa akin.
"Ako ang pumatay!" Biglang sigaw ni Apollo na yakap-yakap si Dior ngayon. Tumigil na ang pagkukuryente sa amin at saka hinabol namin ang mga hininga namin.
"No, Apollo." Napapikit ako nang mariin sa sinabi ni Ares. Tiningnan niya muna ang grupo ko with apologetic eyes bago bigyan kami ng mapait na ngiti.
Ayos lang, Ares. Okay lang kami.
"Boboto kami." Hindi ko maiwasang lumuha nang sinabi niya ito.
Patayin niyo nalang ako.
Nakakapagod na.
"Let's vote now, shall we?"
- -
FLASHBACK
"Bakit nga ba ako sumama sa inyo?" Tanong ko sa mga babae kong kaibigan na tinitirintas ang buhok ng isa't isa.
Nandito kami sa bahay ni Chanel ngayon at kasama ko sina Zeus at Apollo. May gagawin daw sa org sina Achilles, Ares, at Hermés.
"Nagpapumilit kayo, remember?" Pagsusungit ni Gucci sa akin.
"The three of you are so makulit." Umirap si Prada.
Bakit ba galit itong mga 'to?
"Baka may dalaw sila, pre," bulong ni Apollo sa akin kaya napatingin si Dior, nakataas ang kilay.
"Awit." Natawa ako sa kanya.
"Wala akong sinabi, Dior!" Pang-iiwan ko sa ere kay Apollo. "Si Apollo 'yon!"
"Hoy, tangina mo!" Binatukan ako ni Apollo kaya kumuha ako ng unan na malapit sa akin at saka pinalo ito sa kanya.
Gumanti rin si loko at kinuha ang unan na yakap-yakap ni Zeus ngayon at ipinalo sa akin. Tulog kasi si Zeus kaya nagising siya sa nangyari at masama kaming tiningnan.
"Parang mga bata." Tumawa si Tiffany habang pinapanood kami. Ang mature nga namin tingnan ngayon.
"Speaking of bata, parang gusto kong magka-baby," biglang pagsha-share ni Prada kaya napatingin ako sa kanya. Aba, dapat ako ang ninong! Kapag kinasal siya, ako dapat ang man of honor!
"Tataguan ko 'yan tuwing pasko," natatawa kong pagbibiro sa kaibigan ko. Kapag naging businessman ako, iso-spoil ko ang magiging anak ni Prada. Pangakon 'yon!
"Who told you that I'll make you a ninong?" Pagtataray nito sa akin.
"Bars, pare!" Tinawanan ako ni Zeus at saka binato ako ng unan. Sinamaan ko ito ng tingin at binato ang unan pabalik sa kanya.
"Hingi ka kay kuya Achi." Walang hiyang sagot ni Yves. Namula naman itong marupok kong kaibigan! Ayon kasi kay Yves, boto siya kay Prada.
"Uso ba na label ang fubu?" Tanong ni Dior kaya natawa ang gagong si Apollo. Porke, parehas sila ng gusto!
Pero nitong mga araw, parang nag-lie low na sila.
"Dior, itigil mo," saway ni Tiffany sa kanya. "Wala na akong natirang alak dito pampa-inom kay Prada."
"Basta ako, I don't discriminate labels!" Proud na sabi ni Dior at itinaas ang isang kamay na parang nanunumpa.
END
- -
Kaya hindi ko mapatawad si Achilles nang nalaman kong nakunan si Prada. She suffered a miscarriage with their kid.
Hindi ito deserve ng grupo namin. The crows should have kissed Achilles' death.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro