Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DIECINUEVE

˚˚. HADES


Nakakakita rin ako ng araw.


Saang lugar ba ito? Maliwanag ang paligid... parang nasa sapa kami at sariwa ang hangin. Sigurado ba kayong penalty ito? Ang sarap sa pakiramdam, e!


Nakatali ang leeg namin sa isang poste pero mahaba naman ang tali na ito. Chain ang ginamit na panggapos sa leeg namin. Medyo magkakalayo ang mga poste namin sa isa't pero sapat naman ang haba ng mga tali para makalapit kami sa isa't isa.


Ano ba ang gagawin?


Nabaling ang tingin ko kay Prada na takot na takot ngayon. Parang nilalamigan din siya. Mahangin naman talaga ngayon... parang uulan. Nasa labas ba talaga kami ng shithole na 'yon?


Si Apollo naman ay... tumitingin sa paligid. Mukhang may balak itong tumakas, ah. Charot, may jowa pala si Apollo. Pero, wala namang bakas ng sibilisasyon sa lugar na ito. Parang nasa gitna kami ng kawalan.


Si Ares naman ay nakatingin sa amin na tila bang nag-aalala sa estado namin. Ganoon naman talaga siya... siya ang tatay naming lahat. Hindi nga ako magtataka kung magsasakripisyo siya, e.


"Greetings, little ones!" Napatalon ako sa pwesto ko nang marinig si Crow. Puta... may speaker pa rin dito? "Welcome to the elimination round!"


Dapat ba akong matuwa?


"Your challenge is to find the key to the chain attached to your neck. This is your ticket out of this elimination round," pagpapaliwanag nito. "If you try to remove the chain without the key, one of you will die. You have thirty minutes."


"I hope the crow would not kiss your death," dagdag niya. "Good luck!"


Una kong pinuntahan si Prada na ginaw na ginaw. Tangina ba naman kasi nitong si Crow, ipagsusuot ng sando at shorts si Prada. Ganoon din naman ang suot naming tatlo nina Ares at Apollo pero dapat pinalitan ni Crow ito!


"Ayos ka lang?" Tanong ko at niyakap siya para maibsan ang lamig na nararamdaman niya. Naramdaman ko ang pagtango niya pero pinagpatuloy ko lang ang pagyakap sa kanya nang ilang segundo.


"Hahanapin natin ang susi natin, okay?" Sigaw ko para marinig nina Ares at Apollo. Tumango ang dalawa sa akin. "Makakaalis tayong tatlo rito nang buhay."


"Syempre naman, pre," sagot ni tanginang si Apollo. "Baka ma-miss mo ako sa university, e."


Pinakyuhan ko siya at lumayo para hanapin ang susi ko. Kung hindi ko mahanap ang akin, basta mahanap ko lang ang sa kanila. Hindi na ako selfish ngayon... napagtanto ko na parang hindi ko sila kaibigan base sa mga inakto ko noon.


Pumunta muna ako sa may mga nakatanim. Maliit panigurado ang susi kaya hindi ito nakikita ng mata. Puta, parang ang konti lang kasi ng thirty minutes. Mukhang thirty minutes ko lilibutin ang mga nakatanim dito... Baka hindi rin ako makahanap ng susi ng iba.


Parang ako ang magtatanim ng sama ng loob.


Yumuko ako at nagsimulang maghanap. Dapat naka-bend ang katawan mo rito dahil mababa ang mga tanim. Ginamit ko ang kamay ko para makatingin sa lupa, nagbabaka-sakaling may makikita akong susi roon. Ang sakit pala sa likod! Punyeta!


Bumalik ang tingin ko kina Prada at Apollo, pinagmamasdan ang ginagawa nila. Si Prada ay... naliligo sa tubig?! Baka naman naghahanap siya ng susi roon. Mukhang mababaw lang, e.


Si Apollo naman, sa kabilang banda, ay nagbubungkal ng lupa. Mukhang naghahanap siya ng treasure box na nakabaon doon. Isasangla siguro 'yung susi. 'De, biro lang. Kasama pa nga niya si Ares.


Itinuon ko pabalik ang atensyon ko sa paghahanap ng susi ko. Napakunot ang noo ko sa inis dahil wala akong nahahanap! Paniguradong sampung minuto na ang nakalipas. Ang lawak pa naman ng lugar na ito!


Mukhang ayaw talaga kaming iligtas ni Crow.


Ano ba ang itsura noong susi? Baka katulad 'yon noong isinuka ni Chanel. Ano ba 'yan? Naalala ko nanaman siya! Tangina, ang sarap uminom ngayon.


Speaking of inom, parang nauuhaw ako. Parang gusto kong inumin ang tubig sa sapa.


Marahan kong pinigilan ang sarili ko dahil alam kong paubos na ang oras ngayon. Unti-unti na rin akong nakakadama ng pagod. Ang sakit talaga ng likod ko! Pakiramdam ko nabawasan ng sampung taon ang life span ko!


Bata pa naman ako, ah? Pero bakit parang nakatatanda itong ginagawa ko?


"Malaya na ako!" Napalingon ako nang makitang nakangiti si Apollo na lumalapit sa akin. Wala na ang chain sa leeg niya kaya napahinga ako nang malalim. Masaya ako na kahit isa lang sa amin ay ligtas. Pero, sana si Prada rin.


"Hoy, nice!" Pakikipag-apir ko sa kanya. "Saan mo nahanap?"


"Kanina pa ako naghahanap sa buhanginan." Natawa si Apollo sa sinasabi niya. "Nasa ilalim lang pala ng puno."


"Pwedeng makita ang susi?" Tanong ko at tumango siya. Mayroon siyang kinuha sa bulsa niya at ipinakita sa akin ang isang gintong susi. Hindi siya katulad noong sa pangalawang challenge namin.


"Okay, salamat," sabi ko at tinuro sina Prada at Ares gamit ang nguso ko. "Tulungan mo sina Prada at Ares maghanap, tol."


"Papunta nga rin ako sa kanila, pre." Tinapik ako nito sa balikat. "Good luck! Tulungan kita mamaya."


"Unahin mo sila!" Saway ko sa kanya. "Kaya ko na 'to!"


Sa totoo lang, hindi ko kaya.


Ang lawak nitong lugar tapos ganoon kaliit ang susi na hinahanap. Pero, bawal akong tumigil. Gusto ko pa makita at makasama ang mga kaibigan ko. Kahit kulang na kami.


Wala akong choice kundi magpatuloy na hanapin ang susi rito sa pwesto ko. Basta ang alam ko, hindi naman sobrang kalayuan ang kinaroroonan ng susi dahil sa haba ng tali namin. Kung hanggang saan lang ang tali, doon lang ang susi.


Talino mo, Hades. Shet.


Nagpakawala ako ng sigaw dahil sa sakit ng likod ko. Mama, ang sakit!


"Hades!" Sigaw ni Ares sa kalayuan na kasama sina Prada at Apollo ngayon. Nag-aalala silang nakatingin sa akin. "Ayos ka lang?!"


"Oo!" Sagot ko pero lumapit pa rin si tanginang Apollo sa akin. Dapat kay Prada siya! Bumalik ka, gago!


"Hoy, balik!" Saway ko sa kanya at pilit siyang pinapaalis. "Mas kailangan ka ni Prada! Paubos na ang oras!"


"Tutulungan kita for five minutes." Napamasahe sa sentido si Apollo. Mukhang pagod na rin siya. "Tapos, babalik ako kina Prada at Ares."


"Pero-" Magsasalita sana ako nang inunahan ako ni Apollo.


"Doon ka sa dulo tapos dito ako, okay?" Tumango ako kay Apollo at pumunta sa dulo ng kinaroroonan namin. Pinigilan ako ng tali kong makalayo pa kaya roon ka napagtanto na hanggang dito lang ang kaya ko.



Matapos ang ilang minuto ay nahanap na ni Ares ang susi niya. Tinulungan na rin niya kaming maghanap ng susi namin ni Prada.


Pero ngayon, nagmamadali na akong maghanap. Nauubos na ang oras at hindi pa rin kami nakakawala ni Prada. Kailangan kong bilisan ang paghahanap sa susi ko para matulungan ko rin siya.


Bawal ako madala sa sakit ng likod ko ngayon.


Napapakanta ako sa isip ko ng 'It's about drive, it's about power' habang madali kong hinahanap ang susi ko. Natataranta ako, punyeta! Muntik pa akong madapa rito dahil medyo madulas.


"Hades!" Tawag sa akin ni Ares. "Nahanap mo na ba?"


"Hindi!" Sigaw ko pabalik habang nakatuon ang atensyon ko sa kinaroroonan ko. Pakiramdam ko limang minuto nalang! Tangina, si Prada pa!


Makaraan ang ilang segundo, lumiwanag ang mata ko nang makakita ng nangniningning sa gilid. Nagmadali akong lumapit at napangiti nang mapagtantong susi ito! Tinawag ko si Apollo at winagayway ang susi na hawak ko.


"Dali, subukan mo!" Tumakbo siya papunta sa akin para makita kung gagana ba sa akin itong susi. Sana hindi...


Sana kay Prada ito.


Dahan-dahan kong ipinasok ang susi sa lock at nagpakawala ng buntong-hininga nang lumuwag ang gapos ko sa leeg. Hindi kay Prada ito... pero tangina, hahanapin namin! Aalis kaming tatlo rito at babalik kami sa mga kaibigan namin.


"Hay, salamat." Hinihingal na sambit ni Apollo at tinapik ako sa balikat. "Halika, tulungan na natin si Prada!"


Tumakbo kami papunta sa babae naming kaibigan na patuloy pa ring naghahanap. Unti-unting nawawasak ang puso ko nang mapagtanto na hindi niya pa mahanap ang kanya.


Kinuha na si Chanel sa akin. Huwag naman sana pati si Prada.


"Doon ako maghahanap." Turo ni Apollo sa kalayuan at tumakbo papalayo. Si Ares ay tahimik na naghahanap din.


Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil natataranta akong hinahanap ang susi ni Prada. Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.


"Five minutes left!" Anunsyo ni Crow kaya mas lalo akong nataranta.


Nanginginig na rin ang kamay ko at hinahabol ko ang hininga ko dahil sa panic. Hindi ko na rin nagawang tumingin kay Prada dahil nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap ng susi niya.


Natigilan ako nang hawakan ni Prada ang kamay ko. Pagkatingin ko sa kanya, binigyan niya lang ako ng mapait na ngiti. Ayaw ko... ayaw kong tanggapin.


May oras pa, Prada.


"Apollo, Ares! Nahanap niyo na ba?!" Naiiyak kong sigaw sa dalawang lalaki na sumagot ng 'hindi' pabalik. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinagpatuloy ang paghahanap.


"Prada, tumingin ka roon." Turo ko sa isang gilid. Tumango siya at sumunod sa mga sinabi ko. Kanina pa ako nakakaramdam ng pagod pero hindi ko nalang pinapansin dahil mayroong mas mahalaga akong dapat gawin ngayon.


Napasabunot ako ng ulo ko dahil sa inis. Wala akong makita na susi rito! Tangina, baka mamaya wala naman talagang susi para kay Prada?! Suntukan kami ng tanginang Crow na 'to!


Ang sakit na talaga ng likod ko.


"Time is up!" Nanghina ang tuhod ko nang sambitin ito ni Crow. Mas lalong tumulo ang mga luha ko habang niyayakap lang ako ni Prada.


Tangina naman?


Sumisikip ang dibdib ko nang napagtanto na hindi ko makakasama si Prada umuwi. Ang best friend ko... maiiwan dito. 'Yung isa sa mga kaunting tao na tumanggap sa akin ay wala na rin. Ano nalang ako ngayon?


"P-prada..." Iyak ko habang niyayakap ko siya.


Nakita ko paano tumalikod sina Apollo at Ares at humikbi. Mahalaga si Prada sa amin... siya ang kaibigan kong hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino. Alam niya ang buong buhay ko... para na rin akong tinanggalan ng karapatan sumaya.


Crow took both of my lives away from me.


"Patawarin mo ako..." Bulong ko habang nakayakap sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iling niya at mas lalo na ang mga luha niyang tumutulo sa balikat ko.


"Sorry, hindi namin nahanap..." Naluluhang sambit ni Ares kay Prada kaya naman bumitaw ang kaibigan ko sa akin at saka niyakap ang dalawang lalaki.


"Mahal ka namin." Lumapit ako sa kanila at saka nagyakapan.


Ang daya ng mundo. Wala ba akong karapatang lumigaya? Pati ba naman ang mga natitira kong kaibigan, kukuhanin na rin sa akin?


Kung sino ka mang sasamahan nina Chanel at Prada sa kabilang buhay, ingatan mo sila, please? Hindi ko sila inalagaan noong buhay sila para lang masaktan kahit nasa kabilang buhay na.


- -


FLASHBACK


"Who you?" Kumunot ang noo ko sa babaeng nasa harapan ko. Mukhang mas bata siya sa akin nang ilang taon. Pero, bakit ang sungit niya?


"Ako si Hades," sagot ko sa kanya, nagtataka kung may ginawa ba akong masama sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasang ngumuso! Ayaw kong may masama ang loob sa akin! "Anong... pangalan mo?"


Sabi ni mama na makikipagkita raw siya sa kaibigan niya at kasama raw ang anak niyang babae. Maraming kaibigan si mama pero mabait naman ang mga anak nila! Bakit ang taray nito?


"I'm Prada!" Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. "I'm six years old!"


Mas bata nga sa akin.


"Seven ako!" Lumawak ang ngiti ko nang inaya niya ako maglaro katapos. Magkakaiba kami ng hilig pero na-enjoy naman namin ang presensya ng isa't isa. Hindi na kami nalayo sa iba pagkatapos noon.


"Do you want neon balls?" Tanong nito sa akin. Napakurap tuloy ako sa kanya... Hindi ba kwek-kwek ang tawag doon?


Ang cute namin noon. Pero, tangina, anong nangyari sa amin ngayon?


"Prada, huwag ka ngang uminom!" Saway ko sa kanya habang inilalayo ang bote ng alak sa kanya. Kanina pa lasing ito! May exam kami bukas, e! "Kahit anong inom mo, hindi magbabago na hindi ka mahal ni Achilles."


Binatukan ako.


"Such a friend you are!" Inirapan pa nga ako!


Napamasahe ako ng sentido at binantayan nalang ang mga lalaking akmang lalapit sa kaibigan ko. Inilalayo ko nga itong si Prada sa mga mangagago sa kanya, siya naman itong pinagpipilitan ang sarili niya kay gagong si Achilles.


Simula noong una naming pagkikita, madalas na kami ang magkasama. Mabuti nga ay parehas kami ng school noong HS! Nakilala ko rin sina Apollo at naging magkakaibigan na kami lahat. Doon ko rin nakilala ang bebe loves ko.


Naalala ko paano ako inasar-asar ni Prada kay Chanel kaya na-fall tuloy ako! At ito namang si Prada ay nahulog kay Achilles.


Pinanood ko ang kaibigan ko na magpakatanga roon sa lalaking wala namang ibang habol sa kanya kundi sex. Wala akong problema sa pagiging fuck buddy nila. Ayaw ko lang na nahuhulog na si Prada pero wala siyang ginagawa.


Pero, hindi ko napigilan ang galit ko noon nang malamang nakunan si Prada ng anak nila ni Achilles.


END


- -


Pagkurap ko, wala na kami nina Apollo at Ares roon sa sapa. Nakaharap kami sa isang screen kung saan nakikita namin si Prada na nakatali sa poste.


Ang sama kong kaibigan.


"Tol." Umiyak ako sa yakap ni Apollo. Hindi ko kayang tingnan si Prada ngayon. Kasalanan ko lahat ito! Ako ang pumatay sa kanilang lahat!


"Patawarin mo ako..." Iyak ni Ares.


Ang dami kong pinagsisisihan sa buhay ko. Pero, hindi ko naman inakalang ganito ang kabayaran sa mga ginawa ko.


Prada, pakiyakap si Chanel para sa akin.


Mas lalo akong naiyak nang marinig ang mga sigaw ni Prada. Naramdaman ko rin na tumingin sa malayo si Apollo. Tumutulo rin ang mga luha niya.


Nang tumingin ako sa screen, nakikita kong kinakain ng mga uwak ang katawan ni Prada. Binaling ko ang tingin ko... hindi ko kayang panoorin ito. Nanghihina ako at nanginginig.


Makaraan ang ilang mga minuto, hindi ko na nakitang huminga si Prada.


Paulit-ulit kong minumura si Crow sa isip ko. Pero, tangina, ako pala ang dapat na murahin. Kung hindi dahil sa akin, buhay pa ang mga kaibigan namin.


"The crows literally kissed Prada her death. She is an innocent."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro