📃MALAYO📃
Story Title: Malayo
By: Peterpalabuk
Title/Cover:
Malayo, at first simple lang ang cover, though ang hula ko base sa genre, fantasy, nandoon na yung magiging expectation ng reader ni author.
Gaya na lang ng model na girl tipong RPG game inspired ang nabuong idea ni author, which is binase ko sa comment ni author na hilig niya ang pagguhit ng animes.
Iyon nga lang medyo confusing kasi pagkabasa ko sa unang chapter, oh its a point of view of a guy pala, kasi girl yung model sa book cover. Pero kung may malaking parte yung model sa book cover, walang problema iyon.
Another thing, yung font na napili ay tamang-tama lang hindi mahihirapan basahin ng readers ang title ng book title.
Blurb/ Description:
Intriguing ang simula, kudos kay author kasi akala ko sa title MALAYO, ang hula ko ulit lugar siya, another parallel universe, pero hindi, kasi mga tao pala o pangkat ito ng mga nilalang.
Nagustuhan ko ito: "Anong saan ka 'dyan? Sino kamo. Egdar, sila yung mga nilalang na nasa pagitan ng narito, at nanduon, 'yung mga nariyan ngunit nanatiling malayo sa ating mga mata. Malayo, ganuon brad! Oo, magulo!"
Para sa akin para siyang brain teaser na nang-aakit basahin pa lalo, kaya congrats kay author kasi na-pique mo pa ang interes ko na magbasa pa sa mga susunod na kabanata. At aasahan mo na dahil sa iyong patikim na teaser, hindi malabong mapapansin ng marami ang gawa mo, patience lamang at keep loving what you are doing, mararamdaman 'yan ng mga magiging reader mo.
May maliit na napansin lang ako doon sa kaninang linya na inihalimbawa ko po. Halimbawa yung: "nasa pagitan ng narito, at nanduon," Napansin ko yung word na 'nanduon', na dapat ay 'nandoon', at naulit pa po sa isa o ibang word gaya nito: ' Malayo, ganuon brad!', na dapat yung salitang ganuon ay dapat 'ganoon'.
Iyon lamang ang napansin ko, na napapagpalit mo po yung 'O' to 'U'. I consulted someone na normal lang daw iyon kasi siguro may tinatawag na 'punto' sa pananalita ang ibang tao. Napapansin ko rin kasi iyan sa kaibigan kong bisaya. Pero puwede pag-aralan iyan, small error lamang.
Content:
Feeling ko naman professional na itong si author sa pagsusulat. Wala kang mapapansin na mali sa grammars niya, lalo na at tagalog pa ang gamit niyang medium sa pagsasalaysay, unusual na lang makahanap kasi ng mga uprising writers na tulad niya, kadalasan kasi patalbugan na lang sa inglesan. Maganda na hindi nababalewala ang wika natin. Hindi niya nakakalimutan maglagay ng kudlit (') sa bawat pinaiksing salita na ginamit niya. Kadalasan na-o-overlooked 'yan ng karamihan.
Feel good ang naramdaman ko sa unang chapter, hindi siya yung tipong may drama agad, may misteryo agad, yung tipong welcome na welcome ang sinomang gustong magbasa sa istoryang nilikha niya. Yung tipong kapag kumakanta ka may 'level of intensity' na tinatawag ang isang singer, na puwede mo ring ihalintulad sa pagsusulat. Na ganito easy muna huwag muna biglain kasi baka sa sobrang daming misteryo na sa unahan pa lang, mawawalan na ng laman ang kalagitnaan at ang katapusan, which is dapat doon matatagpuan ang thrill and excitement, of course pati na rin ang resolution part dapat nakapaloob doon sa dalawang parte na iyon. Kapag resolution part, iyon yung magpapaayos sa problemang kinaharap ng character, nandoon yung development ng character. Kaya good job ka po doon for keeping it light that way!
Characterization/ Technicalities
My favorite part! Edgar's sense of humor, of course! I couldn't help but imagine his facial expression tuwing may pun siyang naiisip in his mind na talagang ang witty-witty at walang katulad! Madalang na rin ang author na nag-u-umpisa sa point of view ng isang male lead sa istorya kasi promise 'ranas ko na 'yan, sinubukan kong mag POV yung male lead ko, tapos syempre babae ako, baka maapektuhan yung character build-up ng male character ko dahil sa ako yung nag-na-narrate ng point of view nito, kaya kailangan talaga ng experiment muna at limit! Sobrang limit lalo na at opposite gender ang ginagawan ko ng POV haha! Ayoko namang maisip na bakla 'ata itong male lead ni author hahahaha! Kaya po para kay author kapag naisipan niyang gawan ng POV si Eriz, same lang din ang magiging advise ko, na-limitahan. Though maraming male authors ang mas expert na sa paggawa ng pov for female leads at iyon ang magiging big challenge kay author kung sakali lang naman.
Woooo, ang dami ko pa talagang i-point out, gaya nung nag-trip down to memory lane ako, kasi sa pagpsok ni Edgar sa school, I miss my old Alma mater all of a sudden, the chairs na pinapansin niya.
Lastly, dahil hindi taga-dito sa mundong ito si Edgar, mabilis siyang nakakapag-adapt sa surroundings niya gaya na lang kung paano raw makipagkilala sa isang tao, lalo na nung inihalimbawa niya na oo, may iba't ibang paraan din ang mga hayop kung paano sila magpakilala, na-curious naman ako kung ano naman ang way niya kung paano ang way nila kung nandoon na sa mundong pinanggalingan niya, which will definitely intrigue a lot of curious minds of course!
Overall Impression:
Mapapansin namang marami ka ng nai-post na kabanata, I'll give you a 9.
Thank you, for choosing me to criticize your masterpiece, Peterpalabuk!
-PANDITUDE
Get ready kushikimika_03 for the extra critique...
Extra/Bonus Critique
Dahil Extra lang naman ito, hindi ko na ito pahahabain pa. Para lang masabing mahaba. Hehe.
Nabanggit na ng napili mong Critic Admin, ang isa sa mga napansin niya sa kwento mo, which is yong O nagiging U.
So, may idadagdag lang naman ako.
*nakausap-naka-usap
*paguusisa- pag-uusisa
*amang - Amang
Hindi ko na kailangan pang banggitin, ang ibang nakita kong mali, dahil halos pare-parehas naman sila.
Ito na lang. Sinumulan mo ang kwento mo sa napakagandang pagpapakilala sa bida, mula sa kung sino siya, kung ano siya, at ipinakilala mo siyang mabuti sa aming mga readers mo. Which is GOOD POINTS po iyon para sa akin.
But how about the others?
May iba kasing mga mambabasa na boring ang mga ganong eksena para sa kanila. So, suggest ko na lang na maybe. Iliko din muna natin ang ILAW kay EDGAR at ilihis ito sa ibang MAIN CHARACTER ng kwento, para hindi lahat ng build-up sa Character, ay naka'y Edgar.
Napansin ko din na laging si NUNAL, ang bida sa deskripsiyon mo sa mga tao sa paligid(Hehe.) Kidding, pero sana kapag iyong isa ginamitan mo na ng nakakairitang NUNAL na yan, siguro iyong isang character na lang PIMPLE na lang. (haha). Iyon lang naman.
Overall, maganda ang kwento, kahit hanggang Chapter 2 lang ako.
Keep up the Good Work :)
-kushikimika_03
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro